Nakaramdam ng sakit sa kaniyang batok ang nasabing babaeng nakaitim na cloak ng lumitaw sa tabi nito ang isang matandang lalaking nangungulubot ang balat habang mayroong suot itong kulay pulang maskara. May tungkod itong dala na animo'y mayroong itim na bato sa dulo. "Aray ko tanda, bagong dating ka lamang ngunit kung makabatok ha? Anlakas hmmp!" Iritableng sambit nito habang kitang-kita na namula ang batok nito dahil sa lakas ng pagkakahampas ng tungkod ng matanda. "Umayos ka babae. Hindi porket anak ka ng dating kanang kamay ni Heneral ay hindi na kita pagbubuhatan ng kamay. Masyado kang namemersonal at maraming tanong sa heneral!" Angil naman ng matandang lalaking bagong dating sa lugar na ito. "Ikaw ang umayos tanda, kulubot ka na pero anlakas mong humampas sa batok, grabe ka!" Ins

