CHAPTER 1

2583 Words
Chapter 1 Priscilla’s POV Nakaupo ako at nakatingin lang sa altar kung nasaan ang abo ng lolo ko. Tulala lang ako at hindi parin maiwasang sisihin ang sarili. Bakit? Eh halos ng lahat nag mamahal at sumusuporta sa lolo ko ay ako ang sinisisi eh. Maliban sa buong pamilya namin. Pero kahit na ganun napaka hirap parin tanggapin na sa ibang tao ka pa makakarinig ng paninisi kahit di naman nila alam ang tunay na nangyare. Mag papakilala muna ako bago ko ituloy ang drama ko. Ako si Priscilla Alexa Mondragon De Ayala. Panganay na anak ako ng pinaka mayamang tao sa buong mundo at kauna unahang trilyonaryo sa buong mundo na si Elon Gabriel De Ayala at ang kanyang asawa na si Alicia Hiraya Mondragon De Ayala. May tatlo pa akong kapatid dalawang babae at ang bunso nag iisang lalaki sa aming magkakapatid. Sina Angelica Mae ,Mary Jane,Jacob Vernon. Kami ay Half American At Half Filipino pero dito na kami sa pilipinas ipinangak. Base sa parents ko ay nafall daw si dad Kay mom noong Dumating si dad dito sa pilipinas para mag bakasyon. Isa si mom sa mga naging katulong nya dito at nakakasama sa pamamasyal. Nag kakilala daw sila noong march 2001 at naging official sila noong May 2002 noong inanunsyo na nabuntis ni dad si mom. Naging masaya ang pagtanggap ng pamilya ni dad kay mom at sa pamilya nito kahit mahirap lang sila mom habang sila dad ay mga bilyonaryong nag tatapon lang ng pera. Mas naging masaya pa sila nang maisilang na ako noong February 14 2003. Yes. Valentines day ang birthday ko. Naging masiyahing bata ako at palakaibigan. Kung iniisip mo na namimili ako ng kaibigan base sa estado nila sa buhay ay nag kakamali ka. Tinuruan ako ng magulang at mga lolo at lola ko na maging mabuting tao at wag mag babase sa estado ng tao sa buhay. Ayon sa kanila ay palagi kong rerespetuhin ang mga tao na hindi ko nakalimutang gawin buong buhay ko. Tama naman sila. Ano ba ang makukuha namin kung magiging mapang mata kami diba? Wala naman kaming mapapala doon. So back to the story tayo. Ilang araw nang nakaburol si lolo at ilang araw ko na ding napapabayaan ang sarili ko. Wala eh. Mahal ko ang lolo ko. Sobra sobra. “Wala namang duda na yang apo nya ang dahilan kung bakit sila naaksidente at namatay ang lolo nya. Halata naman na inaagaw nito ang manibela kaya sila nabangga.” Maarteng sabi nung babae na nakikiramay na nga lang nag kakalat pa ng chismis. Halata naman na pinaparinggan nya ako dahil sa lakas ng boses nya. Ang kapal din ng Balakubak nya sa ulo at pumunta pa sya dito para lang sabihin yun. Tumayo ako at lumapit sakanila ng mga kasama nya. Napatahimik naman yung iba pero maarte sya at tinaasan pa ako ng kaliwang kilay na akala mo naman totoo. Ang sarap lang kuskusin ng wet wipe kaso naawa ako. Baka kasi mag mukha syang cosplayer ng itlog. “Papaalalahanan ko lang kayo. Pumunta kayo dito para makiramay sa lolo ko, At mukhang mahal na mahal nyo talaga sya. Pero hindi ibig sabihin nun ay pwede nyo na akong sisihin sa nangyare diba? Wala kayong alam sa nangyare! At wala na kayong pakialam doon!” Inawat na ako nila dad at pumasok na yung guard na tinawag nila vernon para iguide palabas yung mga Impakta na akala mo naman nandoon sila sa pinangyahiran ng aksidente. Pag bitaw sa akin ni dad at Lumapit ako sa abo ng lolo ko at niyakap ito. “Wala kayong karapatan na sisihin ako. Hindi nyo alam yung nangyare. Hindi ako masamang tao para gumawa ng dahilan para ikamatay ng lolo ko! Mahal ko ang lolo ko!” Iyak ko bago ako mapaluhod sa sahig. Naririnig ko naman ang pag hikbi ng ilang bisita pati sila mom and dad at yung mga kapatid ko. Hindi ko ugaling ipakita ang mahinang side ko pero ano ba ang magagawa ko ngayon? Namatay yung lolo ko alangan namang pigilin ko yung nararamdaman ko diba? Mas masasaktan lang ako kapag hindi ko ito nilabas. Itinayo ako ni dad at iniupo sa upuan sa harapan. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya at niyakap naman nya ako at medyo umugoy. Ito ang gusto ko sa tatay ko. Kapag alam nyang sobra na yung iyak ko ay pinapatulog nya padin ako na parang isa akong bata. Sa sobrang pagod ko sa pag iyak at sa sakit na nadarama ko ay hindi ko na alam na unti unti na akong nakatulog. ————————————————————— Kinabukasan ay ganun parin ang scenario sa lamay. Mauupo lang ako sa unahan tititigan ang altar at ang abo ni lolo. Kakain ng konti at paminsan minsan ay umiiyak. Pero ngayong araw na ito ay dumating na ang mga kaibigan ko. Umuwi muna ang mga pinsan ko para mag pahinga muna at babalik nalang daw sila dito bukas para daw may kasama ako. “Alex, Nandito lang kami. Sasamahan ka namin dito hanggang sa dumating ang mga pinsan mo. Mag sasalitan kami sa pag sama sayo kaya wag ka nang mag alala okay? Dito lang kami.” Tumabi sa akin si Domi at hinawakan ang kamay ko. Pinisil nya ito ng marahan kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Yung iba naman ay busy sa pag Salubong at pag aalok ng makakain sa mga nakikilamay. May mga katulong naman na nag aasikaso pero wala naman daw silang gagawin kaya tutulong na sila. “Felix. Pakidalhan na nga ng makakain si Priscilla doon. Hindi pa kasi kumakain yun kanina pang umaga eh. Paki suyo nalang ha salamat.” Narinig kong sabi ni mom kay felix na agaran naman nitong sinunod. Maya maya pa ay dumating na si felix at si joseph na may dalang tray ng pag kain. Natakam naman ako nang makita ko ang ulam. Dahil yung paborito kong ulam ang nakahain. Pero wala talaga akong gana kumain. Nagulat naman ako nang biglang idikit ni danielle ang spoon nya sa bibig ko. May laman itong pagkain at akmang isusubo nya sa akin. Tatanggihan ko sana pero sinamaan nya ako ng tingin kaya wala akong nagawa kundi ang isubo nalang yun at kainin. Napansin ko naman na natatawa yung iba naming kaibigan pati sila mom na nakita din pala yung ginawa ni danielle. Dahil wala na din akong nagawa ay kumain na din ako, pero Kahit kumakain na ako mag isa ay gusto parin akong subuan ni danielle at wala padin akong magawa kasi mababad mood sya kapag di nya nakuha yung gusto nya. Napapansin ko din na kada sinusubo ko yung spoon nya ay sinusubo nya din agad like WTF! Gusto kong mandiri kaso baka mamaya masamain nya. Ayoko naman na magkatampuhan kami nito. Isa pa baka ganun lang yung way nya ngayon para pagaanin ang loob ko kaya di ko nalang pinansin ulit. Naubos na namin yung food na hinain nila at pumalakpak pa sila pati sila mom nang makita nilang madami akong nakain. Pano kasi kada sasabihin kong ayoko na or busog na ako ay dadagdagan nila yung rice na nasa plate ko. Kaya ayun siguro naka tatlong balik ako ng Rice kaya feeling ko lumobo ng malala yung Tyan ko. “Aba. Ilang araw ka ding hindi kumain ng ganung kadami, anak.” Natutuwanh sabi sa akin ni mom. Lumapit kasi sila sa amin ni dad and nakaakbay pa si dad kay mom at nakangiting nakatingin din sa akin. “Mom wala naman akong choice eh. Yung isa panay subo sa akin, yung isa naman nananakot, tas yung isa panay lagay ng food sa plate ko. So paano ako makakareklamo mom? Madami sila tapos isa lang ako.” Reklamong sagot ko kay mom. Yung mga bwisit naman ay natatawa nalang sa inasta ko. “At least kumain ka ng madami. Sabi kasi ni tita pakainin ka daw eh syempre mabait naman kami kaya sinunod namin yung inutos nya. Diba tita?” Sabi ni felix sabay lapit kay mom na natatawa at tumatango tango pa. Ginulo nito ang buhok ni felix na ikinatuwa naman nung isa. Wala na kasi syang nanay. Iniwan sila noon nung 7 years old lang daw sya at sumama sa matandang mayaman. Okay lang naman sa akin na ganun sya kala mom. Walang problema sa akin yun since anak na din ang turing nila mom sa mga kaibigan ko na mula palang elementary kami ay kasama ko na. May dumating naman na bisita at inasikaso na namin. Yes. Namin. Nasa mood na naman ako at medyo umayos na yung pakiramdam ko kaya naktulong na din ako sa pag asikaso sa mga dumadating na mga bisita. Maya maya pa ay dumating yung isang pamilya na sa tingin ko ay nakita ko na noon. Lumapit ito sa parents ko at nakiramay. Magaganda sila at gwapo. Halatang may mga lahi dahil sa blonde hair nila at.... blue eyes? Wala naman akong kilala na friend ni dad na blue eyes. Blonde pwede pa. Pero blue eyes ay wala. Since dito na kami naninirahan noon pa man at paminsan minsang dumadalaw sa mga tita ko sa New York at kahit isang beses ay walang napakilala si dad sa amin na friend nya with natural blue eyes. “Priscilla, Come here please i will introduce to our visitor.” Tawag sa akin ni dad at tinawag nya na din yung tatlo ko pang mga kapatid na busy din sa pag asikaso sa mga kaibigan nila. “This is my Wife, Alicia. And this is our four wonderfull and lovely childrens. This is Priscilla. Our first daughter.” Pakilala sa akin ni dad at magalang naman na nakipag shake hands yung lalaki na tingin ko ay kaedad lang ni dad. Ganun din ang asawa nito at ang isang babaeng nakapukaw ng atensyon ko. Ang ganda nya. Bagay na bagay sakanya yung blonde hair at blue eyes. “Ahem. Honey, you can let her hands go.” Bulong sa akin ni dad na nakapag pabalik sa akin sa ulirat. Agad kong binitawan ang kamay nya at medyo natawa sya sa reaksyon ko. Napasmile nalang ako bago magalang na nag paalam. Hindi dahil sa marami nang bumibisita ahh. Gusto ko lang makatakas kasi tinutukso na ako nila angelica dahil namumula na daw ako. Di naman ako naniniwala na namumula ako noh. Di naman ako mabilis pamulahan ng muk- “Oh Alex, bakit namumula yang mukha mo? Pati tenga mo namumula na?” Biglang sabi ni athena na ginatungan pa ni Catherine. “Oo nga, Alex? Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?” Nakita ko yung salamin sa harapan ko at gusto kong mapatampal sa noo ko nang makita kong namumula yung mukha ko at sumama pa yung tenga ko. Umiling ako at sinabing okay lang ako, pero napatingin ako sa gawi nung babaeng.... Di ko alam yung name nya kasi di ko naman nadinig yung sinabi nya kanina eh. Hehehe Sensya na nashock ako sa ganda nya eh. Pag tingin ko sakanya ay nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko at lalo pang namula ang mukha at tenga ko. Kasi ano ehh...... Naka tingin din sya sa akin eh.... hehehehehe Pag kakita nya sa akin na nakatingin ako sakanya ay nag smile sya sa akin. Napa smile nalang ako at mabilis na umiwas ng tingin. “Ahhh kaya naman pala namumula ang mukha guys.” Parinig sa akin ni Joseph. Lumapit naman sa amin yung iba pa naming kaibigan at sabay sabay silang nag salita. “In Love ang kaibigan natin guys!” Napalaki naman ang mata ko nang makita kong napatingin sa amin yung mga nakikilamay pati yung magandang babae na yun. Napatakip nalang ako ng mukha ko at saka umupo. Sino ba itong mga ito? Di ko naman kilala yang mga yan eh hahahahaha Nakayuko parin ako nang maramdaman ko na may tumabi sa akin. Hindi ko na sana titignan kasi akala ko sila felix lang yun. Pero.... “Condolence nga pala.” Napatingin ako sakanya nang marinig ko yung mala anghel nyang boses at gusto kong panlakihan ng mata nang makita ko kung sino yung nasa tabi ko. “Ah ahh ano...S-salamat hehe yun. Salamat” Utal na sabi ko. Gusto ko naman tampalin yung sarili ko dahil sa pag utal ko. Nakita ko naman na napatawa sya ng mahina kaya napatitig ako sakanya. “Reetz” Sabi nya at nilahad yung kamay nya. Nakakahiya man pero dali dali kong inilapat ang kamay ko sa kamay nya saka nag shake hands. “Priscilla just call me alex hehe” Sabi ko. Napakunot sya ng noo dahil sa sinabi ko kaya nag explain ako. Kasi priscilla ang name na sinabi ko pero alex ang gusto kong itawag nya sa akin. Saan yung alex dun diba? Nag kwentuhan pa kami ng medyo mahaba at di na namalayan ang oras. “Ahh so Hearts day pala ang birthday mo? That’s nice. Ako sa October 28 ang birtday ko.” Sabi nya napatango ako at sinabing kasunod nya ng birthday ang mom ko na sa october 27 ang birthday. Lumapit naman sa amin yung dad nya at inaya na sya. Nag didilim na daw kasi at mag gagabi na. Nalungkot man pero wala akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin na.... “Please stay with me forever” Oh diba mukha naman akong tanga nun. Kaya di nalang ako nag reklamo. Pero bago pa sya sumakay ng kotse nila ay may tinuro sya sa bulsa ko. Pag dukot ko ay may papel akong nakuha. Nag tataka man pero binasa ko kung ano yung nakasulat doon. “Don’t be sad. We’ll see each other again soon. :)” Nakasulat doon. Pag kabasa ko nun napatingin ako sakanya na nakapasok na sa loob ng kotse at nakadungaw nalang sa bintana. Kumaway sya sa akin at napangiti nalang ako bago kumaway din at umandar na yung sasakyan nila. Nakangiti akong nakatingin lang sa papalayong sasakyan nila ng biglang.... “Don’t be sad. We’ll see each other again soon.” Basa ni timothy sa papel na hawak ko padin. Inilayo ko naman ito at ganun nalang ang gulat ko nang makita kong nasa labas na din sila at nasalikod ko lang. So ibig sabihin nakita nila yung itsura ko kani kanina lang? Putcha! Kamot batok lang ako at nahihiyang tumingin sa kanila nang mag salita si vera. “Hmmm. Kanina lang ayaw kumain at kailangan pang subuan dahil sa lungkot. Ngayon naman kala mo wala nang bukas kung makangiti. Ang bilis naman mag bago ng mood mo,bunso.” Napatingin ako sakanya saka dinepensahan ang sarili ko. “Luh! Di ako kinikilig noh! Di ko sya type!” Depensa ko pero humalakhak nalang sila ng malala na dahilan para pag tinginan kami ng ibang tao na papasok sa loob. “Dude. Wala naman sinabing pangalan si vera ahh.” Sabi ni domi na ginatungan pa ni Althea. “Oo nga, at isa pa wala naman sinabi si vera na kinikilig ka. Ang sabi nya lang ay ang bilis naman mag bago ng mood mo.” Napatanga ako dahil sa narinig ko at saka ko lang narealize kung ano ang sinabi ko kani kanina lang. Luh! Di ako kinikilig noh! Di ko sya type! Luh! Di ako kinikilig noh! Di ko sya type! Luh! Di ako kinikilig noh! Di ko sya type! Shuta......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD