Chapter 82: Confirm

2139 Words

"Joyce... I'm sorry!" sabi ni Katherina sa akin. Binibisita ko sila ngayon sa preso. Tatlong linggo na simula noong nahuli sila ng mga pulis sa mismong birthday ko. "I'm sorry, iha... totoo ang paghingi ko ng paumanhin sa'yo. Nagsisi na ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo," saad niya. Nababasag ang kanyang boses dahil sa hikbing kumuwala. Malakas ang ebedensiyang pinataw sa kanilang lima kaya na bulok agad sila sa bilangguan. Lalo na't ang galing ni Mico na magdala ng kaso. "Hindi ako madadala ng sorry mo, Katherina. Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan, gayong noong unang pagkikita natin... Hindi mo magawang sambitin ang katagang iyan... Buhay sa sinapupunan ko ang nawala. Sa tingin mo masisiyahan ako sa nagawa mong kasalanan? Binangga mo ako ng kotse mo. Kaya mabubulok ka rito!" na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD