Naging maganda pa ang samahan namin ni Victor sa mga sumunod na buwan. Masaya siyang kasama. I can be myself when I'm with him. Hindi katulad noong naka-date ko si Robi for ten months. Pormal kami kung mag usap dahil palagi naming kasama ang Mommy niya. Alam na ni Mama at Papa, maging ni Mia na isang Arevalo ang dini-date ko ngayon. Ayos naman sa kanila si Victor. Hindi sila tumutol dahil alam naman nila na wala na sa akin ang nakaraan namin ni Miggy. Napangiti ako habang pababa ako ng hagdan. Victor is here again. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo sa aking trabaho. Hindi rin siya pumapalya sa pagbibigay sa akin ng tatlong pulang rosas. Sa halos dalawang buwan naming magkakilala, marami na akong naipon na rosas galing sa kanya. "For you, my pretty lady..." abot niya sa mga ros

