HBW-5

1714 Words
Daxen POV Kakauwi ko lang galing eskwelahan ng madatnan kong nag uusap sina Mommy at Daddy. Nagtaka naman ako dahil mga mukha silang problemado at parang mga hindi mapakali ang kanilang itsura. "Hi Mom! Hi Dad!" Bati ko sa kanila pagkapasok ko. Lumingon naman agad si Mommy sa gawi ko at ngumiti ng pagka tamis-tamis. She likes that super lovable and jolly. "Anak. Mabuti naman at dumating ka na," bati ni Mommy sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid. Si Daddy naman ay halatang malalim ang iniisip. Hinubad ko muna ang sapatos ko saka inilagay sa shoerack at nagsuot ng pambahay na tsinelas. Lumapit ako sa kanila saka inabot ang kamay upang magmano tanda ng paggalang. Humalik din ako sa pisngi nilatanda ng respeto at pagmamahal ko para sa kanila. "Nasaan po sina Jayden at Kayden?" Tukoy ko sa kambal kong kapatid. Himalang hindi sila sumalubong sa pagdating ko. Kadalasan papasok pa lang ako sa pintuan ay sumasalubong na sila sa akin dahil kabisado nila ang oras ng pag uwi ko kaya lagi akong may dalang pasalubong para sa kanilang dalawa. "Nandoon sa kwarto anak, mga tulog dahil napagod sa paglalaro maghapon," sagot ni Mommy pagkatapos ay tumalikod na at dumiretso na sa kusina. "Ganun po ba, sige Mom. Magpapalit lang po muna ako ng damit pambahay." Paalam ko at patakbo na akong tinungo ang hagdan paitaas. Dahil malagkit na ang pakiramdam ko sa aking katawan ay napagpasyahan kong maligo na muna. Pagkatapos na maligo ay nagbihis na ako. Bago ako bumaba ay dumaan muna ako sa mga kapatid ko na nasa kabilang kwarto na katabi lang din ng kwarto ko. Mahimbing na natutulog ang dalawa kaya naman dahan-dahan akong sumampa sa kama para kintilan sila tig-isang halik sa kanilang noo. Naramdaman siguro nila ang presensya ko kaya nagising at dahan-dahan na iminulat ang kanilang mga mata. "Kuya pasalubong ko?" Si Jayden na halata sa boses na bagong gising. Natawa naman ako sa bungad ng bunso kong kapatid. Bunso ko siyang ituring dahil sabi ni Mommy si Jayden daw ang huling lumabas ayon sa sinapupunan ni Mommy. Hinawakan ko siya sa ulo at ginulo ko ng bahagya ang buhok. "Ikaw talaga pasalubong agad ang hinahanap mo. Hindi mo pa nga hinalikan si Kuya sa pisngi, pano ko ibibigay ang pasalubong ko niyan?" Kunwari ay nagtatampo ang boses ko at bahagya akong lumabi. Bumangon naman si Jayden at hinalikan agad ako sa pisngi. Sunod na nagising ay ang isa ko pang kapatid na si Kayden. "Nandito ka na pala Kuya Daxen, yung pasalubong ko asan na Kuya?" sabi naman ni Kayden habang kinukusot ang mga mata. "Kayo talaga… parehong pareho talaga kayo. Nandun sa kwarto ko ang mga pasalubong ninyong dalawa. Mga tulog kasi kayo ng dumating ako kaya ayun hindi ko kaagad naibigay sa inyo." Natatawa na sabi ko. Halatang antok pa sila base sa mga matang mapungay. Hikab pa ng hikab pero hindi ko na sila hinayaang matulog ulit. Inaya ko na sila pababa para sabay sabay na kaming kumain ng dinner. Nasanay ako na sabay sabay kaming kumakain lalo na kapag dinner dahil kumpleto kami dito sa bahay. Mas marami sa hapag-kainan. Mas masayang kumain. Sabay-sabay kaming bumaba sa hagdan. Naghahabulan pa ang dalawa kong kapatid kaya sinaway sila dahil baka mahulog pa. Nakinig naman agad sila sa akin. Pagkababa namin ay dumiretso na agad kami sa kusina at sakto naman na nakahain na ang mga pagkain sa hapag-kainan. Nakaupo na rin doon sina Mommy at Daddy. "Wow ang bango at ang sasarap naman ng pagkain!" Bulalas ng kambal. Umupo agad sila kani-kanilang upuan. Ako naman ay umupo na rin sa tabi nila katapat ng upuan ni Mommy. Si Daddy naman ay nasa upuan ng pang padre de pamilya. "Oh! Dahan-dahan. Wag mag unahan at baka matumba kayo." Saway ni Mommy sa kambal. "Nasaan po si Aling Martha, Mommy?" Tanong ko. Si Aling Martha ay ang tagalinis at taga-luto namin dito sa bahay lalo na at wala si Mommy. Dalawa lang ang katulong namin sa bahay. Si Aling Martha at si Suzzy. Hindi naman mansyon ang tinitirhan namin. Sakto lang para sa aming pamilya. Meron din naman kaming maid's room. May theater din na pwede kaming mag movie marathon at meron din akong sikretong dark room sa loob mismo ng kwarto ko. Kadalasan ay doon ako nakatambay kapag gusto kong makinig ng malakas na musika. At lalo na kapag gusto ko ng tahimik na lugar lalo na sa pag aaral at pagbabasa ko ng ilang paborito kong libro. Pero hindi ko pa ito ginagamit sa ibang bagay. "Nagpaalam lang saglit anak, babalik din daw bukas ng umaga. Si Suzzy naman ay may binili lang sa grocery baka maya-maya ay nandito narin iyon." Sagot ni Mommy habang nilalagyan ng pagkain sa plato ang kambal kong kapatid. Napatingin naman ako kay Daddy. Naninibago ako sa pananahimik ni Daddy ngayon. Kadalasan ay mas maingay pa sa akin si Daddy kapag nasa hapag kainan. Madalas din siyang magkwento tungkol sa trabaho niya sa company. "Ikaw Dad? Kamusta po ang trabaho sa kumpanya? Overload po ba?" Pabirong wika ko pa kay Daddy. "Ayos lang naman anak, basic lang iyon sa Daddy mo." May pagmamayabang na sagot sa akin ni Daddy. Ngumiti saglit pero agad ding napalitan ng pagka seryoso ang itsura kaya naisipan kong tanungin na siya. "Dad, may problema ba?" Nagtatakang tanong ko. Bumuntong hininga agad si Daddy kaya natunugan ko na meron talagang problema. "Anak." "Yes, Dad." Agad na tugon ko. "May pakiusap sa akin ang Señora Susan mo." Bungad ni Daddy. Napakunot naman ang noo ko at napaisip agad. Ano naman kaya ang dapat ipakiusap ng isang mayamang pamilya sa tulad namin? "What is it Dad?" Tila walang ganang tanong ko saka isinubo ang kutsarang may laman na pagkain. Napasulyap naman ako kay Mommy. At Maging si Mommy ay naging seryoso na din ang itsura. Ang kambal lang yata ang walang ideya sa nangyayari sa paligid namin dahil dire-diretso ang subo ng pagkain habang sarap na sarap pa. "Anak, nakiusap sila na kung pwede daw ay pakasalan mo ang anak nilang babae." Si Mommy na ang nagsalita. Nagulat siya sa sinabi ni Mommy. Napainom agad ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Ang anak ni Ma'am Susan? Yung babaeng bastos at walang modo!" Agad na sinabi ko ng makabawi ako. Medyo napalakas pa ang boses ko kaya pati atensyon ng kambal ay napunta sa akin. Bakit naman nila ipapakasal kaagad ang anak nila? At bakit sa dinami dami ng lalake ay ako pa ang napili nila? "Anak, wag ka namang magsalita ng ganyan sa anak ng Señora." Saway ni Mommy sa akin. Bakit hindi? Totoo naman ang sinabi ko, na bastos ang babaeng iyon at walang modo. Kaya nga laging laman ng guidance yun dahil laging nakikipag-away. Nakikipagsapakan pa! "At pumayag po kayo?" Muling sabi ko. Hinihiling ko naman na sana ay hindi sila pumayag. Sana ay hindi nila pangunahan ang desisyon ko. Nagkatinginan muna sina Mommy at Daddy bago tumingin sa sabay pa na tumango. "What?" Tumaas na ang boses ko. Nabitawan ko rin ang kubyertos na hawak ko. Nagulat pa sila sa inasal ko pero anong magagawa ko. Kalayaan ko na ang nakasalalay dito. "Mom and Dad naman… Bakit po kayo pumayag?" Naiinis na sisi ko sa kanila. Napa Kuyom na ang kamao ko. Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog ang galit ko. "Pasensya kana anak, alam mo naman na malaki ang utang na loob natin sa pamilya Cordoves. Ang lahat ng narating natin at kung anong meron tayo ngayon ay dahil sa tulong nila. Ang pag aaral mo at maging ang kumpanya natin ay–" Hindi ko na pinatapos ng sasabihin si Mommy. "I know Mom… no need to repeat that again." Malamig na turan niya. Tila nawalan ako bigla ng gana sa pagkain. Walang imik akong tumayo at dire-diretsong umalis sa mesa. Ayan na naman sila sa utang na loob na yan. Pero sapat na ba yun para hawakan nila kami sa leeg? Noon pa man ay alam ko na ang bagay na iyon. Noon pa man ay sunod-sunuran na ako at ni minsan ay hindi ko sila sinuway sa lahat ng kagustuhan nila. Pero syempre, iba na ngayon. Pinanghihimasukan na nila ang personal kong buhay. Ano naman kayang naisipan ng Senyora at naisipan na ipakasal agad ang nag iisang anak nila? "Daxen, saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain anak," tawag pa sa akin ni Mommy. Halos lahat sila ay tinatawag ako pero hindi ko na muna sila pinansin. Sa ngayon ay gusto ko munang mapag-isa. Iisipin ko pa lang na makakasama ko ang babaeng yun sa isang bubong ay sumasakit na kaagad ang ulo ko. Nakatulog na lang ako sa pag iisip sa bagay na sinabi ng mga magulang ko. Nang magising siya kinaumagahan ay wala na akong nagawa ng kausapin ulit ako nina Mommy at Daddy. Pakiusapan ako na sundin ko na lang daw ang kagustuhan ng Senyora dahil wala naman daw mawawala sa akin dahil lalake ako. After a year at kung wala pa rin daw kaming nararamdaman para sa isa't isa ay pwede na raw ko na daw itong hiwalayan. Hindi ko maintindihan ang nais palabasin ng mga magulang ko. Ano ang tingin nila sa kasal? Kanin na pwedeng iluwa kapag napaso ka? Napapailing na lang ako. Minsan talaga ang hirap din intindihin ng mga magulang natin e. Sinabi din nila na ngayon kami pupunta sa mansyon ng Cordoves upang mapag-usapan kung kelan ang kasal. Sa huli ay wala rin akong nagawa at napilitang pumayag na lang dahil baka bawiin ng mga Cordoves ang lahat sa amin kapag tumanggi ako. May choice ba pa ba ako? Sigurado naman akong hindi kami magtatagal ni Caroline kaya madali ko lang itong mapapapayag na makipaghiwalay. Saka ko na lang iisipin ang consequences ng bagong buhay na tinanggap ko. Nagsuot ako ng formal attire. Nag-ayos din ako ng aking sarili. Kahit labag sa kalooban ko ay ayaw ko naman na ipahiya ang mga magulang ko. Nananatiling malaki pa rin ang respeto ko sa kanila. Besides mga magulang din naman ni Caroline ang may gusto. Ibabalik ko lang ang utang na loob namin sa kanila. At sana pagdating ng panahon ay matapos na ang walang hanggang utang na loob namin sa pamilya Cordoves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD