COLLONIEL POV
"apat!"
"ahhhhh!"
"Lima!"
"t-tama na!"
Patuloy sa pagbibilang si stark at dahil hindi makapili si liam at sinusugatan kami ni stark. Rinig ko ang hagulgol ni angela dahil sa sakit. Nagiging kulay pula na ang damit ko dahil sa dugong lumalabas sa sugat ko.
"s-stark! I-ibinobolontaryo k-ko ang sarili ko n-na ako n-nalang ang patayin mo..." nanghihinang sabi ko "masyado p-pang b-bata si angela para sa g-ganito kaya p-please.. Ugghh" nginisian lang ako ni stark sa sinabi ko. Napatingin ako kay angela ng marinig ko syang umungol. Kita ko rito sa kinauupuan ko ang pagdaloy ng dugo sa kanyang braso.
Hindi na ako nakatiis. Angela is like a sister to me. Nang magsimula ang pagkakaibigan namin ay nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na masasaktan si angela kaya gagawin ko kahit ano pa wag lang syang masaktan.
Iginalaw galaw ko ang kamay kong nakatali. Mahigpit ang pagkakatali nila hindi gaya ng kanina na medyo maluwag pero susubukan ko parin "anim! Patuloy ko silang sasaktan liam habang hindi ka pa nakakapili kung sino ang bubuhayin at sino ang papatayin ko liam!" nagtitimping sabi ni stark.
Napatingin ako kay liam na naluha na. "p-please stark... p-pakawalan mo nalang silang dalawa, ako nalang ang patayin mo..." sabi ni liam. Sinugatan kami ni stark ng hindi pumili si liam. Kagat kagat ko sa ang labi ko para pigilan ang pagdaing. Nalalasahan ko narin ang sarili kong dugo dahil sa pagkagat ko sa labi ko.
"pito... walo!" pagbilang ni stark. Dalawang beses nya kaming sinugatan ni angela dahil sa dalawang number ang binigkas nya "alalahanin mo ang sinabi ko kanina liam, kung hindi ka nakapili isa sa kanila hanggang sa umabot ng sampu ang bilang ko ay pareho ko silang papatayin" pagpapaalala ni stark kay liam.
Patuloy kong ginagalaw ang kamay kong nakatali. May nararamdaman na akong basa sa palapulsuhan ko sa kamay at sigurado ako Kung ano yun, dugo ko. Medyo lumuluwag na ang pagkakatali pero hindi parin to sapat para mapakawalan ko na ang dalawa kong kamay. "siyam!" saktong pagbilang in stark ng siyam ay tuluyan kong natanggal ang tali sa kamay ko. Sinugatan uli ako at si angela, ngayon ay sa may parteng tyan na. "ahhhhhh!" tili ko ng hindi ko na napigilan ang hapdi na nararamdaman ko.
Napahagulgol na ako dahil sa sakit. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil siguro ay nawawalan na ng dugo ang katawan ko. Hindi ko narin naririnig ng malinaw ang mga nagsisigawan sa paligid ko. Huminga ako ng malalim. Kung ayaw ni liam na piliin si angela ay ako na ang gagawa para mailigtas si angela.
Huminga muna ago ng malalim bago tumingin kay stark na ngayon ay may malaking ngisi sa labi habang nakatingin kay liam. Isa lang ang maihahambing ko sa kanya, para syang isang demonyo. Nakatutok parin sa akin ang baril nya. Inaalis nya lang ito kapag susugatan nya ako gamit ang kutsilyo na nakatutok kay angela.
Ginamit ko ang tyansang ito para sumugod sa kanya at agawin ang baril na hawak nito. Dahil sa nakatingin ito kay liam ay hindi nya alam na sumugod ako. Nahawakan ko na ang baril pero ng hihilahin ko na ito ay hindi ko nahila dahil sa higpit ng hawak nya rito.
Nagulat sya ng makitang nakatakas ako sa pagkakatali pero sandali lang iyon dahil sa hinili nya papunta sa kanya ang baril nya na hawak ko parin. Pareho na kami ang may hawak sa baril nya at nag aagawan kami rito kung sino ang mananalo at kung sino ang matatalo. "a-ate!" sigaw ni angela.
"liam! Tulungan mo ako!" sigaw ko kay liam ng makitang nakatulala lang ito. Siguro ay nagulat. Tatakbo na sana sya sa dereksyon namin ng bumukas ang pinto kasabay ang isang matinis na tunog ng baril na galing sa hawak namin ni liam. Nanlambot ang tuhod ko ng makita ko kung sino ang natamaan ng baril.
Nagkaroon uli ng tunog ng baril na sa tingin ko ay galing sa kapapasok palang dito sa bodega pero hindi ko na ito medyo narinig. Namamanhid ang bandang dibdib ko. Unti unti kong nabitawan ang baril na hawak namin pareho ni stark. A-ako ang nabaril. Napahiga ako sa sahig. Ramdam ko ang malamig na sahig na kinahihigaan ko. I-is this my end?. Rinig ko ang pagsisigawan sa loob ng bodega pero nanghihina na ang pandinig ko. Isa nalang ang napansin ko, may isang taong umaalog sa akin at naramdaman ko nalang ang paghiwalany ng katawan ko sa sahig.
THIRD PERSON POV
Nang pagbagsak ni colloniel ay sya ring pagbagsak ni stark. Nabaril si stark ng mga pulis na kakapasok lang sa pinangyayarihan.
Si liam naman ay nabigla sa nangyari unti unting pumasok sa kanyang isip ang nangyayari. "c-con!!" sigaw nito at Dali daling tumakbo sa kinahihigaan ni colloniel. Lumuluha itong tumatakbo hanngang so marating nito ang pwesto ni colloniel. Inalog alog nya ito "con! Wag kang pipikit plsss!" halata sa boses nito ang takot, takot na pumikit si colloniel at iwan sya.
"tulong!!" paghingi nito ng tulong sa mga pulis. May lumapit sa pwesto nila na isang nagtatrabaho sa hospital na may hila hilang stretcher. Inilagay nila si colloniel dito at hinila nila ang stretcher na kinalalagyan ni colloniel papuntang ambulansya. Sumakay sa loob ang dalawang nurse at si liam na nagpupumilit na sumakay.
Halata sa mukha ni Liam ang mga emosyong takot, lungkot,kaba, at iba pang emosyon. "p-pakibilisan plss!!" sigaw ni Liam. Nagsalita ang isang nurse "sir calm down ok, wala tayong magagawa kung magpapanic lang tayo" sabi nito.
Nagtangis bagang si liam "how can I calm down when she's lying here in the stretcher hovering between life and death!" sigaw nito. Napailing nalang ang dalawang nurse at hinintay hanggang sa makarating sila sa hospital.
Pagkarating na pagkarating sa hospital ay nagmamadali nilang ibinaba ang stretcher at tinungo ang ICU. Binawalan si liam na sumunod sa loob ng ICU kaya kahit gustuhin man nya ay hindi na sya tumuloy. Umupo nalang sya sa isang upuan at yumuko, he bent down and as he bowed, his tears came out one after another.