Agad akong pumunta sa bahay nila Aaliyah. Kailangan kong puntahan si Kuya doon. Gumagawa na siya ng eskandalo. Iniwan ko muna si Aaliyah sa bahay. Mahimbing ang kanyang tulog. Ayoko na siyang istorbohin. Bibilisan ko na lang ang pagpunta doon para makabalik agad ako. Mabuti na lang ay may pera akong iniiwan dito sa bahay kaya may nagamit ako. Wala nang bakas ni Kuya pagdating ko. Tinext ko si Charles nang nasa tapat na ako ng kanilang bahay. Ilang sandali pa ay bumukas na ang kanilang gate. Matalim ang mga mata ni Charles habang nakatingin sa akin. Mabilis siyang lumapit at hinigit ang aking damit. "Saan mo dinala si Iyah?" may galit ang tono ng kanyang pananalita. "She's safe. Huwag mo nang isipin kung nasaan siya. Hindi ko naman papabayaan ang kambal mo." Napamura siya sa aking sina

