I woke up in the middle of the night, I don't know why. Nasan loob ako ng kwarto ko dito sa Royal Academy na to natinatawag nilang Mharika 1'm already one week in here. Alam rin ng mga students at professors dito na hindi ko naalala ang nakaraan ko kaya binigyan nila ako sa excemptions. Pero kailangan ko lang makacatch up sa mga lesson nila at pag-aralan yung previous lesson nila. Medyo madali lang namang humabol sa lesson nila kaya hindi ako masyadong nahihirapan pero sa ibang lesson like tungkol dun sa mga histories ng iba't ibang mga palace hindi ko pa masyadong na rereview samantalang sila yun ang pinakamadali raw sakanila dahil mula pag kabata nila ikwenekwento na yun ng mga magulang nila.
Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig. Naka night gown lang ako na puti ako lang naman ang mag-isang natutulog dito dahil lahat ng royalties ay may kanya-kanyang kuwarto pala. I mean lahat ng students dito at hindi lang basta-basta itong room namin dahil naka base rin ito kung saan kami galing na angkan nakadepende rin. Ang pinaka malaking kuwarto rito ay ang crown king or queen, susunod ang mga Prince at Princess tapos crown Prince and Princess and Duke and last ang mga royal soldiers.
Lumabas ako ng veranda at naupo sa upuan dun habang tinitignan ang buwan at mga bituin. Nagiging habit ko na ito tuwing may iniisip ako gusto kong nakatingin sa tahimik na parte ng lugar dahil nakakapag-isip ako ng mas mabuti.
"Bakit gising ka pa mahal na Prinsesa?" bigla naman akong sa nagsalita at doon na kita ang isang lalaki dahil sa liwanag ng buwan kaya madali ko agad na justify na lalaki nga ito at sa boses na rin. Alam kong isa siya sa mga Prinsepe dahil nasa pinaka taas ang kuwarto ng mga magiging hari. Sa pagkakaalam ko ay lima palang ang occupied dun at walang magiging queen pa dun maliban na lang kung hari na ang mga ito at ang mapapangasawa nila ay pwedeng maging reyna na pero marami pang process nun bago maging reyna or hari. Sunod naman dun ay mga prinsesa at prinsepe then crown prince at princess at dalawang magkasunod na palapag naman para sa mga duke occupied nila yung dalawang palapag dahil madami sila at 3 magkakasunod na palapag naman ang sa mga Royal Soldier dito dahil sila ang pinaka marami.
"Sino ka?" tanong ko rito, nakita ko namang nag smirk ito kaya kumunot ang nook o sakanya.
"Tama nga ang bali balita na hindi ka raw nakakaalala. Na nawala ang iyong memorya." Bigla namang lumungkot ang mukha nito.
"Oh, Ano naman ngayon kung hindi ako nakakaalala. Wala kang pakialam dun." Napairap naman ako sakanya, natawa naman ito pero hindi ko alam kung bakit bakas parin sa tawa niya ang pait at lungkot nito saakin kaya binaling ko na lang ang atensyon ko sa buwan at mga bituin.
"Hindi ko alam.. pati puso madali na ring palang makalimut." Biglang sabi nito.. narinig ko kung anong sinabi nito pero hindi ko alam kung para saakin at pasaan ang mga sinabi niya.
"Anong sabi mo?'' baling ko rito
"Wala sabi ko matulog ka na mahal na prinsesa. Makakasama saiyong kalusugan ang parating nagpupuyat.'' Sabi nito
"Paano mo alam na parati akong nagpupuyat? Ibig sabihin nagpupuyat ka rin dahil nakikita mo ako"
"Hahaha...Matalino ka talaga. yun ang hindi nawala saiyo at nagagalak ako para dun." Pero may lungkot parin sa mga sinabi niya.
"Parati kitang nakikita. Tuwing ganitong oras. May mga bumabagabag ba saiyo? Nahihirapan ka ba?" hindi ko alam pero kahit gusto ko siyang barahin at sabihin wala siyang pake. Baka kasi isa siya sa mga related sa akin at tulad rin siya ng mga nagpakilala saakin noong bago palang ako dito na kaibigan ko raw sila. Mababait naman sila pero parang hindi ko kayang ibigay ng fully ang trust ko sakanila.
"Isa ka ba sa mga naging kaibigan ko?" tanong ko sakaniya, ngumiti naman ito saakin kaya naguluhan ako.
"Oo Naging kaibigan." Diin niya sa mga sinabi nito. Tumango naman ako sakanya.
"Pasensya na nasungitan tuloy kita."
"Wala yun naiintindihan ko ang iyong situwasyon mahal na Prinsesa." Ngumiti naman ito.
"Napansin kong hindi ka na madaling magtiwala sa iba. Hindi tulad ng dati." Biglang Sabi nito kaya naman napataas ang kilay ko.
"Napansin ko rin, sinusundan mo ba lahat ng galaw ko?"
"Hahahaha....ganun na nga." Ngumiti naman ito saakin at sumandal may ding-ding paharap sa buwan. "Matulog ka na Prinsesa Tiara, maaga pa ang klase bukas. Sige matutulog na rin ako." tumango naman ako, akmang aalis na siya ng tinawag ko siya.
"Amh..sandali Prinsepe...." iniisip ko kung anong pangalan niya pero hindi ko talaga maalala kaya napakagat ako ng ibabang labi ko dahil dun. Baka maoffend siya.
"Ruke,...Prinsesa Tiara, wag mo ng kalilimutan yang pangalang yan. Anong maipaglilingkod ko sayo prinsesa? May itatanong ka ba?" Ngumiti naman ito, ano ba Tiara ano nga bang sasabihin mo sakanya.
"Gusto ko lang magpasalamat, dahil sinamahan mo ako ngayon. Pagpasenyahan mo na rin dahil sa inasal ko sayo kanina." Mahina kong sabi ko pero alam kong narinig naman niya.
"Wala yun Prinsesa, natural lamang na ganun ang maiaasal mo kung meron kang hindi kilalang tao. Hindi ka nagtitiwala sakanila ng ganun kadali kaya naiintindihan ko yun." Napahinga naman ako ng maluwag "Yun lamang ba ang gusto mong sabihin. Aalis na ako.. Naway makatulog ng mahimbing..Bumalik ka na rin saiyong silid masyado ng mahamog rito sa labas at baka'y magkasakit pa." tumango naman ako. Sabay naman kaming pumasok na ng loob. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame bakit hanggang ngayon naiisip ko pa rin na hindi ako nababagay sa lugar na ito. Kahit sa pananalita kailangan maging maingat parang wala akong kalayaan sa lugar na ito. Sino ba talaga ako?
********^^^^*********
Nandito kami ngayon silid kainan, lahat ng estudyante kailangan ay sabay-sabay kakain. Kasama ko ang mga nagpakilalang kaibigan ko isa rin silang Prinsesa. Dalawa silang kaibigan ko si Prinsesa Evina, from Yuda kingdom at Prinsesa Lorrena from Merzo kingdom.
"Alam mo Tiara, mula ng maaksedente ka hindi kami sanay na tahimik ka." Sabi ni Evina, kapag kami-kami lamang ang nag-uusap at wala masyadong nakakarinig. Pangalan lang ang tawag namin sa isa't isa ayos lang naman saakin yun dahil komportable akong tinatawag ng walang kahit na nakakabit na nagsasabing isa akong maharlika.
"Tama ka riyan Evina, pero nagagalak na rin kami dahil ligtas ka."- Lorrena "huwag kang mag-alala tutulungan kanaming mapabilis ang mga alala mo marami pa naman tayong alalang magaganda dapat hindi mo nakalimutan pero wala na tayong magagawa pa roon. Hindi mo naman sinadya ang mga nangyari hindi ba Tiara." Tumango naman ako sakanya,
"Ayaw ko rin namang mangyari ito. Gusto kong maalala lahat ng pinagsamahan natin." Ngiti ko sakanila.
"Hindi ba mas maganda kong gumawa na lamang tayo ng mga panibagong magagandang alala para hindi na niya ito makalimutan pa. hayaan na lamang natin iyong mga nakalipas na alala dahil kusa rin namang babalik hindi ba Tiara."
"Oo naman, Gusto ko ang naisip na ideya ni Evina.''
"Kung yun ang gusto niyo, sang-ayon rin ako. Marami akong gustong matuklasan muli."-Lorrena
"Anong ibig niyong sabihin?''
"Ganun kasi ang ginawa natin dati..tumakas tayo at nagpunta sa iba't ibang lugar marami tayong nakitang magagandang tanawin nun ikaw pa nga ang nag-aya saamin nun. Natatakot pa kami nun pero kamakialan nagustuhan rin namin at halos lagi na tayong tumatakas." Bulong ni Lorrena, halatang ayaw ipagsabi dahil mahigpit na i***********l iyon dito at may parusa sa sinumang lumabag sa mga patakaran.
Ngayon ko lang nalaman lahat ng yun.. Hindi ko alam na isa akong rule breaker pala dati pero sa nakikita ko sakanila ay mukhang masaya nga yun. Siguro kailangan ko rin ito para mahanap ko rin ang sarili ko at baka makatulong ito para bumalik ang mga alala ko. Pero paano kapag nahuli kami baka mapahamak rin lang kami ayokong mapahamak rin sila. Dahil ako lahat ang may pasimuno ng mga ito.
Habang kumakain biglang umingay sa hapag kainan, hindi pala umingay lalong umingay. Napatingin naman kami sa may pintuan at dun namin nakita kung bakit biglang umingay. Lalo na ang mga babae, parang ngayon lang nila makikita ang mga yan. Hindi ba sila nagsasawa parati na lang silang ganyan. Wala naman akong maisip na dahilan para tilian silang lima. Tama, limang kalalakihang magkakaibigan na malapit ng tanghaling hari. Ang mga soon to kings. Siguro yun isa sa dahilan kung bakit sila hinahangan ng ganyan ay dahil sa murang edad nila ay pwede na agad silang tanghaling mga hari. Kung tutuusin mahirap talagang tangahaling maging hari o reyna pero sakanilang lima parang madaling para sakanila yun. Hindi ko rin nasasabi na isa sila sa kinatatakutan dito sa Mharika. Hindi ko alam kung bakit, wala namang nakakatakot o katakot takot sakanila kahit isa silang mga mandirigma rin.
Isa lamang ang nakikita kong nakakatakot sakanila pero para saakin sa unang tingin lang yun. Siguro dahil sa seryoso siya hindi ko pa siya nakitang ngumingiti kahit isang linggo na ako dito. Hindi ko pa rin alam kong anong mga pangalan nila at wala akong balak alamin yun dahil hindi naman sila ganun kaimportante saakin.
"Bilisan niyo na diyan at para mauna tayo sa ating silid aralan." Sabi ni Evina. Sakatunayan nga yan si Lorrena lang ang hindi pa natatapos kumain saamin at siya lang ang hinihintay namin.
"Sandali lang uubusin ko pa ito. Ayokong nagsasayang ng pagkain alam niyo yan. Tuwing kumakain ako naaalala ko parati ang mga magsasaka sa bayan namin yun halos ang kinabubuhay nila at nakita ko kung gaano kahirap ang kanilang pamumuhay."
"Sinabi ko lang namang daliaan mong kumain. Andami mo agad paliwanag.. ikaw nang pinakamabait na prinsesa. Ipagpatuloy mo yan. " – sabi ni Evina, pero alam kong sa loob nito ay hanga rin siya para sa kaibigan. Madalang lang kasi ang mga ganun lalo na ang mga prinsesang tulad niya. Even me, I don't think of them.
Habang hinihintay naming kumain si Lorrena. Pakiramdam ko may nakatingin saakin kaya inilibot ko ang paningin ko at doon ko nakita ang pares na mga mata na seryosong nakatin lang saakin. Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o hindi. Pero hindi ako nakadama ng takot sa titig niya saakin at ginantihan ko rin siya ng tingin. Akala niya siya lang ang pwedeng tumingin ng ganun kahit na magiging hari na siya mababa ang tingin niya saamin at kayang kaya niya lahat ng tao. Kailangan matakot lahat sakanya, hindi ako makakapayag noh!.
"Tiara! Sinong tinitignan mo riyan?" tanong sakin ni Evina, kaya napatingin naman ako sakanya at na alis ko ang pagkakatitig ko sa Hari ng Sama. Yun na ang tawag ko sakanya dahil pinaglihi siguro siya sa sama ng loob ng reyna sakanya. "Huh, tumingin ka ba kay Prinsepe Ervis?"
"Hindi noh! Bakit ko naman siya titignan? Wala namang dahilan para tumingin ako sakanya." Siya nga ang unang tumingin saakin hindi lang ako nagpalo sakanya kung hindi lang ako tinawag ni Evina.
"Nako, Sinasabi ko sayo wag mo siyang titigan. Alam mo ba kung tumitig siya sayo ng matagal ibig sabihin nun humanda ka sakanya. Kaya dalawa lang ang pwede mong gawin dun. Pwedeng magpakamatay ka na lang o labanan siya." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. At ano raw Prinsepe Ervis pala ang pangalan niya. Pero siya naman ang nauna at wala naman akong ginagawang masama sakanya, That's unfair.
"Mag-ingat ka sakanya. Wala iyang patawad sa mga kalaban niya." dagdag naman ni Lorrena na nag-aayos na ng gamit nito.
"Nanangakot ba kayo?" kasi kung oo medyo kinilabutan ako doon.
"Nagsasabi lang kami ng katotohanan." Tumayo naman na kaming tatlo at umalis na.
******^^********
Sa kabilang dako naman napatingin si Prinsepe Ervis sa papalayong mga Prinsesa. Kilala niya ang isa sa mga prinsesa roon dahil ipinagkasundo sila ng mga hari at reyna na mag-isang dibdib pagkatapos ng proklamasyon niya bilang hari ng kanilang kaharian. Hindi nito alam kung bakit naiinis siya sa inasal ng Prinsesa dahil mukhang hindi siya nito kilala o nagpapanggap lamang ito. Kanina ng tinitigan nito ang prinsesa at napatingin ito sakanya inaasahan nitong yuyuko ito o kaya naman ay matatakot pero iba ang naganap. Dahil ibinalik rin nito ang pagkakatitig sakanya at lalo itong nainsulto sa ginawa ng prinsesa.
"Ervis, wala ka bang balak galawin ang iyong pagkain? At sino ba ang iyong tinitignan? Maroon ka bang hinihintay sa pintuan?" nagtatakang tanong ng kaibigan niya na isa ring prinsepe at malapit ng maging hari si Vendict. Hindi naman nito pinansin ang kaibigan ang nag-umpisa ng kumain. Kaya hindi na rin nagtanong pa muli ang kaibigan nito dahil alam naman nitong wala siyang makukuhang kasagutan mula sa kaibigan. Pero kahit na ganun ay kaibigan pa rin nila ang isa't isa dahil mula pagkabata ay sila ang magkakaibigang lima.
"Nakalap ko lamang na balita, totoo bang nawalan ng alala si Prinsesa Tiara?" Tanong ni Renzo isa sa mga kaibigan ni Ervis.
"Saan mo namang nalamang ang ganyang mga balita? Para kang babae mahilig mangalap ng balita kahit saan." Roman isa rin sa kaibigan ni Ervis.
"Tama ka, sa mga babae KO. nakalap ang mga yan." Pagmamalaki nito. Si Renzo kasi ang isa sa mga palekero sa kanilang magkakaibigan malapit ito sa mga babae hindi dahil mabait siya sa mga ito dahil may kailangan ito sakanila.
"Sinasabi ko na nga ba eh, wala ka paring pinagbago. Mabait ka pa rin sa mga kababaihan." Sabi ni Zerio na isa rin sa kaibigan ni Ervis. Pag sinabing mabait iba ang kahulugan nun sakanilang lima. Kaya nagtawanan ang magkakaibigan maliban kay Prinsipe Ervis
"Hindi ba siya yung lumabas kanina sa may pinto? Yung may kasamang dalawang Prinsesa." –Renzo
"Huh! Kanina lamang nakatingin si Ervis sa pintuan. Sila ba ang tinitignan mo Ervis?" sabi ni Vendict na ikinatingin ng iba pa niyang kaibigan sakanya na parang may ginawa itong karumaldumal. Hindi naman nito sinagot ang kaibigan at ipinagpatuloy lamang ang pagkain
"Hindi kaya may hindi sinasabi saatin ang ating MAGIGING HARI." Tukso naman ni Roman sakanya. Ganun pa rin ang rason nito sa mga kaibigan at hindi kinikibo ang mga ito.
"Mukhang may itinatago nga ito saatin,, Huwag tayong mag-alala malalaman rin natin iyan." Zerio, ngumisi pa ng nakakaluko sa kaibigan na tahimik na kumakain. Hindi naman na nila tinangka pang pag-usapan ang tungkol dun dahil sa ngayon hinala pa lamang ang nakikita nila sa kaibigan.
Pero sa isip naman ni Prinsipe Ervis, ngayon lamang niya narinig ang balitang iyon. Kaya ba hindi siya nito naalala. Siya kasi ang nagligtas noon sa dalaga nung makita niya itong nahulog sa talon kaya sinagip nito. Napadaan lamang siya noon sa gubat at hindi niya inaasahang makikita ang Prinsesa noong sinagip pa niya ito ay may sugat na ito sa kanyang noo siguro ay dahil sa pagkakauntog nito sa mga bato,,, kaya hindi malalayong mawalan nga ito ng alala. Pero nagising pa ito ng binuhat niya papuntang palasyo nila kaya imposibleng hindi siya nito naalala. Pero ang nakapagtataka roon ay kung anong ginagawa nito sa kagubatan ng kanilang kaharian.
Iwinaksi niya na lang ang mga naiisip niyang iyon dahil wala naman siyang pakialam kahit mawalan siya ng alaala. Isa lang naman siyang prinsesa na mapapangasawa niya wala ng iba pa kaya bakit mag-aalala ako dun. Sabi nito sa isip-isip niya. Tinapos nito ang pagkain at tumayo na, hindi na niya hinintay pa ang mga kaibigan niya na nagtatawag sa kanya kung saan ito pupunta. Dahil hindi rin niya alam kung saan rin siya pupunta. Dahil mamaya pa ang klase nilang magkakaibigan kasama ng mga mandirigma ng palasyo(royal soldier).
Naisipan niyang pumunta na lamang sa pinaka tuktok ng Mharika. Dahil mas maganda ang makikitang tanawin roon. Makikita ang buong kastillong eskwelahan. Habang naglalakad ito binabati siya ng ibang estudyante at hindi man lamang niya ito pinapansin. Nakatingin lamang siya ng tuwid sa dinaraanang pasilyo. Nakita niyang may bubungo sakanya pero hindi niya ito inilagan bagkos sinalubong pa nito ang bubungo sa kanya na marami itong dalang libro. Kaya ng magkabunguhan ang dalawa nahulog ang mga dala ng dalaga pinulot nito ang mga dala at nakatayo lang ang Prinsipe hinihintay nito na humingi ito ng paumanhin sakanya pero wala itong narinig ni isang salita mula sa kanya. Nag-angat ng tingin ang dalaga at doon niya nakita kung sino ang nakabungguan niya. Kung sineswerte ka nga naman sabi nito sa isip niya at lihim ito napa ngisi.
*******^^^^************
Tinignan ko ng masama ang walang hiya na nakabungo saakin. Alam na nga nitong marami akong dalang libro hindi man lang siya tumabi. Malalagot pa ako nito kung may nasirang libro dito. Ako kasi ang nakita ng guro namin na samahan siyang ilagay ang mga libro sa silid aklatan(library) kaya sinamahan ko siya pero dahil mabagal akong maglakad kaya hindi ko namalayan na nauna na pala yung guro namin at sa kamalas malasan pa ay nabunggo pa ako ng walang hiyang ito na Hari ng Sama.
"Hindi ka ba hihingi ng tawad saakin." Sabi nito at nakita kung ngumisi ito. Kaya lalong uminit ang ulo ko sakanya.
"Ba't naman ako hihingi ng tawad sayo? Kasalanan ko ba na nabungo mo ako?" galit na sabi ko sakanya.
"Oo, Kasalan mo lahat ng iyon..Dahil kung tumitingin ka sa dinaraan mo hindi mo ako mabubungo." Sabi nito at seryoso parin ang pagkakasabi nito.
"Ikaw na rin ang nagsabi..kung nakita mo rin sana yang dinaraan mo sana tumabi ka man lang para hindi mo ako nabungo."
"Bakit naman ako tatabi.. dito ako dumaraan. Sana dito ka sa kabilang dako dumaan para hindi mo ako nabungo."
"Bakit nabili mo ba yang daan na yan? At inaangkin mong pagmamay-ari mo."
"Gusto mong bilhin ko ngayon din?" maangas na sabi nito. Kaya napairap naman ako hindi lang pala siya hari ng kasamaan. Hari rin ng kayabangan. Kaya imbis na makipag-away pa ako sakanya ay tumigil na ako at pinulot muli ang mga libro dahil wala ring patutunguhan yung pag-aaway namin. Dahil wala itong kwentang kausap. Inirapan ko naman siya bago muling maglakad dala ang mga libro mabuti na lang at walang napunit sakanila kahit mukhang madaling mapunit ang mga ito.
*******^^^*****
"Totoo ba yung mga balita na sinagot sagot mo raw ang prinsipe?" bungad agad saakin ni Lorrena. Kararating ko lang galing silid aklatan at yun agad ang bungad saakin ng mga ito. Kahit sa pasilyong(hallway) dinaraanan ko yun rin ang naririnig kong balita ang lakas ng balita pagdating sa mga Crown Prince na yun.
"Di ba binantaan na kita na wag mong babangain kahit sino sakanilang lima lalo na kay Prinsipe Ervis. Ngayon wag mong aasahang hindi ka mapapahamak dahil naghahanda na iyon sigurado ako na may parusa kang makukuha mula sa kanya." Sabi ni Evina
"Hindi ko naman kasalanan yung nangyari..Bakit kasi hindi siya tumabi sa dinaraanan ko. Di sana hindi ko siya na bangga. Siya rin ang may kasalanan." Galit na sabi ko sakanila.
"Hindi ko alam na ganya kalakas loob mo sakanya.. Noon kapag nakikita natin sila tahimik ka lamang at wala kang sinasabi. Pero ngayon ibang iba ka na saan mo nakuha yang lakas ng loob mo. Humahanga na kami ngayon sayo." –Sabi ni Lorenna na may paghanga sa kanyang mukha.
"Natural lang na ganun ang maiaasal ko sakanya dahil may katuwiran rin ako. Alam kong may mali rin siya roon kaya bakit ako matatakot sakanya."
"Tsk.Tsk.Tsk...pero hindi ganun ang pagkakakilanlan namin saiyo..Kung hindi mo alam, dati noong nakabunguhan mo rin siya este natapunan mo siya noon ng inumin kahit alam naming siya rin ang may mali roon dahil alam naming sinadya niya iyon. Humingi ka sakanya ng paumanhin ng maraming beses noon. Kaya alam rin naming sinadya niya rin iyon, pero hindi naming inaasahan ay ang pag sagot mo sakanya ng ganoon." –Evina
"Natatakot lamang kami sa pwede niyang gawin saiyo, kahit pa prinsesa ka." Lorrena
"Isa lamang ang naiisip naming paraan, humingi ka ng tawad sakanya. Baka sakaling magbago ang isipan niyang bigyan ka ng parusa." – Evina
"Ayoko nga..bakit naman ako hihingi ng tawad sakanya wala naman ako kasalanan." No way naibaba ko ang pride ko para sa lalaking yun. Kahit siya pa ang pinakamataas dito saamin. Mas mataas naman ang pride ko.
"Kahit na, kung ayaw mong parusahan ka niya. Hayaan mo sasamahan ka naming humingi ng tawad sakanya."-Evina, basta ayoko pa rin humingi ng tawad. Hindi yun makatarungan where's the justice in that. Hayan bumabalik na naman ako sa dati. Bakit ba nagsasalita ako ng ganito sabi nila hindi raw ako ganun magsalita dahil wala namang ganitong lingguwahe dito. Kaya hindi ko alam kong saan ko ito natutunan. Kahit minsan ay nahihirapan akong ituwid ang pananalita ko feeling ko hindi ako sanay. Minsan sila rin ang hindi ko maintindihan lalo na may mga language silang hindi ko maiintindihan.
********************
sulitin ang vacation habang hindi pa busy so enjoy!!!!
#sharekolang