Chapter 6

1158 Words
Florence Nakaupong mag-isa habang kaharap ang isang fountain, hindi ko pa rin mawala sa aking isipan ang sinabi ng kaibigan ko kanina sa akin. Ayaw ko nang abalahin ka pa, Florence. Iba na ito sa ating nakaraan. Malalaki na tayo. Kaya ko na ang aking sarili. Kung ako sa iyo ay pumunta ka na sa room ninyo at mag-aral na. Kahit na mukhang concern siya sa akin sa kanyang sinabi, alam ko sa kaibuturan ng kanyang pagkatao na may kinikimkim siyang galit sa akin, sa kanyang dating kaibigan na iniwan siya nang wala man lang pasabi bago iyon sa kanya. Ni hindi ko nga nagawang kumustahin siya nang ako ay pumuntang Amerika. Kahit na miss na miss ko na si Jamie noon, si Jamie na may mga bughaw na mata, minabuti ko pa rin ang walang komunikasyon sa kanya. Ganoon na ba ako ka makasarili na kaibigan na ginustong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang maliit na rason? Bakit ko ba nagawa ang pagkakamaling iyon? Katulad sa rumaragasang daloy ng tubig sa fountain ay ang aking samot-saring emosyon na naglalaban sa isa't isa para manaig at malaman ko kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman. Takot? Natatakot ba ako sa aking kaibigan? Hati ang magiging tugon ko tungkol diyan. Hindi ako natatakot kay Jamie, ngunit ako ay natatakot sa nagiging siya tuwing kabilugan nang buwan. Higit sa aking sarili ay mas natatakot ako para sa kanya. Galit? Nagagalit ba ako sa aking kaibigan? Hindi ko masabi, marahil ay ayaw ko lang aminin pati sa akin sarili. Galit ba ako dahil ayaw na niya sa akin? O galit ba ako dahil wala siyang alam kung bakit ako lumayo sa kanya? Kung magkagayon nga ay dapat na magalit din ako sa aking sarili, tinatanong ako ni Jamie kung ano ba ang dahilan at nagiging distansya na ako sa kanya, ngunit ako naman itong ayaw magsabi ng totoo. Maligaya? Dapat ba akong maging maligaya para sa aking kaibigan? Siguro nga ay oo, nakayanan niya ang nakalipas na wala ako sa kanyang tabi. Samantalang ako ay nanatiling namumuhay sa nakaraan, siya naman itong masigasig na hinarap ang hamon ng bukas at tuluyan na ngang naka-move-on. Dapat nga ay maging maligaya ako sa kanya higit sa takot at galit. "Florence! Florence!" Mula sa kailaliman ng aking pag-iisip ay napalingon ako sa aking likod nang may narinig akong sumigaw ng aking pangalan. Sino naman kaya iyon? "Florence!" ang huling sinabi niya bago huminto sa pagtakbo nang mapuntahan na niya ako sa aking kinauupuan. May hawak siyang papel. "Bakit, ano ang problema, Kyle?" tanong ko sa aking manliligaw na si Kyle Grait. "Ang problema ba talaga ang una mo na gustong malaman, may good news pa ako na sasabihin sa iyo." "May good news at bad news?" gulat na tanong ko. Hinarap niya ako at tumango bago magsalita, "Oo, may dalawang balita ako na dala sa iyo. Ngunit mas mainam na mauna mo munang malaman ang mabuti." "Sige, sabihin mo na." "Ang result sa exam mo sa Integral Calculus ay dumating na!" "Talag--" Pansamantala akong tumigil sa pagsasalita dahilan sa pumasok sa isip ko ang ideyang ito: kung iyan ang good news na dala sa akin ni Kent, malamang ang bad news ay...  "Kumusta ang score ko? Ang score ko ba ang bad news?" bahagya akong nag-panic sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Alam ko sa aking sariling hindi magiging mababa ang score ko sa exam kanina dahil nasagutan ko naman ang lahat ng tanong na sa tingin ko ay tama, ngunit bakit magiging bad news siya? "Hindi iyon ang tinutukoy ko, Florence. Tingnan mo." Iniabot niya sa akin ang hawak-hawak niyang papel na walang alinlangan ko naman na tinanggap at tiningnan. Gaya ng inaasahan ko ang papel na ibinigay niya ay ang naging result ng exam nakin kaninang umaga sa Integral Calculus. Nine-point-five sa total na 10 ang nakuha kong marka. Isa lang ang naging mali ko sa pagsagot. Ngunit alin sa mga tanong naman kaya iyon? Mula sa unang pahina ay hinanap ko ang aking isang natatanging mali sa pag-answer sa mga sumunod na pages. Na-perfect ko sa pagsagot ang lahat ng tanong sa first, second, at third page-- liban na lang sa ikaapat na pahina, sa pinakahuli na tanong. Tama ang naging sagot ko roon ngunit mali ang aking nailagay na letter sa blank. Instead of the correct answer of letter D, I mistakenly have wrote the letter C. "You are so smart, Florence! I am so proud that I am courting the smartest girl in the university!" maligaya na sabi ni Kyle na hindi ko matantsya kung ilang tao ba ang nakarinig ng kanyang sinabi. "Salamat, Kyle. Ngunit hindi ako matalino, you see, nagkamali ako..." "That is an understatement, Florence. You are the highest among the students who took the same exam in the university!" "Lahat lang ng Chem, Kyle. Napaka-exaggerated mo naman." "Hindi, Florence!" ipinagtaka ko ang pagtaas ng kanyang tinig. "Anong hindi?" "Liban sa kaalaman ng mga estudyante, ang lahat ng mga Engineering courses dito sa university na may hinahawakan na Integral Calculus ay pareho ang naging exam. That means na ikaw ang pinakamatalino sa Chemical, Mechanical, Electrical, Civil, Electronics..." "Sandali." Pagkarinig ko na sinabi niya ang kurso ni Jamie ay pinahinto ko muna siya. Nagtataka ay tinanong niya ako kung ano ang problema. "Alam mo ba ang naging score ni Jamie?" Pagkarinig niyang sinabi ko ang pangalan ni Jamie ay biglang nagbago ang kanyang aura. Kilala niya si Jamie since parati ko itong kinukuwento sa kanya. Minsan, kahit na alam ko sa sarili ko na nagseselos na siya dahil parating Jamie na lang ang bukambibig ko, nakangiti pa rin siyang nakikinig sa akin. Ewan ko, kahit na wala akong balak na sagutin siya, parang gusto ko lang na nasa tabi ko siya parati. Nag-aabang ng pagkakataon na mapaselos si Jamie gamit si Kyle. Ngunit bakit nagkakaganito ba ako? "Tungkol kay Jamie, Florence." Pansamantala siyang tumigil sa pagsasalita habang sine-secure niya ang aking atensyon sa pamamagitan ng pagtingin nang diretsahan sa mga mata ko. "Sa lahat ng mga naka-rank na pangalan ay siya itong nasa pinakaibaba. Walang score at naka-highlight pa." "Ano ang kahulugan kapag ganoon?" parang hindi ko gusto ang balitang ito... "Narinig ko ang topiko ng mga estudyanteng nag-uusap tungkol kay Jamie. They say that Jamie was caught cheating during the exam, and that is subjected to be expulsed." "What?" gulat na sabi ko. Mula sa aking kinauupuan ay tumayo ako. Hinarap ko si Kyle at hindi namalayang hinawakan ko na pala siya sa kamay." "Anong gagawin mo, Florence?" "Samahan mo ako." "Saan?" "Sa Electronics Department." "Alam mo ba kung sino ang naging proctor nila?" "Sino?" "Si Candice Patrimon. Ang anak ng may-ari nitong Zoldiac University." "Si Candice?" "Kilala mo siya?" "Oo." Bukod sa mga kano ko na naging kaibigan doon sa ibayong dagat, nakilala ko rin doon si Candice na half-American at half-Filipino. Mabilis kami na naging bestfriend ni Candice dahil sa parati kaming magkasundo sa halos lahat ng mga bagay. Kung ano ang gusto ko ay gusto rin niya. That is all nice back then, ngunit nang nakita ni Candice ang larawan ni Jamie, ayaw ko na ginugusto rin niya ang matalik ko na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD