CHAPTER 3

4959 Words
Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto, puro puti ang aking mga nakikita at may nakaturok sa akin na kung anu-ano. Hindi ko alam kung nasaan ako at anong lugar ito. Meroong mahabang upuan sa at maliit na lamesita at isang hindi pamilyar na malaking parihaba na itim meroon ring isang salamin at isang pinto na hindi ko alam kung anong nandoon, bumukas iyon at lumabas ang isang lalaki, masasabi kong isang napagandang lalaki nito. May matangos na ilong, malalim at itim na mga mata, makapal na mga kilay at manipis na labi, ang pinakahuli may maganda itong pangangatawan. Makikita mo sa kanyang mga tindig na nasa kanya ang autoridad. "Done checking?'" biglang sabi nito, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito at nakatitig na pala ako ng matagal sakanya. napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito hindi ko alam kung anong lingawahe ang ginamit nito. Kaya naman hinihintay ko itong magpaliwanag pero mukhang wala itong balak magsalita. ""The nurses and doctors are also coming soon to check on your condition."" Malalim na boses na sabi nito ano bang sinasabi nito hindi masyadong maintindihan ang mga ginagamit na mga pananalita nito. "Nasan ako? anong lugar ito? Ilang araw akong natulog? Sino ka?" "Pwede ba isa-isa lang." "To answer your questions, nasa hospital ka dito kita dinala, 14 days kang tulog and I'm Trevor." "Alam mo wala akong maintindihan sa mga sinabi mo." huminga naman ito ng malalim na para bang naiinis at tinignan uli ako. "Ok! Sorry dahil nabangga kita kaya dinala kita dito at 14 days kang tulog. I'm Trevor by the way,don't worry ako ng nagbayad ng mga gastos mo dito sa hospital pati na rin yung operation. I just want to know where you live and what's your name?'' lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa gamit nitong lenggwahe. Naiintindihan niya ako pero hindi ko siya maintindihan. Ano bang nangyayari? "Hindi ko alam ang sinasabi mo, masyadong malalim at iba ang ginagamit na mga lingwahe. ang naintindihan ko lamang na iyong sinabi ay nabungo mo ako at dito mo ako dinala wala na akong naintindihan na iba saiyong mga sinabi." may dumating na dalawang tao na nakaputi rin ang mga ito. lumapit sila saakin at may dinikit na kung anong gamit iyon at pinakiramdaman naman ng lalaking ito may sinabi ang lalaki doon sa kasama niyang dalagita na hindi ko maintindihan at tumingin siya sa kasama ko na lalaki kanina. "Mr. Montizore, I saw her CT scan earlier, and I'm sorry to tell you that she has amnesia, but don't worry, it's only temporary. We assure you of that." tumango naman ito at tinignan ako saglit at binalik sa lalaking kausap nito ako naman ay nakatingin lamang sa bintana. "Iha, anong huling naalala mo?" tanong ng lalaki siguro ito yung sinasabi nya ano na nga ba yun. Doctor?. "Ahm, wala po." "Naaalala mo ba kung anong pangalan mo o saan ka nakatira?" "Hindi ko rin maalala." "Mr. Montizore ikaw na ang bahala sakanya, wag mong pipiliting ipaalala ang mga alaala niya kusa rin itong babalik. Sa ngayon ikaw mo na ang magiging guardian niya dahil ikaw lang ang kinikilala at kikilalanin niya sa ngayon." at tumingin ito saakin. "Iha, wag mong pipiliting makaalala, si Trevor na muna ang bahala sayo." "Maraming salamat po." ngiti ko sakanya, umalis naman na ito at ang babaeng kasama niya naiwan na ako dito sa sinasabi niyang Trevor raw. "Aalis mo na ako saglit, bibili lang ako ng pagkain mo. Yan naiintindihan mo na ba yung sinabi ko?" pagsusungit nito, sayang gwapo sa na napaarogante. pero iisipin ko na lang na mabait siya dahil tinulungan niya ako. "Medyo naiintindihan ko ang iyong mga sinabi." "Kung may kailangan ka pindutin mo lang itong nasa likod mo tawag dito intercom. hindi ko alam na mag-aalaga pala akong isang illiterate na tao." sabi niya kumunot naman ang noo ko. "Ano yung illiterate?'' "wala sabi ko maganda ka." "Ah!" tumawa naman ito at umiling iling saakin. "Ewan ko sayo..dito ka muna kung gusto mong manuod buksan mo yung Tv." "Ano yung TV?'' "Seryoso ka? hindi mo alam pati ba naman TV yan oh." sabay turo sa malaking itim na parihaba. nakadikit ito sa ding-ding. "Nangaling ka ba sa bundok?" ngumuso naman ako sa sinabi nito saakin. malay ko ba kung dun pala ako nakatira sa bundok. "paano mo naman nasabi yan na nakatira ako sa bundok." "Basta!! diyan ka na nga." paalis na sana ito pero may kinuha ito sa upuan na maliit na parihaba rin at may pinidot ito tinapat nito dun at bumukas naman yung malaking parihaba na sinabi nitong TV raw at may mga lumalabas na mga tao roon. "Yan manuod ka, baka sakaling may maadapt ka diyan. ilipat mo dito sa bilog na to kung gusto mong ilipat yung mga palabas naiintindihan mo at dito naman sa bilog na ito kung papatayin mo o bubuksan mo yung tv." tumango naman ako sakanya. at umalis naman na ito. Sinubukan ko naman ang mga sinabi nito at natutuwa ako pinatay at binuksan ko uli at naglipat lipat ako ng iba't ibang palabas, ang galing naman nito para akong may mahika. itinigil ko naman sa isang palabas na puro mga hayop lang. may nagsasalita roon pero hindi ko rin maintindihan ang mga ginagamit na mga lingwahe. kaya pinatay ko na lamang ito sa sobrang inis ko humiga na lang ako dahil hindi rin naman ako makatayo dahil may nanakabit saakin. nakatingin lamang ako sa kisame hangga't hindi ko na lamang namalayan na nakatulog na lamang ako. ...... "Oh, pinainit ko uli yan, nakatulog ka kasi kanina hindi na kita ginising." inabot naman nito ang kubyertos at ang isang mangkop na may lamang pagkain. "Kumain ka na ba?" tanong ko sakanya. "Oo.. kaya kumain ka na." Binuka ko naman ang bibig ko para subuan niya ako pero nakakunot lang itong nakatingin. "Ano namang masama sa pagsubo, hindi ko maigagalaw ang aking mga kamay ng maayos dahil may mga nakadikit sa akin na mga aparato kaya susubuan mo ako." ngiti ko sakanya. "Tsk.. ano ka prinsesa, kaya mo na yan bahala ka diyan." at upo sa mahabang upuan ako naman ay ngumuso hindi ko talaga maigalaw ng maayos kanina nga dalawang kamay pa ang pinanghawak ko doon sa bagay na maliit na parisukat eh. binuksan naman nito ang Tv at nanuod hindi man lang niya ako pinansin at nakatutok lamang ang mga mata nito sa TV habang nakaunan ang mga kamay nito sa ulo niya. Sinubukan ko namang igalaw ang mga kamay ko dalawang kamay rin ang pinanggamit ko sa kutsarita at kumuha ng sabaw sa mangkop hindi ko alam kong anong pangalan ng pagkain na ito. Sabaw lamang ang nakakain ko dahil hindi ko mahati itong karne. "Tapos na ako. magpapahinga na ako." sabi ko sakanya kahit nakatutok lang siya sa Tv. "Oh! ilagay mo lang diyan, ipapakuha ko na yan mamaya." sabi nito habang hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa TV. tinignan ko naman ang pinapanuod nito at mukhang laro ito para sa mga lalaki dahil puro mga kalalakihan lamang ang naglalaro at nakikita kong may hawak yung isa na isang bilog na bagay at ipinasa naman nito sa kasama niya at pinatalbog talbog ng lalaki at ipinasa uli nito sa iba at tinapon yung bagay na iyon at pumasok ito sa isang malaking parang butas ganun lamang ang ginagawa nababagok naman ako habang nanunuod dahil paulit ulit na ganun pagminsan nag-aagawan sila sa bilog na bagay na yun hindi ko maintindihan kaya humiga na lamang ako at ipinikit mo muli ang mga mata. maya-maya bigla na lamang tumahimik siguro ay pinatay na niya ang TV. "Bakit hindi mo naman ginalaw tong pagkain mo? sabaw lang ang naubos mo. Hindi mo sinabi sana sabaw na lang yung binili ko sayo." tumingin naman ako sakanya ng masama "Hindi ko mahati iyong karne kaya hindi ko na lamang ito ginalaw." "Tsk.. ito na nga!, susubuan nakita." sabi nito at hinati naman niya ang karne at isinubo nito saakin. "Yan tapos na, uminom ka ng tubig." binukasan nito ang bote at ibinigay naman nito saaking ginamit ko ang dalawang kamay ko upang mahawakan mabuti. pinindot naman nito ang nasa likuran ko na tinawag niya intercom may sinabi ito at pinatay na rin niya ito. "Bukas ng isa pwede kang makalabas dito. hangat hindi ka pa nakakaalala sa bahay ka muna namin titira naiintindihan mo." tumango na lamang ako sakanya bilang pagsang-ayon ko. humiga naman ako at tumagilid ng higaan. hindi ko alam parang may kulang saaking pagkatao. hindi ko maalala kung sino ako kung nga ba ang pagkatao ko, kung bakit ako nasagasahan maraming katanungan ang naglalaro saaking isipan ngunit wala akong mahanap na kasagutan dito. .... Nakatanaw lamang ako sa magandang tanawin habang nakasakay sa magarang sasakyan o tinitawag niyang kotse yun ang sabi ni Trevor. Tinatahak namin ngayon ang daan patungo sakanilang tahanan ayon na rin saaming napagkasunduan habang wala pa akong maaalala ay kailangan kung manatili sakanya. hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero satingin ko lamang ay ito na ang tinutukoy ni Trevor na kanyang tahanan napakalaki nito. Ibinaba niya ako sa tapat ng malaking pintuan ang sabi niya ay hintayin na lamang niya ako dahil kailangan daw nitong iparada ang kanyang sasakyan. Nililibot ko ang tingin sa napakalaking tahanan nito hindi ko akalaing na ganito pala ito karangya. May nakita pa akong hardin nila at napakalaki nito hindi ko alam pero ng makita ko ang kanilang hardin ay bigla na lamang akong nasabik, hindi lamang sa maraming nakatanim na mga bulalak kundi sa ganda at tahimik nito. Nakatayo lamang ako rito sa labas ng pintuan ng bigla itong bumukas. Lumabas roon ang isang magandang babae, makikita mo rito na may katandaan na ito dahil sa mga nakikita sa kanyang kaunting puting buhok ngunit maganda at elegante itong tignan, sa likuran naman nito ay apat na babaeng naka uniporme na kulay itim at puti. "Welcome to the Montizore Mansion Iha." sabi nito sabay hagkan saaking pisngi, ngumiti lamang ako sakanya upang hindi ipakita na hindi ko naiintindihan ang kanyang mga sinabi. pero sa tingin ko naman ay maganda ang kanyang sinabi dahil sa ngiti nito saakin na mukhang tuwang tuwa siya na narito ako. "Magandang umaga ho!" umuko ako sakanya upang magbigay galang. ngumiti naman ito saakin. "By the way, where is my son?" kumunot naman ang aking noo dahil gaya nung una kung nakilala si trevor ay parang ganito rin ang lingwaheng kanyang ginagamit. Hindi ko nanaman ito maintindihan kaya ngumiti na lamang ako sakanya. "Mom! what are you doing here? I thought you in the office today." biglang sulpot ni Trevor, nakahinga naman ang loob ko dahil sila na lamang ang mag-usap. ako naman palingun-lingon sa paligid upang hindi ipahalata ang pagkabagok, dahil sila lamang ang nag-uusap. "I file my leave because when you called, you said that you're coming home today with her and to welcome you back as well because you've also returned." "Tsk.. Hindi niyo ba kami papasukin?" tanong naman nito. "I'm sorry, son, and I'm sorry to you too, dear. Let's catch up inside instead. Come in." pumasok naman na kami sa napakalaking tahanan nila. kung gaano kaganda ang labas nito ay doble naman ang ganda sa loob nito hindi ko maaipaliwanag sa ganda nito ang mamasasabi ko lamang ay nakakamangha, pagpasok mo pa lamang dalawang hagdanan ang bubungad saiyo, para kang nasa isang palasyo halos puti ang kulay ng kanilang tahanan. Mahihiya kang rumihan ang kanilang sahig na gawa sa marmol dahil sa kintab nito. "Feel at home, you're already a part of the family, alright?" ngumiti naman ito at ngumiti rin ako pabalik. "Mom! please wag kayong gagamit masyado ng english language hindi rin niya maintindan." "Huh! Oh! sorry este pasenya na Iha hindi ko alam. hindi mo naman agad nasabi kaya pala.. O siya alam kung pagod kayong dalawa sa biyahe magpahinga na muna kayong dalawa. Celia paki hatid nga sa kwarto niya si...Ano nga palang pangalan mo Iha?" nagtatanong na saad ng ginang at humarap ito saakin. "Hindi ko po alam." "Pasenya ka na uli saakin.. nakalimutan kong nawalan ka pala ng naaalala..Ok! pwede bang itawag ko na lang panandalian sayo ay Angel.. Ayos lang bang yun muna pansamantala ang itawag sayo?" waring humihingi ng pahintulot. "Ahmm..Ayos lang ho, mukhang maganda naman ho siyang pakinggan. Pwede ho bang magtanong kung ano ho ibig sabihin niyon?" "Kasi para kang kerubin na bumaba mula sa langit at may misyon na kailangan gawin dito. At kay Trevor ka pa mismo napunta. hindi kaya may misyon ka sakanya?" makahulugang saad nito. "Mom, tama na yan. Hindi ka nakakatuwa" bagbabanta niya "Ito naman, joke lang.. pero malay mo naman." "Isa,Mom, pagod na siya mamaya mo na siya kulitin.. magpapahinga mo na siya." "Bakit kasi pinagod mo?" "Mom hindi ka na nakakatuwa." "Ito talaga ang seryoso kahit kailan, manang mana ka sa pinagmanahan mo." umakyat naman si Trevor pupunta na siguro siya sa kanyang silid. "Ganun talaga yun, pagpasensyahan mo na." Ginayak niya na rin akong paakyat. Binuksan nito ang isang pinto at pumasok tinignan na ako nito ng hindi ako sumunod sakanya. "Halika dito. Ito muna ang magiging silid mo habang nandito ka saamin. Maging komportable ka sana dito at wag kang mahihiya kong may gusto kang sabihin." "Maraming salamat ho sa taos pusong pagtanggap niyo ho saakin rito sa malawak ninyong tahanan." Yumuko ako upang magbigay galang. "Hahaha.. walang ano man yun Iha.. Nakakatuwa ka talaga , para kang nabubuhay sa sinaunang panahon. Oh! Well kung diyan ka sanay wala na tayong magagawa pa roon." "Siya nga pala ipapakita ko sayo yung mga damit mo." Pumasok siya sa isang pinto at bungad saakin ang sandamakmak na mga damit at iba pang mga kagamitan pangkasuotan. "Itong mga ito mga damit ko pa noon. Koleksyon ko lang itong mga ito dahil akala ko noon babae ang magiging anak ko. Pero lalaki pala gusto sanang biyayaan kami ng babaeng anak pero sa kasamaang palad ay hindi na ako nabiyayaan. Pero ayos lang yun dahil nandito ka naman na at hindi masasayang lahat ng pagod ko sa pagtatahi nitong mga to." Sabi niya at ngumiti saakin. "Tinahi niyo hong lahat ng to?" hindi makapaniwalang turan ko. "Oo.. Gusto ko kasi ako lahat ang gumagawa ng damit ng mga anak ko kahit nga rin yung kay Trevor noon yung mga damit niya akong gumamagawa. Pero habang lumalaki siya marami ang nagugustuhan niyang mga desinyo kaya yung iba binibili niya. mas gamay ko kasi ang hilig ng babae kesa lalaki kaya siguro yung iba ayaw niya. Silang dalawa ng tatay niya ang nagkakaintindihan pagdating sa mga ganyan." "Napaganda ho ng mga gawa niyo. Bakit hindi niyo na lang ho ibenta sa merkado itong mga ito tiyak ho na maraming bibili nitong mga gawa ninyo." "Hindi ko ibibinta yan..dahil sarili kong disenyo itong mga to. Iba rin kasi ang mga ginagawa ko at ibibinta. Minsan isasama kita sa kompanya namin at makita mo roon ang mga iba pang ginawa ko." "Talaga ho!. Malaking karangalan ko ho iyon." "Hahaha nanakakatuwa ka talaga..oh siya ito naman yung mga sapatos tumingin ka na lang diyan ng mga kasya sayo at dito naman ay mga alahas at bags naman ang tawag sa mga ito. Magpahinga ka na alam kong napagod ka sa biyahe niyo kanina. Pag may kailangan ka pindutin mo lang itong intercom nakakonekta ito sa mga katulong kung may ipapagawa ka sakanila at ito namang isa ay saakin kung may gusto kang sabihin at ito naman ay kay Trevor kung gusto mo siyang makausap. Ok ba yun? " tumango naman ako at hinatid siya sa may pinto. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid ng kuwartong ito at pamilyar ang mga ganito saaking mga bagay pero parang may kulang na hindi ko maintindihan. Kaylangan ko mo ng maghinga baka guni-guni ko lamang ang mga itong bagay. May nakalimutan pa pala ako naalala kong hindi pa pala ako nakakapagpasalamat kay Trevor dahil sa pagpapatuloy niya saakin rito. Pero baka nagpapahinga pa siya mamaya ko na lang siguro siya pasasalamatan. Hindi ko alam dahil napasandal ako sa ding-ding may napindot ako. nakita ko naman na umilaw ito ibig sabihin na pindot ko yung tinatawag nilang intercom. Hala at ang malala pa ay kay Trevor naka konekta. Anong gagawin ko? Pinatay ko naman ito baka kasi tulog siya at nagambala ko. Maya-maya pa'y biglang tumunog yung intercom rin na nanggaling kay Trevor. Hala anong sasabihin ko baka magalit ito saakin at bulyawan ako at pagsalitaan nanaman ng kung anu-ano. Hindi pa rin tumigil ang tunog nito kay pinindot ko yung buton upang makausap siya. "Bakit?' walang ganang bungad nito saakin, napatapik na lamang ako saaking noo dahil mukhang naistorbo ko pa ang kanyang pagtulog dahil sa boses nito. "Ahmmm. Ano pagpasenyahan mo na napindot ko lamang noong napasandal ako sa ding-ding." Matagal naman itong nanahimik bago sumagot. "Yun lang." Hala baka sigawan niya ako dahil naistorbo ko ang pagtulog niya. "Gusto ko sanang magpasalamat sayo dahil pinatuloy mo ako sainyong tahanan." Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at hinhanda ang sasabihin niya. "Thank me personally." Sabi nito na hindi ko naman naintindihan. "Ha?" "Wala,, hindi libre ang pagtira mo dito may kabayaran yun kaya humanda ka." Bigla namang natay ang tawag baka ibinaba na nito dahil hindi na nagbiberde ang ilaw. Humiga naman ako sa kama at nakatitig lamang ako sa kisame ng matagal iniisip ko kung ano naman ang ipang babayad ko ni wala nga akong kahit isang salapi. Baka gagawin niya akong katulong dito sa Mansyon nila. Hala alam ko bang maglinis? Parang hindi magandang ideya iyon. Kahit wala akong matandaan malakas ang kutob ko na hindi ako marunong maglinis ng tahanan. Dahil sa pag-iisip ko hindi ko namalayang nakatulog na ako. ..... ..... Nagising ako dahil sa mahinang katok at pagtawag saakin. Dali- dali naman akong nag-ayos ng sarili ko at pinagbuksan ng pinto ang tao na nasa labas. Bumungad saakin ang isang kasambahay at yumuko ito saakin. "Magandang gabi po seňorita, pinapatawag na po kayo ng Donya sa baba. Kakain na ho kayo." Yumuko naman ito at mukhang hinihintay niya akong bumaba. "Susunod na lamang ako. Magbibihis lamang ako sandali." Tumango naman ito at nauna ng bumaba. Naghanap naman ako ng maisusuot kong damit at napili ko ang isang kulay asul na damit hindi ako pamilyar kong anong tawag rito. Hangang talampakan ang haba nito at saktong sakto lamang ito sa aking katawan. Parang tinahi ito para sakin. Bumaba naman na ako baka naghihintay na sila ng matagal. "Oh my! Iha, you look elegant in that dress. I mean napakaganda mo sa suot mong yan. Bagay na bagay sayo ang mga damit ko." Pagpupuri nito sa akin "maraming salamat po." "O siya sige maupo ka na." tinuro niya naman ang bakanting upuan na nasa tabi ni Trevor at dun ako umupo. "Ipapakilala ko nga pala sayo ang aking asawa si Armando, tawagin mo na lang siyang tito Armand" Ngumiti naman ako kay Tito pero hindi ngumiti at tinignan lang ako nito at bumalik rin sa pagkain niya. Kagaya niya si Trevor na hindi pala ngiti kaya alam ko na kung saan siya nagmana. "Ahahaha.. Wag kang mag-alala Iha, ganyan lang yang tito Armand mo. Pero gusto ka niyan .. Kumain ka na." Pinaglagyan naman ako ng mga katulong ng pagkain sa aking pinggan at nag-umpisa ng kumain tahimik lamang kami habang kumakain. Wala ni isang nagsasalita maririnig lamang ay mga tunog ng kuberyertos at pinggan . Maya-maya pay hindi ko alam na nakatingin silang lahat sa aking galaw kaya na patigil ako sa aking pagkain. "Bakit po?'' Nakatingin pa rin sila saakin. Ngumiti naman si Tita Camilla saakin. "Napaka elegante ng mga pagkilos mo. Nagkakaroon tuloy ako ng ideya kong saang galing kang pamilya." Ngumiti uli ito at ipinagpatuloy ang pagkain, ngumiti naman ako sa kanya at pinunasan ang gilid ng labi ko at uminom ng tubig. "Tapos na ho akong kumain, pwede na ho ba akong umakyat?" tanong ko "Sige Iha, magpahinga ka na muna bukas na uli tayo magkita."- tita Camilla, tumayo naman ako at nagpaalam sakanila .... ... Naiwan pa rin sa hapagkainan ang tatlo habang wala pa ring nagsasalita sa kanila pero binali ng Donya ang katahimikan. "You know what. Mukhang sa hindi naman sa hirap nag mula si Angel. Hindi ba hon?" "Yah'' walang ganang sabi ng asawa. "Alam niyo magsama kayong mag-ama. Parating napapanis ang laway ko sainyo." "Mom. Ano naman ang gusto mong sabihin namin? It's to obvious that she's also rich." "Sinasabi ko lang ok!, Pero anong balak mo? Alangan naman hintayin nating makaalala siya. bago ibalik. Hinahanap na rin siya ng pamilya niya." "Don't worry I'm going to help." Sabi ng Don at tumayo na ito at pumunta sa silid nilang mag-asawa. Natira na lamang ang mag-ina sa hapagkainan. "Trevor, balak ko sanang isama siya sa company bukas. Wala rin naman siyang gagawin dito baka mabagok siya. And one more thing that I've observed. Kung galing siya sa mayamang angkan how come hindi siya makaintindi ng English." "Mom, remember may amnesia siya." "Memory lang ang nawala sa kanya hindi pananalita, Trevor. Kaya hindi yun sapat na dahilan. Di sana hindi siya nakakapagsalita ngayon." "Yah" "Bueno, ako ng bahala sa kanya bukas at ipapakalat ko na lang sa diyaryo ang mukha niya." hindi naman sumagot si Trevor sa sinabi ng kanyang ina tumayo na ito at umalis na. Pero nagdadalawang isip naman ang ginang kung gusto nitong ipakalat agad-agad . Dahil iniisip palang nitong aalis na poder niya ang babae ay parang ng hihinayang at mabigat sa kaluoban nito na ibigay siya kahit sa maikling panahon palamang silang nagkakakilala ay magaan na agad ang loob ng ginang dito. Siguro ay dala lamang sa kanyang damdamin dahil sabik siyang magkaroon ng babaeng anak at sa kasamaang palad ay hindi ito pinalad pero maswerte ito dahil nagkaroon pa siya ng anak. >>> "Napaganda naman ho pala ng tinatawag niyong kompanya. Napakalaki at napakalawak.." turan ko kay tita Camilla "Ililibot kita mamaya sa buong kompanya. Pero ngayon pumunta muna tayo sa office ko at ipapakilala kita sa board. " tumango na lang ako kahit hindi ko maintindihan ang ibang sinabi ni Tita Camilla. Pagkapasok pa lang namin kanina sa loob ng kompanya nila binati na agad siya at pinagtitinginan ako may iba ay nagbubulungan hindi naman pinansin ni Tita Camilla kaya hindi ko na rin ito pinansin. Sabi niya mga manggagawa daw nila dito kompanya. Tinignan ko naman ang kasuotan isinuot ko kung ito ay madumi pero wala naman akong nakikitang dumi o mali sa katunayan si Tita Camilla ang pumili nitong damit kong ito sabi dress raw ang tawag dito. Kahit hindi ako komportableng isuot ito wala na akong nagawa dahil sabi ni tita ay mainit raw sa labas. Dahil ang napili ko kasing isuot kanina ay yung katulad rin ng isinuot ko kagabi pero ibang kulay naman. Maganda naman ang napili niyang dress para saakin kulay pula ito at nakalabas ang likod, medyo nakalabas rin ang dibdib ko kaya lalong hindi ako komportable at mas lalong hindi ako naging komportable ay dahil sa tingin ng mga manggagawa nila tita Camilla saakin siguro ay dahil dito sa aking kasuotan. Napayuko na lamang ako upang hindi makita ang kanilang mga titig saakin nawaring sinusuri akong mabuti. Dala ko ang pouch na sinasabi ni Tita Camilla at ang laman lamang nito ay panyo at gamit sa pagpapaganda raw. "Good morning Madam! at sino tong diyosang kasama niyo." Sabi nung lalaki pero hindi ko mawari kong lalaki ba ito dahil ang mga kilos nito ay pangbabae at hindi siya kasingkisig gumalaw ng mga kalalakihan pero lalaki ang panglabas na anyo. "Good morning also to you Gabriel and this Angel by the way." At tinuro niya ako. Ngumiti naman ako. Ang hirap rin palang hindi ka nakakaintindi ng ibang linguwahe. " Madam naman, it's Gabriella noh! Ikaw talaga parati mong nakakalimutan. Kaano ano niyo? Bakit andito siya? Isa rin ba siyang magiging model this year? " nakita ko namang umirap si Tita sa kausap niya. "Andami mong tanong Gabriel pwede isa-isa lang.. 1st question kung kaano-ano ko siya mamaya ko sasabihin 2nd mamaya ko rin sasabihin sa board and 3rd hindi siya magiging model ok." "Andaya, bakit hindi pa ngayon." " ewan ko sayo, and by the way paki tawag ang lahat ng board we're going to have a meeting empronto." "yes madam." Umalis na ito, may binuksang pintuan na si Tita at bungad dun ang malaking silid. May mahabang mesa, maraming papel na nasa ibabaw nito at upuan. May mahaba rin na upuan na gaya rin ng asa sala at kuwarto ko ano nga ulit tawag rito, ah sofa!.at sa kabilang panig naman ng silid ay malaking mesa na gaya ng nasa hapagkanan sa mansyon pero ang pinagkaiba walang mga pagkain ang nakalagay kundi mga iba't ibang uri ng tela. May mga gamit sa pananahi gaya ng makina sa mananahi at iba pang nakalagay. Parang gusto tuloy manahi rin pero hindi ko lang alam kong alam ko ba. "Pagpasenyahan mo na muna itong office ko medyo makalat. Pag wala kasi akong ginagawa nagtatahi ako diyan. Libangan ko lang. gusto mo ba turuan kitang magtahi?" "Maganda hong ideya yun, gusto rin hong matuto habang wala po akong ginagawa." Nakangiting sabi ko. "Ipapakilala kita mamaya sa buong kompanya. Wag mong ipapakitang natatakot ka sakanila ipakita dahil pwede nilang gamiting kahinaan mo yun naiintindihan mo." Tumango naman ako "Ayos lang ho ba yung suot ko, kanina ho kasi pinagtitinginan ako ng mga manggagawa ninyo rito. Baka hindi ho maganda ito." "Hayain mo sila..napaganda ng suot mo buti na lang at napunta ka sa amin dahil may magsusuot na lahat ng gawa ko. Kasiyang kasiya pa mismo sayo. Ganyan talaga ang sukat ng katawan ko sayo noong nasa edad mo pa ako. Kahit ang mga tinahi ko dati ganyan halos lahat dahil hindi ko iniisip na magiging mataba o payat masyado ang anak kong babae pero wala pala. hahahahahaha" inayos ko naman ang suot ko. Nakita ko namang nasa pinto na si Tita Camilla kaya lumapit na ako sakanya at pinagbuksan ako nito ng pinto at lumabas na kami. Nasa gilid lamang niya ako parati ginagaya ko rin kung paano ang paglakad niya dahil sabi niya wag ko raw ipakita ang kahinaan ko dito dahil pwede nilang gamiting iyon para saakin. Tumigil kami sa isang pinto kung saan may dalawang kalalakihan sa mag kabilang panig ng pintuan at nakatayo ang mga ito. Huminto naman si Tita Camilla kaya huminto rin ako upang hintayin ang sunod niyang hakbang. Ipinagbuksan naman kami ng dalawang kalalakihang ng pintuan at tumuloy sa loob. "Madam's already here" rinig kong sabi ng isang tinig hindi ko ito naintindihan kaya hindi na lamang ako umimik. Bigla namang silang nasitahimik ng dumating kami at ang iba ma'y nagbubulungan. Pumunta naman si TitaCamilla sa gitna at itinuro niyang umupo ako sa bakating upuang malapit sakanya. "Good morning everyone, and I'd like you to meet my future-in-laws, Angel. Girlfriend siya ni Trevor." Marami namang nagsalita. Hindi ko maintindihan ang sinabing iyon ni tita Camilla kaya hindi na lamang ako nagsalita pa. Ngumiti at yumuko lamang ako tulad ng ginagawa ko kung hindi ko man naiintindihan ang kanilang mga sinabi. Ang naintindihan ko lamang doon ay ang nabangit niya ang pangalan ni Trevor at ang pangalan ko. Wala naman sigurong sinabing masama si Tita Camilla. May mga sinabi pang iba si Tita na hindi ko rin lang masundan at maintindihan, pero siguro ay tungkol lamang sa kompanya nila iyon. Nakaupo lamang ako at hindi ko alam ng nagsitayuhan na lamang sila ay dun na pala natapos ang kanilang pagpupulong. Kaya tumayo na rin ako habang hinihintay si Tita Camilla na nag-aayos ng mga gamit. Nalilito na ako dahil binabati ako ng mga kasamahan ni Tita at Congratulation hindi ko naman kung para saan iyon. Napangiti na rin lang ako sakanila at nagpasalamat dahil mukhang hindi naman masama ang mga sinasabi nila. Ngumiti naman si Tita saakin kasama ang kanyang kanang kamay na si Gabriel na nakatingin rin saakin at mukhang masama ang loob saakin. Hindi ko alam kung bakit ganun ang kanyang pagtrato saakin pero hindi ko rin lang ito pinansin. "Oh! I don't know it's already lunch, Nagugutom ka na ba Angel?. Dapat sinabi mo kung gutom ka na. baka isipin ni Trevor hindi kita pinapakain halika na. Gabriella, paki dalhan na lang kami ng makakain ni Angel. Sa office na kami kakaing dalawa at paki check na rin kung nag lunch na ang asawa ko. Tawagan mo ang secretary niya." sabi nito kay Gabriel, tumango naman ito at umalis na. ginayak naman ako ni tita papuntang office nito. "tumingin ka lang ng mapaglilibangan mo diyan Angel. Pagpasensyahan mo na dahil hindi kita masyadong mahaharap ngayon marami pa kasi akong dapat gawin at ayusin rito." Pagpapaumanhin nito saakin. "Nako wala ho yun, ako dapat ang humingi ng paumanhin dahil masyado ho ata akong nakakaabala sainyo .Umuwi na lang ho kaya ako? mukhang marami kayong gagawin sa araw na ito." "Hindi!, dito ka lang mababagot ka dun sa bahay. Mas mabuting nandito ka para nakikita kita." "Pero ho...." "Wala ng pero-pero. Pwede kang maglibot mamaya sa buong kompanya ipapasama kita sa secretary." Nakarating ang pakain namin at kumain kami ni Tita sa masama rin si Gabriel at mukhang malapit ang loob talaga nito kay tita. May mga tinanung ito saakin na hindi ko naiintindihan buti na lamang at sinabi ni Tita na wala akong naaalala. Minsan tuloy napapaisip ako na sana may naaalala na ako upang hindi ako nahihirapan ng ganito dahil tingin ko hindi ako nababagay dito sa lugar na ito. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD