Chapter 5

1403 Words
Jamie Habang nilalakbay ko ang hallway sa kasalukayan, kapuna-puna ang pagiging deserto ng paligid nito. Hindi kagaya sa mga ordinaryong araw ng pasok kung saan ang mga estudyante ay inookupa ang pasilyo, ngayon ay ako na lang ang tumatao sa lugar na ito. Siguro lahat ng mga estudyanteng nasa Electronics Engineering ay may exam. Siguro nga. Nang masapit ko ang intersection kung saan ang apat na hallway ay nagkasalubong, lumiko ako sa kanan para pumunta sa aking locker. Kailangan ko pang makuha ang exam permit ko roon na dapat ay i-presenta sa aming proctor para makakuha ng pagsusulit. Iyan ay kung pwede pa akong kumuha ng pagsusulit. Kahit na alam ko sa sarili kong lagpas na ako sa 15 minutes na palugit para sa mga darating na late tuwing may exam, kailangan ko pa ring subukan ang swerte ko. Kung tutunganga lang ako at tuluyan ngang susuko, masasayang lang ang aking mga naging hirap at pagod sa loob ng buong term na ito. Sana ay makakuha pa ako ng exam! Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarating na ako sa sadya kong lugar. Agad-agad ay tinungo ko ang aking locker at binuksan iyon sa pamamagitan ng pag-dial ng tamang combination ng mga numero. Nang mabuksan ko iyon ay kinuha ko agad ang aking exam permit. Sinarhan ko ulit ang aking locker at kumaripas na ng takbo. Kailangan ko na talagang bilisan! Pagkatapos kong tunguhin ang kabilang dulo ng hallway na pinagmulan ko kanina ay sa wakas nasapit ko na ang aking exam room. Lahat ay napatigil sa kanilang mga ginagawa dahilan sa ang presensya ko ay biglang sumulpot mula sa kawalan. Nagtataka, gayunpaman ay pumasok na ako sa aming room. "Bakit hindi pa nagsisimula ang exam?" agad na tanong ko. "Wala pa kasi ang ating proctor, Jamie," sagot ng kaklase kong katabi ng bakanteng upuan, kung saan ako ay umupo. "Wala pa siya? Mas late pa siya sa akin?" "Malamang." "Ano ba ang nangyari?" "Ewan ko, problema na niya iyon. Dapat ay ipagpasalamat mo na lang na late siya. Hindi ka na mag-aabala pang gumawa ng excuse mo para makakuha ng exam." Kahit na may halong kasungitan ang tono ng pananalita ng kakalase ko, nabatid kong may punto rin naman siya. Hindi na ako gagawa pa ng rason na magiging valid para lang makakuha ng exam kahit late. Ngunit hindi ko inaasahan na magiging ganito ang twist ng araw ko. Kahit na nawalan na ako ng tinik sa aking lalamunan ay pakiramdam ko parang mayroon pa ring mali. Ngunit, ano naman iyon? Inilagay ko ang aking backpack sa likod ng upuan ko at ipinosisyon ang sarili para i-review pa lalo ang aking mga pinag-aralan kagabi. This is now or again. I will pass this Calculus or retake it next term! Lumipas ang limang minuto ng pagsasagot ko sa tatlong sample problems na nakuha ko sa libro ay natapos ko nang lagyan ng box ang ikatlong final answer ko. Hinanap ko ang tamang sagot sa mga tanong na iyon sa likod ng libro, ngunit sa pagkadismaya ko ay wala akong may nakuhang tama. Patay ako nito mamaya! Habang tinitingnan ko kung saan banda ba ako nagkamali sa proseso ng pagsagot sa mga sample problems na nakita ko sa libro,  may narinig akong uri ng tunog na paulit-ulit at papalapit sa amin na nagmumula sa pinto. Curious, napalingon ako kung sino ba ang lumilikha ng mga footsteps na iyon. Nanlaki ang aking mga mata nang mamukhaan ko kung sino ang pumasok sa aming room. "Good morning, class!" bati sa amin ng babaeng nasagi ko kanina habang nagbibisikleta ako papuntang paaralan. Ang babaeng tinulungan ko kaninang tumayo at binigyan ng panyo, ang babaeng maganda na pinatingin sa akin ang kanyang likod kung may dumi ba ito o wala, at ang babaeng mabilis magpatawad. Ano ang ginagawa rito ni Candice? "Is this the class of ECE3D?" ang tinutukoy niya ay ang aming course, year, at section. Electronics Communication Engineering third year section D. "Yes miss!" synchronised na sagot ng mga kaklase ko habang ako naman ay tinitingnan siyang may pagkamangha. Hindi nga ako nagkakamali na siya talaga si Candice na nasagi ng bisikleta ko kanina. But how come she is here? Pwera na lang kung... "Then I think I will be first introducing myself before giving you the exam. Class, my name is Candice Patrimon, and I will be your Integral Calculus exam proctor for this finals." Patrimon? "The f**k!" tanging sabi ko dahilan sa pagkagulat. Tiningnan ko ang aking paligid kung mayroon bang nakarinig sa sinabi ko at sa kabutihang palad ay mukhang mahina lang ang pagkakabigkas ko ng mga katagang iyon: The f**k! Mayayari talaga ako sa buong paaralan kapag mayroong nakarinig na sinabi ko ang mga salitang iyon sa isang Patrimon! Sa kaalaman ng lahat, ang pamilya Patrimon ang siyang may ari ng unibersidad na ito. Dahilan sa mga ekpresyon ng mga mukha na nakita ko sa aking mga kaklase, walang duda, tama nga ang narinig ko. Patrimon. "Miss Candice. Kaano-ano niyo po ang may-ari nitong paaralan?" tanong ng kaklase kong nabagabag dahil sa kanyang nalaman. Dahilan sa nasabi na niya ang palaisipan na mayroon sa isipan naming lahat na magkaklase ay naghintay na lang kami sa magiging sagot ni Candice. "Oh, I am sorry! I have forgotten to say that I am the daughter of the owner of Zoldiac University." Natigilan ang lahat sa kanyang sinabi. Anak siya ng may-ari nitong unibersidad? "By the way, nandidito na ba ang lahat?" tanong niya sa amin bago nagsimulang magbilang nang tahimik. Ang mga kaklase ko ay nagkatinginan pa at mukhang hindi alam kung ano ang gagawin sa impormasyon na ngayon lang namin natuklasan. "Is your class number is 28?" turo niya sa taong nakaupo sa pinakadulo na upuan sa likod. Kung tama ang pagkaka-interpret ko ng gesture niya, ako ang tinutukoy niyang ika-28. Kahit na nag-aalinlangan na sumagot, kinumpirma ko ang kanyang tanong, "Yes, miss!" "Then we are all set! You'll give me your permit, in exchange I will give you the questionnaire. Just read the instruction very well. If you have any concern regarding the exam, just approach me. I don't bite." Pagkatapos niyang magsalita ay nagsimula na siyang magbigay ng test paper sa pinakaunang upuan sa kanan sa harap. "Just to tell you ECE3D, I don't tolerate any act of cheating. As a bona fide resident of this university, you should be aware what it is that is written on you student's code of conduct. If I will caught you doing cheating, your worst case scenario would be expulsion. Don't start until I said." Pagkatapos niyang magasalita ay dagliang sumulyap siya sa akin. Dahilan sa hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ipapakita ko sa kanya, mas minabuti ko na lang na magmukhang seryoso. Mula sa akin ay binaling niya ulit ang pansin sa pamimigay ng test paper. "Jamie, narinig mo naman diba ang sinabi ni miss Candice?" nagsalita ang katabi ko ng upuan. "Oo, nakakatakot nga siya e." "Dapat lang na matakot ka. Itago mo na iyang kodigo mo." Pansamantala akong natigilan sa kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? "Anong kodigo?" "Iyang nasa ilalim ng exam permit mo." Mula sa kanya ay nilipat ko ang aking tingin sa mga papel na nakalapag sa armchair ko. Sa likod ng permit ko para makakuha ng exam ay naka-exposed ang ilang bahagi ng isang papel na tinukoy ng kaklase ko na isang kodigo: A, D, C, A, B, B... "The f**k!" "Huwag kang magsabi na napunta lang diyan nang hindi mo nalalaman?" "Hindi talaga!" tiningnan ko kung para saan ang kodigo at gaya ng inaasahan ko, ang nakalagay roon ay para nga sa exam na ito.  Agad-agad ay niyukot ko ang papel ng kodigo at tinago iyon sa bulsa ko. Inayos ko na rin ang aking upuan at hinintay na magpalitan kami ni miss Candice ng exam permit at questionnaire. "Okay everyone, you may now start! Finish or not finish, pass your answer when one hour and thirty minutes has passed by!" At nagsimula na nga kami. Bago ko simulan ang pagsagot ay sinigurado ko muna ang paglagay ng pangalan ko. Mahirap na kapag nalimutan pa. Test I: Integrate the following. Kahit na inaasahan ko nang tama ang nakalagay sa kodigo na napunta sa akin sa hindi ko alam na kadahilanan, ikinagugulat ko pa rin sa tuwing nagiging tama ang sagot ko basi sa kodigo. One to seven: A, D, C, A, B, B... "Jamie, ano ito?" bigla akong nanigas sa aking kinauupuan nang marinig kong nagsalita si miss Candice. Dahan-dahan ko siyang hinarap na may nagtataka na ekspresyon para lang makita ang kodiko na tinago ko sa aking bulsa na hawak-hawak niya. "Looks like you are using a cheat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD