Chapter 1.3

1034 Words
Mabilis na itinutok ng misteryosong babae ang kamay nito sa noo ng binata kung saan ay may kakaibang enerhiya ang lumabas rito patungo kay Wong Ming. Kitang-kita sa mga mata ni Wong Ming ang kakaibang penomenang nangyayari sa loob ng isipan nito. Iba't-ibang emosyon ang tila makikita sa mukha ng binata hanggang sa tila ba nagkaroon ng kaliwanagan sa mukha nito. "Pasensya ka na binata ngunit iyan lamang ang alaalang nakuha ko mula sa iyo noon. Ang lahat ng iyan ay akumulasyon ko noong mula ng magtagpo ang landas natin. It's just a tiny fragments of your memories at sana ay maging maliwanag ito sa iyo." Wika ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida hababg Kitang-kita sa mga mata nito na seryoso ito sa kaniyang sariling sinasabi. "Hindi ko aakalaing totoo ang sinasabi mo. Ako nga ang nasa alaalang iyong ibinigay sa akin. Lubos akong nagpapasalamat sa iyo magandang binibini." Masayang wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pasasalamat niya sa misteryosong babaeng kausap niya ngayon. "Matagal ka ring nawala roon at kailangan mo ng maglakbay kung nais mong makibalita sa totoong lagay ng Dou City at ng iba pang mga kaharian." Simpleng sambit naman ng misteryosong babae habang mabilis itong lumutang pataas lalo pa't alam niyang tapos na ang gagawin niya sa binatang ito bilang pagbigay ng gantimpala rito. "Masusunod Binibini." Simpleng sagot naman ni Wong Ming bilang tugon sa sinabi niya sa misteryosong babaeng nakasuot ng kulay puting bestida sa ere. Aalis na sana ang magandang babae ngunit agad itong lumingon sa gawing muli ng binata. "Patungkol naman sa kasama mo ay wag na wag mong ipaalam ang pagkataong meron ka lalong-lalo na ang patungkol sa pag-exist ng lugar na ito binata. Hindi maaaring mangyari na malaman ninuman ang pag-exist ko maliwanag?!" Seryosong wika ng misteryosong babae habang makikitang naningkit ang mga mata nitong nakatingin kay Wong Ming. Mabilis namang itinaas ni Wong Ming ang kamay nito habang makikitang tila sumusumpa ito. "Makaaasa kang hindi ko ibabahagi ang sikretong ito habang ako'y nabubuhay. Sa akin at sa akin lamang ang bagay na ito." Tila sumusumpang sambit ni Wong Ming habang hindi pa rin binababa ang mga kamay nito. "O siya oo na Wong Ming. Masyado ng matagal ang aking pakikipag-usap sa iyo, hanggang sa muli!" Sambit ng misteryosong babae habang mabilis nitong iniangat ang kamay nito at naglaho sa ere. Mabilis ding umalis si Wong Ming sa misteryosong lugar na ito upang makita ang reyalidad ng mundo. Masyado na siyang naabala sa lugar na ito. ... Mahabang paglalakbay ang ginawa ni Wong Ming upang baybayin ang direksyon kung nasasaan ba talaga ang nasabing siyudad na pinagmulan niya. Sa loob ng isang buwan ay sa wakas ay nakarating na si Wong Ming sa nasabing siyudad ng Red City, isang siyudad na hango sa mga nagtatayugang mga punong tinatawag na Red Moon Tree na nakapaligid sa iba't-ibang parte ng siyudad ng Red City na kung saan ay sa malayuan ay parang mga pulang mga bagay na nakalutang ito sa ere na animo'y higanteng ulap na nakahalik sa kalangitan. Ganito kung mailarawan ng karamihan ang Red City sa malayo na siyang sinasang-ayunan naman ng halos lahat. He even insisted ngunit sa huli ay naglakbay pa siya alinsunod sa mga bagay na masasabi niyang kailangan niyang tuklasin tungkol sa pagkatao niya. Ilang taon na rin ang nakalilipas ngunit ang mga taong iyon ay masasabi niyang nagdulot ng malulungkot at masasayang alaalang meron siya. Wala siyang gustong gawin kundi ang buuin muna ang sarili niya at malaman ang katotohanan patungkol sa nakaraan niya. Makikitang nakatayo sa isang bahagi ng malawak na cultivation room si Wong Ming. Kasalukuyan siyang nasa isang magarbong inn na isa sa sikat na pamalagian ng mga manlalakbay dito sa loob ng siyudad ng Red City. Isang makulay na siyudad kung maituturing ang nasabing siyudad na ito. Hindi niya aakalaing ang nasabing siyudad na ito ay nag-eexist katabi lamang ng Dou City. Hindi niya aakalaing nakarating na siya sa pinakahuling siyudad bago ang Dou City na siyang pangunahing pakay niya. Dahil sa alaalang meron siya mula sa misteryosong babaeng nakasuot ng kulay puting bestida ay gugustuhin niyang obserbahan at imbestigahan ang mga nangyayari sa loob ng Red City na maaari niyang pakinabangan sa hinaharap. Sigurado siyang may kinalaman ito sa nasabing atake ng mga Blood Skull Alliance sa loob ng Dou City at apat na kaharian. Masyado na siyang huli sa pangyayari ngunit nangangako siya sa kaniyang sarili na tutulungan niya ang nasabing lungsod mula sa taga-labas. Hindi niya aakalaing sa kasalukuyan niyang lakas ngayon ay kayang-kaya niyang puksain ang buong siyudad katulad ng Red City ngunit hindi niya iyon gagawin dahil siguradong hahanapin at papaslangin siya ng mga mas malalakas pang mga eksperto sa mga katabing siyudad and who knows na mayroon ding mga nakakubling mga malalakas na mga martial arts experts dito sa loob ng Red City. Buhat ng paglisan niya sa siyudad na ginagalawan niya noon ay marami siyang nalaman patungkol sa mga malalakas na asosasyong na nag-eexist lamang sa maliit na mga lungsod rito lalo na ang patungkol sa Feathers Guild maging sa Hunters Organization. Masasabing tanyag ang dalawang asosasyong ito dahil sa lakas at pagiging mabuting mga organisasyon na siyang nagbibigay-daan uoang makapangalap ng mga impormasyon sa kahit na saang sulok man sa mundo. Magkaiba man ang layunin ng dalawang organisasyong ito ay makakatiyak naman na dekalidad ang mga bagay na maaaring iserbisyo ng mga ito sa sinumang nilalang kapalit ng halaga ng salapi. Hindi maaaring balewalain rin ang isa sa malakas ding organisasyon na tinatawag na Blood Skull Alliance, isang alyansang layuning sakupin ang Dou City para sa pansariling interes ng mga ito. Masasabing ang kanilang mga layunin ay upang mas maging makapangyarihan pang lalo sa Red City at mas palawakin pa ito. Mabilis na tumayo si Wong Ming at inayos ang sarili niya. Plano niyang puntahan ngayon ang Feathers Guild branch sa lungsod na ito. Kailangan niya ang mahahalagang impormasyon patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Dou City. Alam niyang kakailanganin niya ito. Hindi maaaring magbulag-bulagan lamang siya rito. Sa tagal niyang nawala ay siguradong may malaking kagnaapan na nangyari matapos ang apat na taon niyang pagkakawalay mula sa Green Valley.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD