Chapter 4

2074 Words
Tahimik lang kami ni Miggy. Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Bumusina siya sa isang malaking gate at agad naman itong bumukas. Pinasok niya ang kanyang sasakyan sa malaki nilang garahe. Manghang-mangha ako sa kalakihan ng kanilang bahay. Siguro ay wala man ito sa kalahati ng bahay namin ni Mama. "We're here," malamig pa rin ang tono niya. Bumaba na siya kaya sumunod ako sa kanya. Hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang aking paa. Masakit pa rin kasi ang tuhod ko. Buong akala ko ay iiwan na ako ni Miggy, ngunit bigla niya ulit akong binuhat na para bang bagong kasal kami. "Miggy..." nahihiyang sambit ko. "Huwag ka ng tumanggi. Hindi ka makakaakyat ng hagdan sa lagay mong 'yan," inayos niya ang pagkaka-karga sa akin at puamso na siya sa loob ng bahay.  "Sir Miggy, nandito na-" hindi naituloy ng matandang babae ang kanyang sasabihin nang makita nya si Miggy na binubuhat ako. Tumigil si Miggy sa paglalakad at hinarap ang matanda. "Manang Doris, padalhan na lang kami ng pagkain sa taas," magalang at nakangiting sabi nito. Pinagmasdan ko ang sulok ng kanyang labi habang umaangat ito. Ang gwapo talaga niya kapag nakangiti. "Sige." Nagpatuloy na si Miggy sa paglalakad. Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Siguro kahit na titigan ko siya ng buong maghapon, hinding hindi ako magsasawa. "I know I'm handsome, but please... open the door. Ang bigat mo," tikhim niya. Natigilan ako sa pag iisip at biglang napaiwas ng tingin. Hindi ko napansin na tumigil na pala kami sa tapat ng pintuan. Binaling ko na lang ang tingin ko sa sedura at pinihit ito para makapasok kami. Nakakahiya ka, Aaliyah! Marahan akong inilapag ni Miggy sa kama. Nakayuko ako, habang siya naman ay umupo sa tabi ko. Nahihiya pa rin ako sa inasal ko kanina. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. "Did you save my number?"  Nag angat ako ng tingin para lingunin siya. Laking gulat ko na lang dahil nakatingin din pala siya sa akin. Ang suplado niyang mga mata ay tuwid na tinitignan ang mga mata kong puno ng kaba. "U-uhm... oo," Sagot ko. "Bakit hindi ka nag-reply?"  "S-sorry. Nakatulog kasi ako," napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa sobrang saya ko kasi, hindi na natanggal sa isip ko ang text niya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Tumango lang siya sa sinabi ko. Tinanggal na ang tingin sa akin at isa-isang binuksan ang butones ng kanyang uniform. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Iniwas ko agad ang tingin ko. Ano ba ang gagawin niya? Inilihis ko na lang ang aking isip. "Ano... si Bea, baka magalit pag nalaman na sinama mo ako rito. Dapat ay siya ang dinala mo dito sa inyo." "Hindi ko girlfriend si Bea." "Pero.. balita na yan sa-" pinutol niya ang sasabihin ko pa sana. "At wala pa akong dinadalang babae dito. Ikaw pa lang," nag iwas siya ng tingin bago lumuhod sa harapan ko. "Tingnan na lang natin yang tuhod mo." Seryoso ba siya na ako pa lang ang dinala niyang babae sa bahay nila? Marami na siyang naging girlfriend. Imposible naman yata na ang isang tulad niya ay hindi pa nagdala ng babae rito. "Ahh..." daing ko nang bigla pisilin ng madiin ni Miggy ang tuhod ko. "Tiisin mo," aniya at pinagpatuloy ang ginagawa. Ang diin ng pagpisil niya. Parang madudurog na ang buto ko. "Miggy, tama na..." pigil ko. Tumigil naman siya. Mag halong pag-aalala na ang mukha niya nang balingan niya ako ng tingin. "Baka napilay ka. We'll go to the hospital." Umiling ako sa sinabi niya. "Huwag na. Mawawala r-rin siguro ito bukas."  Bumuntong hininga siya at umupo na sa tabi ko. "It's all my fault. Sana ay hindi ko na lang sinipa-" "Okay lang," hinawakan siya sa balikat para siguraduhin na ayos lang at hindi ako galit. Tiningnan niya ang kamay kong nasa balikat niya. "Hindi ka ba galit sa akin?" sa mukha ko naman tumungo ang tingin niya ngayon. "I'm a jerk. Bigtime jerk." "Hindi ako magagalit sa 'yo, Miggy. Kahit kailan, hindi," ngiti ko. Bigla siyang napatingin sa labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero napatingin din ako sa labi niya. Hinawi niya ang buhok ko at inilagay 'yun sa likod ng aking tainga. Ang kanyang labi ay lumalapit na sa akin. Kaso... "Sir, nandito na po ang meryenda niyo," katok ni Manang Doris mula sa labas. Napalayo agad ako. Si Miggy naman ay napamura bago tumayo para buksan ang pinto. Agad niyang kinuha ang dala ni Manang Doris. Hindi ko na siya nakita dahil mabilis na isinara ni Miggy ang pintuan. Hindi maitago ang pagkairita sa kanyang mukha. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa kanyang kama. May laman itong dalawang slice ng chocolate cake at dalawang pineapple juice. "Eat..." utos niya sa akin. Naiinis pa rin ang mukha niya. "Okay ka lang?" "Just eat. Please, Aaliyah," napapikit sya at napatingala sa kisame. Para bang hirap na hirap siyang huminga. Hindi na ako nagsalita pa. Kumain na lang ako. Habang siya, panay ang buntong hininga. Mukhang hindi alam ang gagawin. Ano kaya ang nasa isip niya? Galit ba siya sa akin? O kaya naman ay naiinis? Pero, bakit? May mali na naman ba akong nagawa? Inilapag ko na ulit sa kama ang kinakain ko. Uminom muna ako bago magsalita. "Miggy, ayos ka lang ba?" Lumingon siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay tumuon sa aking labi. Inilapit niya ang daliri niya sa gilid nito at pinunasan. "May dumi," nakatitig pa rin siya sa aking labi. Napalunok ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? Sa simpleng haplos lang niya ay bumibilis na ang t***k ng puso ko. Parang may humahabol dito kaya nagiging mabilis ito sa pagtakbo. Ano bang ginagawa mo sa akin, Miggy? "Fck..." mura niya. Ibinaba niya bigla ang tray ng pagkain sa sahig pagkatapos ay inangkin ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Ramdam ko sa halik niya ang pananabik. Dilat na dilat ang mga mata ko, habang si Miggy ay nakapikit ng mariin. Ang isang kamay niya ay nasa batok ko. Ang isa naman ay nasa hita ko. Naestatwa yata ako dahil hindi ako makagalaw. Maging ang sakit ng tuhod ko ay namanhid. Bigla na lang nawala. "Aaliyah..." bulong niya sabay halik sa tainga ko pababa sa leeg. "M-miggy..." tinulak ko siya nang hawiin niya paitaas ang palda ko. Hingal na hingal siya. Hinawakan niya ang kanyang labi. Ako naman, ibinaba ang palda ko na itinaas niya. Oo nga at may nangyari na sa amin. Pero ayaw ko ng ulitin yun. Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging kapalit kapag naulit pa yun. Baka hindi na ako makaligtas. Magagalit si Mama kapag nalaman niya na matutulad ako sa kanya. Ayaw ko siyang biguin. "Ayaw mo?" hingal na tanong niya. "Ginawa na natin ito dati. Bakit ayaw mo na ngayon?"  Napayuko ako. "I'm sorry..." sambit ko. "Ayaw ko lang. Natatakot ako." "Why?" "Baka..." kinagat ko ang labi ko. Nahihiya akong sabihin sa kanya kung anong bumabagabag sa isip ko. "Baka ano?" Tanong niya. Inangat niya ang aking mukha. "Baka... mabuntis ako," sinabi ko na. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanyang mukha. Binitwan niya ako. Muli siyang bumuntong hininga. "Alright," tango niya. "Ihahatid na kita." Buong gabi kong inisip si Miggy. Siguro ay galit na talaga 'yun sa akin dahil hindi ko pinagbigyan ang gusto niya. Natatakot lang naman kasi talaga ako. Sana ay maintindhan niya ako. Kinabukasan, maaga akong bumangon. Wala na si Mama. Tanging almusal na lang sa mesa ang nadatnan ko. Siguro ay marami siyang ginagawa ngayon sa opisina. Kung sa ibang pagkakataon at sitwasyon ako nabuo, masaya ngayon si Mama. Kaso hindi, eh. Sa buhay niya, isa akong pagkakamali. Pagkakamali noong dalaga pa siya. Wala siyang ikinukwento tungkol sa Papa ko. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya dahil alam kong ayaw niyang napag uusapan namin ang tungkol sa ama ko. Dumiretso muna ako sa locker ko pagdating sa eskwela. Kinuha ko ang mga librong kakailanganin ko ngayong araw. Habang kinukuha ko ang mga ito, may isang maliit na kulay pulang papel ang nalaglag. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat. SLUT Kanino ito galing? Para sa akin ba talaga ito? Lumingon ako sa paligid, ngunit kaonti pa lang naman ang mga estudyanteng dumadaan. Nagkibit balikat ako at tinapon na lang ang kulay pulang papel. Pagpasok ko ng classroom namin, panay ang titig sa akin ng mga kaklase ko sa 'kin. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig nila. Masyaong matalim. Para bang may malaki akong atraso sa kanilang lahat. Uupo na sana ako, kaso ay may biglang humila sa upuan ko. Kaya naman sa sahig ako bumagsak. Agad akong tumayo at nilingon kung sino ang humila nito. Si Bea pala. Kasama ang kanyang mga kaibigan. Pinalibutan nila ako. Kinabahan ako bigla. "Malandi ka," bulalas ni Bea na siyang ikinagulat ko. "Anong-" Lumapit sa akin si Bea. Sinampal niya ako. Malakas ito kaya napahawak ako sa aking pisngi. "May nakakita sa inyo kahapon ni Miggy! Binubuhat ka niyang malandi ka!" galit na sabi nya bago ako sampalin sa kabilang pisngi. Naiiyak na ako. Umaasa ako na sana ay dumating na si Mia, o kaya naman ay may tumulong sa akin sa mga kaklase ko. Kaso ay wala. Lahat yata ay kumakampi kay Bea. Inagaw niya ang bag ko. Kukunin ko sana ito pabalik, kaso ay hinawakan ni Laura at Aira ang kamay ko. Binuksan ni Bea ang bag ko at binuhos sa sahig ang mga gamit ko. "Bea, wag..." sumamo ko nang basagin niya ang cellphone ko, pagkatapos ay sinunod niyang punitin ang mga libro ko. "Malandi ka. Kulang pa yan. Kulang pa yan sa panlalading ginawa mo kay Miggy!" aniya at muli akong sinampal ng mas malakas. Hindi ko na napigilan pa. Napaiyak na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng sampal niya o dahil sa masakit na salitang binibitawan niya. Kasalanan ko ba na binuhat ako ni Miggy kahapon? Hindi ko naman 'yun hiniling. Kusa niyang ginawa 'yun. Binitawan na nila ako. Agad akong dumalo sa mga libro kong pira-piraso na lang at sa cellphone kong basag na. Patuloy ang pag agos ng luha ko. Bakit ba nangyayari sa akin ito ngayon? Ang akala ko ay tapos na sila. Ngunit nanlamig ako ng ibuhos ni Bea ang timba na pinagbanlawan ng mop sa akin. Natigilan ako sa aking ginagawa para yakapin ang aking sarili. "Yan ang bagay sayo. Ilugar mo kasi ang sarili mo," tawa ni niya bago lumabas ng classroom kasama ang kanyang mga kaibigan. Nanliit ako bigla dahil sa kahihiyan. Sa unang pagkakataon ay nangyari ito sa akin. Ang mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Wala man lang nag abala na tumulong. "Iyah!" sigaw ng isang pamilyar na boses. "Anong nangyari sa 'yo?" agad na dumalo sa akin si Charles. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Ang tanging gusto ko na lang ngayong gawin ay umuwi sa bahay at magkulong sa aking kwarto. Hindi ko na yata kayang magpakita pa sa kanila. "Sinong may gawa sayo nito? Si Bea ba?" nag aalalang tanong niya. Hinawakan niya ako sa kamay para alalayan sa pagtayo, kaso ay hindi ako pumayag. Nanatili lang akong nakaupo habang nakayuko at basang basa ang aking katawan. Wala na akong mukhang maihaharap pa. "Come on, Iyah. Magkakasakit-" "Aaliyah..." nanginig ang sistema ko nang maramdaman ko ang pamilyar na taong nakatayo ngayon sa harapan ko. "Miggy," sambit ni Charles. Nakayuko pa rin ako. Gusto kong magtago. Bakit ba kailangang makita pa ako ni Miggy sa ganitong sitwasyon? "Pagsabihan mo nga si Bea! Siya ang mag kasalanan-" hindi naituloy ni Charles ang sasabihin niya. Bigla na lang kasing lumuhod sa harapan ko si Miggy. Hinubad niya ang kanyang uniform at isinuot 'yun sa akin. Tanging puting sando na lang ang kanyang suot ngaon. "Let's go. Iuuwi kita," malambing na sabi niya. Binuhat niya ako na tila bagong kasal na naman kami. "Miggy, saan mo dadalhin si Iyah?" tanong ni Charles. Nahihiya man ako, pero nagtago na ako sa mga bisig ni Miggy. Gusto ko na talagang makaalis dito. "Baka makita na naman kayo ni Bea! Napapasama si Iyah nang dahil sa 'yo! Ako na ang tutulong sa kanya!" akmang kukunin na niya ako, kaso ay nagsalita si Miggy. "Back off, Charles. She's mine." Mariin na sabi ni Miggy bago talikuran si Charles at ang mga kaklase namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD