Sa isang malawak ngunit madilim na lugar ay makikita ang isang malaking water pool. Kitang-kita ang isang itim na bagay na nakalutang sa ere. Bigla na lamang nagliwanag ang nasabing bagay na ito sa hindi malamang dahilan. Tila nagkaroon pa ng energy fluctuations sa lugar na ito mula sa nasabing bagay na lumulutang. Maya-maya lamang ay may lumutaw na isang nilalang mula sa kadiliman, nakakubli ang mukha nito sa suot nitong cloak. Kung titingnang maigi ang pigura ay masasabing isa itong babae habang nakalugay ang mahabang buhok nito. Maya-maya pa ay lumitaw ang isang pigura, pigurang kulay itim ito habang makikitang hindi maganda ang timpla ng mukha nito. "May nakapasok sa loob ng Mint City at isa iyong binata. Hindi ko alam na mayroon itong kakayahang balewalain ang enerhiyang hinal

