*Tiara* Naghihintay naman ako sa madilim na sulok ng pasilyo upang hintayin makaalis ang mga tagabantay. May isang minutong lamang ang kailangan ko upang maglakad ng mabilis makapasok lang sa silid ko. Ginagawa ko ito dalawang beses sa isang linggo kaya alam ko kung kailan sila magpapalit ng tagabantay. Sinabi lang saakin ni Ara iyon kaya sinunod ko ang kanyang payo alam kasi nila ang galaw ng mga tagabantay ko. Hindi talaga nila maalis na tulungan ako pero sinabi kong iyon na ang huli pagtulong nila kaya hindi ko sinasabi sakanila kung kailan ako umaalis. Nang makitang umalis na sa pwesto ang mga tagabantay ay agad ako naglakad ng mabilis at dali-daling isinara ang pinto ng silid. Pero nahigit ko ang paghinga ko nang makita ang taong nakatayo malapit saakin hindi ko mawari kung anong na

