Chapter 5

1458 Words
Hindi ko na matandaan kung paano nga ba kami nakarating sa bahay nila Miggy. Ayaw kong lumingon kahit kanino. Nahihiya ako sa estado ko ngayon. Maging kanina sa biyahe ay tahimik lang ako. Nakabalot pa rin sa akin ang uniform ni Miggy. Hindi makapagsalita ang mga kasambahay nila, lalo na si Manang Doris, nang makita akong marumi't kinakarga ni Miggy. Pagpasok pa lang namin sa kanyang kwarto ay inilapag na niya ako sa kama. "Aaliyah," tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon. Nakayuko lang ako, pinaglalaruan ang aking mga daliri. "Please, look at me..." sinubukan niyang iangat ang aking mukha ngunit hindi ako pumayag. Bumuntong hininga siya. Amoy na amoy ko na ang sarili ko. Paano kaya ako nagawang papasukin ni Miggy dito sa kwaro niya at paupuin sa kama niya? Samantalang ang dumi ko at ang baho ko na. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay kong nakapatong sa aking hita. Natulala ako sa kanyang ginawa. "Talk to me, please. I'm sorry. Kasalanan ko..." malambing na sabi niya. Ang kanyang supladong tono ay nawala. Lumunok muna ako bago siya sagutin. "Wala kang kasalanan. Nagselos lang siguro si Bea dahil akala niya ay may relasyon tayo," sabi ko, nakayuko pa rin. "Hindi niya kailangang magselos dahil hindi naman kami," bumuntong hininga ulit si Miggy. "Huwag na lang natin itong pag usapan. Kailangan mo ng maligo. Magkakasakit ka pag hinayaan mong matuyo 'yang tubig sa katawan mo." "W-wala akong damit na pamalit..." Hinaplos ni Miggy ang buhok ko, pababa sa aking leeg hanggang makarating ito sa balikat. "Wear my clothes. Ipapalaba muna natin 'yang uniform mo." "Pero-" "Aaliyah, please. Makinig ka sa akin," hinaplos naman niya ngayon ang aking pisngi. "Maligo ka na."  Wala na akong nagawa pa. Sumang ayon na lang ako sa utos niya. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo ng kanyang kwarto. Pagpasok ko pa lang, ang amoy ni Miggy ang bumungad sa akin. Nilingon ko ang sink nito, nakahilera doon ang iba't ibang klase ng shower gel, sabon, at kung anu-ano pa. Tumungo na ako sa shower at tumayo sa ibaba nito. Bubuksan ko na sana ito, kaso ay naalala ko bigla na huhubarin ko pala ang aking uniform. Kapag hinubad ko ito, ang underwear ko ay mababasa rin. Ibig sabihin, kailangan din itong labhan. Paano na ito? Oo nga't papahiramin ako ni Miggy ng damit, ngunit paano naman ang panloob ko? Bahala na. Binuksan ko na ang shower. Dinama ko ang tubig na dumadaloy sa aking katawan. Nakakagaan ng pakiramdam. Napangiti ako nang kunin ko ang sabon ni Miggy. Inamoy ko muna ito bago gamitin. Magiging kaamoy ko na siya. Napangiti ako sa aking isip. Binilisan ko ang pagligo dahil baka mainis si Miggy kapag tinagalan ko ito. Kinuha ko ang kulay asul na towel na nasabit sa likod ng pintuan at ibinalot sa katawan. Kinatok ko ang pintuan bago lumabas. "Miggy..." tawag ko. Agad naman akong nakaramdam ng mga yapak papalapit sa pintuan ng banyo. "Tapos ka na?" ani Miggy mula sa labas. "Oo.U-uhm, pwede ba na ako na lang ang maglaba ng uniform ko?" nahihiyang sabi ko. "No. Nasabi ko na kay Manang Doris. Lalabhan na niya ang damit mo." "Pero-" "You can't say no, Aaliyah. Lumabas ka na d'yan. Kunin mo itong damit."  Kinabahan ako. Parang ayaw ko yatang lumabas. Mas gusto ko na dito na lang muna ako.  "Aaliyah..." katok ni Miggy nang mapansin na hindi na ako nagsalita. Kinagat ko ang labi ko. Dahan-dahan na pinihit ang door knob para mabuksan ang pintuan. Napaiwas agad siya ng tingin pagbukas ko ng pinto. Nakapagpalit na din pala siya ng damit pambahay. Inabot niya sa aking ang mga damit. Isang kulay puting sando, itim na t-shirt, at isang jersey shorts. Bagot pa man ako makapagtanong ay nagsalita na sya. "Yang sando, panloob mo. Ipatong mo itong t-shirt. Yang shorts naman, kumportable yang suotin. So, don't worry." aniya, hindi pa rin ako nililingon.  Napangiti ako at kinuha nanito. Gentleman pa rin naman pala si Miggy, eh. Ang akala ko ay isang boxer shorts o manipis na t-shirt ang ipapahiram niya. Mabuti naman at hindi ganun. Isinara ko na ulit ang pintuan at nabihis na. Mabilis ko lang itong ginawa. Paglabas ko ng banyo ay siya namang pagpasok ni Manang Doris. Kinuha niya ang uniform ko. Nginitian pa niya kami ni Miggy bago siya lumabas. "Come here," tawag naman ni Miggy sa 'kin at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Sinunuod ko naman agad siya. Umupo ako sa tabi niya. "Ayos ka na ba?" "Medyo," tipid na sagot ko. Pumikit ako. Ayaw ko ng alalahanin pa ang mga nangyari kanina. "Tungkol doon sa mga gamit mo, ako nang bahala sa lahat. I'll buy you new books and phone." Umiiling akong bumaling sa kanya.. Mapupungay na mga mata naman ang sumalubong sa akin. "Huwag na, Miggy. Okay lang naman." Ngumiti siya ng tipid bago hawiin ang buhok ko patungo sa likod ng aking tainga. "Bakit parang okay lang sa 'yo ang lahat ng bagay?"  Ngumiti rin ako. Hindi ko tinanggal ang tingin sa mapupungay niyang mga mata. "Kasi kung iisipin kong hindi naman ito okay, mas masasaktan lang ako. Mas mabuti ng sabihin ko na okay lang. Para kahit papaano ay mabawasan ang sakit." Nag-iwas siya ng tingin. Tinaggal niya ang hawak sa aking mukha. "Hindi ka ba nagalit sa akin? I took your virginity." Kinuha ko ang kamay niya. Hinaplos ko ito. "Hindi. Hindi ko pinagsisisihan na sa 'yo ko ibinigay yun." "Masama ako. I'm not good for you, Aaliyah. Tignan mo, nang dahil sa akin ay inaway ka ni Bea." "If being with you means suffering, then I'm willing to suffer for the rest of my life," buong puso kong sabi. Napa-angat sya ng tingin sa sinabi ko. "Paano mo nagagawang sabihin yan?" "Siguro dahil naiisip ko na ikaw na ang makakasama ko habang buhay." "But... I don't believe in forever, Aaliyah. Everything's just temporary." Umiling ako. "Love is permanent if it is true..." "Aaliyah," nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "There's no such thing as love, only lust. Marriage is about lust." Ako naman ngayon ang nanlaki ang mata at napanganga sa kanyang sinabi. "Marriage is about love. Kaya ikinakasal ang dalawang tao dahil sa pag-ibig. They want to make a family and be happy forever." "You can have a family without getting married. After all, it's just a piece of paper." "Miggy..." "Kaya ako, hindi ako luluhod sa harapan ng isang babae para lang alukin sya ng kasal..." pumikit siya at humiga sa kama. "Huwag na lang natin itong pagusapan. Magkaiba ang pananaw natin." Hindi na ako nagsalita. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Miggy. Paano niya nasabi ang ganung bagay tungkol sa kasal? Hindi ba niya alam na ang kasal ay sagrado? Nakakalungkot namang isipin na ganito ang pananaw niya. "Tell me more about yourself, Aaliyah," aniya matapos ang mahabang katahimikan. Nilingon ko ang nakahigang imahe niya. Ang kanyang mga mata ay nakapikt na. "Uhm, wala naman espesyal sa akin," lumunok ako. "Anak ako ni Mama sa pagkadalaga." "Really?" nagmulat siya ng tingin sabay lingon sa akin. "Oo," tano ko. "Hindi ko kilala kung sino ang Papa ko. Hindi naman kasi namin napag uusapan ni Mama yun, eh." Umupo ulit Si Miggy. Nakatingin pa rin siya sa akin. "But if given a chance, you want to meet him?" "Oo naman. Kaso, alam ko na magagalit si Mama. Ayaw ko namang mangyari 'yun. Siya lang ang naging kasama ko sa paglaki." "You really amazed me, Aaliyah," napapailing siya habang sinasabi 'yun. Kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan ito. "Sana ay kaya kong maging katulad mo." "Kaya mo naman," ngiti ko. Nilagay niya ang aking mga palad sa kanyang pisngi. Hindi natanggal ang ngiti sa aking labi. Sana ay ganito na lang kalapit palagi sa akin si Miggy. Kaming dalawa lang. Hindi ko na kailangan alalahanin kung papansinin ba niya ako o hindi. Pagdating ng tanghalian ay pinagdala kami ng pagkain ni Manang Doris sa kwarto ni Miggy. Masaya namin itong pinagsaluhan. Nagkwentuhan pa kami sa kung anu-anong bagay. Masaya ako dahil nagagawa ng ngumiti at tumawa ni Miggy sa harapan ko ngayon. Sana ay tuloy-tuloy na ito. "By the way, 18th birthday ni Ara sa Sunday. Gusto sana kitang imbitahan. Kung ayos lang sayo," tanong niya pagkatapos naming kumain. Natigilan pa ako sa kanyang sinabi. "Uhm..." tikhim ko. "Baka hindi ako payagan ni Mama. Ayaw kasi nyang pumupunta ako sa mga party." "Why?" takang tanong nya. "Basta..." iling ko. "Strikto si Mama." "Kung ganun, pupunta ako sa inyo. Ipagpapaalam kita sa kanya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? "A-ano?" Nagtatakang tugon ko. "I want to meet your Mom," kibit balikat na sagot lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD