Third person POV
"May lead na ba kung nasan ang anak ko?'' Tanong
ni Veronica sa mga pulis mag-dadalawang linggo na mula ng mawala ang anak at huli nitong nakausap ang anak ay noong sabi nito pauwi na pero naghintay ito ng ilang oras, ngunit hindi ito dumating.
"Wala pa rin ho Ma'am, hindi rin namin madetect ang phone nito." Napakamot naman ng ulo ang mga detective na kinuha nito. "Wag ho kayong mag-alala hindi kami titigil, hanga't hindi namin nakikita ang anak niyo diyan." Napabuntunghiningan naman ng malakas ang ginang at napaiyak muli dahil sa problema. Hindi nito alam kong saang hahanapin o hahagilapin ang anak. Nang malamang nawawala ang anak ay tinawagan agad nito ang mga kaibigan na wala namang alam kung saan raw ito. Sa bawat pagdaan ng araw hindi nito alam kung anong gagawin hindi na rin nito maharap ang sarili pati na rin ang kompanya niya. Hindi ito makatulog sa gabi dahil naalala lang nito ang anak kung saan ito nagpunta o kung patay na ba ito pero sumisikip ang dibdib nito kapag iyon ang iniisip at hindi nito alam kung anong gagawin kung sakali mang bumalik o nakita ito ng bangkay niya. Mawawala lahat ng pinagpaguran nito kung wala na rin lang ang anak dahil ito ang lakas at kayamanan niya.
"Tita, wag po kayong mag-alala mahahanap rin po natin si Ciara" pag-aalo ni Rhianne kay Veronica isa sa mga kaibigan ni Ciara, umiyak lang ng umiyak ang ginang at pinapatahan naman ng mga kaibigan ni Ciara na kung minsan ay pumupunta sila sa bahay nito upang samahan. Minsan ay kasama naman nila ang mga magulang nila at dito natutulog upang samahan ang ginang at maibsan kahit sandal ang nararamdaman nito.
"Matapang po yun, kaya nanasiguro po tayong buhay yun. Kung may pupuntahan yun sasabihin niya ho saatin kung saan siya pupunta." Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Ciara na si Megan
"Uuwi na rin yun, Hindi nun matitiis ang pinaka magandang mommy niya." Shanna
"Pinapahanap na rin nila mommy si Ciara at pina broadcast na kaya imposible na hindi pa yun uuwi, dahil ayaw na ayaw nung nakikita ang mukha niya sa TV or sa newspaper." Sabrina, napangiti naman sila sa mga alalang yun dahil ayaw na ayaw tagala nung makita ang mukha sa TV or newspaper at kahit saang social site.
Pinaalis naman ni Rhianne ang mga pulis at detective, dahil nakita nilang nakatulog na ang ginang. Dahil na rin sa pagod at pag-aalala kaya madali na itong nakatulog. Wala rin itong masyadong gaanong tulog dahil tuwing gabi ay umiiyak ito sa loob ng kuwarto ng anak at kapag umaga'y naman ay pupunta ito sa mga pulis upang makakalap ng balita. Ang mga kaibigan ng ginang na ang nag-aayos at tumitingin ng kompanya nito dahil hindi na nito maharap dahil sa problemang kinakaharap. Mabuti na lamang at magkakasosyo ito sa negosyo at alam nila kung paano patakbuhin ang kompanya. Siya nga lang ang may pinaka malaking shares sa lahat at siya rin ang nagpatayo ng kompanya nito. Para na rin sa anak at kung wala na rin lang ang anak nito wala na ring saysay pa ang lahat na pinaghirapan at pinagpaguran nito.
"Paano natin iaakyat si Tita? Alangan naman dito siya sa sala matutulog." Sabi ni Sabrina
"Oh! Di ikaw ang mag-aayat sakanya sa kwarto niya." sabat naman ni Megan. Napairap naman si Sabrina sa kaibigan.
"Wag na nga kayong mag-away diyan baka magising pa si Tita dito. Alam niyo namang ngayon na nga lang yan mahaharap matulog." Suway naman ni Rhianne sa mga kaibigan. "Magpapaluto ako saglit ng pagkain natin sa kasama nila sa bahay. dito lang kayong maiingay." At umalis na ito papuntang kusina. Dahil dito uli nilang binabalak na matulog. Sinabi na rin nila sa mga magulang nila at sumang-ayon naman ang mga ito.
"Namimiss ko na si Ciara, yung mga kamalditahan niya, mga pagsusungit niya." biglang turan ni Shanna
"Ako rin kahit ganun yun nakakamiss rin pala ang babaeng yun. Kung saan man siya ngayon sana hindi mainis yung mga tao sakanya dahil sa kamalditahan niya." -Megan
"Nag-aalala na rin ako kay Tita Veron. Nakakaawa na siya. Tuwing naririnig ko siya sa kuwarto ni Ciara na umiiyak napapaiyak na rin ako. Dahil iniisip ko pano kapag ganun ang nangyari kay Mommy. Ayaw kong makita si Mommy na umiiyak dahil never pa namin siyang pinaiyak ng kapatid ko even my dad iniiwasan niyang nag-aaway na sila ni Mom kasi mommy is to emotional person kaya ganun." -Sabrina
"Yah ako rin, Ngayon ko lang nakitang ganyan si Tita. Kilala siya bilang matapang at istrikto minsan pero pagdating kay Ciara Lulambot ang puso niya." Shanna, biglang tumahimik ang magkakaibigan wala ni isa sakanila ang gustong magsalita nag-iisip sila kung saang lugar pa pwedeng pumunta ang nawawalang kaibigan pero wala dahil hindi naman ito pala gala. Sila pa mismo ang nag-aaya sakanya pero madlang itong mapagbigyan ang mga kaibigan. Iniisip naman nila ay baka na kidn*pped na ito pero kung na kidn*pped man bakit hindi man lang tumawag ang mga kidnapper para sa ramson at pinaabot pa ng dalawang linggo mismo. Pati silang magkakaibigan ay sumasakit na rin ang kanilang mga ulo kung saang lupalot hahanapin ang kanilang kaibigan.
Biglang bumukas ang pinto at napatayo silang dahil sa bisitang dumating. Hindi nila inaasahang pupunta ngayon ito akala nila ay nasa America pa ito ngayon nagtaka naman ang magkakaibigan kung bakit nandito ito.
"Good eve po tito Jacob." Bati nilang magkakaibigan na naroon.
"Good evening also girls, nasan si..." hindi na nito natapos ang sasabihin ng dumako ang mata niya sa babaeng mahimbing na natutulog sa sofa. Lumapit ito at lumuhod sa may harap nito at hinawi ang mga buhok na kumakalat sa mukha niya. Nakita nitong katatapos lang sa pag-iyak ang ginang, makita rito na kahit tulog man ito ay mababakas pa rin ang lungkot at pag-aalala ngunit maiaalis ang ganda nito.
"Kelan pa po kayo nakarating Tito?' lakas loob na pagtatanong ni Sabrina sa ginoo. Matagal bago ito masagot ang kanyang tanong akala nito ay hindi nito narinig ang tanong kaya magtatanong uli sana ito pero nagsalita na ito.
"Kanina lang,,, dito na agad ako dumiretsyo. Hindi ko alam na ganito ang maaabutan ko. I left her but I didn't expect na ganito na ang nangyari sakanya." Nakatitig pa rin ito sa ginang habang sinusuklay ang buhok nito. Nakatingin lamang ang magkakaibigan sa ginawa ng ginoo. Hindi nila alam kung anong meron ang relasyon ng tita at tito nila. Matagal na nilang kilala ang Tito Jacob nila kaibigan at kasosyo rin sa negosyo ng mga daddy nila pero ni minsan hindi nila nakita na nagkainteres ito sa tita nila dahil hindi naman ito lumalapit sakanya. Matagal na ring naninirahan sa ibang bansa ang tito nila at ngayon lang nila ito nakita muli after 12 years. May pamilya na ang tito nila pero nagkahiwalay rin ng ilang taon, hindi nila alam kung anong dahilan nito dahil hindi naman sila mahilig mamasok ng buhay ng may buhay. Pero alam ng magkakaibigan kung bakit ganun ito mag-alala sakanilang tita sa nakikita nila ngayon mukhang may past ang mga ito. Hindi na lang sila umimik at nag-isip ng kung anu-ano pa siguro ay dahil kaibigan niya rin ito.
"Ahm Girls halina kayo kakain na..." sabi ni Rhianne at nagulat ng biglang nakita ang tito "Tito! Anong ginagawa niyo dito? Kelan pa kayo nakabalik?''tulad rin ng kaibigan niya ganun rin ang reaksyon nito.
"I'm here to visit Veron, I heard the news kaya pumunta na ako rito."
"We're not loosing hope , don't worry mahahanap rin natin si Ciara. Ano ho kain mo tayo?" sabi ni Megan
"Sige, ako munang magbabantay sakanya. Kumain na kayo. Busog pa ako." tumango naman ang magkakaibigan at paalis n asana ang mga ito ng magsalita ang tito nila "San ang kwarto niya ako ng magbubuhat sa kanya papunta roon. Mukhang hindi siya comfortable dito sa hinihigaan niya." binuhat naman ni Jacob si Veron at umakyat na sa itaas sinamahan naman ito ni Sabrina para ituro ang kuwarto ng ginang.
"Oh eM Gee,,, hindi ko alam kung anong meron kay tito Jacob at Tita Veron pero ang masasabi ko lang bakit may Chemistry sila. Habang tinitigan ni Tito Jacob si Tita ako yung kinikilg para kay Tita." Sabi ni Shanna na impit na tumitili.
"Hoy, para kang ewan, alam mong may problema tayong kinakaharap dito tapos yan ang iniisip mo." Sabi ni Megan
"Bakit ba,, sinabi ko lang yung nakikita ko. Para parin silang mga teenager dahil sa mga mukha nila. Hindi halatang 40's nasa sila. Ang gwapo pa rin ni tito."
"Tama na nga yan. Tara na kain na tayo para magawa na rin natin ang mga dapat gawin natin. Tutal mukhang may titingin na kay Tita saglit, baka nakakalimutan niyo yung project natin. Kailangan nating manalo kahit wala dito si Ciara kailangan nating matapos yun. Hindi natin alam kung kelan siya darating kaya kailangan nating gawin yun. Hindi ko sinasabing isang tabi natin yung pagkawala ni Ciara pero baka pag dumating siya at wala pa tayong nagawa ni isa, gusto niyo bang marinig ang pagmamaldita nun saatin? Baka madissapoint siya pag natalo tayo ng mga grupo ng witches" sabi ni Rhianne
"Yah true, hindi tayo papayag, never in my entirely life kahit pa kumain sila ng bubug at bato o magpakamatay man sila." Sabi ni Megan
"Over ka naman. Medyo harsh nun besh.'' Shanna,nagkwentuhan pa ang sila ang hanggang dumating si Sabrina at kumain na rinsilang lahat. Dito nila naisipang gumawa na ng project dahil dito naman talagadapat nila gagawin iyon kahit noong hindi pa nawawala si Ciara sakanila. Hindinaman nila pwedeng gawiin iyon sa kuwarto niya baka magalit ang tita nila dahilayaw pa naman nitong nagpapasok lalo na at wala roon ang anak. Hindi naman sawala siyang tiwala sa mga kaibigan nito pero dahil ayaw rin ng anak nito na maypumapasok sa private property nito ng walang permission niya. Kaya naisipan nalamang nila na sa guest room na lamang nila gagawin ang mga project nila.
***************
sulitin kong iupdate to. hahahahahahahaha!!
#justwriteit