COLLONIEL POV.
One week. One week na ang lumipas ng pumunta ako ng mall at nakita ko sina liam at angela. Wala namang bago sa araw ko. Napasok sa school, makikita si liam na kasama si angela, diba wala namang bago.
Nandito na ako sa school at naglalakad sa hallway. Kakarating ko lang ngayon. Naglakad lang ako ng naglakad ng may tumawag sa akin, si steve. "oyy! Niel, lapit na birthday ha! San gaganapin?" tanong nito sa akin. Napatingin ako dito ng nakakunot "gaganapin? Kailangan pa ba yun?" tanong ko dito.
Napanganga sya "you mean, hindi ka nagc-celebrate ng birthday mo?" tanong nya sa akin. Tumango tango ako "wala namang maganda pag birthday ko kaya bakit pa ako mag aaksaya magcelebrate" sabi ko dito at patuloy na naglakad. "o-okay" rinig kong sabi nya at naramdaman kong naglakad sya palayo. Buti naman.
Nakarating na ako ng room at pumasok na ako. Nadatnan ko ang mga kaklase ko na may mga sariling mundo. Nakita ko din si liam na nakaupo na pero hindi ko nalang ito pinansin dahil sa masama ang pakiramdam ko ngayong umaga. Lalagnatin pa yata ako nito ehh. Umupo ako sa malapit lang sa pwesto ko at pumahalumbaba.
"guys wala daw ang mga prof dahil may meeting!!" sabi ng president ng room kaya nagsihiyawan ang mga kaklase ko. Ahhhh!! Tumayo ako at sumigaw "can you please shut up!!" sigaw ko kaya napatahimik sila. Pahampas kong nilapag ang kamay ko sa table ko at umupo ng padabog. "ansakit na nga ng ulo ko mag iingay pa!" bulong ko at bumalik sa pangangalumbaba.
Tutal wala naman ng klase ay nilabas ko nalang ang librong binili ko last week. Nasa chapter 20 na ako nito. Binuklat ko ito at nagsimulang magbasa. Nakakarelate talaga ako dito! The girl always do anything for the guy to notice her but the guy still ignore her until one day, the girl didn't went to school because of some issue and the guy was worried to the girl.
Ayon palang ang nababasa ko at hindi pa ako tapos. Isinara ko ang libro ng maboring na ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maglalakad na sana ng lumabo ang paningin ko. Iniling ko ang mukha ko para luminaw ang nakikita ko pero Hindi ito tumalab bagkus ay lumala lang ang panlalabo ng paningin ko.
Nakahawak na ako sa upuan dahil sa nahihilo na rin ako. "a-ahhhh!!" tili ko. Nanlalabo na ang paningin ko pero may mga naririnig akong mga boses sa paligid. Napapikit na lang ako at maya maya ay nawalan na ako ng malay.
~~•~~
Nagising ako at napansin na nasa clinic ako. Nasa gilid si lalaine na may tinitignan sa isang check list. Hindi ko nalang ito pinansin at umupo sa kinahihigaan ko. "niel, gising ka na pala" sabi ni lalaine ng makitang nakaupo na ako "anong nangyari sa akin?" tanong ko dito.
Napabuntong hininga sya "niel, kailan ka huling nag pacheck up o uminom ng gamot?" tanong nito sa akin na ikinakunot ng noo ko "anong connect nun sa nangyari ngayon?" tanong ko dito. Si lalaine lang ang nakakaalam ng karamdaman ko. "may connect yon at dahil hindi kana umiinom ng gamot ay tumitindi na naman ang sakit mo!" may inis na sabi nito sa akin.
Tinigil ko na talaga ang pag inom ng gamot at pag papacheck-up kasi nawawala wala na rin naman ang sakit ko. Pero handa na ako, hindi na rin daw talaga nagagamot ang sakit ko dahil sa malala na ito at puro treatment nalang.
"What ever" sabi ko nalang dito. Napasinghap si lalaine "wala kana ba talagang pake sa buhay mo!? Kung wala kang pake sa sarili mo isipin mo naman yung mga taong masasaktan kapag nawala ka!!" napasigaw sya at alam kong galit na sya pero wala akong pake. "tanong... May tao bang may pake sa akin?" tanong ko. Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at naglakad na palabas ng clinic.
Hindi ko na pinansin ang pagsasalita ni lalaine dahil sumasakit lang ang tenga ko. Nasa hallway na ako at konti lang ang nakikitang estudyante sa paligid. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang oras palang pala ng klase.
Naglakad ako papasok sa susunod ko ng klase kesa naman tumambay lang ako dito so labas. May napansin akong isang lalaki sa bandang dulo ng room. Nakaupo ito at nakayuko kaya hindi nya kita na pumasok ako.
Kulay itim ang kanyang buhok na may highlight na kulay blue. Naglakad ako papalapit dito at umupo sa may bakanteng upuan na katabi nito "hello!!" pagkuha ko ng atensyon nito. Nagulat sya sa pagsalita ko kaya medyo natawa ako "bago ka dito?" tanong ko dito. Tumango ito bilang sagot sa tanong ko.
"my name is stark ,but you can call me ark" sabi nito sabay lahad ng kamay para makapag shake hand. Nakipag shake hand ako "colloniel de vargas, and just call me niel" sabi ko dito.
Nag usap lang kami habang wala pa ang prof namin. Nalaman ko na dito pala sya nag-aaral dati at lumipat lang sila sa amerika dahil sa business ng parents nya at ngayon ay bumalik na sila. "hahahh nakakatawa ka!!" sabi ko dito ng ekwento nya ang nangyari sa kapatid nya na nahulog daw sa hagdan.
Nagk-kwentuhan lang kami ng at Maya maya ay dumating na ang mga studyante. Maraming nagtaka ng makita si ark kaya naisip ko na sikat siguro to dito sa school dati. Pumasok na ang prof namin kaya tumigil na kami sa kwentuhan at nakinig.
~~•~~
Lumipas ang isang oras at lunch break na. Nagsilabasan na ang mga studyante at konti nalang kami ang nandito. "niel sabay na tayo!" sabi ni ark at tinanguan ko ito. Naglalakad kami dito sa hallway at bawat estudyante dito ay napapatingin sa amin or should I say kay ark. "uyy sikat ka pala dito huh!!" pang-aasar ko dito sabay sundot ng tyan nya. Ayy shet!! May abss!!
Napatawa sya dahil sa sinabi ko "di naman" sabi nito sa akin. Nakarating kami ng cafeteria at naghanap na kami ng mauupuan. Nang makahanap na ay umupo na ako at sya naman daw ay oorder ng makakain namin. Bibigyan ko sana sya ng pangbayad pero sabi nya libre nya na daw tutal sya ang nag-aya na sabay na kaming kumain.
Maya maya ay nakarating na sya bitbit ang dalawang tray "here's your" sabi nito sabay abot sa akin ng isang tray. Kinuha ko ito at nagpasalamat sa kanya. Nagsimula na kaming kumain ng may tumawag kay ark "stark!!" sigaw na nangagaling sa likod ko. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si liam kasama ang mga kaibigan nya. Si steve ang tumawag kay ark. but wait, magkakilala sila?
"uyy kayo pala!" sabi sa kanila ni ark. Naglakad papalapit dito sina steve at nakita kong masama ang tingin sa akin ni liam bakit nanaman?! "kailan ka pa nakabalik?" tanong ni marion kay ark. "nung sabado pa!, hindi ko muna sinabe para surprise diba?" sabi nito sabay tawa. Minura tuloy sya ng kaibigan ni Liam maliban kay liam ng masama parin nakatingin sa akin.
"bat mo nga pala kasama si niel?" tanong ni steve dito. "wala kasi akong makasama ehh at gusto ko pa sya makilala kaya inaya ko syang sabay na kami mag lunch" sagot ni ark. Narinig kong nag'psh' si liam kaya nagtaka ako. "ahahahh, naks may gusto ka kay niel no?" tanong ni alvin kay ark. Namula ako sa tinanong ni alvin bakit ganon yung tanong nya?. "gago!!" sabi dito ni ark na may patawa pa.
Nag uusap pa sila ng may humila sa kamay ko. Napatingin ako dito at nakitang si liam ang humila sa akin. "aray!! Masakit liam!!" sigaw ko dito ng diniinan nya ang paghawak sa may pulsuhan ko. Narinig kong tinawag kami nina ark pero patuloy parin akong hinihila ni Liam hanggang sa makarating kami sa garden. garden nanaman?!
"bakit ba?! Nanghihila ka nalang ng walang paalam!" inis na sabi ko dito pero tinignan lang nya ako ng masama. "are you really like that?!" pasigaw na tanong nito sa akin. H-huh? "a-anong are you really like that?" nagtatakang tanong ko dito.
"you're a flirt!!" sigaw nito sa akin.
F-flirt? Ako? "anong pinagsasabi mo?" tanong ko dito. Napamaang sya sa sinabi ko "pagkatapos mo kong landiin!!, iba naman ang lalandiin mo!?!" dahil sa sinabi nito ay kusang dumapo ang kamay ko sa pisngi nya, I slap him. For him to feel what I feel right now.
"really liam?!, ganyan talaga ang tanong mo sa akin?!" sigaw na tanong ko dito. Hindi sya nakapagsalita sa sinabi ko. May naramdaman akong parang tubing sa mukha ko at doon ko lang napansin na lumuluha na pala ako. Lumuluha ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
'am I really not deserve to be love? is this really my destiny? Like am I only need to felt pain? broken? and hurt?'