CHAPTER 14

1088 Words
LIAM POV Habang nagdadrive papuntang hospital na kinalalagyan ni con ay humihikab ako. Hindi kasi ako makatulog ng maayos dahil iniisip ko si con. Kung kamusta na ba sya o nagising na ba sya. Pagkarating ko sa hospital at bumaba na ako ng kotse ko at naglakad na papunta sa room ni con. Tinanong ko muna yung nurse kung saan ang room ni con at ng malaman ko na ay pumunta agad ako roon. Nandito na ako sa tapat ng pinto at pipihitin ko na sana ang door knob ng maunahan ako ng nagbukas sa loob ng room. Nakita ko ang tatay ni con "s-sir" kinakabahang sabi ko. Tumitig ito sa akin ng maigi "anong ginagawa mo dito?" tanong nito gamit ang baritong boses kaya mas Lalo akong kinabahan. "g-gusto ko lang pong bisitahin ang anak nyo, sir" sagot ko sa tanong nya. Biglang dumating ang nanay ni con na galing sa loob din "hon, hayaan mo na sya, tutal aalis rin naman tayo para asikasuhin ang papeles ni con... pabantayin na muna natin sya kay con" sabi ng nanay ni con. Tinignan ako ng masama ng tatay ni con "pshh, pasalamat ka at walang magbabantay kay Con" sabi nito. Pinapasok ako ng nanay ni con. Buti nalang talaga! Angbait ng nanay ni con. Pagkapasok ko ng room ni con ay nakita ko agad ang dahilan ng pagpunta ko rito. I saw her lying on the bed unconscious. Para lang syang natutulog pero ang kaibahan ay may mga nakakabit na aparatos sa mga parte ng katawan nya. Naglakad ako palapit sa kinahihigaan nya. "mauna na muna kami..." sabi ng nanay ni con "wait, ano nga palang pangalan mo?" dagdag na tanong nito. Nagpakilala ako "ako po pala si liam Mandele, kai- school mate po ni con" sabi ko. Sasabihin ko sanang kaibigan ako ni con ng maalala kong hindi pala ako karapat dapat para maging kaibigan ni con, at saka hindi rin naman nasabi ni con na magkaibigan kami. Tumango ang nanay ni con "ako si Elizabeth de vargas, nanay ni niel at asawa ko naman, marko de vargas" pagpapakilala ng nanay ni con. Itinuro pa nya ang pwesto ng tatay ni con ng ipakilala nya ito. "ma'am Elizabeth kam--" pinutol ng nanay ni con ang sasabihin ko. "just call me tita beth and just call him tito mark" sabi nito sa akin. "understand?" dagdag nito. Tumango ako "o-okay po t-tita... Kamusta na po si con? M-maayos na po ba ang lagay nya?" nauutal na tanong ko. Hindi ako sanay na tawagin syang tita lalo na ngayon na kakakilala palang namin. Bumuntong hininga si t-tita beth "sabi ng doctor magigising naraw si con this week... Maayos narin ang parte ng katawan nya na natamaan ng bala, ang kailangan nalang at ang operahan sya dahil sa sakit at napag usapan namin na dalhin sya sa states para sigurado na na gumaling sya" mahabang salaysay ni tita beth. Nang marinig ko ang sinabi ni tita at ay nanlambot ang tuhod ko "s-sa states po?" tanong ko. P-paano na kapag sa states pinagaling si con? Mapapalayo na sya sa akin or worst baka dun na Sila manirahan sa states. Erased liam, erased! Wag ka masyadong negative. "oo, sa states namin sya ipapagamot dahil alam naming mas mataas ang technology doon kesa dito, para siguradong gumaling si niel" sabi uli ni tita. Nanlulumo man sa binalita ni tita at tumango nalang ako. Mas maayos narin to para gumaling talaga si con. "ohh sige, mauna na kami at aayusin na namin ang papeles ni niel... Ikaw na muna ang bahala sa kanya habang wala kami ha" sabi ni tita na tinanguan ko. Nagpaalam na silang Mag asawa at naglakad na palabas nitong kwarto binantaan muna ago ni tito na 'bubugbugin kita kapag may nangyari nanamang masama sa anak ko' bago sila tuluyang umalis. Umupo ako sa may upuan na katabi ng hinihigaan ni con. 'Hayyy' buntong hininga ko habang nakatingin sa mukha ni con. Kahit na ganito ang lagay nya ay kita parin ang ganda nya. Nagsisisi ako! Nagsisisi akong puro masasamang salita lang ang nasasabi ko sa kanya. Puro masasamang pangyayari lang ang ibinibigay ko sa kanya. Kung sana ay naging mabuti lang ang pakikitungi ko sa kanya, siguro ay nasulit namin ang mga oras na yon. Sinayang ko lang ang mga oras na sana ay magkasama kami. "c-con... A-alam kong puro pasakit nalang ang ibinibigay ko sa iyo, pero sana... Sana mahalin mo parin ako kapag nagising kana. At kapag mahal mo parin ako kapag nagising Kana, pangako ko... Hindi na kita sasaktan pagkat mamahalin na kita na sana dati ko pa ginawa" pagsasalita ko rito kahit na hindi nya naririnig. I remember when I saw her went to the mall. Nasa parking lot ako non ng mall at nakita ko sya, gusto ko sana syang samahan noon dahil wala syang kasama pero kinakabahan ako kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko si angela at nagpasama sa kanya. Sinundan namin ng pasikreto si con hanggang sa makarating sya sa timezone. Hinintay muna namin ni angela na makapasok sya sa timezone bago namin sya sundan sa pagpasok. Naglalaro sya ng claw machine at natatawa ako ng makitang inis na inis sya dahil hindi sya makakuha kaya ang ginawa ko ay nilaro ko ang isang claw machine na nasa likuran nya. Sakto at magaling ako sa paglalaro ng claw machine kaya ng unang laro ko palang ay nakakuha agad ako. Isang teddy bear na spongebob ang design, Her favorite. Tinago ko ito sa bag ko at nilaro uli ang claw machine. Nakakuha uli ako ng isang spongebob at ibinigay ko ito kay angela. Napalakas ang pagsasalamat nya sa akin kaya napalingon sa aming pwesto si con at kita ko kung paano sumama ang itsura nya. Lalapitan ko sana sya at ibibigay ang sponge bob na nakuha ko rin kaso naglakad na sya palabas ng timezone hinabol ko pa sya at naiwan ko na doon sa timezone si angela pero pinagpatuloy ko ang paghabol kaso lang huli na, nakapasok na sya sa kotse nya. Nakita ko ang ginagawa nya sa loob ng kotse dahil hindi naman ito tinted. And that day, I saw the different con. I saw her crying because of pain and I just did nothing. Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lang sya. Nahahawa ako sa nararamdaman nyang sakit pero wala parin akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan lang sya. Pagmasdan sya na lumuluha na ang dahilan ay ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD