SPICE 1

2505 Words
"Saff! Male-late ka na bumangon ka na!" Nagising ako sa maingay na pagtawag sa'kin ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko. "5 more minutes Mom..." medyo inaantok pang sagot ko. Nararamdaman ko ang kirot sa sintido ko. "Your kuya is waiting dear, come on kanina pa yang 5 minutes mo nakailang balik na ako..." narinig ko ang papalayong yabag ni Mommy, pumikit akong muli nang biglang kumalabog ang pinto ng kwarto ko. "SAFFRON ELIYANA VERACRUZ! Kikilos ka na ba, o sisirain ko 'tong pinto ng kwarto mo at ako mismo kakaladkad sayo palabas!" Bigla akong napadilat sa sigaw ng kuya ko at sinipat ang oras sa cellphone ko. "S**t!" 7:45am na at 8am ang pasok ko sa trabaho. 'Myghaaad Saff anoba araw-araw na lang...' "ISA!" Ayan na... nagbibilang na sya, alam kong hindi nagbibiro ang kuya ko. "DALAWA!" "TAT-" "Enough kuya stop it gising na ako!" sigaw ko habang nagmamadaling tumayo sa kama ko upang tumungo sa banyo. "Good, move faster isasabay na kita papasok," isang huling kalabog muli ang ginawa niya bago naglakad palayo sa kwarto ko. Napahinga ako ng malalim, "Ginagawa naman akong bata ng mga 'to", Sa biglang pagtayo ko ay nahilo ako at lalong kumirot ang ulo ko. Ugghhh hang-over! Naligo na ako at bumaba sa dining area, pagdating ko ay kumpleto na sila sa hapag. My Dad, Alvaro Claude Veracruz is half Mexican and half Filipino, while my Mom Licorice Eevane Lopez-Veracruz is half-Spanish half Filipina where I got my hazel eyes. And then my brother, Mace Alistaire Veracruz. "Anong oras ka nanaman umuwi kagabi Eliyana?" napanganga ako sa tanong ni kuya, napakamot ako sa ulo ko, mukhang nakita nya ako kaninang madaling araw. "Saff, sa susunod na magpaparty ka at wala kang siguradong kasama pauwi, wag kang iinom nang hindi mo kayang dalhin ang sarili mo. Liquor should just be in your stomach, not in your brain." seryoso siyang nakatingin sakin, nakuha ko na din ang atensyon ng parents namin. "Nagka-ayaan lang kami nina Selene kagabi kuya... Alam mo namang may pinagdadaanan si Yna ngayon 'di ba?" pagkaalala sa pinsan ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Ilang araw ko siyang binantayan sa ospital dahil sa nangyaring aksidente sa kanya. "I'm so sad about Yna, she's been thru a lot. If kuya Cane is alive, hindi mangyayari 'to sa kanya. I mean, kuya Cane is really protective of his daughters, hindi siya papayag na masaktan ang mga anak niya nang walang ganti," naiiling na wika ni Mommy pagka-alala kay Tito Cane na naaksidente noon kasama ng asawa niyang si Tita Penelope. My Mom is the youngest and only girl in the family, ang tinaguriang 'Lopez Ice Princess'. My Mommy has a temper, at kahit ang mga kuya niyang sina Tito Kale at Tito Cane ay hindi siya kayang sawayin, kaya nga nabuo si Kuya Mace to spite our abuelo dahil sa plano nitong arranged marriage. But she and Dad loves each other so much at hindi biro ang pakikipaglaban ni Mommy noon sa pamilya niya just to be with Dad. Kaya naman magpahanggang ngayon ay makikita mo kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. But sometimes, to sweet for our taste dahil may pagka PDA at SPG ang mga magulang namin. Mga respetadong business tycoons pero kapag sila na lang dalawa ay para silang mga ferocious beings. "How is Yna coping up mija? And what is Mace talking about? Anong oras ka na bang umuwi?" Takang tanong ni Dad na pumutol sa pagmumuni muni ko. "Well, she isn't fine Dad, kagabi naka tulala lang siya, she didn't even drink anything. She just cried and, may sasabihin nga pala ako..." Mula sa malungkot na ekspresyon ko ay napalitan iyon ng kaba sa magiging reaksyon nila. "Ano 'yon anak?" Daddy asked. "Serena is... 5 weeks pregnant, with Calvin's child," pagbitin ko pa dahil kinakabahan talaga ako. "WHAT?!" sabay sabay na sagot nila na ikinabigla ko ng husto, sabay na naibaba ni kuya Mace at ni Dad ang mga kubyertos nila na naglikha ng ingay, si Mom ay napatakip sa bibig at napahawak sa dibdib ang kabilang kamay. "That m*therf*cker!" I saw rage on kuya's eyes at nakakuyom ng husto ang kamay niya. "Mace language please nasa harap tayo ng hapag-kainan," Dad dismissivel look at my brother habang napapailing, but anger is visible in his eyes. Halos anak na ang turing niya kina Sese at Yna dahil kami madalas ang kasama nila habang lumalaki dahil sina Tito Kale ay nag-stay noon sa Spain. "That bastard! Ang lakas ng loob niyang magloko, where is he? No one can mess with a Lopez! Mapapatay ko ang lalaking yon!" with kuya Mace's reaction, talagang malabo nang sikatan pa ng araw si Calvin. "Mace Alistaire calm down! Walang buting idudulot kung ganyan ang iniisip mong gawin. We need to help Yna overcome this," madiplomasya talaga si Dad ever since, bumaling siya sa akin, "What's her plan Saffron?" "Actually Dad, Selene and Adam is planning to bring her to Germany with them. Lilipad sila bukas papuntang Palawan para itago si Serena and then aalis sila papuntang Germany at dun muna magsstay si Yna sa parents ni Adam." "I heard na hinahanap siya ni Calvin ngayon... paano kung matunton siya roon ni Sanders?" nagsalubong ang kilay ni kuya habang nagtatanong, kamukhang kamukha niya talaga si Mom kapag nakasimangot. Pati temper ni Mommy nakuha niya. "Well, we have Hunter and Adam sila na ang bahalang magbura ng tracks ni Yna..." I shrugged my shoulders and I do believe na maitatago nila si Serena nang walang bakas. "My poor niece..." naiiyak na wika ni Mommy, she then reached for my hand, "Anak, let's visit her later, I wanna see her first bago siya umalis." "Okay Mom, Lola Via and Lolo Fabian will visit her also..." "I'll come with you, kakausapin ko rin si Adam kung paano ang gagawin nila sa pagtatago kay Serena..." singit muli ni kuya, mukhang mananagot talaga si Calvin sa buong pamilya. Nakatikim na siya sa mga kaibigan namin, napagalitan na din siya ni Kuya Max, now si kuya Mace naman. "Okay kuya..." sagot ko na nagpatango tango kay kuya. "Anyways, how's the deal with SMC?" ang SMC o Salvatorre Multi-Corp. ay negosyo ng kaibigan ni Daddy at Kuya Mace. "Well, we sealed the deal kuya, and naghihintay na lang kami ng schedule para sa pag-sign ng contract. Medyo busy daw si Uncle Niccolo kaya di pa masabi kung kelan," I shrugged my shoulder. "I've heard about that deal mija, kailan magsstart ang project nyo with La Casa?" my dad asked. "Sabi ni Ms. Mina, by next month pwede na naming simulan ang pag supply sa kanila Dad." "Good that's good to hear mija," patango-tango lang na sagot ni Dad. Biglang sumabat si kuya sa usapan at mukhang hindi pa din nilelet go ang nakita niya kaninang madaling araw, "Still, nagtitira ka sana ng pang-uwi lil' sis hindi yung nagpapakalango ka sa alak tapos gagapang ka na papasok ng bahay! You should've seen yourself. You p**e all over," napayuko ako sa sinabi ni kuya. "Kawawa sila Nana Linda na naglinis ng suka mo sa buong bahay, sa susunod na gawin mo yan grounded ka for 2 weeks." "Kuya! No! Ang tanda ko na para ma-grounded gosh!" "Mace stop over reacting," at bumaling si mommy sa'kin, "Saffy anak, mag-iingat ka and no driving under the influence of alcohol okay? Kahit 24 ka na, baby pa din kita so ayokong may mangyaring di maganda sayo" my mom said. "Yes mom noted! I love you and dad the most!" napapa-iling na lang si kuya kasi nakuha ko nanaman ang kiliti ng mga magulang namin at di ako pagagalitan sa pag-uwi ng late. "If you're done, let's go. May meeting pa ako sa SMC ng 10am," Kuya said habang humahalik sa pisngi ni Mommy. "Okay I'm done! Bye Mom and Dad!" paalam ko sabay halik sa pisngi ng parents ko. VERACRUZ EMPIRE Our family business handles restaurants and resorts here and abroad. We also have our commissary that supplies high grade meat and steaks sa restaurants around the country. May ilang hotels ang pamilya namin sa Asia at dalawa sa US. Mas madalas sina Dad and Mom sa US pero umuuwi sila minsan para ma-monitor ang branches na hawak na ngayon ng kuya ko. My brother, Mace Alistaire Veracruz is one of the youngest CEO in the country. Ruthless and serious, member siya ng Young CEO's Club, which is si Calvin ang Presidente. At the age of 27, halos madomina na niya ang industriyang kinabibilangan ng aming negosyo. Nagmana si kuya Mace kay Dad sa pagiging matinik sa negosyo. Bukod sa negosyo ng pamilya ay may sarili din siyang kumpanya na nag-aacquire ng mga papalugi at ibinebentang kumpanya. Cold and reserved, yan ang madalas na naririnig ko mula sa mga business partners, hanggang sa mga empleyadong nakakasalamuha niya. Hindi pwede sa kanya ang pabara-barang trabaho. He wants everything smooth and perfect or else, fired ka kagad. But then when it comes to me and our mom, he becomes a softy. And me, well I handle some of our restaurants and also I supervise our commissary. Bilang unica hija ng isa sa pinaka-mayamang nilalang ay wala akong choice kundi tanggaping negosyo ang kababagsakan ko kahit na noon ay gusto kong maging guro. Kumuha ako ng course sa pagtuturo nang makatapos ako ng Business Administration, mayroon na din akong mga certificates at gusto kong kumuha ng exam at magkaroon ng lisensya para maisingit ko sa schedule ko. Gusto kong gawin ito kahit mga isa o dalawang araw lang. Pumayag naman ang Mommy at Daddy ko kaya sobrang saya ko at nagpapasalamat sa suportang ibinibigay nila. We're glad na nakuha namin ang La Casa since may pagka-metikuloso ang may-ari nito. Si Mr. Niccolo Salvatorre ay isang Italian business man na halos kaedad lang ni Dad. Matalik na kaibigan siya ng mga magulang ko kaya di din kami gaanong nahirapan na kumbinsihin silang samin na kumuha ng supplies ng A Grade meat. Sabi ni Uncle Nic, ipapasa nya na sa kaniyang nag-iisang anak ang kanilang negosyo, kasama na ang pamamahala sa La Casa na dating si Mrs. Ariella Salvatorre ang nagpapatakbo. So siya na ang magiging kausap namin. Kaibigang matalik din sya ng kapatid ko, at well, nasa circle of friends ko din siya, SAGE VIPER SALVATORRE. Torrid womanizer na akala mo nagch-chewing gum lang kung magpalit ng babae na kapag wala nang lasa basta na lang iluluwa. Ginagamit nya ang kanyang itsura na akala mo isa syang mahalagang regalo Ng Diyos na isinaboy sa sangkababaihan para sambahin. Eeww... I think he's a walking STD. Pagdating sa opisina'y tinawag ko agad ang secretary c*m bestfriend kong si Megan Elizabeth Willis. "Hey Eliyana goodmorning!" I know right? Ganyan ako batiin ng secretary ko. Megan is one of my best friends, kung tutuusin hindi kailangan magtrabaho ni Megan dahil mayaman ang pamilya nila, her family is a line of Doctors. Siya lang ang nahiwalay sa amin noon dahil halos lahat kaming magkakaibigan ay nagtapos ng BS-BA, samantalang siya ang Bachelor of Physiotheraphy ang kinuha. Kinukuha siya ng Mommy niya para doon magtrabaho sa ospital nila dahil sjya din naman ang magmamana nito, but being the heard headed that she is, nang makatapos ay nag exam lamang siya para kumuha ng lisensya at nagtrabaho na sa kumpanya ko bilang sekretarya ko. Matalino si Megan pero hindi daw talaga para sakanya ang pagdodoktor, sugat na maliit nga iniiyakan, paano pa pag kinailangan niyang gamutin ang pasyente, baka mas mauna pa siyang pumanaw kesa sa pasyente niya. I dropped my pen at business na agad, "Hey Meg, so nakausap mo na ba si Sage kung kailan yung exact date ng orders nila for next month?" "Actually, hindi pa. I've tried contacting their office kanina kaso sabi ng sekretarya wala pa daw ang bago nyang boss. Well, alam mo naman yang spoiled rich brat na yan may sariling schedule, di katulad ni baby Mace..." kinikilig niyang dugtong sa huli. Matagal nang type ng kaibigan ko ang kuya ko, kaso yung kuya ko akala mo bato na walang nararamdaman. Halos isubo na ni Megan ang sarili niya kay kuya pero walang epekto sa manhid na pagkatao nito. "How is Kyler anyway? Bakit 'di siya sumama sa atin kagabi? Yang boyfriend mo na yan KJ palagi!" nakaingos si Megan pagkabanggit sa boyfriend kong si Kyler Salvador. I just chuckled at nagpatuloy sa pag-aayos ng desk ko, "He's just busy with work, 'di ka na nasanay." "Ano bang nagustuhan mo riyan sa lalaking yan ha? Akala ko ba noon gagamitin mo lang siya para makalimutan yang feelings mo kay-" Itinaas ko ang kamay ko para hindi na niya ituloy pa ang sasabihin niya "Ay nako Megan eto nanaman tayo..." "What? Eh totoo naman, aminin mo nang boring yang boyfriend mo. Pareho sila ni Calvin, mga self-centered egoistic bacteria," umikot pa ang mga mata nito habang nakatingin sa mga kuko. "Of course not! Kyler is not a cheater Meg. Wag mo siyang idamay sa galit mo kay Calvin Sanders okay? At wag mo silang pagkukumparahin dahil magkaiba sila! Sobrang magkaiba," tumaas na ang boses ko dahil sa kakulitan niya. Sa lahat ng empleyado ko, si Megan lang ang may kakayahang barahin ako at hindi bigyan ng honorifics, perks of being the President's bestfriend. She hold her hand up at itinaas ang mga balikat "Okay, sabi ko nga eh magkaiba sila, galit ka naman agad eh. Sige na babalik na ko sa desk ko. And OMG finollow na ako ni Mace sa FaceGram! Gosh! Malapit na kitang maging sister-in-law my dear bessy! Hindi na ako palalayasin ng mga magulang ko kapag naging isa na ako sa mga Lopez!" Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya, "Kailan pa nagka-FG ang kapatid ko? The last time I checked, diring-diri siya sa social media. At anong sister-in-law sinasabi mo riyan? Nako goodluck Megan, kilala ko si kuya Mace. Baka inaamag na yang flower mo hindi ka pa din niya nililigawan," I chuckled and grinned at her. "Hoy Saffron Eliyana Lopez-Veracruz! Mark my words, 'Hindi matatapos ang taon na 'to mapapasakin din si Mace!" sabay talikod saken at nagmartsa na palabas ng opisina ko. Napailing-iling na lang ako sa kalokohan ng kaibigan ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagpirma ng mga papeles nang tumunog ang intercom ko. "Yes Meg?" tanong kong hindi nag aangat ng tingin sa ginagawa. "Uhm SEV, ah t-there is someone here who wants to see you..." nauutal nyang sabi na nagpakunot ng noo ko. "Who? I thought I don't have a meeting with anyone today?" kunot-noong tanong ko, nag-aalangan naman ang babae at hindi agad makasagot. Bumukas ng malaki ang pinto ng office ko at nakarinig ako ng paghagikgik kasabay ng mabibigat na yabag. "Why Bambina? Do I need to set an appointment to talk to you?" ani ng baritonong boses ng lalake. Napa-angat na lang ako bigla nang marinig ang pamilyar na malanding boses na yon na madalas magpakaba sa puso kong siya lang yata ang may kayang magpatibok ng ganito. "S-sage..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD