CHAPTER 7

1240 Words
COLLONIEL POV. It's already nine pm. Naalala ko ang pag aaway namin ni liam kanina. Napatawa ako, ganon pala ang tingin nya sa akin? Isang malanding babae? And that's explain everything he did to me. Nandito lang ako sa veranda ng kwarto ko at pinagmamasdan ang mga bituing nagkikislapan sa kalangitan. I remember grandma told me when she still alive 'kapag nalulungkot ka apo, pagmasdan mo lang ang mga bituing nasa kalangitan... Sila ang tanging makikinig sa mga problema mo na Hindi ka mahuhusgahan'. I looked at the stars and asked them as if they could really talk. Why? What? Why am I always pushing me away of the person I liked? do I really belong to this world? If not then why was i born if i did not belong to this world?. Then I remembered again my grandma's told me 'everything is happen for a reason' Maybe my grandma is right. Lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan at ang dahilan kung bakit ako nabuhay ay para maramdaman ang sakit. Para sabihin ko sa iba na maswerte sila dahil masaya sila. At para masabi ko sa kanila Kung gaano kasakit ang masaktan. Gaano kasakit ang magmahal ng hindi ka naman mahal. Is it funny right?, nakakatuwang may sakit na nga ako. may sakit pa ako sa puso, not literally na sakit sa puso kundi yung sakit sa puso dahil nasasaktan ka. Pero ayos na rin na may sakit ako. At least matatapos na rin ang paghihirap ko. Napagdesisyonan kong pumunta muna sa malapit na convenient store para naman may makain ako, nagugutom din kasi ako ehh. Dahil sa gabi na ay malakas na ang hangin sa labas kaya nagsuot nalang ako ng jacket. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko ang madilim na daanan sa bahay namin. Siguro ay tulog narin ang mga kasambahay namin. Naglakad ako palabas at isinara ang pinto ng bahay. Tanging ilaw sa mga poste lang ang nagsisilbing liwanag dito sa labas. Pumunta na ako sa may convenient store at bumili ng makakain. Dalawang chichirya, isang mineral water at isang chocolate ang binili ko. Pagkatapos kong bumili ay lumabas na ako ng convenient store at naglakad pabalik ng bahay, kaso ayoko pang bumalik ng bahay. Naglakad nalang ako papunta sa isang park dito sa tinitirahan namin. Actually hindi naman kami gaano kayaman. May business Sina mom and dad pero hindi naman gaano sikat at malago. Hindi kami nakatira sa isang mamahaling subdivision. Nakarating ako sa park at konti lang ang mga taong nandito, siguro ay wala rin silang magawa sa Bahay nila kaya sila nandito. Naglakad ako palapit sa isang bakanteng upuan dito na katabi ay isang malaking puno. "hayy buhay!" bigkas ko at umupo. Wala akong dalang cellphone kasi gusto ko munang magkaroon ng time para sa sarili ko Kinuha ko ang isang chichirya at binuksan ito. Kumuha ako at kinain. "sarap!" sabi ko habang nakain. Nakain ako dito ng may maramdaman akong umupo sa kinauupuan ko, Pangtatluhan kasi itong upuan. Napatingin ako dito at nakita ko ang isang lalaking may suot na parang pangclown. May lip stick pa sya sa kanyang labi at pulbos sa mukha nya. "hello!" sabi nito sa akin Nginitian ko ito ng may pag-aalinlangan. "hello din" sabi ko dito. Tahimik lang kaming nakaupo dito. Ibinigay ko sa kanya ang isang chichiryang binili ko "thanks" sabi nito. "ngayon lang kita nakita dito... Bagong lipat?" tanong ko dito. Tumango sya sa tanong ko "oo, jan sa may maliit na bahay" sabi nito sa akin. Naging tahimik uli sa pagitan namin. I don't know why pero panatag na agad ang loob ko sa kanya. "kanina pa tayo nag uusap pero hindi pa natin kilala ang isat isa, I'm colloniel de vargas but you can call me niel" pagpapakilala ko dito sabay abot ng kamay ko para makipag shake hand. Inabot nya ang kamay ko "michael sandford but you can call me kael" pagpapakilala nya din. "uhmm wag kang maofend kael ha pero... Why are you wearing like that?" nagtatakang tanong ko dito. Napatingin sya sa suot nya at napatawa saglit. "may trabaho kasi ako kanina at katatapos lang" sabi nito na kinatango ko. "pero anong trabaho mo?" tanong ko muli rito. Ngumiti sya "guest what?" tanong nito. Humawak ako sa baba ko at nag isip. Uhmm ano bang trabaho nya?. Narinig kong tumawa sya. Napapuot ako "siret, hindi ko mahulaan ehh!" sabi ko dito. Napatawa sya ng malakas "seriously?, dapat alam mo na ang trabaho ko by the look at me!... But seriously, my work is clown" sabi nito sa akin. Napa 'ahhhh' nalang ako sa sinabi nya. ~~•~~ Lumipas ang oras at di ko namalayang twelve pm na pala ng madaling araw. Hindi ko napansin ang oras dahil sa ansaya nyang magkwento. Nakakatuwa dahil ang galing nya pa magjoke ng nakakatawa talaga. "hahahaha!!" tawa namin. Nagbiro kasi sya. Kahit yung iba nyang biro hindi nakakatawa, matatawa kanalang dahil sa nakakahawa yung tawa nya. "it's already midnight... Kailangan ko nang umuwi kael" sabi ko dito sabay tayo. "oo nga no, hindi ko namalayan ang oras ang saya mo kasing kausap ehh" sabi nya sa akin na ikinatawa ko "so.. Una na ko kael huh, sana magkita pa tayo sa susunod" sabi ko dito na tinanguan nya "magkikita pa talaga tayo sa susunod kasi malapit lang bahay mo sa bahay namin ehh" sabi nya Naikwento ko kasi sa kanya kung nasaan ang bahay ko. Namangha nga sya ng sabihin kong sa amin yung bahay na malaki doon sa may dulo nitong lugar. "hatid na kita" sabi nya sa akin. Tumangi ako ng una pero namilit sya at baka daw ay may bumastos pa sa akin sa daan. Na touch naman ako sa sinabi nya kaya pumayag na ako. Naglakad na kami paalis ng parke. Nagkekwentuhan kami habang naglalakad pauwi ng bahay. Nalaman kong ulila nalang pala sya dahil sa namatay ang mga magulang nya sa isang aksidente noong nakaraang taon. Nalaman ko rin na mayaman sila dati kaso dahil nga namatay ang magulang nya at walang tumulong na kamag anak sa kanya ay ibinenta nya ang mga pag aari nila pati ang Bahay nila para sa pang araw araw at sa pag aaral nya. Nagkulang ang pera ng parents nya kaya hindi sya nakapag tapos ng pag aaral. "wag kang mag alala, sasabihin ko kila mommy na tulungan ka sa pag aaral" sabi ko dito. "hala wag na, nakakahiya kaya... At saka kakakilala pa nga lang natin tutulungan mo na agad ako"sabi nito sa akin na ikina ngiwi ko. "ano naman kung kakakilala palang natin? At saka ang gaan ng loob ko sayo" sabi ko dito. Naluluha itong yumakap sa akin "salamat talaga niel, malaki ang utang na loob ko sayo" sabi nito at bumitaw na sa pagkakayakap. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa bahay namin "woahhh!!" sabi nito ng makita ang Bahay namin. "hanggang ngayon ay namamangha parin ako kapag nakikita tong bahay nato" dagdag pa nito sa akin. Napangiti ako. "geh na pasok kana" sabi nito sa akin. Tumango ako sa sinabi nya "bye kael" sabi ko dito at pumasok na ng bahay. Nakangiti akong naglakad papuntang kwarto ko. Nang makarating ako sa kwarto ko ay pabagsak akong humiga sa higaan ko. Nakangiti akong tumingin sa kisame. Ganoon pala yung feeling no? Yung maging masaya. Ang saya ko ngayon kasi for the first time... Someone's make me happy and someone's appreciate me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD