Chapter 1.5

1116 Words
"Kung gayon ay galing ka sa Dou City. Hindi ko aakalaing isa ka din sa mga nilalang na walang awa sa sariling lungsod na pinagmulan nating pareho!" Sambit ng magandang dalaga habang kitang-kita ang pinaghalong inis at galit sa pagkakasabi nito. Masasabing hindi nito aakalaing mangyayari ang mga bagay na kanilang nasaksihan mula sa kaganapang iyon. "Oo ngunit anong pakialam ko sa lungsod na iyon. Paano kung sabihin kong nanggaling ako doon. Hindi ba dapat ay matuwa kang nakaligtas ka? Parang kasalanan ko pang nagapi ng Blood Skull Alliance ang nasabing siyudad ng Dou? Naririto ang Blood Skull Alliance sa loob ng Red City hindi ba? Kung gusto mong maghigante para sa Dou City ay malaya ka namang gawin iyon hindi ba?!" May diing wika ni Wong Ming sa mahabang pahayag na winika nito. Sino bang may gustong mangyari ang mga kaganapang ito. Aaminin niyang huli siya sa nasabing pangyayaring iyon ngunit di niya kasalanan kung natalo ang pwersa ng Dou City sa Blood Skull Alliance. Mabilis namang natahimik ang dalaga habang kitang-kita ang labis na kalungkutang namumuo sa ekspresyon ng pagmumukha nito. "Kung gayon ay maaari ko bang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng Dou City? Ano'ng mga bagay ang nagbago matapos ang nasabing digmaan?!" Seryosong tanong ni Wong Ming habang kitang-kita sa mukha nito ang labis na kuryusidad. Sinong mag-aakalang ang lahat ng mga nangyayari sa kasalukuyan ay wala siyang kaide-ideya kung ano ba ang totoong naganap. "Sasabihin ko sa'yo ang mga nalalaman ko patungkol sa kasalukuyang lagay ng Dou City. Tanging ang dalawang kaharian lamang ang kasalukuyang nagsisilbing pwersa ng nalusaw na lungsod ng Dou at ito ay ang Hollow Earth Kingdom at ang Wind Fury Kingdom. Nagawang makipagsabayan at makaligtas ng Hollow Earth Kingdom sa bagsik ng sunod-sunod na digmaan at mga labanan ngunit maraming nasawi sa mga miyembro ng dalawang natitirang kaharian. Pinamumunuan ni King Dark ang Wind Fury Kingdom at misteryoso pa rin ang pagkakakilanlan nito Habang ang Hollow Earth Kingdom ay pinamumunuan pa rin ni King Augustus. Hindi naman nagkakaroon ng tensyon sa dalawang kaharian ngunit maraming mga angkan pa rin ang nananahan sa paligid ng dalawang kaharian ngunit mayroong mga grupo ng mga rebelde ang nakakalat sa iba't-ibang parte ng nalusaw na lungsod ng Dou kung kaya't ibayong pag-iingat ang kinakailangan upang maging ligtas ang paglalakbay ng sinuman patungo o palabas ng nagaping siyudad na iyon." Mahabang salaysay ng magandang babaeng kaharap lamang ni Wong Ming. Kitang-kita ang pag-iiba ng emosyon sa mga mata nito na animo'y may ipinapahiwatig ngunit hindi malaman ng binata kung ano ito. "Kung gayon ay hindi naman ganoon kasama ang mga impormasyong sinasabi mo sa akin. Talaga nga lamang na mayroon lamang hindi inaasahang pangyayari ngunit mabuti pa rin ang resulta ng nasabing digmaan sa pagitan ng Dou City at ng Blood Skull Alliance." Mariing saad ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita na parang hindi na ito nagulat pa sa nasabing impormasyon bagkus ay may tuwa pa ito sa kaniyang mga narinig mula sa magandang dilag. "Pero bakit mukhang natutuwa ka pa binata?! Hindi ba't isa itong malaki at masamang balita na maituturing na hindi kaaya-ayang pakinggan?! Ngunit tila baga'y nasisiyahan ka pa sa mga nangyayari sa loob ng Dou City." Hindi natutuwang turan ng magandang dilag na animo'y hindi na makapagtimpi na mapataas ang tono ng boses nito. "Sinasabi ko bang nasisiyahan ako? Hindi ba't maituturing pa rin na masuwerte ang siyudad ng Dou dahil may natitira pa silang lakas upang makapamuhay ng naaayon sa kanila?!" Saad ni Wong Ming habang kitang-kita ang labis na kaseryusohan sa mga salita nito. "Wala akong sinasabing ganon ngunit parang pinapamukha mo pang nakakaawa ang Dou City dahil nakaligtas pa ito mula sa---!" Ani ng magandang babaeng kaharap ni Wong Ming na animo'y naiinis pa rin ito sa tinuran ng binata. "Palibhasa ay di mo naranasan ang buhay naming mula sa mahirap na angkan na inaapi ng mga malalakas na angkan maging ng kahariang kinabibilangan namin. Sa uri ng pagkakasabi mo ay mukhang galing ka sa malaki at makapangyarihang angkan o pamilya hindi ba?!" Wika ni Wong Ming habang naniningkit ang mga mata nito. Parang natutunaw naman ang magandang dilag sa uri ng pagkakatitig ng binatang kaharap nito at napaiwas ng tingin. "Ako si Yì Hua, Nagmula ako sa Yì Clan at isa ako sa anak ng Clan Chief. Paano'ng nangyari na hindi ako nagdanas ng hirap huh? Nandoon ka ba noong sinalakay kami ng mga miyembro ng Blood Skull Alliance? Napakahirap ng sitwasyon namin at ang tanging nagawa lamang namin ay kumapit sa patalim at makipag-ugnayan sa Feathers Guild upang di lang mabura ang angkan namin." Malakas na sambit ng magandang dilag na nagngangalang Yì Hua habang bakas ang lungkot sa sinasabi nito "Kung tutuusin ay masuwerte pa rin kayo hindi ba't nakaligtas kayo? Ano naman ang magagawa kung nandoon ako? Di ba't kayo ang higit na dapat nakakaalam sa maaaring paglusob ng Blood Skull Alliance? Ba't parang sinisisi mo pa ako sa masamang nangyari sa inyo? Tandaan mo na nasa mahirap na angkan lamang kami nabibilang." Sagot naman ni Wong Ming habang kitang-kita ang inis sa tono ng pananalita nito. Pagak pa siyang napatawa sa kaniyang isipan dahil sa inaasal ng babaeng kaharap niya na nagngangalang Yì Hua. Natahimik naman si Yì Hua dahil sa pagkakasabi ni Wong Ming. Naisip niyang tama nga ito. Ano naman ang magagawa ng isang binatang mula sa mahirap na angkan ng isa sa mga kaharian nito. Kung iisipin niyang mabuti ay miyembro ito ng Sky Flame Kingdom o di kaya ay Sky Ice Kingdom. Maya-maya pa ay pinutol niya ang tila namayaning katahimikan nang magsalita ito. "May punto ka ngunit maiba tayo binata. Saang kaharian ka nabibilang sa naunang orihihal na apat na kaharian?!" Tanong ni Yì Hua habang kitang-kita ang kuryusidad nito. "Nabibilang ako sa Li Clan at pasensya na sa aking inasal dahil wala akong alaala ng nakaraan. Isa lamang akong masuwerteng nilalang na walang alaala apat na taon na ang nakalilipas. Natagpuan ko lamang ang aking sarili sa labas ng ibang lungsod." Wika ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita ang labis na kaseryusohan sa kaniyang sinabing mga pangungusap. Ayaw niyang magsinungaling pa rito dahil baka kwestiyunin na naman siya ng dalagang nasa harapan niya at pagdudahan ang kaniyang sariling layunin sa pagpunta sa Dou City. Mahirap ang naging usad ng impormasyon kung sa iba pa siya magtanong dahil maaaring ikapahamak niya pa ito at mabisto ang totoong pagkatao niya. Naniniwala siya sa kredibilidad ng Feathers Guild ngunit malas niya lamang dahil nandito pa sa dalagang kaharap niya siya nagtanong at nag-assist sa kaniya dahil maaasahan niyang di siya ilalaglag ng mga ito sa kahit na sinumang nilalang na maaari niyang maging kaaway sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD