SAFFRON
"And to whom do I owe this surprise visit of yours Mr. Salvatorre?" taas-kilay kong tanong sa mala-greek god na lalaking nasa harap ko.
"Why are you so cold bambina? Didn't get laid last night? Hmm?" tumaas baba pa ang kilay niya para asarin ako.
"Shut up you gigolo. Hindi ako katulad mo na ginagawang past time ang pagkama sa mga babae. And stop calling me bambina! I ain't your baby girl" angil ko sakanya.
Umarte naman siyang nasasaktan, "Ouch! Must you be so hostile with me bambina? Kaya ka nagmumukhang matanda palagi kang naka-simangot. Ngumiti ka naman! Kaya hindi ka ligawin mula noon eh"
"Excuse me Mr. Salvatorre, dadaan ako!" sabay ingos na ikinatawa niya.
"Ang kapal ng mukha mong tawagin akong matanda. If you're here to ruin my day, then you win" inabot ko ang bag ko at kumuha ng ilang lilibuhin, "Oh ayan, bayad sa pagsira ng araw ko. You can go marami pa kong gagawin... At excuse me lang, I don't need suitors, I have a boyfriend!"
He laughed heartily at biglang naghuramentado ang puso ko. I look at his smile, his eyes, and the way his nose wrinkled kapag tumatawa siya, bakit ba napaka gwapo ng isang 'to kahit nakakairita ang ugali? At yung labi niyang mas mapula pa sa mansanas, parang ang sarap kagatin...
"Hey bambina, stop staring at me like you want to kiss me, baka hindi ako makapag pigil halikan kita dyan hanggang sa kapusin tayo ng hininga" he smiled seductively at kagat-labing kumindat.
'Anoba Saffron yang pinag iisip mo! Pinagpapantasyahan mo nanaman tong kumag na to'
"Grrr! Lumayas ka na sa harap ko Sage at baka ipadampot kita sa mga gwardiya ko. Kahit masira pa yung deal ng mga kumpanya natin wala akong pakialam!" binato ko siya ng stapler sa inis na mabilis niya namang nailagan.
"Hahahah Bambina chill! Pinangingiti lang kita" umaalog pa ang balikat niya sa sobrang pagtawa.
"Anong pinangingiti? Mas lamang pa yung pang-iinis mo kesa magpangiti. Ano ba talagang ginagawa mo dito ha?"
Tumawa pa siya ng nakakaloko bago pinilit ang sariling magseryoso "Okay serious mode on, well sabi ng secretary ko tumawag si Megan para sa schedule ng contract signing. Well, we can do it today, dala ko naman ang papers sa kotse ko, we can sign it here"
"Hmp! Okay sige, iakyat mo na dito. Akala ko paghihintayin mo pa kami ng matagal eh."
"Magagawa ko ba namang paghintayin ka amore mio?" akmang hahawakan niya ang kamay ko nang tapikin ko siya at tumawa lang muli. "Hahaha wait my secretary is on the way iaakyat niya dito ang papers"
"May pahawak-hawak ka pang nalalaman diyan Sage" sikmat kong muli sa adonis na kausap ko. 'May ADONIS ka pang nalalaman dyan Saffron!'
After a few minutes ay may kumatok sa pinto, "Come in"
Pagbukas ng pinto ay pumasok ang isang babaeng akala mo clown sa kapal ng make-up, hapit na hapit ang suot na blue pencil cut skirt, at ang blouse niyang halos walang tinakpan dahil nakabukas ang tatlong butones sa itaas. Napanganga na lang ako nang paglapit niya kay Sage ay dumukwang ito para iabot ang mga papeles na hawak at ang loko loko naman ay nakangisi lang na nakatingin sa dibdib ng babae.
Napatikhim ako dahil para silang naghuhubaran sa mga isip nila, at naghaharutan pa sa mismong harap ko, ang sasagwa!
"Ehem, I didn't know na nagpalit ka nanaman pala ng secretary mo Sage" I said sarcastically. Nakailang palit na ng secrtary ang lalakeng ito mula nang magsimula siyang i-train ng Papa niya sa negosyo.
"Oh well, yung huling secretary ko masyadong clingy, minsan akala ko siya na yung boss tsk" napailing-iling pa na akala mo namroblema talaga sa pag-papaalis ng empleyado.
"Yan! Yan ang napapala ng babaerong tulad mo! You really should separate work with pleasure Mr. Salvatorre. Wala ka ding pinagkaiba kay Calvin"
Nakita ko ang biglang pagseryoso ng mukha ni Sage at napakuyom ang kamay na ikinataas ng kilay ko, "That, is where you are wrong bambina. I may be a gigolo in your eyes, but I will never cheat on my girlfriend or my wife.."
"Oh really? Sige sabi mo eh"
"What's wrong with you Saffron? You act like a wife that got cheated on." Bumaling siya bigla sa sekretarya niyang obvious na nagdiday-dream habang nakatitig sa boss niya at hindi ako nagtataka na baka ginahasa niya na si Sage sa isip niya. "Trisha please leave us alone."
"Sure SVS..." sabay kindat at lumakad nang pagewang-gewang palabas ng opisina ko.
Paglabas ng mala-clown niyang sekretarya ay nagsalita na akong muli, "You know what? Let's just get this done with para makalayas ka na"
"Are you on your period Saff? Ang init ng ulo mo" he smirks again and oh geez he look so good when he smirks. "But seriously Saffron, if ever I have a steady girlfriend or a wife, which I doubt I will have in the near future, I will never cheat on her. I maybe a player, but never a cheater. Wala akong nakarelasyon sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko"
I just sighed at hindi na nakipag diskusyon pa sa kanya, "Inumpisahan mong sirain ang araw ko Salvatorre kaya magtiis ka. And why are you explaining anyway? It's not as if 'you cheated on me right?" My turn to wiggle my brows.
Napakunot nanaman ang noo ni Sage,
"You're so feisty today. Are you having problems at home? Or you have a problem with that Mr. Cocky-Boyfriend of yours?"
"Hey! Don't call him that, he has a name, and it's Kyler"
"Yeah whatever his name is. That guy is a creep you know, I once saw him in Black Karma sexy dancing with a girl. I wonder what's he doing there in that ungodly hour and with a pretty girl. He looks like a predator y'know." he shrugged his shoulders and look at me straight in the eye, it's like he's trying to tell me something.
Bigla naman ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko, "What are you talking about?"
Para naman siyang natauhan at biglang umiling at ikinumpas pa ang kamay, "Nah, nevermind bambina, wag mo kong pansinin kilala mo naman ako I spout nonsense sometimes"
I look at him seriously, "Are you insinuating that my boyfriend is cheating on me Sage?"
"I didn't say anything like that bambina... Forget about what I said, now let's get down to business"
*****
Pag-alis ni Sage ay nakatulala lang ako sa kawalan. Nagulat ako nang may kamay na sa harap ko at curious na mukha ni Megan ang bumungad sakin.
"Hey Saff, anyare sayo? Natulala ka na dyan? Naalala mo nanaman si-"
"Sage told me something kanina Megan..."
"And what is that? May nangyari ba kanina na hindi ko alam Saffron?"
"He said he saw Kyler at Black Karma na may kasamang babae.."
"Oh really? Kelan naman daw?"
"He didn't tell me, I'm asking for details pero hindi niya sinabi. He said na he's just spouting nonsense and na sa susunod na lang namin pag-usapan"
Napahawak naman si Megan sa baba niya at nag-isip, "S**t Saffron, sana mali ang naiisip ko.."
"Sana nga mali lang din si Sage sa mga pinagsasabi niya"
"I have an idea my dear, why don't we go to Black Karma? Or let's investigate?"
"Let's not jump to conclusion yet Megan, until I didn't see it first hand, I will still trust Kyler"
I heard Megan sigh, "I hope this is not Serena part 2... We've had enough of cheaters in our lives. Tignan mo si Ekaterina, mukhang tatandang dalaga dahil niloko ng ex niya"
I also sighed, thinking about our friends na puro broken-hearted at niloko ng mga boyfriend/asawa nila, "Yeah... I hope so too..."
♡♡♡♡♡
We were at the Black Karma a few days after ng pag-uusap namin ni Sage. Nagpaalam sakin si Kyler na may overnight meeting sila ngayon dahil may i-oopen silang bagong showroom ng mga sasakyan na binebenta nila.
Napag-usapan naman naming magkakaibigan na mag-party ngayon dahil paalis na si Avalyn papuntang France para maging model ng VS Internationale, isang sikat na lingerie brand sa buong Europe at maging sa US.
Naisip ni Megan na magandang pagkakataon ito, dahil baka magawi ulit si Kyler sa bar na ito. Hindi aware si Kyler na kaibigan ko ang may-ari ng Black Karma, which is si Clay Sanders.
Nagkakasayahan na sa dance floor ang mga kaibigan naming sina Ekaterina, Avalyn, si Jillian na sekretarya ni Serena, at si Megan na may kasayaw na lalake sa gitna at parang enjoy na enjoy naman ang isang yon sa pagdidikit ng mga katawan nila, 'May nalalaman pang mark my words at mafo-fall sakanya si kuya, pero kung makasayaw sa lalaking mukhang manyakis na yun akala mo uod na inasinan', napailing na lang ako sa itsura ng mga kaibigan ko.
Si Selene at Serena ay nasa Germany na ngayon kasama si Adam at ang kambal na anak ni Selene, sa pagkakaalam namin ay sumunod doon si Arkin dahil sa "negosyo", but we know better. It's freaking obvious na si Serena ang dahilan ng biglaang paglipad niya sa Germany.
Since we were kids, Arkin's eyes is already focused on my cousin. Everyone is aware, ewan ko lang kay Serena at Calvin. Mabuti na din at hindi nagtataka si Calvin sa agarang pag-alis ni Arkin. Si Arkin ang VP ng Young CEO's Club, at siya din ang namamahala ng YCC ESTATE sa Tagaytay kung saan nandun halos ang mga bahay o bakasyunan ng mga members ng club.
I'm left alone sa VIP Podium dito sa 2nd floor ng bar. I can see everyone in the middle of the dance floor, I was laughing hard on Megan being dry humped by the stranger nang biglang mapadako ang tingin ko sa entrance.
Biglang tumahip ang dibdib ko sa kaba. Napanganga ako nang makita si Kyler at ang babaeng kasama niya na naka abrisyete pa sa kanya at mukhang nagkakatuwaan pa ang dalawa dahil may pabulong bulong pang nalalaman.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil nalilito ako kung nasasaktan ba ako o naiinis. Naiinis marahil dahil sa babaeng kasama ngayon ni Kyler. Sa dinami-dami ng pwedeng makasama niya, ang babaeng hitad na ito pa!
'You witch! Mukhang libangan mo ang mang-agaw ng pag-aari ng iba'
Pumwesto sila sa may gilid ng bar at malayo sa paningin ng ibang tao, pero kitang kita ko ang paghaharutan nila. May ilang tao pa ang lumapit sakanila, I know her dahil isa rin siyang artista at nasa circle of friends ni Kyler, Laura Briggs.
Parang tanga naman yung DJ ng bar at pinatugtog ang original version ng Dancing On My Own ni Robyn. Saktong sakto lang, tulad sa kwento ng kanta the girl was dancing on the dance floor when she saw her ex dancing with another woman, ang kaibahan lang ay hindi ako sumasayaw at boyfriend ko ang nakikipaglampungan sa ibaba.
'And yeah, I know it's stupid
But I just gotta see it for myself
I'm in the corner, watching you kiss her, oh
I'm right over here, why can't you see me? Oh
And I'm giving it my all
I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own'
Sa nagdidilim na paningin ay tumayo ako at handang sugurin ang boyfriend niyang ngayon ay halos makipaghalikan na sa babaeng malanding yon, ilang inches na lang ay maghahalikan na sila kaya hindi na ako magdadalawang isip ilalabas ko ang cellphone ko para makuhanan silang dalawa at komprontahin.
Paghakbang sa unang baitang ay biglang may humatak sa braso ko at bumangga ako sa isang matigas na bagay. No, hindi siya bagay, pader yata ito, no wait, it's just a man's chest. Napatingala ako at napasinghap nang mapagsino ang humatak sakin.
Sa gulat ay hindi nako nakagalaw at napatitig na lang sa mga mata niyang mataman na nakatingin sakin, nalipat sa mga naka awang na labi ko ang mata niya at napabuntong hininga siya habang unti unting bumababa ang ulo niya at palapit nang palapit ang mga mukha namin.
'Move Saffron! Do something! Sh*t!'
Natulos na lang ako sa kinatatayuan ko nang binigla niyang paglapatin ang mga labi namin at pinalalim iyon na akala mo gutom na gutom siya at ang mga labi ko ang ginawa niyang pagkain. Maski ako ay nadadarang sa ginagawa niya, napahawak ako sa dibdib niya para sana itulak siya, pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bewang ko at mas pinalalim ang halik niya. 'Gosh, bakit hindi kita maitulak, gusto kitang sigawan', habang tumatagal ay lumalambot ang tuhod ko. Inaalalayan niya naman ako, ang isang kamay niya ay nasa likod na ng ulo ko para pigilan ang pag-atras ko.
Wala na akong pake sa mga nakakakita samin, nakalimutan ko na din si Kyler at ang malanding babaeng kasama niya. All my attention is focused in this man and his warm kisses.
If heaven feels like this, parang ayoko nang matapos 'to at manatili na lang sa bisig niya at magpakalasing sa halik niya na matagal ko na ring pinapangarap.
"il mio cuore è tuo bambina ..." he said breathlessly in between his kisses. Di ko na naintindihan ang sinabi niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"SAFFRON!!"