CIARA "Mom, kumain ka na please. Ilang araw nang hindi maayos ang pagkain mo. Paano ka na niyan gagaling?" Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Mula nang makabalik kami rito lalong hindi na siya makausap. Kalalabas niya rin sa ospital kaya required siyang magpahinga muna rito sa bahay. Halos ayaw ko rin siyang iwan dahil nag-aalala ako kaya maaga na akong umuuwi at iniuwi ko na lang lahat ng paper works ko rito bahay para dito gawin para kahit paano mabantayan ko siya. "Balikan natin ang kapatid mo doon, Tiara." Hindi ko ba alam kung epekto ba yun ng mga gamot na iniinom nito dahil madalas nitong makalimutan ang pangalan ko. Pero hindi ko na lang yun pinansin. "Mommy, si Ciara po ako. Alam niyo namang hindi na tayo pwedeng makabalik doon dahil isinara na ang lagusan saka nangako na a

