CHAPTER 8

1007 Words
COLLONIEL POV. I woke up at nine in the morning. Wala naman kaming pasok sa umaga ngayon kaya pwede akong magising ng tanghali. I heard a sound coming from my phone. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang sanhi ng pagtunog nito. Nakita kong may nagnotif. Sa message at sa f*******:. Binalewala ko ang sa f*******: at tinignan ang message. Galing kay mommy. Binasa ko ang message na galing kay mommy. 'good morning our princess... And happy birthday!, sorry kung wala kami jan sa tabi my ngayong birthday mo especially sa debut mo. But don't worry ok!. once we back there we were having a fancy party!! You like that right?. Look at our garage to see our gift for you. Hope you like it, love you our princess' Pagkatapos kong basahin ang message at napatingin ako sa kalendaryong nasa kwarto ko. Today is November 28 and it's my birthday. Nakalimutan ko na birthday ko nga pala ngayon!! Nag asikaso na ako ng sarili ko at pagkatapos ay bumaba na ako. Tinungo ko ang kusina at naghanap ng makakain. Nadatnan ko pa ang ibang kasambahay namin at tinanong ko kung anong almusal na sinagot naman nila. May iniabot sa akin na isang maliit na box ang isang kasambahay na pinagkakatiwalaan nila mommy at daddy "pinapaabot po ng magulong nyo" sabi nito na tinanggap ko naman. Nagpasalamat ako at dumertso na sa kusina. Binabati rin nila ako ng happy birthday na sinusuklian ko ng thank you. Nakarating ako ng kusina at umupo sa may upuan at nagsimula ng kumain. Niyaya ko ang mga kasambahay na sabayan na akong kumain pero tinanggihan nila at sinabing kumain na sila kanina. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at pagkatapos ay nagtooth brush na ako. Tapos ko ng gawin ang mga morning routine ko kaya tinungo ko na ang garahe at naglakad papuntang sasakyan ko. Naglakad ako papalapit sa may kotse ko at napansin ko ang isang malaking kotse sa tabi ng kotse ko. "woahhh!" manghang sabi ko. The car is color red with the highlight of black. Nilapitan ko ito at binuksan ang pinto sa may driver seat. Ang ganda ng loob!! It's look really beautiful. "wait diba bagong labas lang to!?" namamanghang tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang box na ibinigay sa akin ng kasambahay namin at nakitang isang susi ng kotse. Kinuha ko ang susi at nilagay ito sa keyhole ng sasakyan. Tumunog ang kotse at minaneho ko na ito papuntang school. Nakarating ako ng school kaya bumaba na ako. Nang makababa ako ay kita ko ang tinginan ng mga estudyante sa akin-- sa kotse ko. Rinig kong nagbubulungan sila. "diba bagong labas yan!!?" "wtf! Astig huh!" "Saan kaya nabili yan?" Madami pang nagbubulungan pero binalewala ko na lang ito at naglakad na papuntang gate ng school. Habang naglalakad ay nakita ko si steve na naglalakad papalapit sa akin. Nang makarating sya sa akin ay inakbayan nya ako "happy birth day niel!!" bati nito sa akin na sinagot ko ng salamat. Sabay na kaming naglakad at hinatid nya na rin ako sa room ko. Pagpasok ko sa room ay dumeretso na ako sa kinauupuan ko na katabi si liam. Walang may alam kung kailan ang birthday ko kaya walang bumati sa akin dito maliban kay steve at mom and dad. Pumasok na ang prof namin at nagsimula na ang klase. ~~•~~ Lumipas ang oras at lunch time na. Naglakad na ako palabas ng room at naglakad papuntang cafeteria. Habang naglalakad ako ay may nakabangga ako. "s-sorry ate" rinig kong sabi ng nakabangga ko, si angela. "it's okay" sabi ko dito at tinulungan tumayo. Nagulat pa sya dahil so ginawa ko pero binalewala ko lang. Nang makatayo na sya ay nagpasalamat sya "salamat ate" sabi nito. Tinanguan ko sya "pwede bang sumabay nalang ako sayo sa lunch?" tanong ko dito na kinalaki ng mata nito. Nakakagulat na ba talaga yun? Ahhahaha. "s-sige ate" sabi nito. Naglakad na kami papuntang cafeteria. Habang naglalakad ay nag uusap kami at masasabi kong ayos naman pala to. Sa katunayan nga ehh ang bait nya at masayahin. no wonder, magugustuhan talaga sya ni liam. Nakarating kami sa cafeteria at sabay na kaming umorder. Pagkatapos naming umorder ay naghanap na kami ng mauupuan hanggang sa makakita kami ng pangdalawahang upuan. Naglakad kami papunta dito at umupo pagkatapos ay inilapag ang tray na pinapatungan ng mga pagkain namin. "no wonder, nagustuhan ka talaga ni Liam ang bait mo kasi ehh" sabi ko dito na nagpakunot sa kanya "huh? Ako po gusto ni Kuya liam?, ehh parang kapatid na nga ang turingan namin ehh" sabi nito sa akin "at saka may iba yung gusto no!" dagdag nito habang nakangiti. W-what? So hindi sya gusto ni liam? Kung hindi sya edi sino? "hala!! Sorry kung naging masama ang pakitungo ko sayo ha, akala ko kasi may gusto sayo si liam ehh at saka kaya lang naman ako nagagalit sayo dati kasi nagseselos ako sayo ehh" paghingi ko ng paumanhin dito. "bakit naman kayo ate magseselos sa akin?" tanong nya sa akin "syempre lagi kang kasama ni Liam!, nung isang araw nga nakita ko kayang dalawa sa mall ehh" sabi ko rito. Napatawa sya sa sinabi ko "nagpasama sya sa akin kase sinundan namin yung gusto nya" sabi nya. Wait. Sino ba yung gusto nya? "sino ba kasi yung gusto ni liam?" tanong ko dito pero sinabihan nya lang ako ng 'secret' SOMEONE POV(1) Napangisi ako habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng nag uusap dito sa cafeteria. One of them is Liam like. Tinitignan ko lang silang dalawa habang nag iisip ng magandang plano. Mas lalo pa akong napangisi ng may pumasok na magandang plano sa utak ko. What if, kunin ko silang dalawa then papiliin si liam kung sino ang ililigtas nya? Kung sino ang gusto nyang mabuhay at sinong mamamatay?. Nice idea self!!. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng cafeteria. Get ready liam!, I make sure that you will regret fighting me, you will regret doing this to me!!. Hahahahaahahah!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD