Chapter 3

2322 Words
Chapter 3 Kalahating oras ang hinintay ni Paula,dumating ang driver para sunduin. Pagkaalis ni Jacob at nung babae ay tinawagan niya si Yaya niya para magpasundo. Bumaba yaya niya sa sasakyan at nagpalinga linga kita niya ito mula sa glasswall ng coffee shop.Nawala ang excitement niya kanina, bigla nalang siyang nabored. Pero unlike noon kapag ganitong naiinip siya ay mas matalas ang kaniyang isip, kung ano ano pumapasok sa isip niya na gawin. Pero ngayon iba, gusto nalang niyang umuwi para magkulong sa kwarto. "Paula" tawag sa kaniya ni Yaya. Si Arianne lumabas mula sa loob.Lumapit din ito sa table niya. "ohh akala ko ba tatambay ka dito?" "Hindi na,tinawagan ko si yaya nagpasundo dito. Bigla akong naboring, uuwi nalang ako para makapag review. " "Ahsus,,talaga ba??wala kang lagnat??parang hindi ikaw yan". "Hay naku Arianne wala ako sa mood ha". "at bakit??dahil don sa babaeng kasama ni doc?" Inirapan niya ito.. Kilala talaga siya nito, napakadali para ditong basahin ang emotion niya. "Sinong doc naman yon Paula?"tinig nang yaya niya na nasa likuran niya. "Wala ya, huwag mong pansinin yang sinasabi ni Arianne." "Ahsus" "Tigilan mo ako Arianne, baka gusto hindi na kita babayaran". "Aba, hindi pwede.. wala akong allowance huyy". Tinawanan niya lang ang kaibigan, alam niyang naasar na ito sa kaniya. Tumayo siya para ayain ang yaya niyang lumabas na ng coffee shop, natatakot siyang baka kung ano na naman ang mabanggit ni Arriane dito. "Himala, hindi matigas ang ulo mo ngayon".Sarkastikong puna ng yaya niya pagdating niya sa loob ng sasakyan. Umirap siya sa hangin. "Yaya naman, diba yon din naman ang sabi mo, magreview ako?" "Abay dapat lang, baka mamaya biglang bagsak ng grade mo, sayang ang slot mo sa pagka valedictorian anak, huwag mong ipaagwa sa iba". "Naku naman si yaya, para namang may makakatalo sakin". "hay naku, Paula ayan kana naman., tara na nga mang Carlito., baka biglang magswitch mood itong alaga ko, sasakit na naman ang ulo ko". Pumikit siya at sumandal sa upuan.Sa buong buhay niya na puro sermon ang nakukuha sa paligid ngayon lang siya narinde. Ayaw niya muna nang ingay. "Stop it yaya, masakit ang ulo ko., ayoko nang maingay". "Abat, kailan mo pa naappreciate ang katahimikan, diba parang mauutas ka kapag hindi ka gumagawa ng gulo." "Yaya please, I'm serious, ayoko muna nang kausap". Muli siyang pumikit, hindi na niya nakita ang reaksyon ng yaya niya sa sinabi niya. Mabuti nalang at nanahimik na rin ito. "Andito na tayo Paula, gising na". marahan na niyugyog ng yaya niya ang balikat, akala siguro nito ay natulog talaga siya. Wala lang siya talaga sa mood makipag usap. Tumuwid siya ng upo. at lumabas ng sasakyan.Naglakad siya papasok ng bahah nang tawagin ulit. "Paula anong gusto mong meryenda?"Nilingpn niya ito saglit. "Wala, hindi ako nagugutom". Mabigat ang hakbang na umakyat siya sa kwarto niya, nagbihis lang siya ng pambahay saka binagsak ang katawan sa kama. Hindi niya maintindihan ang sarili,unang beses na nawalan siya ng direksyon. Niyakap niya ang kaniyang unan,biglang pumasok sa isip niya si Jacob.Hindi kayang iabsorb ng utak niya kung bakit may disgusto ito sa kaniya. Pinaplano niya sa isip kung paano ito mapapayag sa date na inaalok niya. Napabuntong hininga siya. Hindi pwede,kailangan niyang kumilos bago pa siya maunahan nung babae. First time niyang nagkainteres nang ganito sa lalaki. Nagising siya sa katok ng yaya niya sa pinto, dinig niya ang boses nito habanv tinatawag ang pangalan niya. "Paula,paula.." Tamad siyang bumangon para pagbuksan ito. "Kinabahan ako sayo, bakit naglock ka ng pinto ng kwarto mo?kailan mo pa natutunang maglock?" Sumimangot siya. "Yaya, nabibingi ako sayo, please ayoko muna makarinig nang kung ano ano".Umangat ang labi ng yaya niya at mataman siyang tiningnan, padaskol bumalik sa kama para humiga. "May sakit kaba baby??bakit parang matamlay ka?Hindi ka man lang nakapagpalit ng pambahay,anong masakit?" "Ya,don't be OA, I'm just not in the mood, I just want to lay down". "Ang haba na nang tinulog mo,Mag-ala sais na ng gabi, akala ko naman nakafocus ka sa review mo kaya hindi na kita inistorbo, hindi ka rin nag meryenda". "I'm not hungry" "Sabihin mo nga sakin may sakit kaba??" "Wala po" "Bakit matamlay ka?hindi ako sanay na ganyan ka Paula" "Wala lang ako sa mood yaya." "Oh siya,ayusin mo ang sarili mo dahil parating na ang mga magulang mo, may bisita silang kasama dito maghahapunan" "Pasabi nalang kina mommy na hindi ako sasabay sa dinner ya,magpapahatid nalang ako ng pagkain dito sa kwarto" "Ehh,anong sasabihin ko sa mommy mo?" "Sabihin nyo nalang na masama ang pakiramdam ko yaya.,hindi ako nakapagreview kanina kaya ngayon ko gagawin" "Sure ka ba?huwag kang gagawa ng kalokohan ha may bisita sila mommy mo. Behave ka dito sa kwarto mo,baka mamaya tatakasan mo ako.Naalala ko ginawa mo na to dati, kunwari masama pakiramdam mo yon pala style mo lang para kunwari iisipin ko andito ka lang sa loob" Umirap siya sa pader,heto na naman. akala niya totoong concern na ito sa kaniya,may pahabol paring sermon ,." "Seryoso ako this time, wala talaga ako sa mood,." "Mukha nga,.. ipapahatid ko nalang dito kay Irma ang pagkain mo.Tawagan mo ako kapag may kailangan ka ha?" "Yes po" Pag-alis nang yaya niya ay nagpasya siyang magpalit ng damit. Binuksan niya ang cellphone at nagpatutog. Minsan ginagawa niya yon para marelax. Nagsimula siyang magbuklat ng notes.,sa susunod na linggo finals na nila,. Hanggang ngayon wala parin siyang naisip na kuhaning kurso sa kolehiyo. Pero maliit palang gusto niyang pumasok sa PMA.Yon nga lang mahigpit iyong tinutulan ng ama. "Mam Paula, heto na po ang pagkain nyo mam" "Pasok ate Irma" Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa iyon ni Irma na may dalang tray nang pagkain. Naamoy niya agad ang aromatic na amoy kay bigla siyang nagutom. "Mam Paula,pinapasabi ng daddy nyo bumaba daw kayo, dahil ipapakilala kayo sa bisita nila" "Sinabi ko na kay yaya na masama ang pakiramdam ko ate Irma. Pasabi nalang" "Ay sige mam Paula,sabihin ko nalang.Tawag po kayo sa kusina kapag tapos na kayong kumain, para kunin ko ito" "Hindi na,tatiming nalang ako na wala na sa kusina sila mom, ako na magbababa nito". Paglabas ni ate Irma, nagsimula siyang magreview, pero walang pumapasok sa utak niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Wala naman siyang particular na iniisip pero distracted siya, wala siya sa focus.Ngayon lang to nangyare sa kaniya, ganun ba talaga kapag papunta kana sa mid adulthood, mabilis nang madistract. Eh tanong saan siya nadidistract?? Napailing siya, ayaw niya ng ganito, nabobored siya, dati kapag ganung naiinip siya palagi siyang tumatakas, ngayon ewan ba wala din siya sa mood lumabas or makipag-usap sa ibang tao. Mas gusto niyang namnnamin ang katahimikan. Kinuha niya ang isang bote nang tequila na tinago niya sa kaniyang damitan. Hindi iyon nakikita nang mga katulong dahil personal na siya mismo ang nag-aayos nang closet niya, ayaw niya nang iba. Lingid sa kaalaman ng magulang, na kapag hindi siya makatulog ay tinutungga niya yong alak, lalo kapag mahigpit ang mgat itong nakabantay sa kaniya kaya hindi niya magawang tumakas. Napangisi niya, akala nyo ha mommy daddy, madiskarte tong anak nyo. ,aniya sa isip habang nakatitig sa bote nang alak. Nakailang shot na siya bigla siyang nahilo.. Ohh wag sabihing pati sa alak wala naring pagka dominant niya.Binabanas siya kahit malakas naman ang aircon, para siyang nasuffocate. Lumabas siya sa terrace ng kaniyang kwarto, katapat niyon ay garden ,at pool. Gusto niyang lumanghap nang hangin. Nanatili siya roon nang ilang minuto, pero still naiinitan parin siya. Niyuko niya ang tingin sa pool, it was inviting, ilang linggong hindi siya lumulusong dahil tinatamad siya. Mas gusto niyang gumala. Pumasok siya sa loob ng kwarto ,balak niyang lumangoy sa pool baka sakaling mawala ang pagkabored niya at banas.Napagpasyahan niyang bukas nalang magreview dahil wala naman siyang pasok. Nagpalit siya ng two pieces bikini, naka revailing nang cut nun, kapag nakita siya ng mom niyang pihong makukurot siya ,dahil konting pagkakamali niya ng galaw mahuhubaran siya. Nasa kusina naman ang mga ito kaya imposibleng makita siya, nasa kabilang side naman ang pool, . Marahan siyang lumabas ng kwarto hanggang sa makababa ng hagdan, binibit niya nalang ang tsinelas para hindi iyon lumikha ng ingay. Ayaw niyang masira ang mood niya ngayon. Gusto niyang mag-isip isip habang ninamnam ang tubig sa pool. --- Nagpaalam si Jacob na lumabas pagkatapos nilang kumain, kanina pa kasi nag vibrate ang cellphone niya. Nakita niyang tumatawag si Rose. Naexcite siya. Mula sa kusina naglakad lakad siya sa labas ng bahay nang mga Salcedo. Hanggang sa napadpad siya sa garden. Nagustuhan niya ang ambiance doon dahil mahangin.Umupo siya sa upuang yari sa rattan na nasa tagong bahagi ng garden , sa likod niyon nakita niya ay pool. Walang tao. Doon niya tinawagan si Rose, malamang mag-uupdate lang ito sa kaniya kung nakarating naba sa trabaho. Dapat ihahatid niya ito ngayon. Kaya lang hindi naman niya mahindian ang imbitasyon ni Doctor Salcedo. Napakabuti nito sa kaniya kaya nahiya siyang tumanggi, at isa pa ang ibang kasamahan niyang doctor ay sumama din. Mula sa kinaroroonan niya ay kita ang kabuaan nang bahay, simbolo nang karangyaan. Hindi naman bago sa kaniya ang ganung structure ng residential house, malaki lang ito nang kaunti sa bahay nila. Malaki lang floor area ng bahay ng mga Salcedo. Sa kanila naman ay mas malawak ang bakuran. "Hello Rose,sorry hindi ko nasagot ang tawag mo, may kausap kasi ako" "Okay lang , nandito na ako sa trabaho, ingat ka pag-uwi" malambing nitong saad. Napamura siya sa isip. Bigla niya itong namiss. "Sorry hindi kita nahatid. Hindi ko lang matanggihan ang imbitasyon ni doctor Salcedo." "Okay lang ,naintindihan ko" "Sunduin nalang kita bukas ng umaga at ihatid sa bahay mo saka ako pumasok sa hospital." "Hindi na, baka overtime din kami bukas". Napabuntong hininga siya. Napaka understanding nito lalo na sa mga oras na dapat magkikita dila pero palaging meron siyang biglaan na tawag, kadalasan sa hospital. "I'm sorry, bawi nalang ako sayo kapag nagmeet ang schedule naten,wag ka sana magtampo" Tumawa ito nang mahinhin. "Ano ako bata?para hindi maintindihan yan, huwag kanang mag-isip nang kung ano ano doc,sige ka matatranasfer mo yan sa mga pasyente mo".Pabiro nitong sabi, kahit nagbibiro ito ang hinhin parin magsalita. Kaya naman mas lalo siyang nahuhulog sa babae.Kayang kaya nitong maging kalmado kahit sa isang mahirap na sitwasyon. "Thank you Rose " "I have to go doc, magsisimula na kami" "Okay bye" Paalis na sana siya sa garden nang magbeep ang cellphone niya.. Nagtext ang kaniyang kapatid,nag-aaway na naman daw ang mommy at daddy nila. Hindi na bago sa kaniya yon, sanay na siya sa away ng mga magulang.,Kinalakhan na nga nilang magkapatid ang tagpong iyon sa bahay nila. Kaya yong sinasabi nilang kapag mapera ay wala dapat pinuproblema, pero ang totoo natatakpan lamang ng salapi ang isang lugmok na pagkatao ng isang tao.Mas una kasing nakikita ang physical at material na mayroon ang isang tao pero hindi nila alam na sa mas may kayang pamilya ang mas magulong buhay. Walang peace of mind, at walang kakuntentohan sa buhay kaya hindi lubos na magiging masaya. "Go to your room and finish your homework, malapit na ang pasok mo sa kombento, kailangan maging mas matatag ka" ito ang reply niya sa kapatid. Malalim siyang huminga at akmang tatayo para pumasok ulit sa kabahayan, nang biglang may kung anong bumagsak sa tubig. Napatayo siya ,wala naman siyang napansin na may taong dumaan habang may kausap siya. Naglakad siya ng marahan palapit sa pool. May naaninag siyang tao ilalim nang tubig,hindi gumagalaw., nangunot ang kaniyang noo. Nalulunod ba yon?? Napabilis ang hakbang niya palapit sa pool, at tinitigan ang ilalim nang tubig. Ilang segundo nang ganun pero hindi parin umaahon. "Shitt,nalulunod yata" Mabilis niyang hinubad ang sapatos at nagdive sa tubig. Hindi siya ganun kagaling sumisid pero marunong naman siyang lumangoy. Dahil mahaba naman ang kaniyang kamay ay hindi siya nahirapan abutin ang tao. Mahigpit niya agad iyong hinawakan sa bewang at iniahon sa tubig. Nagpupumiglas ito, kaya naman napaahon siya.Buhay... buhay ang tao. Thank you Lord. sambit niya isip. Kaya lang biglang nanlamig ang buong katawan niya nang maramdaman ang sampal nito. "What the fuck..who the hell are you para istorbohin ang katahimikan ko?"Sigaw nito. Sapo ang mukha nang balingan niya ito. Nanlaki ang mata niya nang makita ang itsura ng babae.Ang sakit ng panga ay hindi niya muna dinamdam sa mga oras na yon. Maging ang babae ay natigilan nang masilayan ang mukha. "You??,what are you doing here?" hindi na ito galit ,gulat na ang nakikita niya sa mga bata nito. Tinalikuran niya ito, umahon siya sa pool. Niyuko niya ang sarili, basang basa siya. Wala pa naman siyang dalang extra clothes sa sasakyan. "f**k" "Hey doc." natigil siya sa paghakbang nang hawakan siya ng babae sa braso, kaya namaan napaharap siya dito dahilan para bumangga ito sa katawan niya. Mabilis niya itong nasalo ,kung hindi ay babagsak ito sa sahig,.Hindi agad siya nakakilos nang makita ang kabuuan ng babae, halos hubot hubad ito sa sa nipis na suot na bikini. "Putang ina" Hindi naman niya akalaing, ganun kaganda ang hubog ng katawan ng anak na bunso ng mga Salcedo. Nagsisi siya kung bakit pumunta pa siya doon. Sunod sunod ang pagmumura niya sa sarili nang marealize na nakadikit ang katawan nila sa isat isa. "Heyy doc, ano??tulo laway mo?" bulong ng babae malapit sa teynga niya.. Naamoy niya ang alak mula sa bibig nito pero hindi naman mabaho ang hininga. "Now doctor Reece Jacon Herrera ngayon mo sabihin sakin kung hindi mo nga ako magugustuhan". Nagtagis ang bagang niya sa narinig, alam niyang inaakit siya ng babae. Baka nga alam nito na naroon siya sa pool at sinadya nitong kunwari nalulunod para sagipin niya.Napailing siya. ,kaya naman sa halip na itayo ito ,ay binaba niya ang babae sa sahig.Saka iniwan doon. "Isang araw you'll be mine doc Herrera.,mark my word" malakas na saad nito. Agad siyang nanliit dahil baka may makarinig. "Shit.. shit... shit....."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD