Chapter 2.2

1138 Words
Sa isang iglap ay biglang inilabas ni City Lord Bao ang isang kakaibang bagay sa harap mismo ni Wong Ming. Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming nang makita ang kakaibang bagay na inilabas ni City Lord Bao. Kung di siya nagkakamali ay itong bagay rin ang eksaktong nakita niya kani-kanina lamang. "D-devil's Clock?! Paano'ng nangyari na meron ka niyan?!" Medyo pautal na sambit ni Wong Ming habang kitang-kita ang pag-atras niya. Nagsusumigaw sa isip niya na kailangan niyang mag-ingat sa nilalang na kaharap niya. Hindi siya maaaring makampante lamang lalo pa't hindi niya maaaring balewalain ang nasabing kakaibang bagay na hawak ng nilalang na ito. Marami ang espekulasyon na naiisip niya na may kaugnayan rito at isa na roon ang kadahilanang gahaman ang sinumang nilalang na nagmamay-ari ng isang uri ng devil's clock. Ang kakaibang orasan katulad ng devil's clock ay maaaring pangkalahatang konsepto ngunit hindi maipagkakailang ang paggamit ng bagay na ito ay isang kamalian at pag-abuso sa tunay na takbo ng mundo. Devil's Clock, isang gamit ng masamang cultivator upang takasan ang mapait nitong kapalaran. Buhay ang nasabing bagay na ito at kahit ang sinumang gumagamit nito ay maaaring mapasunod nito. Kagaya ng mga spiritual tools ay nabibilang din ang devil's clock dito at kasabay ng pag-unlad ng nasabing cultivator ay gayundin ang pag-unlad ng devil's clock hanggang sa lamunin na ng buhay ng nasabing relo ang isip at katawan ng isang cultivator. Ginagamit din ang devil's clock sa masasamang mga gawain upang maghasik ng kasamaan at karimlan sa mundong ito at maaaring isa din itong bagay na ginawa upang sirain ang natural na balanse ng mundo. Nawala ang mga iniisip ni Wong Ming nang biglang magsalita ang nasa harapan niyang si City Lord Bao na ngayon ay may kakaibang titig sa nasabing binatang ilang dipa lamang ang layo mula sa kaniya. "Napaatras ka ata binata? Alam mo ba ang hawak kong ito?! At ano ang iniisip mo? Hindi mo ba naisip na masama ang magtanong sa mga bagay na hindi sakop ng iyong kakayahan?! Wika ni City Lord Bao na puno ng katanungan sa binatang kaharap niya. Wari niya ay kahit ilabas niya ang pambihirang bagay na meron siya ay hindi ito alam ng kausap niya ngayon. "Ano'ng ibig mong sabihin City Lord Bao?! Malamang ay alam ko ang bagay na hawak mo. Isang devil's clock yan hindi ba?! Isang bagay na gamit ng masamang nilalang tama ba ko?!" Nakangiting sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi na nito ipinagkaila ang kaniyang mga hinala. Nanlaki ang pares ng mga mata ni City Lord Bao habang ito naman ang napaatras sa labis na gulat. Hindi niya aakalaing alam ng binatang nakatayo ilang metro mula sa kaniyang sariling pwesto ang nasabing bagay na ito. Hindi niya maipagkakailang maaaring maging daan ito para mailabas ang kaniyang sekreto mula sa taga-labas. "Magaling, magaling binata... Talagang alam na alam mo ang ipinunta mo rito. Isa kang timang para sabihin sakin ng diretsahan ang mga nalalaman mo patungkol sa hawak ko kaya't humanda ka sa katapusan mo!" Malakas na sambit ni City Lord Bao habang pinaningkitan niya ng mata si Wong Ming. Galit na galit ang tono ng boses mo na animo'y hindi na nito ipinagkaila ang gusto nitong gawin sa binatang nakatayo ilang metro mula sa kaniyang sariling pwesto. Nabigla si Wong Ming ngunit wala na siyang magagawa pa kundi harapin ang kasalukuyang suliraning kinakaharap niya. Hindi na umimik pa si Wong Ming lalo pa't inobserbahan niya ang mga susunod na gagawin ni City Lord Bao na ngayon ay mukhang kakainin na siya ng buhay dahil sa mababagsik na tinging ipinupukol sa kaniya. Mabilis na itinaas ni City Lord Bao ang kanang kamay niyang may hawak ng Devil's clock at biglang dumilim ang kalangitan dahilan upang lumabo ang paningin ni Wong Ming. Tiningnang mabuti ni Wong Ming ang kalangitan at kitang-kita niya ang tila nagsusumiksik at naglalakihang mga linya ng kuryenteng namumuo sa maitim na kaulapan. Yun nga lang ay purong itim ang mala-kuryenteng ilaw na nasa ulap dahilan upang masabi ni Wong Ming na tunay na masamang nilalang ang kaharap niya. "Tanggapin mo binata ang nalalapit mong kamatayan. Wala ka ng kawala sa kapangyarihang taglay ko!" Malakas na sambit ni City Lord Bao habang pinaningkitan niya ng mata si Wong Ming na may kakaibang ngiti sa mukha nito. Naniniwala siyang walang kalaban-laban sa kaniya ang binatang kaharap niya. Skill:Devil's Lightning! Hindi pa man nakapagsalita si Wong Ming ay kitang-kita nito kung paanong mabilis na bumagsak patungo sa kaniya ang itim na mga kidlat. BANG! BANG! BANG! Kitang-kita kung gaano kabilis tumama sa kalupaang kinaroroonan ni Wong Ming ang mga maiitim at naglalakihang boltahe ng mga kuryenteng namumuo kani-kanina lamang sa kalangitan habang makikitang mabilis din ang mga galaw ni Wong Ming upang iwasan ang mga mabibilis at brutal na pag-atake ng kidlat na ito. Mabibilis ngunit may pag-iingat ang bawat kilos ni Wong Ming lalo pa't sigurado siyang mayroong kakaiba sa mga mala-kidlat na enerhiyang umaatake sa kaniya. Sa huli ay tumigil rin ang nasabing pag-atake ng mga maiitim na boltahe ng kuryenteng tumatama sa mga direksyong kinaroroonan ni Wong Ming. "Magaling binata. Hindi ko aakalaing nakaligtas ka sa paunang atake ko. Paano kaya kung dagdagan ko ang atakeng kikitil sa buhay mo?!" Nakangising demonyong saad ni City Lord Bao habang makikitang tila natutuwa siya sa kaganapang ito. Biglang namula sa mga daliri ni City Lord Bao ang mumunting mga maiitim na linya ng kuryenteng tila parte ito ng kamay niya. Indikasyon ito na muli itong nagsagawa ng panibagong martial arts skill. Skill: Black Scourge Devil's Lighting! Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong naging purong itim na ang kalangitan at kitang-kita niya kung paano'ng sumilay ang mga maitim na kidlat na mas doble ang laki nito at walang ano-ano pa ay biglang tumama ito sa kaniyang sariling pwesto dahilan upang magulat si Wong Ming at ma-corner siya nito. Paano ba naman ay apat na magkakasunod na naglalakihang mga kidlat ang patungo sa kaniya mula sa iba't-ibang direksyon dahilan upang wala siyang makitang paraan upang iwasan ang nasabing atake. Bago pa man tamaan si Wong Ming ay nag-isip ito ng mabuti. Napakabilis ng pangyayari at animo'y hindi mapigilan ni Wong Ming na hindi mabahala. Skill: Ice Shield! Sa isang iglap ay namuo ang mga tipak ng yelo sa paligid ni Wong Ming kasabay ng pagtama ng naglalakihang mga kidlat sa iba't-ibang direksyon ni Wong Ming. BANG! BANG! BANG! Sunod-sunod na pagsabog ang naganap sa direksyon ni Wong Ming at kitang-kita kung paano'ng tumalsik si Wong Ming sa huling atakeng pinalasap sa kaniya ni City Lord Bao. Kitang-kita kung paano'ng nagkasira-sira ang kasuotan ni Wong Ming at nagkaroon ito ng mga pasa sa katawan. Maging ang gilid ng labi ni Wong Ming ay may tumutulong sariwang dugo mula sa natamong sugat nito sa atake ni City Lord Bao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD