“Oh akala ko ba dadaan ka sa Construction site ng bahay mo?” Nag tatakang tanong sa akin ni danielle. Nandito na kasi kami sa KFC at nag tatanghalian. Kakatapos lang kasi namin mag laro sa arcades kaya eto mga gutom kami.
“Nahh. Ihahatid ko nalang kayo ni MJ tas didiretso na muna ako sa Navotas. Dadalawin ko sila lola doon.” Dahilan ko sabay subo ng rice. Gusto naman sumama ni MJ pero di pwede kasi dahilan ko lang yung pag punta ko sa mga lola namin.
“Sama ako ate. Pwede ko naman na gawin yung mga homeworks ko pag uwi natin eh.” Sabi pa ni mj pero di talag pwede.
Pag tapos namin kumain ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto saka kami tumayo at pumunta sa parking.
Tahimik lang kami sa loob ng Sasakyan at hindi nag iimikan. Si Danielle busy sa pagtingin sa labas ng bintana. Si MJ naman nag babasa ng libro.
Nang maihatid ko naman sila ay Saka na ako nag maneho papunta sa Secret place namin. Nang makarating na doon ay tinawagan ko na si vera at sinabi nila sa akin na magsuot ng Maskara and Gloves. Sinunod ko na din yung inutos nila pero nag suot ako ng long sleeve para mas safe.
Pag pasok ko sa loob ay nakita ko na sila doon na nakasuot din ng pang anonymous mask.
Sinalubong nila ako At binati pero di nila binaggit ang pangalan ko kundi ang code name ko lang.
May mga code name kasi kami at ginagamit lang namin yun kapag may gusto kaming gantihan. Tulad nalang ngayon.
“Ito na ba yun?” Tanong ko sa kanila. Tumango sila at may lumapit naman na dalawang lalaki na malaki ang katawan duon sa ungas na ngayon ay umiiyak na.
Nakaamoy ako ng mapanghe kaya tinanong ko sila kung bakit mapanghe doon at natawa nalang ako kasi naihi pala si Ungas dahil sa takot.
Lumapit ako sakanya at sinabunutan sya para iharap sa akin.
“Ang tanda tanda mo na umiihi ka parin sa salawal mo?” Nag tawanan kami dahil sa sinabi ko pero sya umiiyak padin.
“Ano bang kasalanan ko sainyo? Hindi ko naman kayo kilala ah! Bakit nyo ako ginaganito? Pakawalan nyo na ako pangako hindi ako mag susumbong!” Pag mamakaawa nya pero tumatawa lang kami.
“Sa amin wala. Pero sa kaibigan namin meron. Ang lakas din ng loob mong saktan ang kaibigan namin. Hindi ka naman gwapo. Mayaman ka lang pero walakang binatbat gago.” Sabi ko.
Inutusan ko yung dalawang boys namin para hubarin ang pantalon at brief ng ungas na ito at Sobra kaming natawa kasi Tangina lang.
Mas malaki pa yata ang Ang hotdog ng baby kesa sa hotdog nya eh. Hahahaha.
Di sa pang mamaliit ah pero maliit talaga eh.
“Maliit naman pala yang pinag mamalaki mo pero ang lakas ng loob mong mangbabae at ipagmalaki pa sa kaibigan ko ang ginawa mo?” Lait ko pa sakanya. Si felix ay di na nakapag pigil at Tinuhod nya yung Balls nung lalaki kaya namilipit ito sa sakit.
“Easy ka lang felix. Wag mo masyadong saktan. Mapapagod yan sige ka.” Awat ko kay felix saka ko sya pinahawakan kay domi at joseph. Pero Tumawa si ungas at sinabing kung sino man ang kaibigan namin na sinaktan nya ay siguro di daw yun kamahal mahal kaya di daw namin sya masisisi kung titikim sya ng iba.
Di ko na napigilan ang sarili ko at ako na ang gumulpi sakanya. Nakigaya na din yung mga kaibigan ko at Binugbog namin sya hanggang sa mapagod kami.
Di kami pumapatay nag tuturo lang kami ng leksyon.
Sabihin nyo nang masama parin yun pero para sa kaibigan namin na nasaktan dahil sakanya ay di kami mag dadalawang isip.
Inawat ko na sila at sinabi kong may ibibigay akong regalo sa ungas na ito. Tumango naman sila at lumayo ng bahagya. Ako naman ay lumapit at tumayo sa harapn nya.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko saka ako gumalaw at Sunod sunod kong Tinadyakan at tinapakan ang puson ni ungas at tinadyakan ko pa ang balls nya.
Siguro naman mag tatanda na itong Taong libag na ito.
“Maswerte ka at may awa pa kami lalo na ako. Sigurado akong hindi mo malilimutan ang araw na ito Moises. Ang ganda lang ng pangalan mo pero alam mo ba na pinag agawan ng dimonyo at anghel ang kaluluwa ni moises? Pero sa bandang huli ay sa diyos padin sya napunta. Pero sigurado akong ikaw na moises ang mapupunta sa impyerno. Sana nagustuhan mo ang Regalo namin sayo. Happy birthday Moises. Tandaan mo ang code name na Silent killer. Kasi sa oras na ulitin mo ang ginawa mo. Si silent killer ang papatay sayo. Gets?. Tandaan mo din ang pangako mong hindi ka mag susumbong. Kakalimutan namin ito kung kakalimutan mo din kami.” Nanghihina pero nagawa nitong tumango.
Inutusan na namin yung dalawang lalaki na may hawak sakanya kanina na dalhin na sya sa ospital binigyan na din namin sila ng pera para mag bayad sa bill ng ospital.
Nang maka alis na sila ay saka kami sumakay sa van ni Vera na ginamit nila papunta dito. Tinanggal na namin yung mga maskara namin at yung mga damit namin na natalsikan ng dugo. Lalabhan lang naman ito at di na halata kasi all black naman kami. Yung mascara naman ay nilinis na ni domi at winisikan pa ng alcohol bago itago sa bag nya.
“Grabe Alex. Gigil na gigil ka naman dun kay moises. Kulang nalang putulin mo yung Jutay nyang Hotdog.” Biro nito at tumawa naman kami.
“Walang pwedeng manakit kay Danielle. Alam kong alam nyo yan. So di nyo ako masisisi kung Nanggigil ako.” Sabi ko bago ko suotin yung damit ko kanina. Nag palit kasi ako ng long sleeve kanina para di madumihan yung damit ko.
Nag kulitan pa kami sandali at kanya kanya na kaming labas ng van. Safe naman ang lugar na yun kasi private place Namin yun At restricted area kaya walang pumapasok doon. Isa pa liblib yung lugar at talagang tago kaya di talaga makikita.
Pag pasok ko ng sasakyan ko ay tumunog ang phone ko. May nag notif.
Sa ig pala. May nag follow.
Pero nanlaki ang mata ko at unti unting napangiti nang Makita ko kung sino yung nag follow sa akin.
Reegansanford06 started following you