CHAPTER 3

3139 Words
“Hello, Kuya alvin.” Agad kong bigkas pagkasagit palang ni kuya alvin sa call ko. Kaninang umaga ko pa sya gustong tawagan kaso naalala ko na baka he’s resting since nasa US sya at gabi doon. Isa pa wala akong number nya or kahit sa f******k ay hindi kami friends. Inantay ko pa si dad makauwi para magkaroon ako ng contact sakanya. “Yes, Ms.Priscilla? May kailangan po ba kayo?” Magalang nitong sagot sa kabilang linya “Ahh yes po pero hindi naman po sobrang importante. Ano po kasi, gusto ko lang pong malaman yung backgroud ng babae po na nakilala ko sa Jollibee.” Sabi ko. “Ah ayos lang po Ms.Priscilla. Trabaho ko po naman po yun. Ahh ano ho bang pangalan nya?” Tanong nito. Napakamot naman ako ng batok ko at nahiya kahit hindi naman ako nakikita ni kuya alvin. “Uhhm ano po kasi kuya... ah first name nya lang po ang alam ko.” Nahihiya kong sagot pero isang mahinang tawa lang ang narinig ko sakanya kaya kahit papaano ay napawi ang hiya ko. “Ayos lang yun Ms.Priscilla. About sa jollibee po. Nag tatrabaho ba sya doon or Customer lang po?” “Uhmmm Atasha po ang name nya at nag tatrabaho po sya doon kuya.” “Anong branch po?” “Sa navotas po. Yung sa may tapat din ng McDo. Malapit sa May munisipyo.” “Sa may M.Naval po ba yun, Ms.?” “Uhmm not sure sa name ng lugar basta alam ko sa navotas yun. Sabi din ni manong danny kahapon.” “Sige po. Ako na ang bahala dito. Paki kumusta nalang po ako sa parents mo.” “Sure kuya. Thank you po. Ingat po kayo dyaan.” Magalang kong paalam bago ibaba ang tawag. Napangiti ako nang maisip kong soon makikilala ko na din ng cute girl na yun. “Mukhang Masaya ang Prinsesa ko ah.” Biglang sabi ni dad na kakapasok lang sa room ko. Napaupo naman ako sa sofa saka naka ngiting tumingin sakanya. “Is it because of that cute girl or The girl named reetz?” Hula ni dad kaya napangiti ako lalo kasi ang cute nya lang na nakatingin sa cealing ng room ko at waring iniisip ang tamang sagot. “Dad, c’mon lets forget about reetz. I mean...malay mo dad na nakalimutan nya na din ako diba? So kalimutan nalang din natin yun.” “How about the girl who’s working at jollibee? She’s really cute isn’t she?” Nakakalokong tumingin ito sa akin sabay taas baba ng kilay nya. “Yes, she is dad. Actually...i can’t Get her out of my mind!” I said and laugh a little. Tinusok ni dad ang tagiliran ko kaya napaiktad ako at hinampas sya ng di gaanong malakas sa braso. “You like her.” Hindi yun tanong. Napamaang ako kay dad nung sinabi nya yun at napakunot lang ng noo pero nakasmile ako ng onti. “Hmmm what do you mean I like her?” “In romantic way. You like her.” This time seryoso na yung mukha nya na parang pag hindi nya nagustuhan yung sasabihin ko ay manganganib ang buhay ko. “No dad. Walang chance na magustuhan ko sya in a romantic way. Gusto ko lang sya maging friend. Thats it.” Kalmadong sagot ko pero deep inside ay parang gusto ko nalang tumakbo palabas ng kwarto at pumunta sa kung saan basta malayo sa tatay ko. “Well. Its up to you. Wag ka lang gagawa ng bagay na ikakasira natin. Understood?” I sigh and nod. Feeling ko nalungkot ako sa sinabi ni dad. Ewan ko feeling ko lang nalungkot ako na parang ayaw nya yung mag kagusto ako sa girls like me. I mean crush lang naman eh. Parang kahit purihin ko lang yung girl ay magagalit na sya. Parang ganun ba. “Understood, Priscilla?” Ulit nya at this time naka smile na sya na parang wala kaming pinag usapan kani kanina lang. “Sir, Yes Sir.” Sabi ko with matching saludo pa. Natawa nalang kami sa kalokohan naming dalawa saka nya ako inakbayan at ginulo ang hair ko. Mag rereklamo sana ako kasi ayaw na ayaw ko pa naman yung ginugulo ang hair ko pero bago pa ako makapag reklamo ay Tumunog na ang phone nya at nag paalam na sa akin na sasagutin nya muna yun. He even told me na matulog ma since. Gabi na din naman. Lumabas na si dad at naiwan akong nakatingin lang sa door na pinag labasan nya. Naisip ko nalang na manood muna ng movie since wala na naman akong gagawin pa dito. Nanood lang ako ng movie hanggang sa antukin ako at tuluyan na akong makatulog. Kinabukasan Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ibabato ko na sana yun kaso meron namang sunod sunod na kumatok sa door ko kaya no choice ako kundi patayin yung alarm at Bumangon kahit tinatamad ako. Tinignan ko muna ang phone ko bago ako bumangon at nagulat ako sa email ni kuya alvin sa akin. Ang bilis naman..... Pag tayo ko ay Nag inat muna ako bago ko ayusin yung susuotin ko at pumasok na sa Banyo at naligo. Cold ang tubig na ginamit ko para magising ang Buong katawan ko. Nang matapos ay saka na ako nag bihis at nag patuyo ng buhok. Nag makeup ng kaonti and then CHARAN! Maganda na ako ulit. Well lagi naman akong maganda. With or without makeup. Nang matapos na ako sa pag aayos ng sarili ko ay agad na akong bumaba. Kakain muna ako kahit kaunti para may laman ng tyan ko at di ako lulutang lutang sa klase dahil sa gutom. Pag baba ko ay naabutan ko sila mom na kumakain. Nag kiss naman ako sa pisngi nila mom and dad at sa noo naman ang tatlo ko pang kapatid. Nag smile naman yung dalawa pero ang bunso namin ay nag giggle pa at tila gusto pang mag request ng isa pang kiss mula sa akin. At dahil doon ay hinalikan ko sya sa pisngi ya na syang kinasmile nya ng malaki at niyakap ako. “Good morning ate! Ang ganda mo po today!” Masiglang bati nito sa akin na animo’y ako na ang pinaka magandang tao sa buong mundo. “Nako, Mary Jane De Ayala. Wag mo akong inuuto ahh. Ano ba gusto ng magandang bunso namin?” Yakap ko pabalik sakanya at iniisway pa sya ng onti. Nag isip naman ito at saka tumingin sa akin. Di ko gusto yung tingin na yun ah. “May meeting kasi sa school ate ehh. Sabi nila mom na may importante daw silang gagawin sa Company natin today and pupunta din daw sila sa site kaya busy daw sila today. Sila kuya naman may pasok po. So ikaw po ate? Free ka po ba today?” mahabang paliwanag nito with matching puppy eyes pa. Well wala naman masyadong ganap siguro sa OneBall. Baka may time ako para sa bunso namin. “Ehh anong oras ba yung meeting, Baby? Baka makahabol si ate.” Tanong bago umupo sa pwesto ko at kumuha na ng pandesal at nilagyan ng Eden sa loob. Uhmmmm sharap talaga ng eden hehehehe sowwy favorite ko yun eh. “Mamaya pa naman pong 12 ate bago kami mag uwian po. Makakapunta ka po ba te? Oag hindi po si manang lucy nalang ang papapuntahin ko po.” Malungkot itong bumalik sa pag kain pagkatapos nyang sabihin yun. Nakita ko din na may onting luha na lumabas sa mga mata nya kaya nabahala ako. Kinalabit ko sya at sinabing ako na yung pupunta. Tutal break time namin yun. And monday ngayon kaya may isang oras kaming vacant. Masaya naman itong tumango saka ako hinalikan ulit pero sa lips na. Nakita ko din sila mom na nakasmile sa amin at sabay sabay na kaming kumain. Ganun lang tumatakbo ang Breakfast namin. Simpleng almusal ang nakahain pero magana kaming kumakain. Walang reklamo kahit ano yung nasa ibabaw ng mesa ay yun ang kakainin namin. Di kami maarte sa pagkain kasi tinuruan kami ni mom noon. Since galing sya sa hirap dati bago nya napangasawa si dad ay sanay na saya na syang kumain ng pagkaing kaya lang bilhin ng kapos para lang magkalaman ang sikmura. Like Sardinas and kung ano ano pa. Gusto ko yung ginisang sardinas pati yung Cornbeef. Minsan nag rerequest pa ako ng daing Kay manang lucy hahahaha. Nang matapos mag agahan ay kanya kanya na kaming pasok sa sasakyan namin. Yung tatlong kapatid ko naman ay di pa pinapayagang mag maneho kasi wala pa daw silang 18 kaya sama sama sila na ihahatid sa school nila. Ako kasi iba yung school ko sa kanilang tatlo kasi wala namang college sa Dela Fontaine. Hanggang Senior High lang yun. Kayankahit ayoko pang malayo sa mga kapatid ko ay wala akong magagawa at dun ako sa OneBall Nag college. Kasama ko naman yung barkada ko dun at mga classmates ko pa kaya ayos na din. Pero bago ako makalabas ng subdivision ay may naisip akong sunduin. Tutal alam ko na naman kung taga saan sya ay susunuduin ko na sya same school na din naman kami at medyo maaga pa naman. Nagtaka nga ako kasi kagabi ko lang sinabi kay kuya alvin yung name nya at shemay! Ang bilis! Siguro kasi umaga doon pero gabi dito! Pag gising ko nalang ay may email na si kuya alvin sa akin. Nag maneho nalang ako at binuksan na din yung radio para di ako mabored sa pag Mamaneho. Nang makarating ako sa.... I think kanto ng hmmm Bulma St. Shems gusto kong matawa sa Bulma pero pinigilan ko lang. May naalala kasi ako sa bulma st. Narinig ko na sya somewhere di ko lang maalala kung saan at kelan ko narinig. Sinugurado ko muna na hindi one way yung daan kasi baka naman mamaya mahuli ako nako mahirap na. Nang masigurado ko ay dahang dahang pagpapatakbo lang ang ginawa ko at Nag tatanong na din. Mababait naman yung mga napag tanungan ko at sandaling oras lang ay natunton ko na ang bahay nila. Small pero ayos naman tignan sa labas. Di naman ganung kaliit at sa malinis din ang harap ng bahay nila. Bago ako humaba ay may nakita akong matandang lalaki na lumabas mula sa bahay na iyon. Kaya bumaba na din ako at lumapit sa matanda. Nakatingin lang ito sa akin at halata sa mga mata nito na namamangha sya sa akin. Well di naman sa pagmamayabang pero halatang anak mayaman ako. Yung suot ko kasi. Yung kotse ko, pati yung itsura ko mismo. “Magandang umaga po. Pwede po ba mag tanong?” Magalang kong tanong pero nakatitig lang sya sa akin. Inilibot ko naman yung tingin ko at nakita ko din yung ibang kapitbahay nila ay nakatingin din sa amin. Or should i say Sa AKIN. Nailang naman ako kaya muli akong nag salita and this time ay medyo nagulat pa sya. “Ahh oho. Ano ho ba ang Maitutulong ko sainyo?” Magalang ito at parang nahihiya pa sa akin. “Dito po ba nakatira si Atasha?” Tanong ko at may paturo pa sa bahay na nilabasan ng matandang lalaki kani kanina lang. “Atasha? Ano hong apelyido?” “Atasha May San Juan. Taga dito ho ba sya?” Napakunot ang noo nito at mag sasalita sana nang makita kong lumabas na ang babaeng hinahanap ko. Nakasuot ito ng White Round neck T-Shirt at Maong pants. Nakasuot din sya ng Converse na halatang luma na dahil medyo naninilaw na ang puting part nito. May nakasukbit naman dito na backpack na may logong Jansport. Nanlaki ang mata nito nang makita ako namula ulit tulad nung unang beses nya akong nakita. “Oh anak. Hinanahanap ka nitong magandang Babae na ito. Kaibigan mo ba sya? Hindi mo manlang sya ipakilala sa amin ng inay mo.” Sabi nito sa anak nya at Inakbayan pa ng bahagya. Habang si atasha naman ay hindi parin nag sasalita at nakatulala parin sa akin na namumula padin. Nag tanong pa ang tatay nito sakanya kung ayos kang ba sya dahil namumula talaga ang mukha nya at medyo pinag pawisan na din. Sumagot naman ito ng ayos lamang sya at wag syang alalahanin nito. Pumasok na din ang ama nito at bago ito pimasok ay magalang itong nag paalam sa akin na nginitian ko nalang at tumango na din. Tinignan ko yung wrist watch ko at Ilang minuto nalang ay 8 Am na. Hindi naman ako nah mamadali since nasabi nya ng First class teacher namin na hindi nga daw sya makakapasok dahil dadating daw yung anak nyang galing yata sa abroad. Tumingin ako kay atasha na kinakalabit na ng bata sa unahan nya na sa tingin ko ay kaedad lang ni MJ. “Hi, Atasha. Nice to see you again.” Pag kasabi ko nun ay bahagya pa syang nagulat at nanlalaki na ang mata. “A-ano pong ginagawa mo dito? Paano nyo po nalaman na dito ako nakatira?” Utal at kabadong tanong nito sa akin. Ngumiti ako at Lumapit ako sakanya at halos isang dangkal nalang ang lapit ng mukha namin nang mag salita ako. “Money Thing.” Pagkasabi ko noon ay lumayo na agad ako at natatawang tumingin sa kanya. Yung bata naman ay pasalit salit ang tingin sa amin at mukhang naguguluhan. “Halina kayo. Sabay na kayo sa akin.” Aya ko sa kanilang dalawa. Yung bata ay nasiyahan at naexcite pero yung ate nya ay todo tanggi. “Well, I don’t take No for an answer. Lets go. Iisang school lang naman tayo,sha kaya di tayo malalate. Well ako ang di malalate ewan ko lang sayo. Hahaha” “Nako nakakahiya naman sayo. Dalawang beses palang naman tayo nag kikita tapos ihahatid mo pa kami. Hindi na po. Mamamasahe nalang kami. Baka madumihan pa namin yang Sasakyan mo.” Tanggi nito pero di ako sumuko. “Isipin mo nalang na Bayad yan sa pag papapicture mo sa akin. Tsaka madumihan? Pake ko sa dumi. Malilinis naman yun eh. Tsaka di naman kayo madumi, ang bango nyo nga eh. Kaya lika na sabay na kayo sa amin.” “Ahhh ate halika na po. Late na ako.” Sabi ning bata sabay yugyug sa ate nya. Ilang minuto pa kami nag pilitan nang sumuko sya at pumayag na din. Late na kasi talaga yung kapatid nya. Late na ng 10 minutes. Pag kapasok nila ay namangha yung bata at medyo nag likot sa loob ng sasakyan ko. Pero sinaway sya nung ate nya at baka daw makasira sya doon. Natawa nalang ako sakanya at sinabing ayos lang yan. Natural lang sa bata na mamangha sa mga bagay na first time nyang masakyan or mapuntahan. Iisang school lang pala si Florence at si MJ kaya sinabi ko kay sha na maghintay nalang muna sa loob ng sasakyan at ihahatid ko si Florence sa loob ng room para hindi mapagalitan. Kilala ko kasi yung teacher nya since dun din ako nag aral noon at kilala talaga si Ms.Asuncion bilang terror na teacher. Kapag nalate ka kahit na 5 minutes ay sa principal’s office ang bagsak mo. Pag pasok namin doon ay tahimik ang loob. Si maam asuncion naman ay nag tuturo doon. Nang makita kami ng matanda ay agad itong lumapit sa amin at magalang akong kinausap at nag tanong kung anong problema. Pinaliwanag ko naman kung bakit nalate si Florence at humingi ng pasensya. Tumatango tango lamang ito at saka pinapasok si florence. Pero bago ako makaalis ay narinig si MJ natinawa ako. Lumapit ito sa akin at yumakap pa. Tinanong ako nito kung bakit ako nasa school nila at hinatid si florence. Ayokong mag lie sa kapatid ko kaya sinabi ko nadin sakanya. Ilang minuto lang yun at nag paalam na din ako. Humalik naman ako sa noo nya at nag paalam na. Nag pasalamat din sa akin si florence saka umupo na sa upuan nya sa may bandang likuran. Mag kaklase pala sila ni MJ. Nang makabalik sa sasakyan ay nakita ko si sha na nakatulog pala. Nakabukas naman kasi yung AC ng sasakyan kaya siguro sya nakatulog dahil sa lamig. Hindi ko nalang sya ginising at nagmaneho na papuntang OneBall. ————————————————————— “Sha, gising na andito na tayo.” Mahina kong niyugyog ang balikat nya at nagising naman sya agad. Natawa ako kasi halatang nahiya sya sa akin. Pagbaba ko ay agad akong umikot sa side nya at pinag buksan sya ng pinto. Nag pasalamat naman ito sa akin at sabay na kaming Pumasok. Nag tataka naman ang mga nakasalubong namin na mga students na nakakakilala sa akin. Well kahit naman same school kami ay never kong nakita or nakasalubong si sha kaya nagulat talaga ako ng parehong school lang kami pumapasok. Sinagad ko na ang kabaitan ko kaya hanggang room nya ay hinatid ko sya kahit medyo malayo sa room namin. May isang building kasi sa pagitan ng Building namin at building nila. Pag dating namin doon ay may mga mean girls na agad ang sumalubong sa kanya. Kakantiin sana sya pero nang makita nila akong kasama si sha ay hindi na nila tinuloy ang balak nila. Pag pasok ni sha ay pumasok din ako kahit na may teacher na nakaupo sa harapang desk. Hindi pa naman nag sisismula yung klase nila kaya ayos lang. “Good Morning Everyone. As you can see...I’m with Atasha. It’s just because she is my friend. Kaya kung sino man sainyo ang may balak na maliitin, Kantiin o bullyhin si Atasha...Think Twice or mas better kung wag nyo nalang gawin...Kasi Ako. At ang mga kaibigan ko ang babangga sainyo. Undrestood?” Seryoso akong nakatingin sa kanila at sila naman ay halo halo ang nababasa ko sa mukha nila. Yung mga mean girls naman kanina ay ayun. Gulat at hindi makapaniwala sa narinig nila mula sa akin. Yung iba naman tumango lang at nag sabi na Naiintindihan nila. “So that’s all i want to say. Ciao!” Paalam ko sa kanila. Nag pasalamat at nag paalam na din ako sa teacher nila. Napangiti ako habang nag lalakad papunta sa room namin. Kaya ganun nalang sila matakot sa akin kasi Bully ako dati. Nambubully ako ng mayayaman dito na nangmamaliit ng mga scholar students. Well kami ng mga kaibigan ko. Hindi namin hinahayaan na tapakan ng nga mayayamang students ang matatalinong scholar students ng OneBall Univeristy. Kaya ganun nalang ang takot ng Mga students sa amin especially kapag usapang estado na ng pamumuhay. Kaya ang bansag sa amin ng ibang teacher at students dito ay... OneBall Hero
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD