COLLONIEL POV.
Lumipas ang mga araw at sabado na ngayon. Umalis sila mom and dad nung miyerkules pa kaya ako nalang ang mag isa sa bahay maliban sa mga kasambahay namin.
Wala akong magawa kaya napagpasyahan ko nalang na gumala tutal tapos ko narin naman ang mga homework ko. Nagtungo ako ng banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at naglakad palabas ng kwarto ko. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 10:00 am palang ng umaga.
Naglakad na ako pababa ng bahay at naabutan ang isa sa kasambahay namin "saan po kayo pupunta ma'am?" tanong nito. "gagala lang wag nyo na ako hintayin mamayang tanghali at mag sikain na kayo" sabi ko dito at naglakad na papuntang garahe. Nang makarating na ako dito ay sumakay na ako ng sasakyan ko at mimaneho ito papuntang mall.
Ilang minuto akong nagmaneho hanggang sa makarating ako sa mall. As usual maraming tao ngayon sa mall dahil sa sabado ngayon. Pinarada ko muna sa parking lot ang kotse ko bago ako pumasok ng mall. Pupunta muna ako sa bookstore. Actually, mahilig ako sa mga libro gaya ng mga love story, mystery and other kaso natigil lang ako sa pagbabasa dahil sa maraming ginagawa sa school.
Nakarating ako sa bookstore at tinungo ko agad ang mga bagong published na mga libro. Naglakad lakad ako at bawat makikita kong libro ay tinitignan ko. Nasa bandang dulo na ako ng store at may nakita akong isang libro na ang title ay 'choose her over me'. Nacurious ako sa title kaya kinuha ko ito at pumuntang counter para bayaran to sa cashier.
Pagkatapos kong bumili sa bookstore ay pumunta nalang ako ng isang restaurant dahil gutom na ako at tanghali na rin ng tingnan ko sa relo ko. Pumasok ako sa isang restaurant at bumungad agad sa akin ang tahimik na loob. Konti lang ang nasa loob kaya ganito katahimik.
May lumapit sa akin na isang waiter "table for what ma'am?" tanong nito. Napangiwi ako sa katangahan nya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na table for two kahit na Mag isa lang ako dito pero hindi ko nalang sinabi. "table for one" sabi ko dito.
Iginaya nya ako sa may tabi ng glass window. Kita dito ang mga tao sa labas kaya napatingin ako dito. Napasingkit ang mata ko ng may makilala ako sa baba. Nasa second floor tong restaurant pero malinaw naman ang mata ko kaya malinaw na malinaw na si liam ang Nikita ko. "here's the menu ma'am" sabi ng naghatid sa akin na waiter. Tumayo ako at nagsalita "wait, may nakalimutan kasi ako sa kotse ko ehh. I'll be back" palusot ko dito at kinuha ang bag na nasa upuan ko at naglakad palabas ng resto.
Nagmadali akong pumunta sa may escalator at hahakbang na Sana dito pababa ng makita ko si Liam na paakyat dito. Hindi na ako sumakay at hinintay nalang na makarating sya dito.
Nang makarating sya dito ay naglakad agad ako papalapit sa kanya. Hindi nya pa ako nakikita kasi nakaharap sya sa ibang dereksyon. Nasa likod na nya ako at hahawakan na sana sya ng bigla nyang itinaas ang kamay nya at iginalaw ito na parang may kinakawayan.
Napatingin ako sa kinawayan nya at nakitang si angela ito. Sya nanaman!?. Hindi ako nakikita ni angela kasi nasa likod ako ni liam. Napahinto ako sa kinalalakaran ko.
Bakit sila magkikita? Nagkataon lang ba na nandito si angela at nakita sya ni liam? O pinag-usapan nila itong pagkikita nila?. Nabalik ako sa wisyo ng mapansing malapit na si liam sa pwesto ni angela. Halatang sobrang saya ni angela dahil sa malaki nyang ngiti.
Gusto ko na ngang sugurin si angela kaso kasama nya si liam at mas lalong magagalit sa akin si liam kapag ginawa ko iyon kay angela. May pumasok na idea sa utak ko. Talino ko talaga!!
Naglakad na sila papunta sa isang resto kaya dali dali ko silang sinundan. Nasa tapat na sila ng resto at nagtatawanan sila. I felt like someone stab me in my chest many times. Binalewala ko nalang ito at hindi na tinuloy ang plano ko. Napatingin ako sa kanila at nakitang nakapasok na sila.
Tatalikod na sana ako ng tumunog ang tyan ko. Gutom na ko!!. Bumuntong hininga ako. Naglakad ako papunta sa pinasukan nilang resto at pumasok. Gutom lang ako at itong resto ang malapit dito kaya ito ang pinasukan ko at yun lang yon!!
May lumapit ba waiter at tinanong kung pang ilang table. Sinagot ko ito at pinapunta sa isang table na may isang upuan. "here's the menu ma'am" sabi ng waiter. Kinuha ko ang menu at pumili ng makakain. "one order of spaghetti, ube halayan, cheese cake and for drinks... Melon juice" pagkatapos kong sabihin ang order ko ay tumango ang waiter. Inulit nya muna ang order ko bago maglakad papuntang kung saan.
Habang wala pa ang order ko ay inilibot ko ang paningin ko at nakita ko sina liam at angela na nagtatawanan habang nakain. Mapagkakamalan talaga silang lover kung titignan mo. Ang sweet sweet pa ni liam kay angela at sinubuan pa ito ng pagkain nya. Napakagat ako ng ibabang labi ko at inilihis nalang ang tingin. Maya maya ay dumating na ang order ko kaya nagsimula na akong kumain.
~~•~~
Naglalakad lang ako dito sa mall dahil ayoko pang umuwi. Wala rin namang magagawa sa bahay kaya didito nalang muna ako. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa isang timezone. Naglakad ako at pumasok dito. Madami dami ang tao dito pero hindi naman masikip kasi malaki ang space nitong timezone. Naglakad ako sa may mga clone machine.
Nagpapalit muna ako ng token bago pumunta dito. Andaming mga nakalagay dito sa loob. Nakita ko si spongebob dito, paborito kong cartoon character.
Inihulog ko ang isang token at kinontrol ang machine. Pinindot ko ang botton ng makitang nakatapat na ito sa spongebob. "ano bayan!!" sabi ko ng hindi ito nakuha. Inulit ko uli pero hindi ko nakuha. Paulit ulit ko itong sinubukan pero hindi parin nakuha "bwisit!!" tili ko ng maubos na ang token ko pero hindi ko parin nakukuha.
"ang galing mo liam!!" napatingin ako sa likuran ko at nakita sina liam at angela. Nilalaro ni liam ang clone machine at may nakuha sya. Kinuha nya ito at nakita kong si spongebob ito. Ibinigay nya ito kay angela habang nakangiti sya. "here, sayo nayan" sabi ni liam sabay bigay ng Spongebob kay angela.
Sigurado akong namumula na ang mata ko dahil sa pagpigil sa pag iyak ko. "bwisit ka talaga!!" napalakas ang sabi ko kaya napatingin ang iba sa akin pero Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad na palabas ng timezone. Nagmadali akong maglakad palabas ng mall at tinungo ang kotse ko at sumakay doon.
Nang makasakay ako ay doon na bumagsak ang mga luha ko "ahhhhh!!" tili ko, nagbabakasakaling mababawasan ang sakit sa puso ko sa pagsigaw ko pero wa epek dahil mas lalo lang akong nasasaktan.
Patuloy akong naiyak habang may katanungan sa isip ko...
'why every chapter in my life I only felt pain? Am i not deserve to be happy?'