"Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong ni Mama sa akin kinaumagahan. Inilapag niya ang gatas na itinimpla para sa akin pati na rin ang fried rice at ham. Kinuha ko gatas. Ininom muna ito bago sumagot.
"Alas onse na po," sagot ko. Ibinaba ko na ang baso ng gatas sa mesa.
Umupo sa tapat ko si Mama. Ang mapanuri niyang tingin ay hindi pa rin natatanggal. Gusto kong mag iwas ng tingin kaso ay hindi ko naman yun magawa. Natatakot ako sa kanya. "Masyado ng gabi, ah. Sinong kasama mo? Si Mia ba?"
Umiling ako. "Si Jed po."
"Ahh..." medyo nawala ng kaonti ang tingin niyang mapanuri. "Dito na ulit sila titira?"
"Hindi po. Bakasyon lang."
Tumango si Mama sa sinabi ko. Ang kamay ko na nakapatong sa mesa ay inabot niya. Marahan niya itong hinaplos bago ako bigyan ng isang tipid na ngiti. "Huwag ka sanang magagalit, anak, kung mahigpit ako sa 'yo," umpisa niya. "Ayaw ko lang na matulad ka sa akin."
"Ayos lang po, Ma. Naiintindihan ko naman po kayo."
"Basta sabihin mo lang lahat sa akin," dagdag niya. "May nanliligaw ba sa 'yo ngayon?"
Bigla akong natigilan sa tanong na iyon. Pakiramdam ko ay namula ako sa kanyang tanong. Naalala ko tuloy ang text sa akin ni Mggy kagabi.
Marahan akong umiling. "Wala po."
"Kung may manligaw man sa 'yo, dalhin mo siya rito sa bahay. Wag na wag kang sasama sa kanya kung saan ka man niya dadalhin. Kailangan ay makilala ko muna siya ng husto."
"Opo."
"Oh, sige. Tapusin mo na yang almusal mo. Aalis ako na ako. May meeting pa kami sa opisina."
"Sige po. Ingat, Ma," paalam ko. Tumango siya at lumapit sa akin, hinalikan ang aking pisngi.
Pag alis ni Mama, tanging ang mga sinabi lang niya ang nasa utak ko.
Gusto kong makilala niya si Miggy. Kaso, alam ko naman na hindi si Miggy yung tipo ng lalaki na magugustuhan ang ganun. Baka kasi isipin nita na tinatali ko na agad siya. Kaya lang, tama naman si Mama. Mas mabuti sana kung alam at kilala niya kung sino nga ba talaga si Miggy.
Pero... ano nga ba talaga ang estado naming dalawa? 'Yun ang malaking tanong.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at agad ng pumasok sa eskwelahan. Inagahan ko talaga ang pagpasok ngayong araw para makita ko kaagad si Miggy. Alam ko kasi, maaga 'yun kapag maaga ang pasok ng mga pinsan niya. Sana lang ay maisipan niyang pumasok ngayon.
Kahit na kaonti pa lang ang mga estudyante, naririnig ko na ang iba't ibang bulungan at tsismisan nila sa kung anu-anong bagay.
Hanggang sa narinig ko na lang na...
"Si Bea naman ngayon ang bagong babae ni Miggy?" sabi ng isang babaeng estudyante na makapal ang make up, pero maganda naman. Tumango ang kanyang kausap.
Malapit sila sa may hagdan kaya naman tumigil ako at nagkunwaring may hinihintay. Umupo ako sa hagdan at kumuha ng isang libro sa bag para kunwari'y babasahin ko.
"Siya na nga siguro. I saw them making out yesterday. Sa likod ng Tourism building," halakhak naman ng isa pang estudyante.
Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa librong hawak ko. Ngunit sa narinig ko, tila nanlalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.
"Pero malamang, iiwan din siya ni Miggy kapag nagsawa na siya. Alam mo naman yun," pareho silang nagtawanan. Natigilan na lang sila nang may dalawang taong umakyat. Nilingon nila ang mga ito. Maging ako ay napalingon din.
Si Miggy at Bea. Magkahawak ang kanilang kamay. Nagtagpo ang mg mata namin ni Miggy. Ang tingin na ibinibigay niya sa akin ay masyadong malamig. Walang lambing. Nanghina ako sa mata niyang mas malamig pa sa yelo kung tumingin.
"Tabi," taboy ni Bea sa akin.
Tumikhim ako at tumayo. "Sorry."
Wala akong narinig na kahit ano sa kanila. Nilagpasan lang nila ako na parang hindi man lang ako nag e-exist sa paningin nila. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magtiis. Ginusto ko ito. Kailangan mapatunayan ko kay Miggy na gusto ko talaga siya at hindi ako susuko sa kanya.
Binalik ko na ang libro ko sa bag para masundan na sila sa sa classroom. Pagpasok ko pa lang, ang mga labi nilang naghahalikan ang bumungad sa akin. Umiwas ako ng tingin at umupo na lang sa dulo. Malayo sa kanila. Kaunti pa lang kami ngayon dito kaya siguro nagagawa nilang maghalikan ng matagal.
Kaya mo yan, Iyah. Kayang kaya mo yan. Kunwari'y wala kang nakikita. Isipin mo na lang na ibang tao ang naghahalikan. Hindi si Miggy at Bea.
Para may pagka abalahan ako, kinuha ko na lang ang cellphone ko. Tinignan ang pictures ni Miggy. Puro stolen shots. Ang kanyang mga mata na kung tumingin ay suplado ngunit nakakaakit. Ang manipis at mapulang labi niyang malambot. Lahat yata sa kanyang mukha ay perpekto, kahit anong anggulo.
Hindi ko na namalayan na napapangiti na pala ako. Natigilan lang ako ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Jed. Agad ko itong sinagot.
"Jed, hello?" bungad ko.
"Iyah! Good morning. Anong oras matatapos ang klase niyo?" namamaos na tanong niya. Siguro ay kakagising lang niya.
"Good morning din, Jed. Bagong gising lang ba?" tawa ko. Nag ayos ako ng upo. Nasulyapan ko si Miggy na nakatingin sa akin. Tapos na pala silang maghalikan ni Bea. "Uhm, mamayang alas kuwatro pa matatapos."
"Alright. Bye." aniya. Hindi na ako nakasagot dahil ibinaba na niya ang tawag.
Ilang sandali pa ang lumipas ay isa-isa ng pumapasok ang mga kaklase namin. Hinihintay ko si Mia, ngunit wala pa siya. Kaya naman naisipan ko ng i-text siya.
Ako: Papasok ka ba?
Binalik ko na sa bag ang aking cellphone. Kasabay nun ang pagdating ng Prof namin. Tumahimik ang lahat. Medyo strikto kasi ito.
Hindi talaga dumating si Mia hanggang matapos ang klase namin. Ang sabi niya sa kanyang reply kanina, may sakit siya. Kaya naman pagdating ng lunch break ay mag isa ako. Kumain akong mag isa. Sanay naman ako. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na wala akong kasabay. Si Miggy ay kasama niya si Bea at ang kanyang mga pinsan.
Ngayon, tinatanong ko na ang sarili ko kung kaya ko ba talaga ang ganito. May namamagitan nga ba talaga sa amin? O masyado lang akong umaasa na baka sakaling bigyan din niya ako ng kahit na kaonting atensyon man lang.
Pagkatapos kong kumain, pumunta na lang ako ng library. Kalahating oras pa kasi bago ulit ang susunod na subject ko.
Habang nagbabasa ako ng paborito kong libro, biglang nag vibrate ang cellphone ko. Si Jed na naman pala. Isinara ko ang librong binabasa ko bago sagutin ang tawag.
"Iyah," ani Jed sa kabilang linya.
"Oh, napatawag ka ulit?"
"Uhm, nandito ako sa harapan ng school nyo. Labas ka naman."
"Anong ginagawa mo dito? May klase pa 'ko."
"Gusto lang kitang makita. Labas ka na."
Napangiti ako. "Ikaw talaga. Sige, labas na ako."
Agad kong nakita si Jed sa labas ng campus. Malaki ang ngisi niya nang makita ako. Lumitaw na naman tuloy ang dimples niya. Inayos niya ang kanyang puting v-neck shirt.
"Hi!" bati niya paglapit ko. Hinalikan pa niya ako sa pisngi. Hindi ako nailang sa ginawa niya. Sanay kasi ako na malambing talaga si Jed sa amin ni Mia, kahit noon pa.
"Bakit nandito ka na? Mamaya pa ang labasan namin."
"Bored ako sa bahay," tawa niya. "Saan nga pala si Mia?"
"Absent. May sakit."
"Hanggang ngayon sakitin pa rin talaga yun," umakbay siya sa akin. "Tara, kain!"
"May pasok pa ako mamaya. Thirty minutes lang vacant ko."
Inalis niya ang pagkaka akbay sa akin. Pumunta siya sa harapan ko, sabay marahang pisil sa pisngi ko. "Okay, then. Hihintayin na lang kita. Pagkatapos ay pupunta tayo sa amin. Gusto na kayong makita ni Mommy. Sayang lang, wala si Mia ngayon."
"May next time pa naman," ngiti ko. "Hintayin mo na lang bang matapos ang klase ko?
Tumango siya. "Hintayin na lang kita sa coffee shop," sabay turo sa coffee shop na nasa harapan ng school namin. Tumango ako at nagpaalam na babalik na sa loob.
Tumuloy na ako sa next subject namin. Five minutes na lang kasi ay mag uumpisa na ito. Mabuti na lang at isang oras lang ang subject na ito, kaya hindi na ganun katagal ang hihintayin ni Jed.
Pagpasok ko sa classroom, nandun si Miggy at Bea. Nakaupo pa si Bea sa kandungan ni Miggy. Nag iwas agad ako ng tingin.
"Uy, Iyah!" tawag sa akin ng kaklase kong si Nadine.
"Bakit?"
Umupo ako na ako. Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Sino yung kausap mo kanina? Boyfriend mo?" mausisang tanong nya.
Si Jed?
Umiling agad ako. "Hindi. Kaibigan ko lang."
"Bakit naka akbay siya sa 'yo? Hinalikan ka pa sa pisngi."
Napalingon ako kay Miggy. Matalim ang tingin niya sa akin, kahit na nakaupo pa rin si Bea sa kandungan niya. Mukhang hindi nila napapansin ang pagtitig nito sa akin.
"Wala lang yun," nag-iwas ako ng tingin.
Tumawa si Nadine sa sinabi ko. "Hindi mo naman kailangan itago. Ang cute niyo kayang tingnan," hagikgik niya.
Hindi na lang ako sumagot pa.
Naging mabilis ang isang oras na klase namin. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko pagkatapos. Inayos ko muna ang uniform ko bago suotin ang bag. Handa na sana akong maglakad kaso ay bigla na lang may sumipa sa isang upuan. Hindi ko ito napansin kaya napatid ako. Kasabay ko ang upuan sa pagbagsak. Tumama ang tuhod ko sa sahig.
Ang sakit!
Agad na dumalo sa akin ang mga kaklase ko. "Iyah!" inalalayan nila ako sa pag tayo.
"Miggy, ba't mo sinipa yung upuan?" galit na tanong ng isa sa mga kaklase namin na si Charles. Inaalalayan ako sa pagtayo.
"Nakaharang, eh," binalingan ko ng tingin si Miggy ng magsalita siya. Kinuha niya ang kanyang bag at nagmamadaling umalis. Tinawag pa siya ni Bea ngunit hindi niya ito pinansin.
"Ayos ka lang ba, Iyah?" puno ng pag-aalalang tanong ni Charles.
"Okay lang," sinubukan kong humakbang ngunit ang sakit ng tuhod ko.
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong naman ni Gee-Ann. Tumango na lang ako. Nagsimula na akong maglakad, tiniis ko na lang ang sakit ng tuhod ko.
"Iyah, sigurado ka bang-" tanong ulit ni Gee-Ann.
Bumaling ulit ako sa kanila. "Oo. Kaya ko..."
Pinilit kong ayusin ang paglalakad ko kahit na nahihirapan ako. Iniisip ko kung ano ba ang ginawa ko bakit sinipa ni Miggy ang upuan. Hindi 'yun aksidente, sinadya niya talagang gawin 'yun para madapa ako.
Hirap na hirap ako habang bumababa sa hagdan. Ang sakit sakit talaga. Napilay yata ako. Hindi ko na talaga kaya. Umupo muna ako sa hagdan at tinignan ang tuhod ko. Meron na itong pasa. Hinaplos ko ito, kaso ay napapadaing ako sa tuwing dinidiinan ko ang pagpisil dito. Napilay nga talaga ako. Tiniis ko ang sakit, kailangan maging maayos ang paglakad ko bago kami magkita ni Jed.
"Aaliyah," tila nanlamig ako nang marinig ang pamilyar na boses.
"Miggy," sambit ko at nag angat ng tingin sa kanya. Natigilan ako sa paghaplos sa tuhod ko.
Malamig lang ang titig niya sa akin. Ang ibang estudyante ay tinitignan kami habang bumababa at umaakyat sa hagdan. "Let's go..." aniya lang bago ako buhatin na tila ba bagong kasal kami. Napahawak agad ako sa leeg niya.
"Miggy..." nahihiyang sabi ko. "Ibaba mo ako. Kaya kong maglakad."
"I know. Pero kaya rin kitang buhatin," sambit niya habang tuwid ang tingin sa dinadaanan namin.
Nahihiya ako ngayon. Bakit niya ito ginagawa? Ang akala ko ba ay hindi kami pwedeng makita ng iba na magkasama. Tsaka, ano na lang ang iisipin ni Bea?
"Maraming nakatingin, Miggy. Ibaba mo na ko," bulong ko. Kitang-kita ko kasi kung paano nila kami tingnan. Ang iba ay nagbubulungan pa.
Nakarating kami sa sasakyan niya. Ibinaba niya ako. Binuksan niya ang pintuan. Inalalayan niya ako sa pagpasok ngunit pinigilan ko siya. "Saan tayo pupunta? Ano kasi, eh. M-magkikita pa kami ng kaibigan ko."
Lumingon spya sa akin gamit ang matalim niyang tingin. "Sino? Yung kasama mo kanina? Tss..."
"Oo. Si J-jed 'yun. Pupunta kami sa kanila."
"Then, pupunta rin tayo sa amin."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?" nagtatakang tanong ko. Tama ba ang narinig ko?
"Ang sabi ko, pupunta rin tayo sa amin," matigas na sabi niya. Inalalayan na ulit niya ako sa pagpasok sa kanyang sasakyan. Para naman akong sunud-sunuran. Nakalimutan ko bigla ang usapan namin ni Jed. Nakalimutan ko na rin na siya ang dahilan kung bakit masakit ang tuhod ko ngayon.
Isinara niya ang pintuan at siya naman ang pumasok. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. "A-anong gagawin natin sa i-inyo?"
"Gagamutin natin ang tuhod mo. Ako ang gumawa nyan. You're my responsibility," tugon nya bago paandarin ang kanyang sasakyan.