CHAPTER 6

4918 Words
Narito ako ngayon sa binigay na aking silid dalawang linggo na rin ang lumipas ng mapunta ako rito at pinatira. Gumuguhit ako ng iba't ibang kasuotan hindi ko alam na marunong pala akong gumawa noon. Pero hindi tulad ng mga iginuguhit ni Tita Camilla na mga damit na naayon sa panahon ngayon ako naman hindi ko alam kong bakit ganito ang mga naiguguhit kung mga kasuotan. Baka hindi ito magustuhan ni Tita Camilla at pagalitan ako. pinunit ko muli ang naiguhit kong kasuotan at kinabi ito sa mesa at nagsimula muli na gumuhit ng panibago. Habang gumuguhit may narinig akong katok mula saaking pinto kaya isinantabi ko muna ang mga ginagawa ko at pinabuksan ang kumakatok. Bumungad roon ang nakangiting mukha ni Tita Camilla na may dalang pagkain na nakalagay sa tray. Sa dalawang linggo ritong namamalagi marami na rin akong natutunang mga lingguwaheng itinuturo ni Tita Camilla sa akin kahit simple lang na salita. "Masyado mo na atang nilulunod ang sarili mo sa pagdradrawing." sabi nito at tuluyan ng pumasok sa pinto. natuwa naman ako dahil naintindihan ko kung anong sinabi niya hindi tulad noon. pero kung tuloy-tuloy ang pag-ingles niya hindi ko naiintindihan. "pasensiya na ho, nag-abala pa po kayong magdala ng pagkain para saakin." "Naku wala yun, alam ko kasing hindi ka pa kumakain kaya dinalahan na kita. Ano bang mga ginagawa mo at mukhang hindi mo matapos tapos yan. Nakalimutan mo na tuloy kumain sa tamang oras." pag-aalala niya saakin. "Hindi ko ho kasi magaya ang mga iginuguhit niyo wala akong maisip na ideya iba. Sa mga napapanahong na kasuotan." pag-aamin ko sakanya. lumapit naman ito sa mga iginuhit kong mga kasuotan at tinignan itong mabuti. Nang minsan kasing wala akong nagawa sa opisina ni Tita pinakialaman ko ang sketch pad nito na may nakaguhit na iba't ibang uri ng damit roon. Kumuha naman ako ng papel at panulat iginaya ang nakaguhit. Nagaya ko naman ang mga ito ngunit ng wala na ako tinitignang kopya at gumuhit ng sarili ko. Hindi ko namalayang na ganito ang mga naiguhit kung mga kasuotan. "Napakaganda ng mga Iginuhit mo Iha, hindi ko alam na may talinto kang mag guhit ng mga ganitong damit. Ang vintage ng dating pero maganda pa rin alam mo ba kung anong tawag sa mga ganitong uri ng damit?" "Hindi nga ho...kaya hindi ko po alam kung bakit ganyan ho ang mga naiguguhit kong mga larawan." "Gothic dress ang tawag sa mga ito..ginagamit ito ng mga mayayamang tao lalo na ang mga prinsesa at reyna noon.. Mahilig ka palang gumuhit ng mga ganito. Siguro nga nawala lang ang alaala mo pero hindi ang abilidad mo." ngumiti naman ito saakin at umupo sa sofa. "Halika dito Iha, maupo ka rito at kumain ka na. mamaya ay tutulungan kitang gumuhit ng mga gaya ng damit na nakita mo." *****^^^******* "Hayan ganyan,,ipagpatuloy mo lang..mag-isip ka pa ng ibang disenyong gusto mong ihalo diyan sa gusto mong damit." tinutulungan akong gumuhit ng iba't ibang uri ng damit ni tita Camilla. yung isa dress, may gown at iba pa. "Angaling niyo hong maturo..Maraming salamat ho." "Wala yun..Next kung ituturo naman sayo ay paano tahiin ang mga yan. Ok ba sayo." tumango naman ako sa sinabi niya. Hindi na tuloy ako makapaghintay pa gusto ko na agad simulan. Tumayo naman siya at binuksan ang pinto. "Oh! Trev. You're here already ang aga mo naman ata..wala ba kayong practice ngayon?' rinig kong sabi ni Tita dumating na siguro si Trevor galing eskwelahan. Isa sa mga nalamang ko kay Trevor ay manlalaro ito sa kanilang eskwelahan. Ano nga ulit tawag roon. Ah! Varsity player siya ng Basketball. Hindi ko pa siya nakitang maglaro at hindi ko rin alam kong ano yung basketball. "Gusto mong kumain ipaghahanda kita sa mga katulong." dagdag pa ng mama niya. hindi ko naman marinig kong anong sinasabi niya o may sinasabi ba siya. Isa pa sa nalaman ko sakanya ay tahimik talaga ito tulad rin niya si Tito. Kaya parating kami ni Tita ang magkasamang dalawa at nagkwekwentuhan. Pero ramdam ko namang mahal na mahal ni Tita ang pamilya nito. Pumasok naman ito saaking silid at inilagay doon ni Trevor ang gamit nito at umupo sa sofa. Nakataas ang paa nito sa maliit na mesa at nakasandal sa sofa at nakalagay ang dalawang kamay nito sa batok niya. Kinuha ko naman ang mga papel na nakakalat sa mesa at pinulot isa isa. Baka isipin nitong makalat akong babae. Nakapikit naman ito, hindi ko alam kong natutulog siya o Ano pa man kaya iniwasan kong gumawa ng ano mang ingay baka maistorbo ito sa pamamahinga. Nakita ko naman ang ibinigay ni Tita saaking sketch pad na nakaipit ito sa paanan niya. Itinaas ko naman ang paa niya pero bakit nararamdaman kong lalo ito bumibigat at para bang binibigatan nito ang mga paa. Tumingin naman ako rito at dun ko nakitang nakangisi ito saakin mukhang naaliw sa ginagawa ko. "Anong ginagawa mo sa paa ko?" Nakakunot ang noo na tanong nito sakin. "Kukunin ko lang sana yung sketch pad ko." sabi ko habang buhat pa rin ang mga paa nito. hindi ko makuha dahil dalawang kamay ko ang nakahawak sa kanyang paa kaya ko hindi alam kung paano ito kukunin. "Tsk! tanggalin mo yang kamay mo sa pagkakabuhat, pwede mo namang sabihin." masungit na sabi nito. Tinangal ko naman ito at hindi ko inaasanhang bumagsak ng malakas ang mga paa nito at bumalibag sa mesa. humiyaw naman ito sa sakit, kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. "Hala pasensyan na, Hindi ko sinasadya. Maniwala ka." nakahawak naman ito sa namimilipit niyang mga paa at nagsasalita ng hindi ko maintindihan. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dahil nakokonsenya na ako. Hindi ko namanlayang nakarating na si Tita Camilla at nag-aalala kong bakit anong nangyari sa anak niya. "It's her fault! Binalibag niya yung paa ko dito sa mesa." sumbong nito sa mama niya. "Pasenya na po Tita, Hindi ko po sinasadya yung nangyari..Kukunin ko lang po sana yung sketch pad sa paanan niya kaya binuhat ko po yung paa niya tapos ho nagising ho ata siya at sinabing tanggalin ko raw yung pagkakahawak ko sa paa niya." Paliwanag ko rito. Hala baka paalisin ako ni Tita sa Mansyon nila dahil sa ginawa ko sa anak niya. Napakagat naman ako ng ibabang labi ko at tumingin ng nagmamakaawa kay Tita Camilla. "Oh! Siya,, dito muna kayong dalawa tatawag lang ako ng doktor... Angel bantay mo muna si Trev at pakainin mo na rin siya alam kong gutom na yan." napahinga naman ako sa dahil wala naman na siyang sinabing iba pa. Natuwa ako sa loob ko dahil hindi ako mapapalayas dito. "Patawarin mo na ako, Hindi ko naman talaga sinasadya. sumunod lang naman ako sa sinabi mo." "Kasalanan ko pa ngayon! kung bakit binagsak mo yung paa ko." galit na sabi nito. napalabi naman ako sa sinabi niya. "Pasenya na talaga, Hindi na mauulit. Pramis!." sabi ko at tinaas ang kanang kamay ko. Pilit naman niyang inaabot ang pagkain sa mesa kaya kinuha ko ito at inabot sakanya. Masungit pa rin ito habang kumakain. Masasabi kong magandang lalaki si Trevor halos lahat namana niya sa Daddy nito pero yung mata niya lang ang namana niya sa mama niya dahil kulay tsokolate ito. Kumunot naman ang noo nito kaya lalong nagpakita sakanya na pagiging masungit nito. "Wag mo nga akong titigan ng ganyan.. Kinikilabutan ako sayo." Galit na sabi nito saakin. Hindi ko alam kong ilang minuto akong nakatingin sakanya kaya nahihiya naman ako. ibinaling ko ang mata ko sa Sketch pad at binuklat ito tumitingin ako ng magandang tatahiin uumpisahan ko sana magtahi bukas dahil wala namang akong gagawin. ******^^^^******** "Wag mo munang babasahin itong paa mo at wag mo munang ilalakad. Dito ka muna pansamantala. Don't worry by tomorrow magaling na yang paa mo." Sabi ng Doktor. tumanggo naman si Tita at kinausap pa ang doktor. Maraming ipinahid sa paa ni Trevor hindi ko alam kung anu-ano ang mga iyon. Magtatakip silim na rin ng makauwi ang doktor nila Tita Camilla. Personal Doctor raw nila ito kaya hindi na rin ako nagtanong pa. Iniwan naman kami ni Tita dito sa silid ko para maghanda ng hapunan baka raw kasi darating na si tito. Ako inaayos ko ang higaan. Dito kasi inilagay si Trevor sa kama ko kaya inaayos ko. Baka doon siguro ako sa kabilang silid matutulog mamaya. "Hoy! kuhanan mo ako ng damit ko magpapalit ako." baling nito saakin, napatingin naman ako sakanya "Anong sabi mo?" "Hindi lang tanga, Bingi pa. Sabi ko kuhanan mo ako ng damit ko. Dahil magpapalit ako." walang emosyong sabi nito. "Inuutusan mo ako?" "Hindi, Malamang inuutusan nga kita." Sarkastikong sabi nito. Kaya namang napataas ang kilay ko sakanya. "Tatawagin ko na lang yung katulong para siya ang utusan mo." sabi ko at tumayo. "Tatawagin mo payung katulong at papaakyatin pa rito. eh diyan lang naman yung kwarto ko sa kabila anong mahirap dun.. Kukuha ka lang ng damit ko. Kasalanan mo rin naman kung bakit hindi ako makalakad kaya pagbabayaran mo yung ginawa mo saakin." "Oo na andami mo pang sinabi. Mangungunsenya ka pa." padabog naman akong pumunta sa pinto. isasara ko na sana ito ng tinawag uli niya ako. "Gusto ko yung sando at jogging pants ang kunin mo." umayos naman ito ng higa. kaya napairap na lang ako sakanya. Pumasok ako sa kuwarto niya at sa dalawang linggo kong pamamalagi rito ngayon lamang ako nakapasok sa loob ng kanyang silid. Makikita mo talagang lalaki ang may ari ng silid na ito dahil sa kulay palang nito. Itim at buhaw ang pinaghalo sa silid na ito kahit ang kama nito ay ganun rin ang kurtina, sofa, sapin ng unan at kumot nito. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng silid ni Trevor may mga nakita akong mga iba't ibang larawan na nakalagay ng kabinet na gawa sa salamin may mga larawan na mga kalalakihan na parepareho sila ng suot at nakangiti silang lahat maliban kay Trevor na akala mo ay kasalanan ang ngumiti. Siguro ay mga kaibigan niya itong mga ito dahil andami nilang larawan. May mga nakita pa akong plaka ito siguro ang mga napanalunan nila may mga bilog na gawa sa ginto at mga medalyo rin na nakasabit. Dahil sa aliw ko sa pagtingin ng mga larawan muntik ko ng makalimutan ang hinabilin ni Trevor saakin. Kaya bago pa ito magalit saakin ay kumuha na ako ng ipinapakuha nito. Pagbalik ko naman sa silid ko, nakita ko itong masama ang titig nito saakin at parang may kremen akong ginawa. "Bakit ang tagal mo, sando at jogging pants lang yung pinapakuha ko di ba... Baka may pinakialaman ka sa mga gamit ko?' masamang sabi nito. "Wala akong kinuha, sakatunayan naaliw lamang akong tumingin ng mga larawan mo." sabi ko ng may ngiti sa labi.' "Pinakialaman mo yung mga pictures dun!" galit naman na sabi nito, kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Hindi ko ginalaw ang mga iyon. Tinignan ko lamang ang mga iyon. Hindi ko binuksan yung kabinet mo dun." huminga naman siya ng malalim, Ibinigay ko naman ang mga ipinakuha niya saakin. "Sa susunod kung anong ipinakuha yun lang ang gagawin mo. Hindi yung marami ka pang ginagawa. Naiintindihan mo!" tumango naman ako sakanya. Inirapan naman ako nito. Itinuloy ko naman ang ginagawa ko kanina bago niya ako utusan. Naka-upo ako sa may sofa siya naman ay nakahiga lamang at nakatingin sa kisame. Walang nagsasalita saaming dalawa. Hindi ko namalayang nakapasok na rin pala si Tita Camilla na may dala-dalang mga pagkain. "Ito kumain na kayong dalawa. Dinalhan ko na kayo ng pagkain..pag may kailangan pa kayo tumawag na lang kayo sa intercom. Sige sasabayan ko pa ang daddy niyo na maghapunan, diyan mo na kayo." Umalis naman na ito. Ako naman'y tumayo para ipaghain si Trevor ng pagkain niya dahil hindi naman nito kayang makatayo. "Oh! mamaya ka na lamang magbihis pag katapos mong kumain baka madumihan pa yang damit mo sa pagtulog." hindi naman ito nagsalita pa. Nag-umpisa siyang kumain, ganun rin ang aking ginawa. Pagkatapos naming kumaing dalawa inilapag ko sa mesa kanyang pingan, buti na lamang at may katulong na dumating, kinuha ang mga pinagkainan namin. Wala man lang pahintulot na naghubad sa harapan ko si Trevor. Hindi ko alam kung alam ba nitong narito ako. Wala lamang ito pakialam kung may nakakakita sakanya. Tumalikod naman ako para hindi makitang nagbibihis ito. "Sa susunod sabihin mo naman kung magbibihis ka sa harapan ng ibang tao." Sita ko rito, ganito ba ito sa ibang tao wala lamang ito pakialam kung may nakakakita sakanya. "Kasalanan ko pa ba yun? Bakit may epekto ba sayo yun?'' Panunukso nito saakin, kaya naman bigla akong napaharapan upang sagutin ito paharap. Pero bigla nitong itapon sa mukha ko ang pinagbihasan nitong mga damit. Kaya tinignan ko ito ng masama ngunit nakangisi lamang ito saakin. "Ano may sasabihin ka? Ilagay mo na yan sa labahan para malaba ng mga katulong." hindi pa rin nito inaalis ang ngisi sa kanyang mga labi. "Ang sama mo!" Sigaw ko sakanya at itinapon pabalik ang damit nito. nasalo naman nito ang mga yun. kaya dumila ako sakanya nainis naman ito sa ginawa ko. "Humanda ka saakin kapag nakatayo bukas! Magsisi ka!." pero benelatan ko rin ito. "Umasa ka! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo." "Talagang ginagalit mo ko ah...." Tatakbo nasa ako dahil bigla namang itong tumayo baka ako'y habulin nito pero napaupo rin agad at napahiyaw sa sakit. Nakonseya naman ako kaya nilapitan ko ito baka kung anong nangyari sakanya. "A-ayos ka lamang ba?..Saan ang masakit mo?" nag-aalalang tanong ko rito, hahawakan ko na sana ang paa nito pero bigla naman niya ito tinapik at hinabol ang aking kamay. "Ano ba masakit na nga hahawakan mo pa?" hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Nahimasmasan naman ako sa sinabi nito at tumingin ako sa kamay naming dalawa. Hindi naman ito nakatingin sa kamay namin pero masama ang tingin nito saakin. Tatangalin ko na sana ang pagkakahawak nito ngunit bigla nitong hinigpitan ang kamay ko. Kaya nama'y napatingin ako rito at nakita ko nanaman ang napakalawak nito ngisi saakin. Kaya napakagat na lamang ako sa aking labi. "Akala mo makakatakas ka?." Sabi naman nito ng nakataas ang dalawa nitong kilay. Pilit ko naman kumakawala ngunit hinila ako nito kaya napahiga ako. Kinuha naman nito ang damit na isinuot kanina at pinangtakip nito saakin o mas magandang sabihin ay pinapaamoy nito ang damit niya. kumakawala naman ako sakanya pero kahit hindi ito makatayo ay masasabi kong malakas pa rin ito kesa saakin. Hindi naman ko makahinga dahil naaamoy ko sakanyang damit na pawis nito. "Ilayo mo saakin iyan, Isusumbong kita kay Tita at Tito!!!" hindi pa rin ito tumitigil sa kanyang ginagawa at tumatawa pa ito ng malakas. Bigla naman itong tumigil ng bumukas ang pintuan ng silid. Bungad dun ang kanina ko pa gustong tawagin at pagsumbungan. "What's going on in here? Trevor what are you doing to her?" Narinig kong sabi ni Tita kumalas sa pakakahawak sa kamay ko si Trevor at ibinigay saakin ang damit nito. "Nothing'' tipid na sabi nito, bumalik naman ang mukha nito na para bang walang nangyari at walang emosyon itong tumingin sa Mommy nito. Nakatingin lang naman sakanya ang Daddy nito. "Anong wala..tignan mo nga ang ginawa mo sakanya. para mo tuloy siyang ni rape." sabi ng mommy nito. Lumaki naman ang mata nito kaya nagtaka naman ako. "I didn't r***d her." Sabi nito, tinignan ko naman ito ng nagtataka at tumingin saakin ng masama at sa mommy nito. "Ito naman hindi mabiro, syempre alam kong hindi mo ginahasa yan. May damit pa kasi kayo." napairap naman si Trevor sa Mommy nito. "O sya, mukhang ayos ka naman na, pumunta lang kami ng daddy mo rito para tignan ka. Matulog na kayong dalawa wag kayong gagawa ng karumaldumal dito. Trev pigilan mong sarili mo." sabi nito "Shut up mom," binigyan ng masamang tingin ang mommy nito. ngumiti naman ang mommy nito at inayos ang higaan ng anak. Nakatayo lamang akong nakatingin sakanila. "Iha, pwede bang samahan mo muna dito si Trev. Baka kasi may kailangan siya at hindi niya maabot. Ikaw munang tumulong sakanya." hingi ng pabor ni Tita Camilla saakin. napatingin naman ako kay Trevor at nakita ko namang ngumisi ito. Tumango na lang ako kay tita dahil wala naman akong magagawa pa at kasalan ko rin namang nagkaganya ang anak nito. "Salamat Iha, sige ikaw ng bahala dito ha." ngumiti naman ako sakanya at umalis na silang mag-asawa. *******^^^^^********** Narito ako ngayon sa kuwarto kung saan narito nakalagay ang mga damit na ibinigay na saakin ng Tita Camilla saakin na raw ang mga ito dahil wala naman daw gagamit nito. Ano nga bang tawag sa ingles nitong kuwarto na puno ng damit o iba't ibang kagamitan? Naalala ko na closet. tumitingin ako ng aking isusuot dahil magsisimba raw ngayong araw ang pamilya nila hindi ako puwedeng maiwan raw ng mag-isa rito sa kanilang mansyon. Napili ko na lamang isuot ay ang bistidang bulaklaklakin na kulay asul at itinerno ko ito sa sandals na pilak(silver). Shoulder bag naman na asul rin. Magaling na rin ngayon si Trevor at nakakalakad na ito ng maayos. Naiinis ako noong gabing inihabilin ito saakin. Hindi ko alam kung nanadya ba ito o hindi pero tuwing gusto ko ng matulog ay bigla ako nitong uutusan. Mag-uutos ng kung anu-ano saakin. pag nakita na ako nitong nakasimangot ay mangungunsenya pa ito dahil kasalanan ko rin na daw ang nangyari dito. Kaya wala na rin lang akong magagawa at susundin ang kanyang utos. "Tapos ka na? Kanina ka pa hinahanap nila Mommy!" hindi ko naman na tinignan kung sino ang pumasok dahil kilala ko na. Boses pa lamang nito. Tumingin naman ako sakanya at nakatingin lamang ito saakin ng walang emosyon. ''Ano? tutunganga ka lang diyan kanina ka pa hinihintay." Sabi nito at pabalibag na binalibag nito ang pinto. kaya sumunod na lamang ako sakanya. Nakakahiya at ako na lang ang hinihintay. "You look beautiful talaga Iha, with that dress." Nakangiting salubong ni Tita saakin at hinagkan ang aking pisngi. hinawakan naman ako ni Tita sa braso ko at kumapit ito saakin at inayang lumabas na nasa likuran naman namin si Tito at Trevor. Pagkalabas namin ay umalis sa pagkakapit si Tita saakin. "Trevor, Isakay mo na si Angel sa kotse mo. Magkita na lang tayo sa simbahan. understood." "Pero, maluwang pa naman sa kotse ni dad. kasya pa siya dun." reklamo naman nito. kaya pinanlakihan ni tita camilla ito ng mata. kaya napairap naman ito sa ina. "Just follow you're mom, Trevor." sabi naman ni Tito at pumasok na ito sa kotse kasama si Tita. Nakita ko namang umalis na ang sasakyan nila tita at nakatayo pa rin ako rito. "Hoy! wala ka bang balak pumasok, Iiwan kita diyan." galit na sabi nito, hindi ko naman napansin na nakapasok na pala ito sa sasakyan. kaya binuksan ko na lamang ang sasakyan nito. Ngayon lamang ako nakasakay sa kotse nito dahil parating kay tita ako sumasakay o minsan naman ay kay Tito. *****^^^***** Natapos ang simba ay kumain naman kami sa restaurant na pagmamay-ari raw ng kaibigan ni Tito. Malapit lamang ito sa simbahan kaya nilakad na lamang namin,kanina ko pa gustong umupo. Dahil nakatayo kami ng mahigit isa oras sa simbahan dahil wala na kaming maupuan na dalawa ni Trevor. Buti pa nga sila tita may naupuan kanina. Sinisi naman ako ng kasama ko, kung bakit hindi raw kami nakaupo. Naiinis na ako sakanya dahil parati na lamang niya akong pinagbubuntungan ng galit nito. Anlaki nang problema nito saakin kaya hindi ko na lamang ito pinapansin dahil baka pagnapuno ako sakanya ay mabatukan ko na ito at maisuntok sa pader. natuwa naman ako marami rami na rin ang mga natutunan ko dahil sa kagagawan rin nito. "Iha, hindi ba gusto mong turuan kitang manahi?'' biglang sabi ni Tita hindi pa kami natatapos kumain. "Opo, tuturuan niyo na ho ba ako?" "Oo, balak ko sana pagkatapos natin rito. Kaso kasi wala tayong mga materyales na gagamitin sa papanahi pero meron naman ng sewing machine. kaya tela na lang ang kailanga at mga sinulid." "Why don't you go to the mall?" sabi naman ni tito. "That's good idea! Trevor samahan mo si Angel na bumili ng mga tela at sinulid at kung ano pang mga materials. Hindi siya familiar sa lugar na ito kaya samahan mo siya. Sa store na lang kayo ng tita rain mo bumili. naiintindihan mo." sabi nito sa anak, hindi naman siya ni Trevor pero alam kung narinig niya ang sinabi ng ina. ******^^^****** Narito kami ngayon sa store na sinabi ni tita at kasama ko nga ang nakasimangot na si Trevor sa aking tabi. Kanina pa ito kinaka-usap ng tita niya tango lamang ito ng tango kaya ako nalamang ang kumaka-usap. Makita mo kasi ang disgusto nito na pumunta at halata lamang napilitan. "Sige Iha, pumili ka na lang diyan ng mga tela kailangan mo. Nasabi na rin naman sa akin ni Milla. Walang problema saakin yun. Maiwan ko muna kayo, tawagin niyo lang ako sa office ko or if you need anything sa secretary ko na lang kayo magpatulong medyo busy kasi ako ngayon. pasenya na hindi ko kayomasyadong maharap ." "Wala hong problema, maraming salamat po." sabi ko, Iniwan niya kami at pumunta na ito ng opisina niya. Naglibot-libot naman ako sa store nila andaming iba't ibang disenyo ang nakikita kong tela. Mabuti na lamang ay may ibinigay na listahan si Tita ng bibilhin namin. Nagpatulong naman ako sa secretary niya at sinamahan ako dahil iniwan ba naman ako ng aking kasama. Kinuha ko lamang ay kung anong mga nakalista kaya hindi kami masyadong nahirapan sa paghahanap. Nang matapos kami hinanap ko naman ang aking kasama. Hindi ko alam kung nasan ang lalaking iyon. Naglakad lamang ako palabas ng ng store at nagbabakasakaling makita ito. Nasa may di kalayuang store ito kung hindi ako nakakamali ay pamilihan ito ng mga sapatos. Pumasok ako rito at tumabi hindi naman ako nito nakita dahil nasa likuran lamang ako nito tumitingin tingin lamang ito at kikilatisin o di naman kaya'y isusukat ito. Nakita ko namang kinuha nito ang isang sapatos at tinignan. kulay itim ito at may malaking disenyo ito ng tsek. "Maganda yan, isukat mo." turan ko rito. napatingin naman ito saakin kaya ngumit na lamang ako sakanya. "Para kang saleslady diyan sa likuran ko. dito ka nga." sabi nito at hinila ako nito sa tabi niya. Wala naman akong nagawa at nagpahila na lang. "Ano yung saleslady?" tanong ko rito. May tinuro namang ito na babaeng di kalayoan saamin. Nakadamit ito ng puti at palda na hanggang tuhod nakapusod ang buhok nito. "Sila ang tagabenta dito. tsk para akong dictionary mo." sabi nito, habang sinusukat ang napili nitong sapatos. Tinanggal naman nito ang sapatos na sinukat at ibinigay sa saleslady na lumapit saamin. "Hold it, titingin pa ako ng isa." sabi nito sa saleslady, kinuha naman nito at sumama saamin habang tumitingin naman ito ay tumitingin na rin ako hindi ko alam kung bakit. Meroong pumukaw naman saaking isang sapatos na kulay pula at itim. Kinuha ko ito at ipinakita kay Trevor sumilay naman ang maliit nitong ngiti akala nito siguro ay hindi ko iyon nakita pero hindi na lamang ako nagsalita at umupo sa isa sa mga sofa roon at sinukat muli. Tumayo naman ito at inilakad lakad. Tinanggal naman niya na ito at ibinigay muli sa saleslady. "I'm gonna take that also. here's my credit." sabay bigay ng credit card. umupo naman kami sa sofa at hinintay ang mga pinamili nito. Maya-maya pa'y dumating na ang saleslady at iniabot kay Trevor ang mga pinamili. Lumabas naman kami sa store at naglakad papuntang paradahan ng sasakyan. Habang naglalakad kaming dalawa may bigla lamang humila saakin kaya napaharap ako sa humila alam kung hindi si Trevor iyon dahil katabi ko lang ito. Kahit man siya'y nagtaka at humarap sa humil saakin. "Bitawan mo siya." walang emosyong sabi ni Trevor. Nakita ko naman ang humila saakin at masasabi kong magandang lalaki ito, magkasing tangkad lamang sila ni Trevor at magkasing kisig sila. May singkit itong mga mata, Matangos na ilong at manipis na labi. Seryoso lamang itong nakatingin o mas sabihing nakatitig saakin para ba'y pinag-aaralan nito ang aking mukha. hindi nito pinansin ang sinabi ni Trevor kanina. "It's really you." mahinang sabi nito pero tama lamang iyon sa pagkakarinig namin ni Trevor. Ang mas hindi ko inaasahan ay ng may binangit itong pangalan na hindi ko alam kong sino. "Ciara." "Bitawan mo ako hindi kita kilala." pagpupumiglas kong sabi rito at binitawan naman ako nito. pero nakatitig pa rin ito saakin. "Who are you?'' sabi naman ni Trevor at hinila ako nito sa tabi niya. "Sino ka rin? Bakit kasama mo Ciara?" seryosong sabi nito. Narinig ko nanaman uli ang pangalan binangit nito at alam kong ako ang tinutukoy nito. "Matagal ka nang hinahanap.Ciara. San ka ba nagpunta at ba't kasama mo to?" Sabi nito "Ano bang sinasabi mo? Sino ka ba talaga?'' "You don't remember me. It's Cristof. kapatid ako ni Megan one of your bestfriend." "I'm sorry. She has an amnesia" bilang sabi naman ni Trevor na ikinabigla naman nito. "What? Pano nangyari yun?" "It's a long story. And one more thing. She can't understand and speak english." "What! that's impossible" sabi nito, Kinuha naman nito ang cellphone niya na gaya ng kay Trevor ngunit puti ang kulay nito ang kay Trevor ay itim yun ang napansin lamang sakanya mahilig ito sa itim. Kahit ang suot nito'y itim na polo. Narito kami ngayon sa isa restaurant dito lamang rin sa loob ng mall. Naka-upo lamang kami sa bilog na mesa at maraming upuan siguro'y mga sapung katao ang pwedeng umupo rito. Ang kasama ko nama'y hawak ang mga cellphone at kanya-kanya ang tawag kung sino man ang mga kausap pero ang maraming kausap ay itong si Kristof dahil maya-maya'y may tumatawag o di naman kaya'y may tinatawagan. Katabi ko lamang si Trevor na katingin sa labas ng restaurant animo'y may hinihintay ito. Ako nama'y nakahawak lamang sa aking shoulder bag at nakayuko. Hindi ko alam kung bakit kami narito basta pinaunlakan kami ni Kristof dito at may tatawagan raw ito. Maya-maya pa'y marami na akong naririnig na naglalakad palapit sa amin. Nanatili lamang akong nakayuko habang dahil gusto ko ng matulog masyadong marami kaming ginawa ngayong araw na ito. "Where is she?" "Kuya bakit ngayon mo lang sinabi?'' "Si Ciara" "Where's my daugther?" Napaangat naman ako ng tingin. Sinuri ang mga nagsalita kani-kanina lamang. Bigla naman silang napasinghap lahat maliban kanila tita Camilla at Tito na nakatayo lamang. At biglang may yumakap naman saaking babae na kasing edad lamang ni Tita Camilla at nasa likuran naman nito ang apat na babae na umiyak pero nakangiti. "I miss you so much..Hindi ko alam kung anong gagawin kung nawala ka saakin."iyak lamang ito ng iyak habang nakayap saakin. parang may humaplos naman saakin puso na hindi ko lamang bangit kung ano. "Where have you been all this time..Ciara?" Sabi nito na hindi ko alam na naman naitindihan parang gaya ng pagsasalita rin ni tita. "Satingin ko. Hindi ka niya naiintindihan."Mahinahong sabi ni Tita kaya naman napabitaw ng yakap saakin yung babae. Tinignan ako nito nang may pagtataka kaya binalik ko rin ang tingin na yun sakanya. Nakikita ko sa mga mata nito na mayhalong pag-aalinlangan pero hindi ito nagtanong pa. "Saan niyo siya nakita?" Sabi lamang nito pero saakin parin ang tingin nito. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya pero mukha sila tita dahil sila naman ang nakakita saakin. "Trevor found her in the middle of the highway. Nakasuot siya ng mahabang kasuotan I guess may pinuntahan siyang party somewhere? That's all I know. May mga sugat at gasgas rin siya nung nakita na niya ito, hirap rin siyang makapagsalita." Paliwanag ng ni Tita. "Thank you for saving her. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa siya saakin. How can I pay for your kindness?" Napatingin naman ito kay Trevor na siyang biglang nagulat pero hindi lang nito pinahalata. "It's nothing Ma'am, you don't have too. Kung ibang tao rin siguro tutulungan rin siya kung ganun rin ang sitwasyon niya." Sabi lang nito. "Hindi natin alam, pero nagpapasalamat ako na ikaw ang nakakita sakanya. Thank you again." Sabi naman nito at yumakap kay Trevor. "At thank you sainyong kumukop sakanya." Humarap naman ito kila tita. "Kumain na tayo. Lalamig ang pagkain natin." Sabi ni Tita kaya naman naupo kaming lahat pero bago pa ako maupo may mga tao muling yumakap saakin hindi ko sila kilala pero alam kung mababait sila. "Bess I miss you so much. Ang tagal mong nawala ako tuloy ang namamahala sa SCO." Sabi ng isang babaeng kaedaran ko lang rin. Ngumiti naman ako sakanya na siya ikinagulat niya. "OMG. Did you smile at me!!?" hindi makapaniwalang sabi nito na para bang nagkasal ako dahil doon. Nagtinginan naman tuloy silang lahat saakin. "Naniniwala na kaming nabagot nga ang ulo mo." Sabi pa nung isa. "But I can't wait para magkwento siya tungkol sakanila ni Trevor. OMG." Sabi pa nung isa na siyang ipinagtaka ko naman. Mukhang mali ata ang pagkakakilala ko sakanila dahil nakikita ko sakanila yung ngiting ibinigay ni Trevor saakin kapag may masama itong balak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD