THIRD PERSON POV.
Naglakad na paalis si liam ngunit hindi pa sya nakakalayo ay may narinig syang parang bumagsak sa lupa. Napatingin sya sa likod nya kung saan nakahiga na si colloniel at wala ng malay "con!!" sigaw ni liam at tumakbo papuntang pwesto ni colloniel.
Halata sa mukha ni liam ang pag aalala, matinding pag aalala. Binuhat nya ito at naglakad ng mabilis ngunit sinisigurado nya na hindi malalaglag si colloniel. Para bang isang mamahaling vase si colloniel na hindi pwedeng mahulog at mabasag. Nakarating sila sa clinic ng school at tinawag agad ni liam ang nurse "anong nangyari sa kanya?" tanong ng nurse. Napabuntong hininga si liam. "i-i don't know, hindi ko nakita kung anong nangyari sa kanya basta pag harap ko sa kanya ay nakahiga na sya sa lupa" paliwanag ni liam sa nurse.
Napatango si liam. "kailangan lang nya ng pahinga, maya maya ay gigising na rin sya" sabi ng nurse. Magsasalita pa sana si liam ng tumunog ang bell ng school hudyat na balik na uli sa klase. "kailangan mo ng bumalik sa klase, paki sabi nalang sa mga professor nyo na hindi makakapasok si colloniel dahil sa nasa clinic ito" mahabang salaysay ng nurse.
Napatango nalamang si liam. Gustuhin man nyang bantayan ang babae ay hindi pwede dahil sa may pasok pa nga. Naglakad na si liam palabas ng clinic at nagtungo na sa klase.
COLLONIEL POV.
Nagising ako sa isang hindi ko kilalang paligid. Puro puti ang nakikita ko. Wait. Inalala ko ang mga nangyari. After Liam and I fought, he left me then after that I loss my conscious.
"gising ka na pala noel!" rinig kong sabi ng pamilyar na boses. Napatingin ako sa gilid at nakita si lalaine, nakilala ko sya ng minsang nagkabanggaan kami dahil sa pagmamadali. "nasaan ako?" tanong ko dito. Ngumiti sya "sa clinic ng school" simpleng sabi nito. Napabuntong hininga ako at umupo nalang sa kinahihigaan ko. May klase pa pala ako!.
Bumaba ako sa puting kama at maglalakad na sana ng pigilan ako ni lalaine "wag kanang pumasok sa klase, pinasabi ko narin naman sa nagdala sayo dito na nandito ko sa clinic" sabi nya sa akin. Nagdala sa akin? Dito? Tumingin ako kay laliane at tinanong ito "sino naghatid sa akin dito?" tanong ko dito. May kumurbang ngiti sa kanyang labi kaya napakunot ako.
"Yung liam mo!!" sabi nya sabay tili. Ayy gaga toh! Yun pa? Ehh kakaaway nga lang non sa akin tapos ihahatid nya ako dito!?. Umiling ako dito "hindi ako naniniwala sayo!" sabi ko dito na nagpatigil sa kanya. Inismiran ako nito "ayaw mong maniwala sa akin?... Look at this!" sabi nya sabay kuha ng cellphone at kinalikot ito. Maya maya ay ibinigay nya sa akin.
"kyaahhhhh!!!" tili ko ng makita ang nasa cellphone ni lalaine. Picture ito habang buhat buhat ako ni liam!! "omg! omg!" I can't believe this!!
"ohh ano? Naniniwala ka na?" tanong nya sa akin. Tumango tango ako sa kanya habang malapad ang ngiti pero nawala ito ng may naalala ako "d-did you tell him about my condition?" tanong ko dito. Ayokong may nakakaalam ng kalagayan ko, ayokong kaawaan nila ako.
"don't worry, hindi ko sinabi sa kanya" sabi nito sa akin. Hayy salamat naman "pero bakit ayaw mong sabihin?... I mean pwedeng hindi mo sabihin kay liam ang tungkol sayo pero sa parents mo?" tanong nito sa akin. She's right, hindi ko nga sinasabi sa pamilya ko ang tungkol sa kalagayan ko.
"bakit pa?" nasabi ko nalang at bumalik sa pagkakahiga. Tutal alam naman na ng mga prof ko na nasa clinic ako edi lubusin na!!
~~•~~
Tumunog ang bell hudyat na uwian na. Nandito parin ako sa clinic at hinihintay nalang na mag uwian at ngayon ay uwian na. "lalaine alis na ko!!" pagpapaalam ko dito. Naglakad na ako papalabas at tinungo ang huling room na pinasukan ko kanina. Bwisit! Nandoon pa kasi ang gamit ko ehh! Nakarating ako sa classroom at hinanap ko ang bag ko pero hindi ko mahanap "asan na yun?!!" inis kong sabi sabay kamot ng ulo ko. Gusto ko ng umuwi!!
"hinahanap no ba to?" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Amoy palang ay kilalang kilala ko na. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti. Humarap ako sa likod ko at nakita ko sya. He's holding my bag while his bag is in his shoulder. "y-yes" nauutal na sabi ko. Bakit ba ako nauutal ehh hindi naman ako ganito dati kapag kausap sya!!
"here" sabi ni liam sabay abot ng bag ko. Dali dali ko itong kinuha. Nagtama pa ang kamay namin na nagkaroon ng parang kuryente. "t-thanks" sabi ko dito at naglakad ng mabilis palabas ng room. Nang makalabas na ako ay tumakbo na ako habang hawak hawak ang bag at may malaking ngiti sa labi. "kyaahhh!!" tili ko habang nagtatatakbo parin. Shet!! Kinikilig ako kanina pa!
Nang makalabas na ako ng building ng school ay pumunta na ako ng parking lot na may ngiti parin sa aking labi. Sumakay na ako ng sasakyan at minaneho ito pauwing bahay.
Bumaba na ako ng kotse ng marating ko ang garahe ng bahay. Nasa tapat na ako ng pinto ng bahay ng marinig ko ang boses nina mommy and daddy na parang nagtatalo "I can't believe you!!" rinig kong sigaw ni mom. "para rin naman to kay niel ehh!! Kailangan natin pumuntang amerika para sa isang importanteng clients!!" sigaw naman pabalik ni dad kay mom.
Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto para magkaroon ng maliit na awang para makita ko kung ano ng ginagawa nila. Nasa may sala sila habang nagsisigawan. "at tatlong linggo tayo doon!! At sa ikalawang linggo na ang birthday ni niel!" sigaw ni mom. Oo nga pala, magb-birthday na ako ng hindi ko man lang namalayan.
"don't worry hon, padadalahan natin sya ng regalo ok, importanteng kliyente lang talaga to" medyo kumalma na na sabi ni dad. "huh! Mas importante pa kesa sa kaarawan ni niel?, ilang taon naba ng huling cinelebrate natin ang birthday nya?!... For pete sake! Debut nya yon!!" sigaw ni mom.
Hindi ko na natiis at binuksan ko na ng tuluyan ang pinto "it's okay mom, baka nga importante yung pupuntahan nyo" sabi ko dito at ngumiti ng malaki. Halatang nagulat silang dalawa dahil nakikinig ako sa pinag uusapan nila "a-are you sure niel?" nag aalangang sabi ni mom.
Tumango ako dito "like I said, I'm okay" sabi ko uli at naglakad papuntang hagdan paakyat para makapunta sa kwarto ko. Hindi ko pinansin ang tingin nila sa akin at nagpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay kusang pumatak ang mga luha ko. Wala na naman sila sa Birthday ko ngayong taon ha! Pero sanay naman na ako. Hindi ko lang alam kung bakit pumapatak ang luha ko. Naglakad ako papuntang kama at pabagsak na humiga.
Patuloy paring pumapatak ang luha ko then I learned something today...
'not everyone who will say okay is okay, sometimes okay means it's not okay'