Chapter 2.3

1148 Words
Kahit na duguan at puno ng pasa ang mga parte ng katawan ni Wong Ming ay nagawa pa rin nitong tumayo ng mabilisan habang gulat na gulat naman si City Lord Bao sa kaniyang sariling nasaksihan. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang matalim ngunit seryosong pagkakatitig sa kaniya ng binatang estrangherong kaniyang ginapi sa mga oras na ito. "Ano'ng tingin iyan binata? Hinding-hindi mo ako magagapi lamang sa mga titig mong iyan. Masyado pa nga akong mabait upang ganyan lamang ang pinalasap ko sa'yo!" Angil ni City Lord Bao habang pinaningkitan niya ng mata si Wong Ming. Sa wari nito'y hindi niya matukoy kung ano'ng klaseng bagay o kalokohan ang naiisip ni Wong Ming at wala na siyang pakialam pa. "Tsk! Sa tignin mo rin ba ay magagapi mo ako sa pipitsuging mga atake mo City Lord Bao? Dapat palang pasalamatan ka sa iyong ginawa hahahaha!" Malakas na wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kasiyahan. Kahit na may tinamo itong pinsala ay todo ngiti pa ito. "Talagang nagawa mo pang ngumiti binata sa aking mga pinalasap sa iyong mga atake. Kung gayon ay hindi ko papalampasin ang iyong kapalaluan, tikman mo to!" Angil muli ni City Lord Bao habang makikitang halos mamula na ang makinis na mukha nito sa narinig niyang iwinika ng binatang estranghero. Alam niyang nagpapanggap lamang ito at gagamitin niya ang pagkakataong ito upang unti-unting pahirapan at paslangin ang binatang kaharap niya sa mga oras na ito. Biglang nabalot ang kamay ni City Lord Bao ng kakaibang kulay itim na enerhiya. Mas makapal ito kumpara kanina at sa isang iglap ay kitang-kita ni Wong Ming ang pagpasok ng itim na enerhiyang iyon sa dulo ng mga daliri ni City Lord Bao na siyang kasalukuyang kalaban niya. Skill: Devil's Meteor Strikes! Sa ere ay kitang-kita ni Wong Ming ang kakaibang mga bolang itim na mga bulalakaw na pabagsak sa kaniyang sariling pwesto. Nanatili lamang na nakatayo si Wong Ming at nag-isip ng mabuti upang hindi siya mapinsalang muli ng kalaban niya. Gaya ng inaasahan ni Wong Ming ay kakaiba nga ang mga atakeng ito ng kalaban niya. Hindi naman nagsayang ng oras si Wong Ming at mabilis na nagsagawa ito ng kaniyang sariling martial arts skill. Skill: Luminous Water Shield! Biglang nagkaroon ng malaki at sobrang kapal na tubig sa kinaroroonan ni Wong Ming na siyang inaasahan nitong mangyari. BANG! BANG! BANG! Gaya ng inaasahan ni Wong Ming ay hindi nga siya nabigo at nagawa nitong masangga ang malakas na atake ng kalaban niya habang ang ilan sa mga atake ng kalaban niya ay sa ibang parte tumama. Gulat na gulat naman si City Lord Bao sa kaniyang sariling nasaksihan. Alam niyang malalakas ang mga atakeng ginawa niya ngunit nasangga lamang ito ng ordinaryong skill ng binatang estrangherong kalaban niya sa kasalukuyan. Lingid sa kaalaman nito ay lihim na napabunyi si Wong Ming sa loob-loob niya. Sino ba naman ang magsasabing kakaiba ang estilo ng ginawa niyang skill dahil ordinaryo lamang ito kung titingnan ngunit mababa pa rin pala ang kaalaman ng kalaban niya. "Magaling binata, hindi ko aakalaing hindi kita matatalo sa mga ordinaryong pamamaraan na naiisip ko ngunit hindi ako titigil hangga't hindi kita napapaslang!" Malakas na wika ni City Lord Bao at kitang-kita kung paano'ng sumilay ang kakaibang ngisi sa mga labi nito. Tiningnan naman siya ni Wong Ming na parang wala lang. Kalmado lamang itong naghihintay sa tila pasabog na dala ng hagupit ng nasabing City Lord ng Mint City. Sa isang iglap ay nakita ni Wong Ming kung paanong nabalot ang kamay ni City Lord Bao ng maiitim na enerhiya kasabay nito ang pagsagawa nito ng tila pambihirang skill. Core Skill: Devil's Hand! Halos mapaatras si Wong Ming sa gulat ng matukoy ang pambihirang skill na tinutukoy ng kalaban niya. Kung hindi siya nagkakamali ay kamay iyon ng isang masamang nilalang at iyon ang gustong tawagin ni City Lord Bao. Nangunot naman ang noo ni Wong Ming at sa pagkakataong ito ay hindi din siya magpapatalo. Minsan na rin niyang hindi kinayang tawagin ang kamay ng nilalang na ito noong nasa puder pa siya ng amain niya ngunit ngayon ay gusto niyang tawagin ang nilalang na iyon at kung gaano ba kalakas ang nasabing skill na hindi niya matutunan iyon. Isang pambihirang core skill iyon at kung magagawa nga niya ay siguradong mapipinsala niya ng tuluyan ang kalaban niyang ito. Core Skill: Golden Crane's Hand! Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong umalpas sa kamay niya ang kulay puting enerhiya sa kamay niya na tila pinapaso ang mga kamay niya. Para sa katulad niyang hindi gamay ang Light Element Skill ay mapapaso talaga ang sinuman na susubok ng pambihirang core skill na ito. Magkagayon man ay hindi na nagdalawang isip pa si Wong Ming dahil buhay na niya ang nakataya rito. Para matalo ang mga masasamang nilalang na gumagamit ng i***********l at maiitim na mga pamamaraan upang mabuhay ay tanging ang mga pambihirang light element skill lamang ang makakatalo sa mga ito. Ibinigay ni Wong Ming ang atensyon niya sa pagsagawa ng pambihirang core skill na ito at kitang-kita ni Wong Ming ang paglabas ng ginintuang kamay ng isang pambihirang ibon sa ere kasabay ng paglabas ng malaking itim na kamay sa ere. Nagkasalubong ang dalawang naglalakihang kamay kasabay nito ang malalakas na tunog ng nagbubundulang mga bagay sa ere hanggang sa nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong paligid na ito dahilan upang mapatakip ng kaniyang mga mata si Wong Ming. Pagkawalang-pagkawala ng nakakasilaw na liwanag ay kasabay nito ay nakita ni Wong Ming ang kalunos-lunos na sinapit ni City Lord Bao. Ang maamong mukha at katawan nito ay bumalik sa orihinal na pangangatawan nito dahil sa labis na katandaan. Himdi inaasahan ni Wong Ming na napakalakas pala talaga ng core skill na itinuro sa kaniya ng kaniyang amain na siyang lubos niyang ipinagpapasalamat. Masasabi ni Wong Ming na nanalo siya sa labanang ito. Unang labang hindi niya inaasahang hahantong rito. Pinagmasdan niya si City Lord Bao at kitang-kita niya na halos di na ito makagalaw pa at ang tanging nakikita ay ang nakakatakot na pagngisi nito habang nakatingin sa ere. Ganon na lamang ang pagkagulat ni Wong Ming nang mapansin ang kakaibang bagay na nakalutang sa ere. "Kahit na mamatay ako binata ay hindi kita hahayaang magtagumpay at makalabas sa lugar na ito. Habambuhay ka ng makukulong rito kasama ang mga nilalang na ikinulong ko rito hahahaha!" Malakas na sambit ni City Lord Bao kasabay ng pagkalagot ng hininga nito habang nakapaskil ang nakapangingilabot ma ngiti sa mga labi nito. Halos napaatras naman si Wong Ming sa labis na gulat dahil alam niyang hindi nagbibiro ang matandang lalaking tumatayong pinuno ng sinaunang Mint City. Dito niya napatunayan na isang masamang nilalang nga ang nasabing kalaban niya. Nakaramdam si Wong Ming ng kilabot sa paraan ng pagkakasabi ng napaslang na si City Lord Bao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD