Chapter 16

1948 Words

Hindi ako tinigilan ng mga mapanuring tingin habang naglalakad ako sa hallway. Hindi ko ininda ang mga mata kong basa. Panay ang punas ko sa aking mga luha habang inaalala pa rin ang mga sinabi ni Miggy. Hindi pa rin talaga ako naniniwala sa kanya. Lahat ay totoo, alam ko, naramdaman ko. Pagpasok ko pa lang, agad na akong nilapitan ni Mia at Charles. Inalalayan nila ako sa pag upo. "Saan ka nanggaling?" nag aalalang tanong ni Charles habang pilit na inaangat ang aking mukha. "Bakit ka umiiyak?" Hindi ako sumagot. Gusto ko lang itikom ang aking bibig. Gusto ko rin isara ang mga tainga ko para hindi ko na marinig ang mga taong punaguusapan ako. "Iyah, nagkita kayo ni Miggy? Walang hiya talaga ang lalaking 'yun! Sabi ko na, eh! Hindi talaga gagawa ng mabuti!" gigil na utas naman ni Mia. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD