Chapter 1.6

1096 Words
Nag-usap pa si Wong Ming at si Yì Hua patungkol sa impormasyon ukol sa nangyari sa Dou City hanggang sa pinili na ni Wong Ming na umalis sa nasabing gusaling pagmamay-ari ng Feathers Guild. Ang kaniyang sariling ginamit na pambayad ay amg salaping matagal ng nakaimbak sa interspatial ring ng nasabing binata. Masasabi ni Wong Ming na masyado ng matagal ang kaniyang mga kagamitan at kailan na niyang bumili ng mas matibay o yung hindi madaling masira ninuman dito sa loob ng siyudad na ito o maging sa mga delikadong mga lugar na maaari niyang puntahan. Napagdesisyunan niyang pumunta sa isang Auction House lalo pa't alam niyang dito ay maraming mga bagay na ibinebenta at di malayong meron siyang makuhang bagay na pambihira na maaari niyang gamitin sa personal niyang pangangailangan. Di naman siya nagkamali ng inaakala dahil malapit lamang sa lugar ng Feathers Guild ang nasabing malaking auction house dahil ilang metro lamang ang lakaran ay mararating na niya ang nasabing Auction House. Salamat sa tulong ni Yì Hua dahil nalaman niya ang nasabing direksyon ng Auction House. Hindi naman nagtagal ay nakarating siya sa tapat ng naaabing Auction House na mas kilala bilang Stone Crest Auction House. Ewan ba niya, ang weird ng pangalan ng nasabing Auction House ngunit isinawalang-bahala niya lamang ito. Malamang ay mahilig sa bato ang nasabing nagmamay-ari nito ngunit masasabi niyang de kalidad at matibay ang mga batong gawa ng tila manor style na Auction House na ito at masasabing nagbibigay ng kakaibang atmospera sa lugar na ito. Habang naglalakad siya ay kapansin-pansin na wala man lang nagbalak na lapitan siya o tingnan man lang. Iyon siguro ay dahil sa normal niyang pananamit at hindi naman agaw atensyon ang robang suot-suot niya. Napangiti na lamang siya dahil dito dahil hindi naman niya maaaring ibuking ang sarili niyang pagkakakilanlan. Ordinaryong roba man kung titingnan ang suot niya ngunit kung susuriing mabuti ay ang robang suot niya ay maituturing na gawa sa telang tinatawag na Armored Silk Robe na maituturing na isang Human Step Treasure lalo pa't gawa ito ng isang one eyed silk larvae na isang uri ng pambihirang uod na bihira lamang na mahanap ngunit masuwerte ang siyudad ng Golden Crane City dahil ito ang pangunahing lugar kung saan nag-aalaga at nagpaparami ng ganitong klaseng pambihirang uod na kayang gumawa ng mga pambihirang bagay na yari sa tela maging sa uri ng kasuotang nais ng nagpapagawa nito. Ang robang ito ay maituturing na napakataas ang kalidad lalo na at hindi ito masisira ng natural na panahon maging ng anumang atake ng mga ekspertong mayroong cultivation level na Xiantian Realm. Magkagayon man ay pabor ito kay Wong Ming lalo pa't hindi naman niya kailangang makipagkompetensiya lamang sa uri ng pananamit o estado ng buhay kundi ay iba ang pinunta niya rito at wala siyang balak na magpakitang-gilas sa mga nilalang na mahilig lamang magsalita o di kaya ay magyabang. Maayos at tahimik lamang na naglakad si Wong Ming patungo sa loob ng nasabing auction house ngunit mabilis siyang naalarma nang makaramdam siya ng kakaibang lakas ng enerhiya mula sa himpapawid. Tumingala naman si Wong Ming lalo pa't sobrang lawak ng kalangitan at sinuyod ang direksyon kung saan nagmumula ang kakaibang enerhiyang naramdaman niya sa kasalukuyan. Mula sa kaulapan ay lumitaw ang kakaibang uri ng magical beast na mayroong apat na pakpak. Dambuhala ang pangangatawan ng nasabing halimaw na tila ay nahahawi nito ang makakapal na ulap habang papalapag ito sa kalupaan patungo sa direksyon ng Stone Crest Auction House. Unti-unting humawi ang mga taong naririto sa malawak na parte ng Stone Crest Auction House. Bakas sa mukha ng mga naririto ang pagkamangha at pagkalula sa nasabing dambuhalang magical beast na papalapag sa Stone Crest Auction House. "Nakakamangha naman ang magical beast na iyan. Sino kaya ang sakay-sakay nito?!" "Malamang ay isang malakas na nilalang ito lalo pa't napaamo nito ang nasabing dambuhalang halimaw na iyan." "Hindi lang basta dambuhala dahil isang mabangis na halimaw iyan na kayang lulunin ang mga magical beast sa paligid nito maging ng buhay na tao o eksperto!" "Tama ang sinasabi niya. Kung di ako nagkakamali ay isang Four-Winged Electric Lizard iyan!" Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na hindi marinig ang pinagsasabi ng mga nilalang na nasa paligid niya. Hindi niya alam na mga ignorante ang mga ito sa ganitong klaseng magical beast. Kung tutuusin nga ay napakaordinaryo ng ganitong klaseng magical beast. Tama man ang mga ito sa ilang bagay ngunit alam niyang maliit lamang na lungsod ang Red City kumpara sa siyudad na kinabibilangan niya nitong apat na taon. Literal na humawi ang mga taong nasa paligid ni Wong Ming ngunit walang pakialam ang nasabing binata dahil tuloy-tuloy lamang ito sa kakalakad sa direksyon patungo sa nasabing Auction Hall kung saan gaganapin ang pagpapasubasta. Maya-maya pa ay narinig niyang tila sinisigawan o binubulyawan siya ng mga taong naririto na siyang ikinabigla niya. "Tanga ba ang nilalang na iyan? Di ba siya natatakot sa maaaring gawin sa kaniya ng makapangyarihang eksperto na nakasakay sa pambihirang Four-Winged Electric Lizard?!" "Umalis ka diyan kung ayaw mong mapisa ka ng dambuhalang magical beast na iyan!" "Hoy, umayos ka binata kung mahal mo pa ang buhay mo!" Ito ang ilan sa malalakas na sinabi sa kaniya habang tila pabulyaw ito. Ngunit di man lang niya maramdaman ang anumang sinseridad sa tono ng pananalita ng mga ito. Natawa na lamang si Wong Ming sa mga sinasabi ng mga ignoranteng mga nilalang na naririto sa malawak na lupaing sakop ng Stone Crest Auction House. Bigla na lamang nakaramdam ng malakas na enerhiyang nagmumula sa itaas ng himpapawid patungo sa kaniya. BANG! BANG! BANG! Sunod-sunod na pagsabog sa hangin patungo mismo sa katawan ng binata ang pagragasa maging ng pagdaloy ng kuryente. Kitang-kita ng lahat ang mga nangyaring ito. Isang magical beast electric aura ito na nirelease ng dambuhalang halimaw. Kitang-kita ng lahat na parang wala man lang maramdaman ang binata sa kaniyang sariling kapaligiran dahil patuloy lamang itong naglalakad na parang wala man lang panganib sa paligid nito. Literal na napanganga ang halos karamihan sa mga ito lalo pa't bagsak ang kanilang pangang nakatingin sa direksyon ng binatang tila paharang-harang sa gitna kung saan lalapag ang dambuhalang halimaw na Four-Winged Electric Lizard. Ngunit ang sumunod na pangyayari ang tila hindi nila inaasahang maganap. Mabilis na nagpakawala ng mga malalaking electric balls ang bibig ng Four-Winged Electric Lizard patungo sa direksyon ng binatang si Wing habang nakatalikod ito. Kitang-kita kung paanong mabilis na naglakbay ito patungo sa direksyon ng nasabing binata at walang ano-ano pa ay tumama ito sa mismong katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD