Chapter Three

1647 Words
“Be, Pinapatawag ka sa faculty office..Kakausapin ka raw ng dean natin..” Tipid niya lang tinanguan ang kaibigan niya sa sinabi nito. Tatlong buwan matapos mamatay ang kanilang ina ay nagsimula na ring maging walang kulay ang mundo niya. Bagama’t hindi niya pinababayaan ang pag aaral niya ay alam niyang may malaking ibinaba ang grades niya kumpara sa mga naunang grado niya. Walang emosyon siyang naglakad sa hallway ng school nila ng makabangga niya ang isang tao. Hindi siya natumba dahil hindi naman malakas ang banggaan nila kaya ipinagpatuloy lang niya ang paglalakad. “Irish?” She stop for a moment at nilingon ang tumawag sa kanya. It was Sandro. Agad niya itong tinalikuran at umakto na parang hindi niya ito nakita. Ayaw niya ng gulo lalo at mamaya maya lang ay hahabulin ng kababaihan ang binata para makapag papicture. Tinawagan niya ang kaibigan niya at sinabing nandito sa kanilang unibersidad ang hinahangaan nito na si Sandro. Narinig pa niyang tumili ang kaibigan niya bago ibinaba ang tawag. Hindi naman siya against kay Sandro dahil talaga namang napakagwapong binata nito pero kung sakaling magkakagusto siya ay sa kaya namang tapatan ng kanyang braincells. ‘ayaw mo lang aminin na baka may gusto ka dun e’ Kung nagkatawang tao lang ang utak niya ay malamang kanina pa niya nabugbog. Masyadong pakialamera. Pagkadating niya sa opisina ng dean nila ay kumatok muna siya bago nila siya pinapasok. “Maupo ka miss irish..” Hindi siya kinakabahan, what for? As long as she was not failing then that’s okay. Hindi na niya pinangarap pang maging magna o summa cumlaude o anuman after her mother’s death. “ Nalulungkot kami na sabihin sayo na wala ka na sa dean list iha.. Last semester mo pa naman to ng fourth year..” “Ganon ho siguro ang buhay ma’am.. Minsan may mga pangyayari na magpapabago ng buhay natin, na it’s either we fight for it o hindi na. Sa akin kasi, Hindi ko na ipinagpatuloy..But I’m still glad na I was on dean’s list for almost three years of my college life..” sagot niya ng hindi nakangiti. Yes, She was sincere in saying those but to smile? There’s nothing to smile at. “ I hope you’ll be on yourself again iha.. Kung kailangan mo ng makikinig sayo, Alam mo kung saan ako hahanapin..” sagot nito at tumayo, lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na kanya namang sinuklian. “Thank you..”she whispered in a soft and small voice. “You’re very much welcome iha..” And with that, A simple smile appeared on her lips, but just for a second. ---------------------------------------------------------------------- Nakasimangot na nakatingin sa kanya si Krishna kinahapunan, pagdating niya ng kanilang inuupahan. Kinunutan niya ito ng noo, pero tinalikuran lang siya nito. Hindi na lamang niya pinansin at dumiretso sa kanilang kwarto. “Tss.. Pasimpleng mang agaw..” Tumaas ang kilay niya ng marinig ang sinabi nito. Nilapitan niya si Krishna at pinagkurus ang kanyang mga kamay. “May problema ka ba?” mahinang tanong niya rito. “OO..” “Makikinig ako..” Malumanay niyang sagot, kahit naiirita din siya sa paraan ng pagsagot nito sa kanya, pataas kasi ang boses nito kaya pakiramdam niya ay may kasalanan siya. “ Hindi mo sinabi na nag usap pala kayo ng matagal ni Sandro..” “And what’s wrong with that? It’s for school matters..” “So it is true..?” “Wait krishna, Don’t tell me you’re being jealous?” Sumimangot pa lalo ito at ngumuso. “ Eh kasi nagtanong siya kanina kung sinong malapit daw sayo..” Nagulat siya sa sinabi nito. Ano bang pumapasok sa utak ng taong iyon at dinadamay siya sa kaguluhan? “Ano? Sa karamihan ng estudyante niya tinanong iyon?” “Hindi, Sa akin.. kaya naiinis ako sayo.. Bat ikaw na walang pakialam sa kanya ang napansin niya..” Nakahinga siya ng maluwag ng malaman iyon. “Ah, sige tutulog na ako-“ “Matutulog ka ba talaga? Baka naman titignan mo na naman ang palagi mong-“ “tss. Sige sabihin mo, Agawin ko sayo yang Sandro mo jan e..” pang aasar na sabi niya na effective naman dahil hinampas siya nito sa kanyang balikat. “hmp! No way.. Akin lang ang asawa ko. Sandro is mine and mine alone..” anito na tinawanan niya lang. “edi iyo na. Di naman naging kayo e .” aniya at mabilis na pumasok sa kwarto nila at nilock iyong pinto. ‘Sorry Krishna, Mukhang sa sofa ka ngayon matutulog…’tatawa tawang sabi ng kanyang isip bago napagpasyahang buksan ang kanyang f*******: account. Hindi siya gaanong sikat sa f*******: dahil hindi naman siya madalas mag update. Kung magpapalit man siya ng profile ay madalas tatlong beses lang sa isang taon. Ganon siya ka active sa social media na halos inuuod na ang kanyang larawan sa social media ay hindi pa niya pinapalitan,depende kung maganda ang mood niya. There had been a hundred list of friend request, but her eyes fixed on something new, Alexander Milton. Mukhang kaa add lang nito sa kanya. Bago ring account dahil wala man lang post, and hindi naman naka private. Inaccept niya ito, and after a few minutes biglang nag chat ito sa kanya. “Hi, I know it may sound cliché but I always think of you the first time I saw you. I like how your eyes just fixed into me. I like how you smiled at me. I like how funny and comfortable you are with me… I hope one day to have a date with you..>3 She just tap the laughing sticker and decided not to reply. Maybe, One of the assh*le people again, trying to get her ass! ‘f**k that..’ Matutulog na sana siya ng tumunog ang cellphone niya. She picked it up and answered. “hello?” “Hi babe. How are you?” Kumunot ang noo niya, kusang umikot ang kanyang mga mata ng makilala ang may ari ng boses na iyon. It’s Marco Stallion, and yes, pangalan palang nakakaasar na para sa kanya, Lalo na sa apelyido nito, Bagay sa kabayo. “Marco, How many times do I have to tell you we’re not couple? And would never be!” “But I like you..” “It doesn’t count. I don’t like you nor will I ever like you. C’mon, Don’t be that desperate.. Gwapo ka and many girl’s were drooling just to get your attention-“ “I don’t even like them… You, I badly want you to be mine..” “Listen marco. This is the fiftieth time you’re calling me, and I assure you this is the last time. I don’t like you.period.” Narinig niya ang isang malakas na pagbagsak ng kung anumang gamit at ang isang malalim na paghinga. She was about to ended the call ng magsalita si marco sa kabilang linya. “Look Irish, I am not the kind of guy who will just give up because of you’re words. I will win you, I promise that. Kung hindi kita kayang makuha sa dasalan, Kukunin kita sa santong paspasan. Always remember that babe!” Pagkatapos ay ang tunog na namatay na ang tawag. It doesn’t scare her too much but her heart is. Baliw na talaga ang marco na iyon. Was it too much kung tanggapin nalang nito na hindi niya talaga magugustuhan. Napabuntunghininga na lamang siya bago inihiga ang katawan. After all, Who cares about marco’s hatred? ---------------------------------------------------------------------- Paglabas niya sa kanilang apartment kinabukasan ay nakita niya ang pulang sasakyan na nakaparada, at sa harapan pa talaga ng maliit na gate. Binuksan niya ang gate at nag cross arms habang hinihintay na lumabas ang kung sino mang naroon sa loob. Panandaliang umikot ang mga mata niya ng bumaba roon si marco. ‘Dang! Ang kulit ng lalaking to…!’ “What are you doing here?” She coldly ask. Ngumiti lang sa kanya ang huli, saka siya nito inabutan ng bulaklak. “for you babe..” Huminga siya ng malalim at tinignan lang ang hawak nito. “I already said to you marco, Stop courting me. Ano pa bang kailangan mong marinig para magising ka sa katotohanan na hindi kita kayang mahalin..” Derederetso niyang sabi rito habang nakasandal ang kaliwang balikat niya sa gate nila. “Bakit? May nagugustuhan ka ba? Sino?” “I don’t have any of that..” “Edi hayaan mo akong ligawan ka.. You always reject me.. Paano ko maipaparamdam ang pagmamahal ko kung palagi mo naman akong binabara..” “Marco kung pumunta ka lang dito para ipagpilitan ang gusto mo, I’m sorry but may mga importanteng bagay pa akong aasikasuhin..” sabi niya at akmang isasara na ang gate ng hinawakan nito ang kamay niya. “Please irish.. Just one chance..”anito at lumuhod sa harap niya. Malamig niyang tinignan ang binate saka inalis ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya. “Kahit lumuhod ka pa marco, I really can’t. Ayokong bigyan ka ng pag asa tapos sa huli ay sasaktan lang din kita..” Madilim ang reaksiyon nito sa sinabi niya. Tinignan siya nito ng may galit sa mga mata. “Ang sakit mong magsalita.. Lumuhod na ako’t nagmakaawa ay hindi mo man lang ako napagbigyan.. Stallion doesn’t beg, but for you I did… “ Ramdam niya ang galit nito pero nanatili paring walang reaksiyon ang kanyang mukha. Ang pamilyang stallion ang isa sa mga mayamang pamilya sa lugar nila, but most of them were too arrogant and that’s what she hates. “I didn’t ask for your love marco. It was you who’s trying to fit yourself to me, kahit alam mo na hindi kita magugustuhan..” Sinipa nito ang gate nila bago siya nito tinalikuran. Sa pagharurot ng sasakyan nito ay napahinga na lang siya ng malalim at yumuko. “I’m sorry marco..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD