AHRON POV Ang hirap magkunwari kay Lily. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nasa isa akong construction at grabe ang hirap ng trabaho rito. Talagang bawal ang maarte, hindi naman ako ganito pero college graduate ako. Kapag nalaman ni Lily na nagpapala ako, naghahalo ng buhangin, nag bubuhat ng kung ano ano ay malilintikan ako nito sa kanya lalo na sa mga magulang ko. Idagdag pa itong si Karen na foreman namin na sa mga sandaling ito ay walang ibang ginawa kung di ang mag paypay sa sarili niya. Mukhang tanga pa siya, nandito sa site pero naka suot ng dress na pula at naka heels pang six inches! Reklamo ng reklamo sa init ng panahon at ang dami pang inuutos. Libre ang mga pagkain namin dito mula umaga hanggang hapunan pero bawing bawi sa hirap ng trabaho. Kulang pa nga ang mga pinapal

