CHAPTER 13

1151 Words
LIAM POV. I remember what my mom told me once. 'if you love someone, you should love them no matter what their attitude.do not change their behavior just because you want to. Kaya mo nga sila nagustuhan dahil sa ugali nila diba kaya bakit mo ipapalit?... Wag mong gayahin ang papa mo... Sa kagustuhan nyang magbago ako ay hiniwalayan ko sya. Naisip ko kasing hindi nya ako mahal, maybe he like me but he didn't love me dahil kung mahal nya ako ay hindi nya ipapabago ang ugali ko' Tama nga si mama. Sa kagustuhan kong magbago si con ay unti unti syang nawawala sa akin. Nandito parin ako sa upuan tabi ng ICU. Hinihintay ang paglabas ng doctor na gumagamot kay con. Napatingin ako sa malaking salamin na humaharang sa loob ng ICU. Kitang kita ko rito ang ginagawa ng mga doctor at nurse para gamutin si con. Mabuti pa sila. Natutulungan nila si con sa pamamagitan ng paggamot dito ehh ako... Ni minsan ay hindi ko man lang natulungan si con. Napapahirapan ko pa sya. Tinawagan na ng mga pulis ang magulang ni con at sabi ng magulang ni con ay pupunta na sila rito. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil ngayon ko palang mamemeet ang parents ni con pero mas kinakabahan ako sa mangyayari kay con. Napatingin ako sa may hallway ng may makita akong dalawang may edad na babae't lalaki. Nakapambihis na pang opisina pa sila. Huminto sila sa tapat nitong ICU na kinalalagyan ni con "h-hows my daughter?" tanong ng babae. So they are the parents of con. Kinakabahan akong sumagot "k-kasalukuyan pong inooperahan si c-con para alisin ang bala ng baril na t-tumama sa kanya" nauutal na sabi ko rito. "who are you?" tanong ng lalaki na tatay pala ni con. "a-ako po si liam..." huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy "a-ako po ang naging d-dahilan kung bakit nandito si con, n-nadamay po sya s-sa away namin n-ng k-kaibi---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng suntukin ako ng tatay ni con. Napa upo ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok nito. "hon!!" sigaw ng babae sa gulat. "kapag may nangyaring masama lang sa anak ko! Malalagot ka sa akin!!" sigaw nito sabay duro sa akin. "s-sorry po, s-sorry" paghingi ko ng tawad sa kanila sabay luhod. Nag uunahan ang pagpatak ng luha ko. Biglang bumukas ang pinto ng ICU at iniluwa ang doctor na gumagamot kay con. "sino ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor. "k-kami po doc. How's my daughter?" tanong ng nanay ni con. "sa ngayon, ayos na ang pasyente. Naalis na ang bala na tumama sa kanya at thankfully, walang natamaan na vital part sa katawan nito but we still not sure kung kakayanin nya pa lalo na ngayon na lumubha ang sakit nya" pagbabahagi ng doctor. May sakit si con? "s-sakit? Wala pong sakit ang anak ko!" sabi ng tatay ni con. Kumunot ang noo ng doctor "hindi nya po nasasabi sa inyo? She have a disease that called, dementia. I mean degenerative dementia" sabi ng doctor. Nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila. "a-ano po ba ang degenerative dementia?" pagtatanong ng magulang ni con. Huminga muna ng malalim ang doctor bago magsalita "degenerative dementia is one of the chronic diseases, means malala na ang sakit ng anak nyo... Every months ay pumupunta sya dito para magpacheck up at kunin ang mga nerereseta kong gamot sa kanya pero ngayong nagdaang dalawang buwan ay hindi pa sya napunta dito kaya nagtataka nga rin ako ehh" sabi ng doctor. Nanlulumo akong napatingin sa salamin ng ICU. Kita ko dito si con na nakahiga sa kama. Nililinisan ng mga nurse ang katawan nito dahil sa nangyaring operasyon. "p-pero walang sinasabi sa amin ang anak namin... a-ano po ba ang sintomas ng sakit nya?" tanong ng nanay ni con. "Subtle short-term memory changes Trouble with memory is one of the early symptom of dementia, means may mga bagay na nakakalimutan nya. for example, kumain na sya pero nakalimutan nya na kumain na pala sya... Mga ganoong bagay." huminto muna ito bago ipagpatuloy. "next is Difficulty finding the right words. Another early symptom of dementia is struggling to communicate thoughts, ang may mga sakit na dementia ay nahihirapan Mag explain ng mga bagay bagay. A change in mood is also common with dementia, Apathy, or listlessness, commonly occurs in early dementia, Difficulty completing normal task, Confusion, Difficulty following storylines, A failing sense of direction, Being repetitive, and lastly Struggling to adapt to change" pagtatapos ng doctor sa pagbabahagi. K-kaya ba ganon nalang ang inaakto ni con? Dahil pala may sintomas sya ng pagbabago ng mood. Kaya pala wala syang masyadong kaibigan dahil sa sintomas nya. Mas lalo akong napaiyak dahil sa nalaman ko. 'ohh my poor con!!' "p-pero doc, mapapagaling mo naman ang anak ko diba? Diba?" pagpipilit ng magulang ni con. Tumango ang doctor "I will do my best misis and mister but... Don't expect to much" pagkatapos nyang sabihin ito ay naglakad na sya "maya maya ay dadalhin na ang pasyente sa private room at doon nyo sya pwedeng lapitan" huling sabi ng doctor at tuluyan ng naglakad palayo. Umupo ako sa upuan at yumuko. Kahit kanina pa ako lumuluha ay hindi parin nauubusan ng luha ang mga mata ko. "pasalamat ka at maayos na ang lagay ng anak ko dahil kung hindi! malalagot ka talaga" rinig kong sabi ng tatay ni con at nakita ko na ang mga paa nilang naglakad palayo sa pwesto ko. Napahinga ako ng konti dahil sa sinabi ng doctor kanina pero hindi parin nababawasan ang takot ko ngunit mas lalo lang itong nadagdagan dahil sa sinabi ng doctor na may sakit si con. Nagpahinga muna ako ng saglit dito bago ko napagpasyahang tumayo at bumalik muna ng bahay. Babalik nalang ako bukas dahil sigurado akong nag aalala narin si mama sa akin. Nagpaalam muna ako sa mga magulang ni con bago lumabas ng hospital. Mabuti nga at mabait ang nanay ni con ehh. Tumawag nalang ako ng taxi dahil wala nga akong dalang kotse ng pumunta ako rito sa hospital. Pagkasakay ko ng taxi at sinabi ko sa driver kung saan ang bahay namin at nagmaneho na ito papuntang bahay namin. Nang makarating ako sa bahay namin ay pumasok na ako at naabutan ko si mama na nakahiga sa sofa namin. Actually maliit lang naman ang bahay namin. Hindi kami mayaman at hindi kami mahirap kumbaga sakto lang. Lumapit ako kay mama. Tulog na tulog ito ng lapitan ko. Siguro ay hinintay nya nanaman ako. Hinalikan ko ang noo ni mama "I'm sorry mama, nakalimutan ko ang paalala mo sa akin dati, nakalimutan ko ito ng mahalin ko si con" huli kong sabi bago nagtungo ng kwarto ko at magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD