AHRON POV "Bakit ba!? Regalo ito ni Lily sa akin, pati ba naman ito ay papakialaman mo pa?" sambit ko. Mabilis kong kinuha ang bagong cellphone ko mula sa kamay ni Karen na halatang naiinggit pa. Tiningnan niya ng masama ang iba kong mga kasamahan. "Get back to your work, tapos na ang patalastas dito!" Sa isang sigaw niya ay nag alisan ang mga tao dito. Grabe talaga siya mag trato, masyado siyang mapagmataas. Ang layo na nga ng ganda ni Lily sa kanya, mas maganda pa ang ugali ng gf ko. Ewan ko ba kay Cong. kung bakit niya pinagtitiyagaan ang babaeng ito. Sa bagay, hindi makakaila na magaling din sa kama itong si Karen at nais siguro niya ang mga wild na babae sa kama. Pero hindi ko talaga nakikitang magtatagal ang kanilang relasyon. Binulsa ko ang cellphone at babalik na sana ako

