Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang Arevalo ang kaharap ko. May kaugnayan ba sila sa isa't isa ni Miggy? "Umupo na muna tayo. Nag order na kami ni Victor para sa atin," ani Lola Amanda. Tumango si granny at umupo na kaming apat. Hindi pa rin ako mapakali. Totoo ba ang nangyayaring ito? Baka panaginip lang 'to! "Amanda, you have a very, very handsome grandson, huh?" ngiti ni granny sabay lingon kay Victor. Napalingon ako sa kanya. Nanlamig ako ng magtagpo ang mga mata namin. Seryoso ang kanyang titig. Nakakailang. "Oh, Tanya! Maganda rin ang apo mo," puri sa akin ni Lola Amanda. Nilipat ko ang tingin sa kanya at nahihiyang ngumiti. Sht, Aaliyah! Bulalas ko sa isip ko nang maalala ko ang kwento ni granny kanina. Arevalo... pinakamalaking furniture company sa Pilipin

