Chapter 1.4

1144 Words
Hindi namalayan ni Wong Ming na nasa tapat na siya ng malaking gusaling pagmamay-ari mismo ng nasabing asosasyon ng Feathers Guild. Masasabing ang alaalang nakuha niya mismo sa Misteryosong babaeng iyon ay tama. Siguro nga ay pare-pareho ang disenyo at pagkakagawa ng mga gusali ng Feathers Guild ngunit pakiramdam ni Wong Ming ay isang misteryosong asosasyon ito na pinamumunuan ng kung sinumang nilalang sa likod ng Guild na ito. Isinawalang-bahala na lamang ito ni Wong Ming at mabilis na pumunta sa loob ng malaking gusaling ito. Makikitang inobserbahan ni Wong Ming ang mga nakikita niya sa loob ng gusaling ito ng Feathers Guild at masasabi niyang isa ito sa pinakamatandang gusaling naririto alinsunod sa mga usap-usapan ng mga tao sa ilang araw na pamamalagi niya rito sa Red City. Kitang-kita niya na magarbo ang tanggapan ng mga bisitang dumadayo sa loob ng gusaling ito ng Feathers Guild branch. Maya-maya pa ay mabilis na lumabas ang isang magandang babaeng katamtaman lamang ang taas ngunit kapansin-pansin ang mahabang buhok nito na nakalugay na kulay ube habang ang mga mata nito ay kulay dilaw. Lihim namang sinuri ni Wong Ming ang cultivation ng babaeng tila miyembro ng guild na ito. Ganon na lamang ang pagtataka ni Wong Ming nang mapansing wala siyang makitang mga impormasyon patungkol rito. Naningkit ang mga mata ni Wong Ming lalo pa't ngayon lamang siya nakatagpo ng ganitong klaseng nilalang na kayang ikubli ang lebel ng cultivation nito sa kaniya magmula ng paglalakbay niya patungo sa lungsod na ito. "Kakaiba ang isang ito. Nasisiguro kong hindi ito pangkaraniwang miyembro lamang ng guild na ito." Seryosong sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang. Pinaalalahanan niya ang kaniyang sariling maging maingat sa nilalang na ito dahil maaaring isang malakas na eksperto itong nagkukubli sa magandang kaanyuan nito. Ngunit hindi pa siya nakahakbang muli ay agad na nakarating sa harapan niya ito at nagwika. "Magandang araw sa'yo binata. Ano'ng maipaglilingkod ng Feathers Guild sa'yo?!" Paunang saad ng magandang babaeng inobserbahan kani-kanina lamang ni Wong Ming. Nakangiti ito ngunit ang ngiti nito ay makikitang hindi abot ng mata. Ramdam ni Wong Ming ang kakaibang tingin ng magandang babaeng kaharap niya. Siguro ay napansin nito ang kakaibang uri ng tingin nito sa kaniya. Hindi niya aakalaing mapapansin pa iyon ng magandang dilag na kinakausap siya ngayon. "Magandang umaga din binibini. Nais ko lamang na malaman ang mga bagay-bagay patungkol sa sensitibong pangyayari sa kalapit na lungsod ng Dou--!" Turan ni Wong Ming patungkol sa katanungan ng magandang babaeng kaharap niya. "Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo binata. Halika at sumunod ka muna sa akin upang pag-usapan iyang mga nais mong malaman." Mabilisang sambit ng magandang babaeng kaharap ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na inililibot nito ang paningin sa paligid bago sabihin ang mga katagang ito. Walang ano-ano pa ay naglakad na papasok ang nasabing dilag sa isang maliit na daanan paakyat ng pangalawang palapag ng gusali at dumaan sila sa pasikot-sikot na daan sa gilid ng mga nadadaanan nilang mga kuwarto. Pumasok sila sa isa sa mga silid na naririto at mabilis na sumara ito ng kusa. "Binata, hindi ako magpapaligoy-ligoy pa. Ano ang impormasyong gusto mong makuha sa Feathers Guild?!" Sambit ng magandang babaeng tila naningkit ang mga mata nitong nakatingin kay Wong Ming. "Patungkol sa kasalukuyang lagay ng Dou City ang gusto kong malaman. Hindi naman siguro bawal ang aking gustong itanong sa inyo hindi ba?!" Turan naman ni Wong Ming ng patanong. Bakas sa mukha nito ang determinasyon na malaman ang kasagutan sa katanungang namumuo sa isipan niya. "Hindi naman ngunit nararapat lamang na nasa loob tayo ng kwartong ito dahil napakasensitibo ng iyong katanungan. Kung ano man ang gusto mong malaman ay hindi namin maaaring sabihin iyon ng basta-basta lamang. Nauunawaan mo ba ang gusto kong sabihin sa iyo?!" Sambit ng magandang babaeng kaharap ni Wong Ming upang ipaunawa rito ang rules ng kanilang Feathers Guild. "Hindi naman libre ang gagawin niyong serbisyo sa akin. Ang tanging gusto ko lang malaman ay ang patungkol sa Dou City at kung ano na ang nangyari rito magmula ng apat na taon ng nakakaraan." Wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na gusto niyang i-point out ang nais niyang itanong mula rito. "Ang lagay ng Dou City ay lubhang nakakaawang isipin. Sa loob ng apat na taon ay walang pag-unlad rito dahil sa magkakahiwalay na alitan at digmaan patungkol sa siyudad na ito dahil na rin sa sunod-sunod na penomenang nangyari nitong mga taon. Ang una ay ang pagbagsak ng misteryosong bangkay mula sa kalagnita ng hinihinalang imortal. Pangalawa naman ay ang pagiging marahas ng Wind Fury Kingdom at Pangatlo naman ay ang paggapi ng Wind Fury Kingdom sa natitirang dalawang kaharian. Pagkatapos niyon ay inaakala namin na ganon na lamang ang nangyayari ngunit nagkakamali kaming lahat dahil nag-aklas ng rebelyon ang Wind Fury Kingdom sa Dou City dahilan upang maraming nadamay at nangamatay. Kung inaakala mong nandirito na nagtatapos ang madilim na pangyayaring ito sa nasabing siyudad ng Dou ay nagkakamali ka dahil sa pangyayaring ito ay nakahanap ng paraan ang Blood Skull Alliance upang palihim na pasukin ang Dou City ng walang kahirap-hirap dahilan upang malusaw ang kabuuang depensa ng nasabing siyudad." Mahabang salaysay ng magandang babaeng kaharap ngayon ni Wong Ming. Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na lungkot ngunit hindi alam ni Wong Ming kung ano ang kaniyang iisipin. "Bakit malungkot ka binibini? Hindi mo ba nagustuhan ang sinapit ng lungsod na iyon?! Normal lang naman siguro iyon lalo pa't walang lugar ang mahihinang mga nilalang sa mundong ito." Seryosong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang pagiging malamig. "Sinasabi mo lang iyan dahil hindi ka nabibilang sa Dou City. Ang siyudad na tuluyang nalusaw ay siyang kinalakihan ko. Kung di lang dahil sa pamilyang kinabibilangan ko ay matagal na akong napaslang kasama ng mga mamamayan ng siyudad na iyon." Wika ng magandang babaeng kaharap ni Wong Ming na ngayon ay kitang-kita ang nanunubig nitong mga mata. "Kung gayon ay nagmula sa maimpluwensyang pamilya ng Dou City. Napakaswerte mo naman at nakaligtas kayo sa hagupit ng Blood Skull Alliance!" Seryosong ani ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na wala itong nararamdamang awa sa dalaga. Bakit siya maaawa sa Dou City? Unang-una ay wala siyang alaala na magandang dulot ng lungsod na ito sa apat na kaharian lalong-lalo na sa Green Valley noong nasa lusak ang mga mahihirap na angkan na pinagmulan niya at pangalawa ay alam niyang merong kinalaman ang mismong siyudad sa pagkakagapi nila. Hindi niya man matukoy kung alinman ito ngunit alam niyang dito nagmula ang problema kung bakit ito naging mahina sa harap ng Blood Skull Alliance. Dapat nga ay magalit siya sa lungsod na ito na puro benepisyo lamang ang gustong makuha ng mga ito at hindi ang kaligtasan ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD