Halos matuod na silang lahat pagkakita nila sa mukha ko na walang suot na maskara sa mukha. Halo-halo ang kanilang mga emosyon, kulang na lang magsigawan sila sa gulat. Lalo na ang mga taong may kagagawan ng kasalanan sa akin.. Napangisi na lang ako. Mahahalatang hindi nila inaasam na makakaharap nila ako ngayon araw na ganito ang mukha. Yes! They saw my face many times noong nagpapanggap akong pinsan ni Joyce, ngunit mababakas pa rin talaga sa kanila ang labis na gulat. Hindi mabubuo ang araw ng birthday ko na hindi mo makikita sa kanilang mga mata ang labis na pagsisi. Kailangan ko lang din ipamukha sa kanilang lahat ang ginawa nilang plano para masira ang buong pagkatao ko. Kaya ngayon walang lalabas na masaya sa Hall na ito. Hindi magtatapos ang celebration hangga't hindi sila mags

