Chapter 4

2102 Words
Chapter 4 "Jesus,anong nangyari sayo sir.. basang -basa po kayo".Nakita siya ng isa sa katulong nang mga Salcedo bago pa siya nakarating sa parking, ito yong inutusan kanina ni doc Salcedo na tawagin si Paula.Kasunod nito ay ang Mrs Salcedo. "Anong nangyari iho bakit ka basang-basa.?Sino may gawa niyan sayo??" bulalas nito. "Sinagip niya ako mom, akala niya kasi nalulunod ako."Napapikit siya ng mariin nang magsalita si Paula sa likuran niya. Sumunod pala ito sa kaniya. "Jesus Christ, anong klaseng suot mong yan Paula, saka bakit nandito ka sa baba.Akala ko ba nasa kwarto ka masama pakiramdam mo??..Yaya...???"Pagalit nitong tanong sa anak, ngumisi lang ito.Mabilis naman itong dinaluhan ng tinawag nitong yaya at itinali ng maayos ang suot na roba. "Nabored ako mom, the pool is inviting me to go for a swim,. Then mayroon pala kayong bisita na nakaabang lang yata para bumaba ako,malay ko bang lulusong din siya sa tubig.," maarte nitong saad. Kumindat pa sa kaniya, kaya naman lalo siyang nainis dito. Wala talaga tong kahihiyan sa sarili. Pinagbintangan pa siyang inabangan itong lumabas. Lakas din ng tama nang babaeng to. Maganda pa naman sana pero parang walang laman ang utak. "Excuse me, hindi po totoo ang sinasabi niya. Nasa garden ako for an urgent call, then suddenly something fell in the water ,I was just near beside the pool so I decided to take a look,may tao sa ilalim ng tubig na hindi kumikilos for a couple of minutes, I thought nalulunod siya". "Talaga ba doc??parang hindi naman yon ang intention mo, iba nga ang tingin mo sakin kanina e" "Tumigil ka Paula, gumagana na naman ang kapilyohan mo, hindi kana nahiya sa bisita.Umakyat ka sa kwarto at magpalit kang damit." Saway ni Mrs. Salcedo sa anak, . "Thank you for saving me tonight doctor Reece, next time ikaw naman ang isave ko" "That's enough Paula Veronica, go to your room and get discent clothes". Pinigilan ni Jacob ang mapailing, the way kung paano kausapin no doctora Salcedo ay para itong paslit na walang alam sa mundo. Sabagay, mukha naman talagang walang alam ang isang ito. Ano paba ang iniexpect niya sa character ni Paula , rich girl and spoiled brat. "Yaya, samahan mo na rin sa taas si doc Herrera, ikukuha kita nang damit nang isa sa mga anak ko doc. Pasensya kana sa kalokohan ng dalaga ko., pilya talaga yon, hindi ko naman akalaing pati ikaw ay biktimahin niya. I really sorry doctor Herrera. " "It's okay mam, ganyan talaga siguro ang mga bata ngayon, masyadong agressive". Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ni Paula ang sinabi niya na hindi nakakalayo sa kanila. Mabuti na yong alam nito kung ano ang tingin niya rito, isa itong bata, sa ugali at kung paano ito umasta. Nilingon siya nito at bahagyang tumaas ang kilay.Sinundan niya ito nang tingin habang inaakay ng yaya nito paakyat ng hagdan. Big turn off sa kaniya ang ganun,ang laki laki na palagi pang may nakasunod na yaya. Ano yon habambuhay nang ganun??Ni maglaba nga ng underwear yata ay hindi pa marunong ,pero ang lakas ng loob mang-akit.. Hindi niya maiwasang mapailing. "Apoligize on the behaviour of my daughter doctor Herrera.," Hinging paumanhin ng ama ni Paula. Bakas sa mukha nito ang pagpahiya. Ang mga kasama nilang doctor ay hindi rin makapaniwala sa nangyare.Para tuloy siya ang napahiya kahit gumawa lang siya ng kagandahang loob. shitt. .. "I understand doctor Salcedo." "Pahihiramin kita nang damit ng aking anak na lalaki iho, .ahh Rina pakisamahan si doc sa guest room, para makapagshower siya, kukuha ako ng damit niyang pamalit.. Excuse me doc.. " Sumunod siya paakyat sa katulong, at dalawang pinto mula sa hagdan sa kaliwa ay pinapasok siya sa isang silid doon. "Kompleto po ang gamit sa banyo sir.,kukunin ko lang kay madam ang damit pamalit nyo" wika ng katulong. "Thank you very much". Pumasok si Jacob sa kwarto, may kalakihan iyon at may namataan siyang dressing cabinet sa loob,. May family size bed naman sa gitna.. Nagustuhan niya ang wall paper na nakakabit sa pader sa ulunan nang kama,very aesthetic. Pagpasok niya ng banyo ay ay tumambad sa kaniya ang ang isang bath tub na kasya ang isang tao,nakatiles ang dingding ng puti na may disenyong biak na bato ,dominant white ang kulay kaya maaliwas. ,ang sahig naman ay kulay brown. Nagsimula na siyang maligo at walang pag- alinlangan na ginamit ang mga sabon na naroon,. Light ang amoy nun compare sa mga ginagamit niya,pero nagustuhan niya naman.,Hindi iyon masakit sa ilong. Parang guminhawa ang pakiramdam niya after magshower.,Nawala ang pagod na naramdaman kanina. Nang matapos ay lumabas na siya ng banyo. ,May nakita siyang tshirt at pants na nasa ibabaw ng kama.,Hindi na siya nag-atubiling damputin iyon ,may tag pa na nakakabit kaya malamang hindi pa rin iyon nagagamit. Mabuti naman. Unan niyang sinuot ang boxer short na naroon,. Tinanggal niya ang tuwalya ,sunod niyang dinampot ang pants.. "Nice butt" . Napalingon siya sa nagsalita sa likuran niya, hindi niya iyon napansin kanina paglabas ng banyo, masyado bang malalim ang kaniyang iniisip at hindi niya namalayan ang pagbukas nito ng pinto. Ang pagsusuot ng pants ay napurnada., Humakbang sa kaniya ang babae palapit. Nakasuot lang ito nang manipis na nighties at Jesuss.. Walang suot na bra. Tang -ina.. "Hi doc.., susunod ka din pala dito sa taas, paayaw ayaw kapa kanina". Maarte nitomg saad, idinikit ang dibdin sa braso niya, dahil matangkad itong babae hindi na kailangan lumiyad para maabot siya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan, parang may pandikit ang sahig. "What are you doing here Paula". matigas niyang tanong.Tumawa naman ito nang bahagya. "This is where I lived, ano bang tanong yan doc". Sa pagkakataong yon ay mas lalong idinikit nito ang katawan sa kaniya. Muli siyang napamura isip.Ang isip niya sinasabing naiinis siya sa ginagawa nitong pang-aakit pero kusang gumagawa ng tugon ang katawan niya.Napakaganda ni Paula ,aaminin niya. Sa edad nito ay hubog na hubog na ang katawan. "Hmmm.,your body responded on me Reece.,don't deny it." Bahagya niya itong naitulak kaya napalayo ito sa kaniya. Ahad niyang tinaas ang pants at mabilis na sinuot ang tshirt. "In your dreams baby girl"Tumawa ito na may halong pang aakit, umupo ito sa kama ay itinukod ang dalawang kamay sa likod, sa posisyon na yon mas kita niya ang n****e nitong nakabakat sa suot nitong manipis na nighties. Ang bata pa nito pero ganun na kung magsuot nang pantulog. Pinigilan niya ang sariling huwag itong haklitin at siilin nang halik kahit yon ang gustong mangyare nang katawan niya. "You are always in my dreams doc.. in my wet and sweet dreams" "Your crazy" "I am, so much crazy over you Reece" Iba ang dating sa kaniya nang pagkakabigkas ng babae sa kaniyang first given name.,Bibihira ang tumatawag sa kaniya ng nun dahil ayaw niya, masyadong pambata ang tunog, pero parang iba kapag si Paula ang bumibigkas. Mabigat ang binitawan niyang paghinga saka niya ito tinalikuran. Hindi siya mananalo sa isang ito,Malakas ang loob dahil nasa sariling pamamahay., kailangan na niyang lumayo dito bago pa siya magsisi. "Oopps, not yet doctor Reece,were not done yet" Bago pa niya maabot ang door knob ay nahawakan na agad siya nito sa braso at malakas na hinila pabalik, dahilan para ma-out balance siya at bumagsak ang kalahating katawan sa kama, kasama ang babae at nasa ibabaw niya ito. "What the f**k. ang lakas niya parang hindi babae. " "See hindi mo ako kaya, hindi ko pa nga ginamit ang skills ko sa kombat tumba kana agad.," Ahh kaya pala ganun ito kalakas , may training pala sa martial arts,. Nakakapagtaka nakahiligan nito iyon,. "Huwag mo akong yayabangan babae, hindi mo ako kilala.,Swerte ka at nandito tayo sa bahay nyo.,kapag nagkataong nasa ibang lugar tayo kanina pa kitang pinaluhod." Gamit ang lakas ay tinulak niya ito sa kama, kita niyang sumubsob ito doon. Agad siyang tumayo at lumayo dito. Sa halip na magalit ay tila natuwa pa ito . Baliw nga talaga. "Ooww, I like that. Hindi kita uurungan sa hamon mo doctor,mas gusto ko nga yon". "You know what, your parents are the most repectful person I am wondering kung bakit sila nagkaanak ng kagaya mo, walang delikadesa sa sarili.,or sadyang pinili mong maging ganyan...lumandi nang kung kani-kaninong lalaki". Nilapitan niya ito at niyuko. "Kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan, sa lahat nang katangian ng babae nasa iyo lahat ng ayaw ko". Bulong niya sa teynga ni Paula, pagkatapos ay umayos siya ng tayo. Nakita niya ang pagbabago sa expression ng mukha nito.,Ngumisi siya at mabilis itong iniwan sa kwarto.Mabuti na rin yong sinabi niya na ayaw niya dito, para hindi na siya nito kukulitin. Sana nga ay hindi na sila magkita pa, mas preferred niya iyon. Magalang silang nagpaalam sa mag-asawa. Humingi ulit ang mama ni Paula ng paumanhin sa kaniya. At hindi na kailangang ibalik ang damit dahil hindi na rin naman daw yon hahanapin ng anak.,Kaya yong bago at hindi pa nasusuot ang binigay sa kaniya. Mag isa lang siya sa sasakyan dahil ang tatlong kasama nila ay iisa ang daraanan, siya lang ang naiiba kaya walang sumabay sa kaniya. Sinipat niya ang relo, alas nueve y media na ng gabi, busy na ngayon si Rose. Nangako siyang tatawagan ito kapag nakauwi na, pero nakatanggap siya ng text kanina na magiging busy na ito at baka hindi na masagot ang tawag niya. Pagdating sa bahay ay katulong nalang ang naabutan niya,may niniligpit itong kalat sa sala. Hindi na niya kailangang itanong kung bakit. Malalim siyang huminga at umakyat ng hagdan, nasa gitnang baitang palang siya ay narinig na niya ang boses ng ina tinatawag siya. Lasing na naman. "Jacob..,Jacob anak,I'm glad your here, your father. He left again, at hula ko pinuntahan na naman niya yong babae niya". Paiyak nitong sabi.Bumaba siya at inalalayan itong umakyat ng hagdan. Kapag ganitong nakainom ay hindi na niya ito pinapatulan baka kung ano naman ang maisipang gawin. "You gotta sleep ma, bukas nalang tayo mag-usap". "No, lets talk right now. You need to help me find that woman, she is home wrecker. Sinira niya ang pamilya naten, hindi mo ba yon nakikita?" "Ma, enough please. Pagod ako. Saka mo nalang ako kausapin kapag hindi ka lasing, " Kinuha niya braso nito at sinukbit sa balikat niya. Naparami na naman ang inom,. Kung hindi nasa sugalan, alak ang inaatupag, hindi naman niya masisisi ang papa niya kung bakit malayo ang loob sa asawa. Nang maihatid sa silid ang ina ay pinuntahan naman niya ang silid nang kapatid, naabutan niya itong gising pa at nasa study table, nakabukas ang laptop nito at stereo. "Your still up??" "Ngayon ko palang kasi tatapusin ang home work ko kuya, inawat ko kasi sila mama at papa kanina ..Nag-aaway na naman". "I'm sorry, hindi agad ako nakauwi nung magtext ka,nag-aya kasi ng dinner ang mga Salcedo. Mahirap naman tanggihan". "I understand kuya," "Marami paba yan?you need help??" "No, Konti nalang to, matutulog narin ako after." "Okay, ihahatid kita sa school bukas, sa tanghali pa naman ang duty ko".Nagliwanag ang mukha nito saka niyakap siya. "Thanks kuya.." "Okay, good night. Magpapahinga na rin ako". Nagbihis siya ng damit pantulog saka bumaba sa mini bar nila sa loob ng opisina ng papa niya.Sa ganitong pagkakataon ay hindi agad siya makakatulog. ,Nagsalin siya ng alak sa basong nilagyan niya ng yelo, marami ang tumatakbo sa kaniyang isip. Kapag ganitong nag-aaway ang papa at mama niya mas pinipili nalang nitong umalis ,dahil ang kaniyang ina ay hindi rin tumitigil kaka dadak kapag nakikita nito ang kaniyang ama. Bumili nang condo malapit sa kompanya ang ama, ayaw nito iyong gawin pero yon ang option na naisip nito para maiwasan ang ganitong eksena nila sa bahay. Iniiwasan narin ng papa niya ang nangyare noong mag-agaw buhay ang kapatid niya. Umuuwi lang sa bahay nila ang ama para sa kanilang magkakapatid, pero ang relasyon nito sa ina at kahit kailan ay hindi na naging maayos. Normal na sa kaniya ang ganung tagpo sa pamilya nila, most of time he remain quite, hindi na rin siya nagtangkang magtanong ka sa ama. ,Iisa ang dahilan kung bakit nagagalit dito ang mama niya, dahil sa pagkakaroon nito nang anak sa labas. Tumunog ang cellphone niya.Dinukot niya iyon sa bulsa. "RJ, please meet me at my office before your duty tomorrow. I'm sorry for today son, please take care of your brother" Napabuntonghininga siya at pinatay ang cellphone, inubos niya ang laman ng baso at umakyat na sa silid niya..Binagsak niya ang katawan sa kama,at pumikit. Pero biglang pumasok sa balintataw niya ang imahe ni Paula kanina suot ang nighties nito. "Shittt"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD