CHAPTER 9

1029 Words
COLLONIEL POV. Pagkatapos namin kumain ni angela ay bumalik na kami sa mga klase namin. Inihatid ko muna sya sa building ng mga junior high bago ako bumalik sa klase. Lumipas ang mga oras at uwian na. Nagsilabas na ang mga kaklase ko at hinihintay ko lang na makalabas na silang lahat sa room bago ako lumabas. Nang wala na akong makitang tao sa loob ay naglakad narin ako palabas. Nang nasa pinto na ako ay nagulat ako sa nadatnan ko "very good, con... Kung patuloy mong gagawin yan?, baka magkagusto pa ko sayo" sabi nya, ni liam. Pagkatapos nyang sabihin yun ay naglakad na sya palayo. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang makarating na ako sa may kotse ko ay napatingin ako sa salamin nito. Hindi ko alam pero nakangiti na pala ako. Maybe he's right, naging masama talaga ako dati, but now? Maybe I can change. And it's my start of changing, and I hope i can change forever. Sumakay na ako ng kotse ko at nagmaneho papuntang bahay. Nagmamaneho lang ago ng makita ko ang park na tinambayan ko ng nakaraan "oo nga pala, yung pangako ko kay kael" ani ko sa sarili ko ng maalala ko ang pangako ko Kay kael. Pinark ko ang kotse ko at lumabas dito. Naglakad ako papalapit sa may upuan at umupo. Gaya ng nakaraang pumunta ako dito, walang gaanong tao. "uyy nandito ka niel!!" rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko kaya napatingin ako dito. Sino to?. Matangkad, medyo may kaputian, matangos ang ilong, in short gwapo. Nakakunot ko itong tinignan. "Who are you?" tanong ko rito. Nanlulumo itong napatingin sa akin "sabi ko na nga ba ehh, kakalimutan mo lang ako" sabi nito, wait. His voice is familiar. "kael?" nag aalangang tanong ko. "oo, kinalimutan mo na ako ehh nung nakaraan lang naman tayo nagkita ehh" sabi nito. Napatawa ako "hindi kita nakalimutan no! Hindi ko kasi alam na ganyan itsura mo kasi nga naka clown costume ka noong nakaraang gabi" mahabang salaysay ko rito. Tumango ito at umupo sa tabi ko. "oo nga pala, hindi ko pa nasasabi kila mommy yung pangako ko sayo kasi hindi pa sila nakakauwi ehh, but don't worry next week na ang balik nila dito" sabi ko dito. "hindi mo naman kailangan tuparin ang pangako mo ehh at saka ayoko ng mag aral" sabi nito na ikinakunot ko "ayaw mo ng mag aral?! Alam mo bang maraming tao dyan na gustong gusto mag aral pero hindi makapag aral dahil sa walang pera at ikaw na may opurtunidad na mag aral ay ayaw mo?!" naiinis na sabi ko dito. "kung ayaw mo edi wag!" dagdag ko pa at tumayo na at naglakad paalis ng hawakan nya ang kamay ko. "a-ano, sige na tinatanggap ko na wag ka lang magalit" sabi nito na ikinangiti ko "yun naman pala ehh!!" sabi ko at yinakap sya. Nabigla sya sa ginawa at gayun din ako. Bumitaw ako sa pagkakayakap at umupo uli sa kinauupuan ko kanina. Nag usap pa kami ng kung ano ano at hindi ko namalayang ten pm na pala. "sige una na ko kael, ingat ka!!" sabi ko dito. Nagpaalam din sya at naglakad na kami paalis ng parke. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho pauwi ng bahay. Habang nagmamaneho ay nakita ko si kael na nasa tapat ng isang maliit na bahay. Pumasok sya dito kaya I assume na iyon ang bahay nya. Siguro maswerte parin ako kasi kahit hindi ako swerte sa pag ibig ay swerte naman ako sa buhay ko dahil may marangya akong buhay. Nang nakarating na ako sa bahay ay nagtungo agad ako ng kwarto at sumalampak dito "ahhhhh! What a tiring day!" sabi ko bago bumaksak ang talukip ng mata ko. ~~•~~ Lumipas ang buwan at ganon parin ang routine ko. Wala namang nagbago maliban sa naging magkaibigan na kami ni angela. Nasabi ko na rin kila mom and dad ang tungkol kay kael at ayos lang daw iyon as long as yun ang gusto ko. Nasabi ko na rin yun kay kael at sobra syang natuwa dahil sa sinabi ko. Ngayon na rin ang unang pasok nya at engineering ang kinuha nyang kurso. Nandito kaming dalawa ni kael sa kotse ko at nagmamaneho ago papuntang school namin. Sasabay nalang sya sa akin para iwas pamasahe na, noong una nga ay ayaw nya pa kasi marami na raw akong naitutulong sa kanya pero dahil mapilit ako ay napapayag ko sya. Pagkarating namin sa school ay pinark ko na ang kotse ko at lumabas na. ganon din ang ginawa ni kael. Napatingin sa amin yung mga estudyante or kay kael. Gwapo ba naman kasi ehh. Hindi nalang namin ito pinansin at naglakad papasok ng school "I'm going to tour you first" sabi ko rito na tinanguan nya. Naglakad kami papuntang cafeteria "this is the college cafeteria, at sigurado naman ako na alam mo ang ginagawa dito kaya hindi ko na sasabihin" sabi ko. Ipinakita ko pa sa kanya ang building ng college, ang studium ng school, ang court, at iba pa. "grabe ang laki pala ng school nyo!" namamanghang sabi nito na ikinangiti ko "school natin, dito ka na kaya nag aaral" sabi ko rito. Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na ang time ng klase "mauna na ako kael dahil malapit na ang class hour ko, alam mo naman na yung building ng engineering diba?" tanong ko rito. Tumango ito "hatid na kita... at bawal ang tumangi" sabi nito kaya pumayag na ako. Naglakad na kami papuntang building ng business ad at tinungo na ang room na papasukan ko "bye kael, hintay hintay nalang tayo mamaya ha!" sabi ko dito na tinanguan nya "una na ko, ingat at galingan sa klase!" sabi naman nito at yumakap bigla sa akin. Nagulat man ay yinakap ko nalang ito pabalik. "geh na, bye!!" at naglakad na sya paalis. Pumasok na rin ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Inikot ko ang paningin ko ng maramdaman ang isang masamang pagtingin sa akin. Wala naman akong nakitang nakatingin sa akin. Binalewala ko nalang ito at inayos na ang mga gamit ko dahil pumasok na ang prof namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD