CHAPTER 10

1185 Words
COLLONIEL POV. "ate niel doon tayo!" sabi ni angela sabay hila sa kamay ko. Nagpadala nalang ako sa paghila nya hanggang sa makarating kami sa isang stall na may tinitindang mga accessories. Pagkalapit namin dito ay nagtingin agad si angela ng mga gamit dito. By the way, nandito kaming dalawa ni angela sa mall. Nagshoshopping dahil wala namang magawa sa bahay kaya inaya ko nalang si angela mag mall. "mag kano dito miss?" tanong ni angela sa babae na nagtitinda. Pinakita nya ang hawak nyang kwintas na may pendant na kalahati ng puso. "150 pesos po ang isa pero kung pares ang bibilhin nyo ay 250" sabi ng babae. "bibilhin ko po yung dalawa" sabi uli ni angela. Iniabot ni angela ang binili nya para balutin ito ng babae. Habang hindi pa tapos ang babae sa pag aayos NY binili ni angela ah tinignan ko muna ang mga tinitinda nila. Karamihan dito ay mga kwintas, bracelet, hikaw pero mayroon ding mga key chain. Napatingin ako sa dalawang key chain, may desenyong L at C. Kinuha ko ito at inilapag sa lamesa ng babae. "bibilhin ko rin to" sabi ko dito. Kinuha nya ito pagkatapos nyang balutin ang binili ni angela. Sinabi nya ang price at pagkatapos ay binalot nya na rin "para kanino yung isa ate huh?" nanunuksong sabi ni angela na ikinatawa ko. "alam mo na ang sagot dyan angela" sabi ko rito. Pagkatapos naming bumili ay nag ikot ikot pa kami sa loob ng mall hanggang sa magutom kami. Nagpunta kami sa isang restaurant at kumain doon. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi na. Naglakad na kami papuntang parking lot at tinungo ang kotse ko. Iisang kotse lang ang ginamit namin at iyon ay ang kotse ko. Pasakay na sana ako ng may humawak sa akin at may pinaamoy na panyo sa akin "hhmmpppp!!" pagpupumiglas ko. May naririnig akong mga sigaw pero nanlalabo na ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay. ~~•~~ Nagising ako ng masakit ang ulo ko "ughhh!" ungol ko sabay hahawak sana sa ulo ko kaso hindi ko maigalaw ang kamay ko. Inilibot ko ang paningin pero medyo nanlalabo parin ang paningin ko "hello!!" sigaw ko at nagbabakasakaling may makarinig. Madilim ang paligid dahil sa walang ilaw kaya kahit luminaw na ang paningin ko ay hindi ko parin maaninag ang mga nangyayari dito. Biglang bumukas ang ilaw kaya kita ko na ang lahat "angela!!" sigaw ko ng makita ko ito sa may isang kama na medyo malayo sa akin. Gaya ko ay may tali rin ito sa mga kamay at paa. Dahil sa sigaw ko ay nagising ito at tatayo na sana ng napatigil ito, siguro ay napansin nyang nakatali ang mga kamay at paa nya "ate!!" sigaw nito "nasaan tayo? Bakit tayo nakatali dito?!" naluluhang sabi nito. Hindi ko sya masagot dahil maski ako ay hindi ko alam kung nasaan kami. Biglang bumukas ang pinto sa harap namin at pumasok ang dalawang naka armadong lalaki at kasunod nito ay si... si a-ark.. "a-ark? T-tulungan mo kami plss!" sabi ko dito. Naglakad ito papalapit sa akin at hinwakan ng mariin ang pisngi ko "sorry niel, but I can't help you. Malapit ka kay liam kaya damay ka" sabi nito sabay ngisi at pabalang na binitiwan ang pisngi ko. "a-anong kasalanan ni liam sayo? Diba m-mag kaibigan kayo?" mga tanong ko rito pero tinawanan lang ako nito at naglakad na palabas ng kwarto at naiwan lang ang dalawang armadong lalaki sa silid. Napatingin ako kay angela ng marinig ko syang umungol "angela! Anong nangyayari?" tanong ko ng makitang nadaing ito "a-ansakit ng mga kamay ko ate" may namumuong luhang sabi nito. Naisin ko mang lapitan sya at tulungan sa pag alis ng tali sa may mga kamay nya ay hindi ko magawa. Nakatali rin ako. "h-hanggang maaari, tiisin mo lang ang sakit" sabi ko rito. Napatingin ako sa dalawang armadong lalaki at nakita kong naglalaro sila ng deck of cards. May naisip akong paraan para makatakas kami. "angela!" pabulong kong sigaw dito at sinisiguradong kaming dalawa lang ang nakakarinigang. Napatingin ito sa akin "are you good at acting?" mahinang tanong ko dito na ikinakunot nito. "o-opo ate" sabi nito. Napangiti ako. Tinignan ko uli yung dalawang lalaki at naglalaro parin sila ng baraha hanggang ngayon. Mabuti at medyo manipis na lubid lang ang pinangtali sa amin. "act like you want to pee" sabi ko dito. Nagtataka man si angela ay sinunod naman nya ang sinabi ko. "k-kuya!! Pwedeng paalis muna ng tali sa kamay at paa ko?... Naiihi na talaga ako ehh!!" sabi ni angela sa dalawang lalaki. Tinignan lang ito ng dalawa at bumalik na uli sa paglalaro. "dali na mga sir! Gusto nyo bang dito nalang ako maihi sa pwesto ko? Sigurado akong malalagot Kayo sa boss nyo kapag dito ako umihi" dagdag nito sabay tingin na may paawa. "sige na alisan mo ng manahimik na" utos ng isa. Tumayo ang isang lalaki at naglakad palapit kay angela. Kinalagan nya ito at hinila palabas ng kwartong ito. Napangiti ako ng palihim. Mabuti at nakatalikod yung naiwang lalaki dito, bobo naman nila. Inilapit ko ang kamay ko sa may bulsa ng pantalon ko. Nahirapan akong kunin yung susi ng kotse ko dahil nga sa nakatali ang kamay ko pero hindi ako sumuko. "ughh" Mas inilapit ko pa ang daliri ko hanggang sa mapasok na nito at bulsa ng suot ko. Nakuha ko ang susi kaya ginamit ko ito para maputol ang lubid. Tinignan ko muna ang lalaki at nakatalikod parin ito habang nagbabaraha mag isa. "success!" mahinang sabi ko ng maputol ko ang lubid na nakatali sa kamay ko. Ginalaw galaw ko muna ang kamay ko bago ko putulin ang taling nakatali sa isang kamay ko. Kiniskis ko ng maigi yung susi para maputol. Naputol ko ang sa kamay at gayun din ang sa dalawang paa. Wala talagang isip tong isa! Bumangon ako sa kama at kinuha ang kahoy na nakita ko sa gilid. Naglakad ako palapit sa lalaki at hinampas ito sa ulo. Nakita kong nagdugo ang ulo nya kaya medyo kinabahan ako d-did I kill him? K-killer na rin ba ako?, no. Tama lang ang ginawa ko. Nagtago ako sa likod ng pinto hanggang sa dumating si angela na hinihila ng lalaki. Pagkapasok na pagkapasok nila ay hinampas ko agad sa ulo yung lalaki. Napadaing pa ito at medyo lumalaban pa dahil inaagaw nito sa akin yung kahoy. Patuloy ko itong hinahampas hanggang sa aksidenteng tumama yung pako na nakakabit sa kahoy sa ulo ng lalaki. Nagtalsikan agad yung mga dugo nito kaya hindi ko napigilan ang pagtili gayun din si angela dahil sa pandidiri. "am I a killer now?" kinakabahang tanong ko kay angela. Nabitawan ko ang kahoy dahil sa nangyari. Kitang kita ko Kung papaano manginig ang mga kamay ko ng yumuko ako. "n-no ate, ginawa mo lang yun para maligtas tayong dalawa" sabi nya sabay hawak sa kamay kong nanginginig. "so, lets scape now before the guy with a blue hair back here" sabi nya na tinutukoy si stark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD