CHAPTER 4

3045 Words
“Ohhh. Masaya ang Bunso natin ah! Ano balita bunso?” Unang bungad sa akin ni vera Bago ako akbayan. Nakasakubong ko kasi sila papunta ng room. “Nah. Masarap lang ang tulog ko kaya good mood ako today.” Pag sisinungaling ko pero di naniniwala sa akin si danielle. Kinawit nito ang braso nya sa braso ko bago sya mag salita. “Napasarap lang ba talaga yung tulog mo or is it because of the girl na kasama mo kanina? Nakita ko kayo sa parking. Kasabay mo sya pumasok and i think hinatid mo pa sa Building nila.” Seryosong sabi nito at may kahalong selos? Nagulat ang iba habang ako ay feeling ko pinag papawisan na ako. Nak nang. Huli agad ako ah. “Woah! Sino naman yan, Alex? Bagong girlfriend mo?” Luh? Ano daw? Bagong girlfriend ko? Duhhh never pa kaya akong nagkagirlfriend. Tsaka straight ako noh. Yung mga friends ko lang ang hindi pero kaibigan ko parin sila. Duhhh sarap kaya nila kasama. “Oh wag mo nang idahilan na straight ka. Alam mo naman na di kami naniniwala dun diba?” Sasagot na kasi sana ako kaso biglang sumabat si timothy Kaya di ko na natuloy yung sasabihin ko sana. “He’s right. Tsaka look at you. Your outfit! It screams ‘Empowered Lesbian, Golden Fingers, Virgin Stealers, Your daughter calls me daddy too’ look at her guys.” Gatong pa ni athena. Langya Di ko alam kung ano yung irereact ko lalo nung narinig ko yung “virgin stealer” naknang! At ang lakas ng boses nya! Napatingin naman ako sa mga students na nadadaanan namin at gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa or bigla nalang maglaho. Pano kasi nakatingin sila sa amin tas sinabi ni athena yun. Yung ibang girls naman and boys nakasmirk sila! Shemay! “Lower your voice! Nakakahiya ka baliw!” Saway ko pero tumawa lang sya ng mahina bago lumakad nalang ulit. “Pero sino nga yun? Girlfriend mo talaga?” Si domi. “No. She’s just a friend.” Nawala na ako sa mood kasi naman ang ganda ganda ng umaga ko tapos aasarin nila ako. Ano yun? “A friend? San mo naman nakilala?” Tanong ni vera Bago tumigil muna sandali at sumama sa picture nung mga girls na nag papic sakanya. “Sa jollibee. Kahapon lang nung nag stop kami ni mom pauwi galing sa sementeryo.” Sagot ko. Pumasok na kami sa room pag tapat namin doon at kanya kanyang upo na sa likuran. Dun kasi kami naka upo talaga since ayaw namin na maghiwahiwalay kami ng pwesto. “Sa jollibee? Huy! Baka naman mamaya!” Binatukan ko si athena dahil sa sinabi nya. Pano naman kasi alam ko naman concern lang sya pero yung way ng pag kakasabi nya is iba. “No! She’s not like that! I mean. Nakisuyo na ako kay kuya alvin na icheck yung background nya. And i think mabuti naman syang tao.” “You think? You think lang? C’mon. You should know her first. Bago mo sya pagkatiwalaan.” Sabi ni vera pagkaupo nya sa pwesto nya. “Oo nga. Di pa naman ganun yung trust ko sakanya noh. And besides kinikilala ko pa sya kaya nga ako nakikipag kaibigan eh.” Pag kasabi ko nun umiling nalang sila and medyo tumatawa tawa pa. Bakit? Totoo naman ah. I know naman at feel ko na mabait si Sha. Pero syempre need muna na kilalanin yung tao bago ako mag tiwala sakanya. At dahil wala nga yung teacher namin ay kanya kanya naman ang mga students at may mga sariling mundo. Habang ako ay naisip ko na dumaan muna ako sa bahay na pinapagawa ko para naman kahit papaano ay may privacy na ako hahaha. Nahihiya na din kasi ako kala mom pag dumadating yung mga kaibigan ko. Ang iingay kasi nila. Akala mo walang ibang tao sa paligid. Ayos na din yun kahit papaano kapag gusto kong mapag isa. May bahay naman kaming mag kakaibigan. Pinatayo namin yun para incase na gusto namin mag sama sama ay dun nalang kami pero syempre iba parin kapag may Property ka na para sa sarili mo. Pinag ipunan ko yun ah. Dugo at pawis ko din yun hahaha hindi kasi alam ng family ko na nag working student ako. Nag papanggap na ibang tao alam ko kasing di nila ako tatanggapin pag nag pakilala akong anak ng mayaman eh haha. Maganda na din yung may karanasan sa trabaho kesa wala. And for sure hindi din ako papayagan ng magulang ko pag nagkataon. “Alex. Kumukuha pa ba ng working student dun sa pinag tatrabahuhan mo?” Biglang tanong sa akin ni Joseph. Napatingin ako sakanya pero sya busy sa pag drawing ng kung ano sa bondpaper. san nya nakuha yun? “Bakit? Papasok ka?” Tanong ko bago ko nalang ituon ang atensyon ko sa phone ko. Manonood nalang ako ng “The Babysitter” tutal wala naman akong magawa. “Yeah. Gusto kasi nila papa na mag work naman daw ako para maranasan ko naman daw. Ayoko nga eh kaya lang gusto nila eh.” Nabosesan ko sakanya ang pagkalungkot nya pero syempre at kaibigan nya ako ay tinawanan ko sya ng malala. Makaganti naman ako sa mga pagtawa nila sa akin noh. “Wag ka nga tumawa dyan. Seryoso ako,Alex.” Tumigil ako sa pag tawa ko nang makita kong seryoso talaga sya. Napaisip naman ako at saktong nag hahire pa sila ng working student since kulang ng waiter sa work ko. “Ahh sorry na. Meron pa naman. Bukas ayusin mo na. Kakausapin ko boss ko para sayo na mapunta yun.” Close ko kasi si maam Lorna kaya pwede ko syang kausapin about dun sa pag pasok ni joseph. “Kaya lang may problema ako eh. Baka kasi di ako tanggapin kapag nalaman nilang anak mayaman ako. Alex tulungan mo ko please.” Sabi nito bago bitawan yung ballpen nya at humawak sa braso ko. Niyugyog pa ako nito at nag paawa effect pa na akala mo naman cute. “Oo na tutulungan na kita. Wag mo akong yugyugin baka malaglag cellphone ko! Sinasabi ko sayo papalitan mo ito.” Tumigil na naman sya sa pag yugyog sa akin at masayang Hinalikan ako sa pisngi. Since nawalan na nga ako ng gana kanina ay di ko nalang pinansin. Ganyan sila sa akin. Di ko nalang sinasaway kasi di din naman sila makikinig sa akin. Sa aming mag kakaibigan si danielle talaga ang pinaka Clingy. Lagi yung nakayakap sa akin at akala mo daig pa ang isang bata. Si vera ang pinaka matanda. Dalawang taon lang naman sya mas matanda sa akin at isang taon syang mas matanda sa iba pa naming kaibigan. She’s proud lesbian. Ewan ko ba pero humahanga ako sa pagiging matapang nya about sa sexuality nya. Ganun din naman si Athena pati si Catherine. Proud din sila na lesbian sila pero kasi si vera, Boyish talaga sya pati pananamit nya. Si athena kasi and si cath hindi. Babae parin sila manamit. At ang boys naman na si Joseph, Dominic, Felix at timothy ay ang aming Playboys. Si domi lang ang hindi kasi mabait yan eh. May pagkanerd kasi sya at may salamin pa. Mahilig din mag basa ng book. Bookworm ba. And then me. Ang pinaka mabait sa amin. Well mabait naman kaming lahat pero mas mabait lang ako. May pagka spoiled brat kasi sila ehh Lalo na si danielle. Akala mo na hindi mabubuhay kapag di nakuha ang gusto. Months lang naman ang tanda ng iba sa akin. Malay ko ba kung saang lupalop nila nahalungkat yung word na bunso at yun ang tinawag nila sa akin kahit halos mag kakaedad lang naman kami. “So kelan ako mag sisimula, Alex?” Masayang sabi nito. Tumingin ako ng di makapaniwalang tingin sakanya dahil sa sinabi nya. “Luh? Di ka pa nga nag aapply gusto mo mag start ka na agad? Boploks ka?” Sabi ko nalang. Napakamot naman sya ng ulo bago nya sabihin sa akin yung ibig nyang sabihin. “Ahh basta bukas dapat ayos na yung mga papers or resume mo. Tapos Baguhin mo na din yang pagkatao mo nang di ka mapagkamalang mayaman. Jusko ka.” Sabi ko. Pano kasi kumikinang pa yung mga ginto nya sa katawan nya. “Hindi lang kita masasamahan today kasi dadaan ako sa school nila MJ may meeting daw. Tsaka didiretso kami ni MJ sa bahay ko. Baka gumuho na pala di ko manlang nakita diba?” Pabiro ko nalang sabi pero nakakunot ang noo ko at nag cecellphone padin. “Bakit ka pa kasi nagpagawa ng bahay eh pwede ka namang bumili nalang ng condo mo. Natatagalan ka pa tuloy ngayong makalipat.” Sabi ni danielle Bago nya ihilig yung ulo nya sa balikat ko at ipikit ang mga mata nya. Hinawakan nya din yung kamay ko kaya magkaholding hands kami ngayon. Kanina ko pa napapansin na mukhang bad mood itong babaeng ito eh. “Alam mo...Kanina ka pa Dan eh. May problema ka ba? Kung meron man please wag mo na akong idamay okay?” Kalmado lang ako kasi baka mamaya mag away pa kami nito mahirap na. Hindi sya sumagot pero narinig ko yung mahinang hilik nya. Ang bilis talaga makatulog ng isang ito eh. Kahit saan abutan ng antok basta ipikit ang mata tulog agad eh. “Lasing yan kaya ganyan. Yaan mo na Nag break kasi sila nung boyfriend nyang Mukhang tukmol. Nahuli kasi ni danielle na may Kalampungan sa kama. Ang ungas pinag malaki pa na niloloko nya si dan.” Bulong sa akin ni felix. Nginuso nguso pa nya si danielle na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Yung boyfriend pala nyang Niloloko at pera lang habol sakanya. Sinasabi ko na nga ba eh. Kapal din ng tinga sa ngipin at libang sa buong katawan ng isang yun. Mukha naman syang sinaung tao. Yun bang nabuhay na nung panahon ng dinosaur. “Sus. Yung ungas na yun. Mananagot talaga sa akin yun eh. Abangan natin later boys. Igaganti natin itong si danielle.” Pagkasabi ko nun ay naramdaman kong Humigpit yung hawak ni danielle sa kamay ko. Nagising pala sya. “Wag na Babe. Hayaan mo na sya. Di sya kawalan noh. Andyan ka pa naman eh.” Nakita ko sila vera na nakangiti sa amin. Jusko sino ba naman kasing di mapapangiti eh mukha kaming may relasyon nitong si Danielle eh. Pero mukha lang talaga. Sobrang clingy lang talaga nya pero wala kaming relasyon. Pareho kaming Straight. “No. Bibigyan lang namin sila ng Leksyon okiss? Don’t worry maoospital lang sya di sya malilibing.” Natawa sya sa sinabi ko. Bago nya ipikit ulit yung mata nya ay hinalikanya ako sa pisngi. Nag “ayieee” naman yung mga kaibigan namin. Natawa nalang kani pareho bago sya makatulog ulit sa balikat ko. Sa aming mag kakaibigan. Ako ang pinakabata pero si danielle ang pinaka Iniingatan. Siguro kasi marupok sya. Laging nasasaktan. Kaya siguro Ganun nalang namin sya protektahan lalo na sa mga taong minamahal nya. Mabilis lumipas ang oras at tadaaah! Break time na! Nag paalam naman ako sa kanila pero gustong sumama ni danielle kaya pumayag na din ako. Mag mamall din daw sya eh alam ko naman na paghahawakin nya lang ako ng mga pinamili nya. Kilala ko na ito eh hahahaha. Dumiretso na kami ni dan sa parking at agad na sumakay para makaalis nadin. Pero bago pa kami makalabas ng gate ay nakita namin si atasha na nag aabang ng sasakyan siguro para dumalo sa meeting ng mga kapatid namin. “Yung girl na kasama mo kanina oh. You want? Sabay na natin sya? Nasabi mo na magclassmates yung sis mo and sis nya diba?” Ah oo nga pala nasabi ko yun kanina bago ako magpaalam sa kanila. “Okay lang ba sayo? Parang ayaw mo kasi sakanya eh.” Napatawa sya. Ayun. Wala na syang toyo. Nasa mood na siguro ito kaya mabait na sya ngayon di gaya kanina. “Yes naman. Tama ka naman eh mukha naman syang mabait. Parang ikaw lang. Pareho kayong mabait haha.” Nag tawanan lang kami habang papalapit yung sasakyan sa tapat ni tasha. “Sakay na, Sha! Sabay ka na samin.” Bungad ko sakanya. Nakita ko naman syang nag aalinlangan pa pero tinaasan sya ng kilay ni danielle. “Ano sasakay ka ba o itutulak kita papasok?” Mataray na sabi nito kaya napakamot nalang si sha ng ulo nya bago nahihiyang buksan ang pinto ng kotse at sumakay. “I know naman kasi na mag pipilitan pa kayo kaya ginamitan ko na ng pinag babawal na technique.” Bulong ni dan sa akin. Napatawa nalang ako saka sya pinalo ng di naman kalakasan sa braso. “Sha. dun ka din ba pupunta sa school nila florence?” Tanong ko kay sha na nasa likod t At tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. “Ah oo. Salamat nga pala sa pag sabay sa akin kanina papasok tsaka ngayon papunta sa school nila Rence. Tsaka salamat din kasi di na ako nilapitan nung mga bruha.” Nakangii nyang sabi sa akin. Napatingin si danielle sakanya kaya nawala yung ngiti ni sha. Nahihiya siguro or natatakot kay danielle hahahaha. Well madami kasing takot kay dan. Mukha naman syang mabait. Well mabait naman talaga ito h si danielle. Dagdag pa yung itsura nyang kamukha ni Barbara Palvin pero brown eyes hahahaha. “Why? Binubully ka ba nila?” Shems mukhang lalabas yung pagiging hero ni dan hahahaha. “Ah o-opo. Pero sabi nila kanina na maswerte daw po ako kasi kaibigan daw po ako ni Ms.Priscilla.” Luh. Ms daw wahahaha “Ms. Priscilla. Hahahahaha bagay, Babe.” Tatawa tawang kantyaw sa akin ni danielle. Naka ngiti lang si Sha At di na nag sasalita. “Wag mo nga ako tawaging ms. Haha just call me Alex nalang. Wag mo na din akong i-po Ang formal mo masyado eh hahahaha.” “Respect lang. Di naman po ako kasing yaman nyo eh.” Dahilan nya. Naka red naman yung stop light kaya lumabas si danielle ng sasakyan at dali daling pumasok sa likod. Shemay. Ano ko? Driver? “Atasha right? I’m danielle Nicole Paxley.” Pakilala ni Dan. Nilahad nito ang kamay nya at magalang naman itong tinanggap ni sha at nag pakilala din. “Atasha May San Juan.” Nag shake handa sila At nag smile sa isat isa. “Ang ganda mo. Kamukha mo si Barbara Palvin. Kapatid mo ba sya?” Manghang sabi nito at nakatitig lang kay danielle. Natawa ako sa narinig ko kaya binato ako ni danielle ng nilamukos na papel. “Barbara Palvin na brown eyes. Minsan nga napagkamalang si Barbara talaga yan eh nag contact lense pa na blue. Oh edi pinag kaguluhan sya ng mga tao sa mall.” Hindi biro yun ah. Totoo kaya yun. Magkakasama kaming magkakaibigan noon pumunta kami ng SM. Favorite color kasi ni dan yung blue kaya pati contact lense nya ay blue. Eh ang babae alam nang sobrang kamukha nya si barbara...nag suot pa sya ng blue contact. Oh edi ayun tumakbo kami para maiwas si danielle sa mga tao. Hinabol talaga kami ng mga tao noon para lang makapag papicture kay dan. Loka loka kasi eh. Buti nalang pag dating namin ng parking lot ay may mga guards na dun at naawat na yung mga tao. “Babe, wag mo na ipaalala yan. Nadala na ako at di ko na uuliting mag suot ng contact pag pupunta ng mall. Mag susuot na din ako siguro ng face mask.” Humalukipkip ito kaya natawa kami ni sha. After a minutes ay nakadating na din kami sa school nila MJ. Ontime lang kami at saktong pag pasok namin ay Mag sisimula na ang meeting. Nakita ko sila MJ na nakaupo lang sa labas ng room. While yung mga parents na umatend sa meeting ay nasa loob ng room. Napag usapan lang na medyo naluluma na yung room nila at need ng mga bagong kagamitan para mag mukhang bago. Shemay pang mayaman ang school na pero umaasa pa sa donation ng mga parents. Well di naman siguro maiiwasan yun. May mga nag dodonate ng Electricfan, Kurtina, Pintura tsaka mga kung ano ano pang mga kagamitan. “Anyone else na gustong mag donate?” Sabi nung teacher na nasa harap namin at Napansin ko naman na wala silang TV di tilad ng mga room na nadaanan namin. Nag taas ako ng kamay at sinabing Ako na ang sasagot sa TV nila pati yung sirang Blackboard ay palitan na. Kinalabit ako ni sha at tinanong kung di daw ba masyado nang malaki yung idodonate ko. “Nope. Money is not a problem to me. Tsaka isa pa para sa mga bata din naman yun. Mas may matututunan sila.” Sabi ko. “Iba talaga pag mayaman eh. Haha” biro nito. Maya maya pa ay natapos na yung meeting at kanya kanya na yung mga magulang at kinuha na yung mga anak o kapatid nila. Inaya ko naman na sila sha para ihatid na. At saka kami didiretso ni dan at MJ sa mall. Tatanggi sana si sha kaso tinaasan sya ulit ng kilay ni danielle. Hahaha takot amp. Kung alam nya lang na ang sarap ahitin ng kilay nitong si danielle pag ganung nag tataray eh matagal nang walang kilay yan kasi naahit ko na hahahaha. Habang nag mamaneho ay tinanong ko si danielle kung naka blue contact ba sya kasi baka mamaya mag kagulo nanaman mahirap na at may kasama kaming bata. “Barbara ay este...Danielle Hahahahahahaha” Biro ko narinig kong tumawa si MJ sa likuran namin habang may hawak na libro. “Suntukin ko kaya yang ngalangala mo? Mag maneho ka nalang dyan.” Banas na sya alam ko. Di ko nalang sya ininis ulit at baka nabadmood nanaman sya. Nang makarating sa parking ng mall ay bumaba na sila agad. May nag text kasi sa akin kanina kaya pinauna ko nalang sila sa loob. Pag kabukas ko ng text ay napangiti ako. Nag text kasi si Joseph sa akin may goodnews syang sinabi sa akin. Hmmmm Alam na dis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD