“Stop this nonsense dad! “
“Anak, Don’t you think I deserve naman-“
“No, You will not get my permission..”
“but-“
Huminga si irish ng malalim at tinignan ng matalim ang kanyang ama na nasa likuran niya.
“Kung ayaw mo naman palang making, then don’t seek for my permission-“
“Ate, Don’t speak to dad like that, ama parin natin siya…”
Mas lalong uminit ang ulo niya ng marinig ang sinabi ng bunso nilang kapatid.
“Shut up! You don’t know anything.. Kapag nalaman ito ni ate ay siguradong mapapagalitan kayo pa.. and don’t you think napakaaga niyo namang palitan si mommy?”
“I am not replacing your mother irish!”
“Then what?” Sabi niya sa nanghahamong tono.
“I just need someone who will take care of me when I’m old..that’s all..”
Hindi siya sumagot at dumiretso sa kanyang kwarto. Dalawang lingo matapos ang kanyang graduation ay ganito ang bubungad sa kanya sap ag uwi niya sa kanilang bahay.
“Irish.. Please do understand iha-“
“Hindi ko kayang intindihin dad! Kung ang mag aalaga sa inyo ang iniisip niyo, I am here-“
“Iha, Iba parin ang-“
“Dad, please stop.. I don’t want to argue with you.. If you really want that then go, But you have to know that I will not claim you as my father…”
“You’re so selfish-“
“Bakit? Selfish na ba kung ipagdamot kita? Dad, I was only trying to protect the vows you’ve given to mommy.. And for Christ sake, Wala pang taon mula ng mamatay ang mama ko then you want to have a family?” May galit sa bawat sinabi niya habang nakatingin sa kanyang ama.
“Did you ever ask yourself dad? Tapos mon a ang pagiging ama mo? Hindi. Tapos bubuo ka ng isang pamilya? Paano si bunso? Masisigurado mo ba na hindi siya mamaltratuhin ng magiging asawa mo ha?” Sunod sunod na tanong niya ng may diin ang bawat salita niya. Galit na lumapit ang kanyang ama at hinawakan siya nito sa kanyang balikat ng mahigpit, na ikinagulat niya.
“Don’t you ever dare to question my capabilities as a father! Dahil kung hindi dahil sa akin, Hindi ka makakatuntong sa kolehiyo..!! “
Padabog niyang inalis ang kamay ng kanyang ama at kinuha ang Malaki niyang maleta.
“Ano? Aalis ka dahil sa sinabi ko? Irish, Konting pang unawa lang naman ang hinihiling ko e.. Hindi niyo kasi ako naiintindihan..”
Sa sinabi nito ay nag init ang kanyang mga mata.Ipinasok niya ang iba pang gamit niya sa maleta bago hinarap ang kanyang ama.
“Bakit dad? Ako ba inintindi mo?”
“Oo-“
“Sinungaling..Hindi mo’ko naiintindihan, kahit kalian. Dahil ang inisip mol ang, ang sarili mo. You didn’t even bother to say hi to me,not once nor twice…You just talk like I’m your dude.. Ng mamatay si mama, Pinag usapan na agad ang mga tungkol sa material na bagay.. Did you even ask how am I back then? NO… Dad, I was afraid that time, nearly my breakdown. Tapos ngayon sinasabi mong hindi kita maintindihan? Alin din doon sa sinabi ko ang mahirap na intindihin? I was just only saving and hoping na sana man lang kahit wala na si mommy ay sagrado parin ang vows niyo.. Yun lang!”
Pinunasan niya ang kanyang mga luha at kinuha ang mga mahahalagang papeles sa kanyang mesa at isinilid iyon sa kanyang maleta.
“Look dad, I want to rest..” Sabi niya ng kumalma ang damdamin niya. Her father didn’t say a word pero umalis.
‘Ano bang buhay to!’
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nilingon muli ni Irish ng isa pang pagkakataon ang bahay nila bago sumakay sa tricycle na maghahatid sa kanya sa restaurant na pagtratrabahuan niya pansamantala. Gustuhin man niyang mag board exam ay ipinagpaliban na lamang muna niya. She and her father got a fight last night, at iyon na yata ang pinakamalalang away nila. Her father was trying to seek her permission para sa pag aasawa nito uli na tinanggihan niya.
Ayaw man niyang iwan ang bahay nila ay mas makakabuti na rin dahil alam niya na mukhang hindi niya mapipigilan ang gusto ng kanyang ama. For three years, She lived in his shadows. Kung anong gusto ng kanilang ama ay sinusunod niya. Pagod na siya bilang isang magaling, mabait, at magalang na anak. Napatingin siya sa isang napakataas na building sa dinaanan nila at hindi niya maiwasang humanga.
“HEMSWORTH” basa ng kanyang isip. She knows that place, pero tingin niya ay mangilan ngilan lamang ang nakakapasok doon. Pihikan kasi ang nag papatakbo sa building na iyon.
“Ma’am deretsuhin ko lang po ba?”
“Yes, Pero pag nasa highway na tayo ay ibaba moa ko sa harap ng nag iisa at malaking building ng jollibbee..”
“sige po…”
Ayaw naman niya kasing ipagbili ang mana niyang lupa, first is because that’s the only thing her mother leave to her, except of course, kasali na din ang pagiging babae at ang pagtatapos niya ng kolehiyo.
Hindi nagtagal ang byahe nila dahil kung tutuusin ay inside the town lang din siya magtra trabaho. Malapit sa hangganan ng kanilang bayan. Paglabas niya sa tricycle ay sumalubong sa kanya ang isang cute na bata, together with a man aging 30 year’s old, kung di siya nagkakamali.
Binati niya ang bata pati na rin ang lalaki.
“You must be irish?”
“Yes po..”
“Good. I am Ferdie Saver and this is my son, Zavier.. Ako ang nagmamanage sa restaurant na pagtra trabahuan mo..”
“Uhm, thank you sir..”
“C’mon. Ihahatid kita sa restaurant bago kami pupunta sa opisina ko..”
Walang atubiling isinakay din niya ang kanyang mga gamit bago pumasok sa loob ng kotse. Ayos na rin ang trabaho niya kung tutuusin. Ng mag ring ang cellphone niya sa kalagitnaan ng byahe ay hindi niya pinansin.
“Bakit hindi mo sagutin iha..?” Narinig niyang tanong sa kanya ng boss niya. Tinignan niya lang kung sino ang tumatawag at ng malamang si Krishna ay hindi niya sinagot bagkus ay pinatay pa niya ang kanyang cellphone.
“Ah, Wala ho yan sir.. Mga taong walang magawa sa buhay..” Aniya sa mababang tono at tipid na ngumiti.
“Iiwan ko si Zavier sa restaurant, Dibale at naroon naman si Catherine..”
Napatingin siya sa napakacute na bata, nakangiti at kumakaway sa kanya.
“Ah.. sige po.”
Nagwave din siya ng kanyang kamay at nginitian ang bata.
“Ang ganda mo po ate, lalo nap ag nakangiti ka..” sabi nito sa napakacute na boses na nagbigay sa kanya ng simpleng ngiti. Bolero!