COLLONIEL POV
Bubuksan na sana namin yung pinto ng bigla itong bumukas. Nakita namin si stark na nakatayo sa labas. "paano kayo nakatakas?!" sigaw na tanong nito sa amin. May kinuha sya sa kanyang bulsa at nakita ko ang isang baril. Tinutok nya ito sa amin. "since nakalabas narin naman kayo, sumunod nalang kayo sa akin" dagdag pa nito sabay tutok sa amin ng hawak nyang baril.
"why are you doing this?" tanong ko rito na nginisian nya lang "malalamon nyo, pag dumating na sya" sabi nito na sinabayan ng pagtawa. "lakad na!" pag-uutos nito.
Wala kaming nagawa ni angela kundi ang sumunod. Nangangatog ang mga tuhod ko at sigurado akong ganun din si angela. Habang naglalakad kasi kami ay nakatutok sa amin ang baril ni stark. Nakarating kami sa isang malaking bodega. Madumi ang loob nito at madilim. Ang tanging nagbibigay lang dito ay ang isang bintana pero dahil sa maghahapon na pala ay konting liwanag lang ang mayroon.
May dumating na limang armadong lalaki. Tinanguan ni Stark ang limang armadong lalaki at tumango naman ang lima pabalik na para bang nag uusap sila sa pamamagitan lang ng pagtango. Bigla kaming hinila ng lima, mahigpit ang pagkakahawak nila sa amin kaya napadaing ako gayun din si angela "anong gagawin nyo?!" kinakabahang tanong ni angela.
"manahimik ka kung ayaw mong mapaaga ang pagkawala mo sa mundo!!" sigaw ng isang lalaki. Napatahimik si angela dahil sa sinabi. Tinignan ako ni angela at kapansin pansin ang pagtulo ng luha nya. "a-ate--" pagtawag nya sa akin pero hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng pabalibag syang binitawan ng armadong Lalaki "ughhh!" daing ni angela.
Nakatingin lang ako sa kaawa awang si angela ng maramdaman ko ang pagtama ko sa isang bakal. Namilipit ako sa sakit at nakita kong nagkapasa ang kaliwa kong siko dahil sa malakas na pagtama nito sa bakal. "aray!!" sigaw ko. Napapaluha narin ako. Eto na ba ang katapusan ko? Eto ba ang parusa ko dahil sa masamang ugali ko?
Tinali kami ng mga armadong lalaki dito. Sa upuan na bakal pala ako tumama. "maghintay Kayo mamayang gabi at isa sa inyo ang makakalaya sa tulong nya" biglang sabi ni stark na may nakapaskil na ngisi sa labi. Naglakad na sila paalis sa bodegang ito at naiwan ang apat na lalaking armado.
~~•~~
Napatingin ako sa bintanang nandito at nakita ko ang ulap. Gabi na at nakikita ko na ang buwan. Palagi kong gustong panoorin ang paglitaw ng buwan tuwing maggagabi ngunit sa sa nangyayari ngayon, parang wala akong lakas panoorin ito.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang armadong lalaki kasama si Stark. "get ready guys, palapit na sya" sabi ni stark na may ngisi. Naglakad sya palapit sa kinaroroonan namin ni angela. "I'm wondering, sino kaya ang pipiliin nyang mabuhay?" nagtatakang may ngisi nyang tanong "si angela na alam kong importante sa kanya, o ikaw na alam kong importante rin sa kanya pero hindi kasing importante ng kay Angela?" dagdag pa nito.
"walang hiya ka stark! Akala ko mabait ka dahil sa pinapakita mo sa akin- amin pero hindi pala!!" sigaw ko. Tumalim ang tingin nya sa akin "wala kang alam niel! Kaya manahimik ka nalang jan!" sigaw nito sabay sampal sa pisngi ko.
Anlakas ng pagkakasampal nya at may nalasahan akong mapait. "ugh!" daing ko. Magsasalita pa sana ako ng bumukas ng malakas ang pinto at niluwa nito si liam na galit na galit. He's like a predator who's ready to eat his prey. "wag mo silang sasaktan, stark!" dumagundong ang kanyang pagsigaw sa loob ng budega.
"hello my friend Liam, hahahahha!" sabi ni stark na may kasamang pagtawa. "pakawalan mo silang dalawa! Ako ang gusto mong pahirapan diba? Kaya ako nalang ang pahirapan mo!" buong lakas parin nyang sigaw. Nakita kong napailing iling si Stark sa gilid "tsk tsk tsk, I want to torture you, physically and emotionally" sabi ni stark "at kung gusto kitang saktan physically, kailangan ko muna kitang saktan emotionally para humina ka. Am i right?" dagdag na sabi nito.
"pakawalan mo sila!!" sigaw ni liam at susugod na sana kay stark ng tutukan kami ni stark ng armas. Kutsilyo ang nakatutok kay angela habang sa akin ay baril. Napahinto si liam sa pagsugod "ibaba mo yan stark, tayong dalawa ang magtuos... Away natin tong dalawa kaya wala dapat na madamay dito sa away natin kundi tayong dalawa Lang!" pagsasabi ni liam.
"okay, madali naman akong kausap ehh, pakakawalan ko ang isa sa kanila habang ang isa naman ay mamamatay" sabi ni stark habang nakangisi "at ikaw ang pipili kung sino ang mabubuhay at sino ang mamamatay sa kanilang dalawa" dagdag pa nito.
Nagulat ako sa sinabi nito. Malaki ba talaga ang naging away nila kaya kaya nyang pumatay dahil doon? "gago ka stark!" yun nalang ang nasabi ni liam. "hay nako liam, ang Dali dali lang naman ng gagawin mo ehh, just choose one of them who will alive and who will die. As easy as that" wika ni Stark.
Nangangatog ang tuhod ko dahil sa narinig. "magbibilang ako ng sampu liam, at sa bawat bilang ko na hindi ka nakakapili kung sino ang mabubuhay at mamamatay ay parehas ko silang sasaktan at kapag umabot sa sampu ang bilang ko na wala ka paring napipili ay pasensya nalang at pareho silang mamamatay" nakangiting sabi ni stark. Wala syang puso!! "isa!" bigkas nito at ng hindi nagsalita si liam at sinugat ni stark si angela sa pisngi gayun din ako "ahhhhh!!" sabay na sigaw namin ni angela dahil sa sakit. "angela!! Con!!" sigaw ni Liam. Kita ko sa mata nya ang pinaghalong galit, awa at takot na emosyon. "stark! Babae lang sila... Please, pakawalan mo na lang sila" humina na nagmamakaawang sabi ni liam.
"dalawa!!" sabi ni stark at ng hindi uli nakapagsalita si liam at sinugatan nya uli Kami ni angela, this time sa braso na "tama na!!" rinig kong sigaw ni angela. "liam! Piliin mo nalang si angela!!" sigaw ko kay liam. Angela is just a kid, marami pa syang pangarap na gusto nyang tuparin. Ehh ako, hindi ako makakasigurado kung mabubuhay ako kapag ako ang niligtas ni liam. I have a disease, severe disease to be exact, kaya sana ako si angela nalang ang piliin nyang mabuhay.
"n-no! Ililigtas ko kayong dalawa!" pagmamatigas ni Liam pero halata ang takot sa kanya dahil sa pagkakautal utal nya. "tatlo!" gaya kanina, hindi nakapagsalita si liam kaya sinugatan uli kami ni stark. Ngayon ay sa kabilang braso na. Namamanhid ang dalawa kong braso dahil sa mahabang hiwa na gawa ni stark pero binalewala ko lang. Ang importante ay piliin ni liam si angela.
Rinig ko rin ang paghagulgol ni angela sa sakit na kanyang nadarama. Sumunod na sinabi ni stark at 'apat'. Walang pinili si liam kaya sinugatan kami uli ni stark. "liam ano ba!! Kahit ngayon lang!... Sundin me naman ako, at yun ay..." huminto muna ako sa pagsasalita at huminga ng malalim "choose her over me!"