CHAPTER 2

1837 Words
Araw ng linggo ngayon. Lumipas ang mga araw at sumapit na ang libing ng lolo ko. Masakit sakin. Sobrang sakit. Ayoko sana na iwan si lolo doon at Doon muna sa bahay si lolo hanggang sa maka move on na ako. Kaso ayaw ni lola eh. Mas maganda daw kung nandoon nalang si loli sa sementeryo kasi for sure na matatagalan ako bago maka move on. Lumapit sa akin ang mom ko at may binigay sa aking kwintas. May napakaliit na bote itong palawit at parang may kulay puti na buhangin sa loob "Mom, Para saan po ito?" Nag tataka man pero hindi na ako nakatanggi nang isuot nya sa akin yun. Sabi nga abo daw yun ng lolo ko. May ganun din daw sila Vernon para daw lagi parin naming kasama ang lolo. Nang matapos ang seremonya ay nagsiuwian na ang ibang nga pumunta habang ang iba naman kinakausap ang parents ko about yata sa business. Ako naman ay tahimik na sumakay nalang sa sasakyan at hinintay si dad na makapasok. Nasa loob na din kasi sila mom at si dad nalang ang wala. Nandoon din yung magulang ni reetz pero wala sya kasi umuwi daw sa Australia at binisita ang Grandparents nya. Nang pumasok na si dad ay agad na din namang umandar ang sasakyan. Nag kaayaan naman sila na kumain muna bago umuwi dahil pare pareho kaming hindi pa kumakain. "Wala namang restaurant around here, Kids. Where are we going to eat then?” My dad ask us. Sila sila nalang ang nag usap tutal kahit saan naman kami mag stop para kumain ay wala akong choice kundi ang kumain din. “How about Jollibee or McDo? Tutal Matagal tagal na din tayong hindi nakakaain dun.” Suggest ni JV na sinangayunan naman ng dalawa at nila dad na din since gutom na din sila. Nang may makita si manong Danny ay agad nya na itong ipinarada sa parking lot. Pag kababa namin ay may mga nakasabay pa kaming mga tao na tingin ko ay papasok din sa loob ng Kainan na ito. Inaya na kami nila mom at nag lakad na papasok. Naka akbay sa akin si dad at ganun din kay mom habang yung tatlo ko pang kapatid ay nangunguna sa pag lalakad. Sa likod naman namin yung mga guards ni dad na naka civilian lang. Ayaw kasi ni dad na pinag susuot sila ng pang personal guards. Ayos na daw yung naka civilian sila para di naman daw sila mailang pag nasa public. Pag pasok namin ay gusto kong lumubog nalang or mag tago sa likod ng parents ko dahil halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Nakita ko pa yung isang lalake na nakasubo pa yung Chicken sa mouth nya pero nakatulala lang sa amin at waring sinusundan ang bawat galiw namin. Yung iba namang nakatingin ay pagkamangha lang ang nababasa ko sa kanilang mga mukha. Nag smile nalang ako at nag bow kahit papaano to show some respect. Nang makarating na kami sa may Cashier ay isa isa nang pumili yung mga kasama ko. Pinapili na din ni dad yung mga guards namin na kasama namin para sabay sabay na daw kaming kumain. “How about you honey? What do you want to eat?” Baling sa akin ni mom at ako naman ay napatingin sa menu. Habang namimili ako ay napatingin ako sa cashier at nakita ko itong namula nang makita nyang tumingin ako sakanya. Ngumiti ako sakanya bago ibalik ulit ang tingin ko sa menu. Masarap ang lahat ng food sa jollibee kaya nahihirapan akong mamili kaya bumagsak nalang ako sa Super meal. “Super meal nalang po sa akin mom. With choco mallow pie and of course Extra rice.” Sabi ko bago kuhain ang phone ko sa bulsa ko at tinignan ang oras. Alas Dos na pala ng hapon. Kaya pala gutom na din ako. Hindi ko man namalayan yung oras kasi lumilipad ang isip ko kanina sa sementeryo. Di ko nga alam kung naiyak ba ako or hindi eh. Don’t get me wrong ah. Masakit sa akin na namatay na ang lolo ko kasi sobrang close ko sakanya. Pero parang punong puno ng helium yung utak ko at lipad lang ng lipad. Pero di padin mawala yung inis ko...Konting inis lang naman. Kasi di pumayag si lola na sa bahay muna yung urn ni lolo. Well i understand naman Kaso syempre ayoko pang malayo kay lolo. Pero may necklace naman ako na binigay ni mom na may abo ni lolo sa loob kaya siguro okay na ito. Pag kaorder ay sabay sabay na kaming umupo sa table na talagang pina-arrange pa talaga nung mga guards namin para kasya kaming lahat. Ayoko kasi ng masikip kapag kumakain kaya sa may bandang dulo ako umupo katabi ni dad para free yung kanang kamay ko na pang hawak ko sa spoon. Ilang sandali pa ay may lumapit sa pwesto ko. Pag tingin ko ay napasmile ako kasi sya yung girl sa cashier na nag blush nung tinignan ko. Nag bablush parin sya at kitang kita yun kasi maputi sya. May hawak syang phone at nahihiyang tumingin sa akin. Tinignan ko yung name plate nya at binasa ko sa utak ko yung name nya. “Hi, Atasha. Is there anything that i can help you with?” Magalang at nakasmile kong bati sakanya. Mas namula naman sya at napatawa nalang ako ng mahina. “A-ano po...Ahh.....” Utal at parang hindi nya pa masabi kung ano yung sasabihin nya kaya tumayo na ako at inakbayan sya. Mas matangkad naman ako sakanya kahit wala akong suot na heel. Well Matangkad ang lahi naman. “Hey. Don’t be nervous. Ako lang naman ito, And i’m not gonna bite you.” Sabi ko. Tumango naman sya saka nag simulang ibuka ulit yung bibig nya at waring may sasabihin pero hindi nya parin nagawa. “Okay. Huhulaan ko nalang. Ayokong mag assume but i think gusto mong mag papicture sa akin. Tama?” Sabi ko with matching Kunot noo pa and haplos sa baba ko na waring nag iisip talaga. Tumango sya at saka nag smile. Yung nervous smile ba. “P-pwede po ba?” Natawa ako ng bahagya kasi halata namang natatakot sya sa akin na baka sungitan ko sya. Luh. Di naman ako masungit eh. Ang bait bait ko kaya. “Yes naman. Sino ba ako para tumanggi sa cute na girl tulad mo.” Kinurot ko pa yung pisngi nya ng marahan bago nya iabot yung Phone nya sa akin. Ako na yung nag hawak nun kasi nanginginig sya. I also introduce myself sakanya at ganun din sya. Magalang lang syang nag paalam na babalik na sya sa work nya at ako naman ay nakasmile na umupo. “I can see na kahit papaano ay napasaya ka ng Cute girl na yun, Ate.” Sabi ni JV bago humigop ng coke sa baso nya. Napatingin ako sakanya saka Tumango at sinabi ko na ang cute nya kasi. Parang bata lang sya na nahihiya sa crush nya. “Well based on what i saw...I think she likes you. She’s blushing, stuttering and also shaking.” Segunda pa ni Angelica. “Let’s not talk about that. Look, hindi sya kumportable oh. Baka mamaya mapagalitan pa sya ng manager nya.” Saway ko sa kanila saka ulit ako tumingin sa phone at nag pakabusy dahil medyo matagal tagal pa dadating yung food sa sobrang dami naming inorder. Nang dumating ang food ay magana kaming kumain. Natatawa panga sa akin sila mom kasi ang lakas ko daw kumain at napadami ako. Miski ako nagulat sa dami ng nakain ko eh. Nang matapos kami ay nag pahinga lang kami sandali at nag sitayuan na din. Para may maupuan na din yung mga papasok at umoorder, pero bago pa ako maka labas ay tumingin ako sa cashier at kumayaw kay Atasha. Kumaway din naman sya pabalik at saka ako tumalikod na. Pauwi na kami ng bahay nang may maisip ako. Why not Kilalanin ko yung cute girl na yun. Well i like her to be one of my friends. Sure akong matutuwa ang barkada ko kapag nalaman nilang may new friend ko at kasing cute nya pa. “Manong. Saang branch po ng jollibee tayo kumain kanina?” Tanong ko kay manong Danny na busy sa pag mamaneho. “Ah maam sa navotas ho. Bakit ho? Nay nakalimutan ho ba kayo?” Tanong nito at panakanakang tumitingin sa rear view mirror. “Ahh wala po manong. May gusto lang akong makilala doon.” Tumango lang ito saka tumingin nang muli sa daan. “Let me guess ate. Yun yung girl na nag papicture sayo kanina diba? That girl named Atasha or Anatasha?” Napalingon ako kay angelica na nakatutok lang sa phone nya at parang wala lang na sinabi nya yun kanina. “Well...She looks nice naman. Papakilala ko sya sa friends ko kapag naging friend ko din sya.” Pag kasabi ko nun ay Inihilig ko na ang ulo ko sa balikat ni JV na katabi ko lang at busy sa pag titig sa bintana. Malayo layo pa naman kami. Ang layo naman kasi ng pinag lagayan ng urn ni lolo. Taga quezon City kami tapos sa navotas nila Naisipang Iwan yung urn. Well maganda naman dun sa navotas. Nakapunta na ako dun once nung bumisita kami sa family ni mom at pinasyal kami ng parents ni mom. Hindi pa man Lumalalim ang tulog ko nang marinig kong May sinabi si dad about sa business. Di ko na sana papansinin kaso nabanggit ni dad yung name ni reetz. “Diba sya yung nakausap mo nung burol ni dad,Honey?” Tanong ni dad. Alam kong sa akin yung tanong na iyon kaya kahit nakapikit ako ay sumagot ako. Duhh Ako lang naman yung nilapitan nya that time. Unless pumunta sya dun ng wala ako at nakipag usap din sya sa mga kapatid ko. “Yes dad. Ano meron sakanya?” “Nothing. Naisip ko lang na since Medyo malayo ang school mo ay ilipat nalang kita sa school na malapit lang sa atin. Wala pa sa 15 minutes ang byahe mula sa bahay hanggang sa Flores-Sanford University. What do you think?” Sabi ni dad na nakapag padilat sa akin. Well, wala naman sigurong mawawala since alam kong susunod naman sa akin yung mga kaibigan ko. Pero isa lang ang gusto kong malaman. “Sure dad. It’s not a problem. Pero may tanong po ako. Mababait po ba yung nga students doon?” Nag taka si dad sa tinanong ko kaya kibit balikat lang itong tumugon sa akin. “There is only one way to find out, dad.” Lumapit pa ako sakanya at ganun din sya sa akin. “Hayaan mo akong mag pretend na mahirap na nerd dad at nakapasok lang dahil sa scholarship ng school.” Hayss alam kong mahirap ang gagawin ko pero yun lang yung paraan para malaman kong mabait ba o hindi ang mga studyante ng Flores-Sanford University.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD